by
on
under , , , , ,
tagged , , ,
Permalink



Disclaimer: Definitely Filipino is a community blog. All who write for this blog are independent, unpaid authors. All views, content, images are the responsibility of their respective writers and not of Definitely Filipino. Please contact the author directly with questions about this article.
Send a private message to author OnlyBetterMe


  • Latest Posts

Zodiac Sign and Love

Sa ating mga Pilipino, bahagi na ng ating buhay ang tumingin sa horoscope tuwing may pagkakataon na makakita nito sa dyaryo o kahit saan pa. Minsan nga ay batayan na ito ng ilan sa atin sa kung ano ang mangyayari sa partikular na araw. Dito rin daw malalaman mo ang dapat mong gawin patungkol sa Lovelife, Business, Career/Job at kung anu-ano pa.

Aminado ako na isa ako sa mga nagbabasa ng horoscope ko tuwing makakahawak ako ng isang pahayagan. Matapos kong mabasa ang headline, hahanapin ko naman ang entertainment section ng broadsheet. Sagittarius ang Zodiac sign ko. Nagsimula akong magkaroon ng interes nung ako ay nasa high school na. Marami na rin akong nabasa tungkol sa “ARCHER” sign na ito at masasabi kong naging malaking bagay na rin sa akin ang paniniwala dito. Hindi ko naman sineseryoso minsan ang mga nalalaman ko. Nakakatuwa lang talaga na may pagkakataon na tumutugma ang forecast at nangyayari talaga ang mga nabasa ko. Pero ganon talaga eh. Posibleng mangyari dahil sa dinami-rami ng tao, siguradong may pagkakatulad ang lahat ng pangyayari sa buhay tulad ng bawat segundo, maraming sabay-sabay na nanganganak, humihikab, at iba pa. Nakakatuwa lang din isipin na sa kababasa ko noon, pati na yata lovelife ko, nakabase na rin sa horoscope.

Ako, bilang isang Sagittarian, ang Highest compatible signs daw sa akin ay Aries, Leo, Aquarius, Libra at Gemini at hindi naman daw ako compatible sa Cancer ayon yan sa Wikipedia. Sa madaling salita, NOON, nais ko na makakilala at magkaroon ng boyfriend na nabibilang sa mga Zodiac signs na nabanggit. Bata pa kasi ako noon kaya madali akong maimpluwensiyahan ng kung anong nabasa ko. Bukod sa sarili kong sign, titingnan ko rin yung iba pang signs para alam ko rin ang mangyayari sa kanila. NGAYON, nagbago na ang paniniwala ko rito. Natatawa na lamang ako kung gaano ako nagpaapekto sa horoscope. Nagkaroon ako ng mga kasintahan na kabilang at hindi rin kabilang sa mga nabanggit na compatible sa akin pero ang ilan, tumagal naman at ang iba hindi. Tulad ng ex ko, pareho kaming Sagittarius, ang sign na ayon sa Wikipedia, nasa category ng “High Compatibility” ngunit nauwi din kami sa hiwalayan.

Ang Love ay tunay na mahiwaga. Kahit ang horoscope ay hindi masasabi ang mangyayari sa inyong relasyon bilang magkasintahan, magkapamilya o magkaibigan. Marami din kasi akong kilala na umaasa at pinapatakbo ng Zodiac signs ang relasyon na kung tutuusin ay hindi naman talaga tama. Ginagalang ko naman at nirerespeto ang paniniwala ng ilan ukol dito pero kung masama na ang epekto sa inyo, kayo na ang bahalang magdesisyon.

Sabi nga ni Zenaida Seva, kilala sa Umagang Kay Ganda sa paghahayag ng horoscope, “Gabay lamang sila, Meron tayong free will, gamitin natin ito”. Totoo iyon. Nasa inyong desisyon na kung paniniwalaan ninyo nang lubusan. Hindi rin naman talaga 100 percent reliable ang horoscope at walang nakakaalam ng hinaharap kundi ang Diyos. Nabubuhay tayo ayon sa Kanyang kagustuhan at tayo rin ang gumagawa ng ating kahihitnatnan sa hinaharap. Kung ano tayo sa kasalukuyan ay epekto ito ng ating nakaraan. Hindi basehan ang kung ano pa mang prediksyon o hula o kung ano pa man sa araw-araw na pangyayari sa ating buhay. “Spontaneity” ang tawag ko dito dahil spontaneous naman talaga lahat. Huwag natin ipaubaya lahat sa horoscope. Salamat. 🙂

About OnlyBetterMe

A Registered Nurse, A Singer, A Sweet Girl and A Very Good Friend. In Search of TRUE and LASTING Love but not in a hurry. :) I am not a good writer, nor a blogger but I love writing, and I see to it that I write from the heart and out of insanity at times. "Write to express, not to impress". Please bear with me. Thank you and God speed.
  • anu b talga parang is so hard.

  • JUNE..AKO…

  • ben

    love

  • ben

    love

  • ben

    love

  • ben

    love

  • howardlamboson

    BAKIT PO AYAW KONG PUMAYAT

  • jennalyn

    funny. I’m a libra. To be honest, I really wanted a sagitarius to be my lifetime partner. I know some couples who belonged in that signs that were succesfull today. Kya bago ko nalaman na ang libra and sagitarius were compatible, nkamindset na tlga na sagitarius ang gsto ko. Pro hnd nman sarado ang puso ko sa ibang signs.ü

  • WLA LNG

  • Angie0522

    hahahaha! nice one. so true. yan yata ang una kong tinitignan sa newspaper. nakakatawa lang kasi na nababasa ko yung ginagawa ko. kahit alam kong hindi totoo, tinitignan ko pa din. daig pa yung headline. 😀

    • OnlyBetterMe

      Thanks for reading Angie0522! 😀 Totoo yan. until now, ang mga pinoy mahilig parin magbasa ng horoscope. 🙂 God bless!

  • sirronn

    cant help but smile habang binabasa ko tong blog mo…nakarelate? hehe.. even now, i’m still reading horoscope and napapailing na lang ako whenever super layo ng mga nakasulat sa aking zodiac… 😀 nice one! ang sipag mo huh 😉

    • OnlyBetterMe

      haha! 😀 masipag sa kalokohan. hehe. 🙂 masipag ka namang mag-comment sirronn! Ganyan lang ako magsulat, pag walang magawa. salamat ah!

      • sirronn

        my pleasure 🙂 actually now lang ako mejo nagkaron ng time magcomment, napaaga lang ng out sa ofiz :D… hope to finish some of my blogs too 🙂

        • OnlyBetterMe

          Ah kaya pla. Sobrang busy ka sigurong tao 🙂 Aasahan ko ung upcoming blogs mo. 😀 hehe

  • Simply iSh

    Nakakatuwa ka naman Raf, binasa mo na lahat! 😀 Makulay naman lahat ng buhay, hindi mo lang siguro nakikita yung sayo. hehehe. Syempre dapat may pagka-comedy din ang buhay kasi boring pag walang ibang pangyayari. Hindi maganda kung drama lang lagi. 🙂 Salamat sa pagbabasa ah.Buti naman at natatawa ka na! 😛

  • raf

    ahahahahahahahaha nakakatawa tong Blog mo na ito ahaha panalo LOL!!!!! ahahahahaha sa tv ko lng napapanuod yun mga ganitong scene eh yun masyadong fanatic sa horoscope or sa mga hula hula, teka anu nga ba yun palabas na napanuod ko??? aaahhh commedy love story yun eh ahaha bsta nakakatawa ahahahahaha ang cool ng buhay mo ah!!!!! 🙂 napaka kulay!!!! ahahahahahaha mern knang drama at eto para sakin comedy mern kabang action at horror? 🙂 I’m looking forward sa mga susunod mong blog ahahaha 🙂 siguro nakakarelate din ako dito sa blog na ito in the sense na nung highschool ako mahilig din ako magbasa ng diyaryo pero hnd ko unang tinitingnan yun horoscope column, ang inuuna ko yun mga kwento na pwede subaybayan tapos yun column na madaming naghahanap ng txtmate ahahahaha uso kasi dati yun txtmate txtmate ahahaha nakakatawa. 🙂