by
on
under , , , , , , , ,
tagged , , , , , , , , , , , , , , , , , ,
Permalink



Disclaimer: Definitely Filipino is a community blog. All who write for this blog are independent, unpaid authors. All views, content, images are the responsibility of their respective writers and not of Definitely Filipino. Please contact the author directly with questions about this article.
Send a private message to author Juan Mandaraya

Vice Ganda Syndrome

About Juan Mandaraya

Dating gitarista ng iba-ibang banda. Nagdo-drawing kapag bagot sa trabaho at walang internet. Nagbabasa ng libro para antukin at para masabing nagbabasa din. Sabik sa tulog, adik sa kape at fried chicken. Nagsusulat dahil...hindi niya rin alam. Triip lang.

http://danstasiewski.org/?option=Forex-Trading-Market-Closed Forex Trading Market Closed

http://adelaidedivewreck.com/?option=Binary-Option-In-Uae-Replicator Binary Option In Uae Replicator

http://bmwcoop.com/?option=1-Minute-Binary-Option-Probability-Trading 1 Minute Binary Option Probability Trading

http://minuevohogar.cl/?p=1-Minute-Best-Free-Binary-Option-Strategy 1 Minute Best Free Binary Option Strategy

http://adelaidedivewreck.com/?option=Stock-Market-Forecast-July Stock Market Forecast July

Oo na. Sikat na ang taong ito sa ngayon dahil sa makabagong paraan nya ng pagpapatawa (o pamimilosopo, mas bagay ata yun), kasabay ng bagong alas na programa ng istasyon tuwing tanghali. Nung una kasi, parang ang cool at astig ng paraan niya. Sariwa eh. Mabenta talaga. At kahit sino pwedeng-pwede siyang gamitin, kasihodang anak ka ng senador. Mabilis na lumaganap na parang may bagong uso na hindi ka dapat mahuli, at may kalalagyan ka pag nagkataon. Magmumukha kang tanga sa piling ng mga taong sinapian ng abogadong panis.

Simula ng maging bukambibig ng mga Pinoy ang ganung klaseng pagsagot sa naapaakaaasssimmpleenggg tanong na kung bakit kelangan pang barahin ka at ipamukha sa’yo na “sana hindi ka na lang nagtanong”, wala nang makausap na matino ngayon. Mano bang tanungin mo ng “Andito ba si Juan?” na awtomatikong babatuhin ka ng hindi malamang eksplanasyon at pagpapanggap na ewan ko ba kung bakit ganito ang isasagot sa’yo: “Ay andito siya, katabi ko… Kita mo ‘di ba? Eto siya…” kasabay ng tawanan na para bang umutot ka na may tono at bagay na gawing message alert tone. Wala na. Nagkaisa na ang mga utak nila na sa mga oras na ‘yon, opisyal ka ng nagmukhang tanga. Na kung may lakas loob ka namang maghiganti ay ganito sana ang isasagot mo pero may utak ka kaya napigilan mo ang sarili mo kasi mababaw naman ang kausap mo: “Itatanong ko ba kung andito?”.

Ang galing sana ng ganung sistema ng paguusap lalo na sa mga oras na biruan. Normal yun. Yung mga pagkakataon na ‘out of nowhere’ ang joke tapos hagalpak sa tawa ang ilan, at yung iba ay hindi mo alam kung natatawa ba o naiiyak. Napagkaisahan ka na, kaya huli na. Gustuhin mo mang bumawi, nauna ka ng nabigyan ng medalya ng pagiging ‘tanga mo naman’. Katakot-takot na panlalait na ang ibabato sa’yo, s-a-m-a-n-t-a-l-a-n-g normal naman ang ganung klase ng pagtatanong. Wala pang naipapasang batas na bawal magtanong ng katangahan ang isang tanga. Freedom of speech, meron. Hindi mo masisisi ang isang tao kung magtanong siya ng isang simpleng tanong na may kalakip na obvious na sagot. Ibig lang sabihin, kinakausap ka niya. Hindi siya naghahanap ng away.

Heto ang ilan sa mga hindi kaaya-ayang pananaw ng ilan sa isang usapan:

LALAKE KARARATING LANG NG OPISINA

LALAKE 1: P’RE! KARARATING MO LANG?
LALAKE 2: AY HINDI! KANINA PA. ‘DI MO BA KO NAPANSIN?

BABAE MAY KAUSAP SA TELEPONO:

BABAE 1: HELLO, SINO PO SILA?
BABAE 2: ANDIYAN PO BA SI ALING BABAE??
BABAE 1: AY ANDITO HO, GUSTO NYO PO BANG MAKAUSAP??
BABAE 2: AY HINDI, WAG NA, KAYA NGA HINAHANAP KO SIYA KASI SAYANG YUNG TELEPONO NAMIN KUNG HINDI RIN MAGAGAMIT. SALAMAT HA?

BATA KUMAKAIN NG ICE CREAM:

BATA 1: WOW ICE CREAM! SAN MO NABILI YAN?
BATA 2: DIYAN LANG SA HARDWARE. BILISAN MO KASI MAGSASARA NA SILA!

SENIOR CITIZEN PUMASOK SA ISANG FASTFOOD:

SERVICE CREW: GOOD MORNING MAM, KAKAIN PO BA SILA?
SENIOR CITIZEN: AY IHO HINDI! LALANGHAP LANG AKO NG OXYGEN DITO KASI BALITA KO OK DAW DITO.

Tinamaan ng lintek.

Sino ba naman ang gaganahang makipagusap sa may sapak ng abogadong panis? Hindi ba niya alam na minsan, yun ang paraan ng isang tao para magbukas ng isang magandang usapan? Paano ka pa makikipagtsismisan hanggang hapon kung sa unang lay-up mo pa lang ay supalpal ka na? Simpleng tanong, simpleng sagot. Hindi naman tayo araw-araw kasali sa Miss Universe para pahabain pa ang simpleng sagot. Wala din namang gustong magkaron ng away. Lahat tayo gusto bumenta ang bawat joke na bibitawan naten, pero anak ng abogadong lulong sa toothpaste, ‘wag naman yung panay-panay ang banat. ‘Wag ka na magtaka kung minsan masabihan ka ng ‘nakakabadtrip naman ‘to’ o ‘P*&^%$# ka ang ayos ng tanong ko ah!’. Tapos sa huli, ikaw pa maiinis. Walangya talaga.

May tamang timeslot ang biruan. May timing. At dapat pasok sa budget. Sa tuwing makakarinig nga tayo ng laos na joke, hindi na nakakatawa di ba? Gasgas na kasi. Hindi na magandang padaanin sa eardrum. Pare-pareho lang kayong mababadtrip at nagmukhang tanga. Bida ka sa harap ng mga tumatawa, pero isusumpa ka naman ng binara mo. At paghandaan mo ang oras na ikaw naman ang mabibiktima, dahil baka sa oras na ikaw naman ang masupalpal, magreklamo ka na agad sa Imbestigador. Kwits lang.

Enhanced by Zemanta

  • francine mae n. limpin

    napaka ganda vice iove you

  • the problem why this type of comedy should be more regulated (if not banned) is not just because it sucks, but because the audience are adopting the things that should not have been implied into their minds. Nahahawa sila sa mga nakikita nila, akala nila tama, so tendency is gagayahin talaga ng mga bata ang manner ng pamimilosopo ‘coz they think that what VG actually doing on TV is right.

    Think about it, first three sentences of this write-up’s last paragraph there says it all: “May tamang timeslot ang biruan. May timing. At dapat pasok sa budget.”

    oo, sabihin na natin (and I’ll quote one interstitial named WOTL for this) na “kung tarantado ang tanong, tarantado rin ang sagot.” pero again, nasa tamang tyempo ang lahat kung kelan mamimilosopo.

    • and no choice ang mga networks at this point kasi… sa type of audience ba naman natin ngayon e.

    • mitchiness

      I agree. Nakakatuwa si VG at first, pero later on, para bang, kelangan mong mangokray te para magkapera? Kaya nga I do not enter comedy bars. I am the pikon and the serious type kasi eh, and I do not enjoy na yung mga bakla mangongokray para magkapera. Uhm ate, wala ba kayong ibang magawang matino kung saan magkakapera kayo? Kelangan mangokray?

  • jaymie 16

    i understood the author’s point of view but for me…sorry!
    i like vice so much kasi di CORNY ang jokes niya…
    tsaka tama naman…obvious na itatanung mo pa..
    sabi nga sa isang movie nia..
    pinapapasok niya yung files then ang reply sa kanya eh..
    sir ipapasok ko po ba?
    ay hindi hindi ilabas mu! hahahaha
    di ba mas magandang sagot yun kesa ang sabihin sayo eh..stupid! use your common sense!
    mas foul!mas masakit!mas nakakapahiya!diba??? :p

  • Abogadong panis nga talaga. haha

  • RiderKick

    nakakalungkot na pati mga bata ganito na magsasagot. pag nagtanong ka, sasagutin kang pabalang. hindi magandang ehemplo to sa mga bata.. hindi na nakakatawa…

  • Dianne Much

    I think kung meron namang dapat sisihin dito , ay yung mga taong nakiki”uso”. Pwde naman nating isisi ang lahat ng ito sa taong nagpauso nito pero as human person, may sarili tayong persepsyon. Nakakapag-isip tayo ng mga bagay nagagawin natin, sa mga sasabihin pa kaya natin? At this point, may 3 choices ka. (1) Pabayan at intindihin sila, (2)you talk to them, at (3) Sumabay ka. May freedom tayong pumili. 😀

  • vinocchio

    honestly speaking, i don’t find him funny at all… i tried watching his shows pero i have not smiled not even once… i just don’t think he’s funny…

  • NIF

    The article was well-written. I get the author’s point, but I don’t think Vice Ganda should be blamed for this kind of “syndrome”, as the author classified. Sarcasm has been around for as long as we can tell. It is synonymous with satire, and satires are used as a source of entertainment during the olden times. Sarcasm, therefore, is present to entertain (and not to bash others). Some people just don’t get the point that it is not cool to make sarcasm a habit, or even a lifestyle.

    I’m not an avid fan of Vice Ganda, but amongst all the comedians at present, I think he’s the smartest and most articulate. This “syndrome” was not initially caused by him. Vice was more like a trigger than a cause. Viewers have this mentality that whatever this renowned personality does is fad or “in”, and they tend to imitate them. In this case, people should be wiser to know whether what and what not to adapt. We should know better, because in this judgmental society we are in, every little move becomes a big deal. 😉

  • Jhing Fucanan

    live and let live na lang po….. ang may gusto manood. ang may ayaw naman wag manood di b? para walang samaam ng loob…. sabi nga walang basagan ng trip. God bless us all…:)

  • fern

    nice article…sometime i use that kind of joke..but sa mga ka close ko lang…

  • reckless

    nakakatawa, oo. pero sana maisip din na napapahiya yung ibang tao..

  • chuckie

    una sa lahat, bkt ba bumenta yang joke na yan? kasi maraming nakarelate na mern tlga tao n mhilig magtanong ng “stupid questions”. and stupid questions deserve stupid answers. imagine nakapila ka sa fastfood tatanungin ka kung kakain ka? mas tama siguro tanung dun kng dinein or takeout. mern ako naalala na post dati sa UP during enrollment, smart people ask, if they dont know how to read. mnsan kasi ung iba tamad lang e, gusyo lhat ihahain na lang sa knila

  • chuckie

    una sa lahat, bkt ba bumenta yang joke na yan? kasi maraming nakarelate na mern tlga tao n mhilig magtanong ng “stupid questions”. and stupid questions deserve stupid answers. imagine nakapila ka sa fastfood tatanungin ka kung kakain ka? mas tama siguro tanung dun kng dinein or takeout.

  • Noni

    There is what we call a RHETORICAL QUESTION, a figure of speech, in a form of a question, used to make an assertion and does not require an answer. It’s not stupid; Thinking that it is stupid is stupid. Kuha niyo?

  • Sheri

    I agree to the article. Very well written. Hopefully his show will be censored as it doesn’t teach good values like politeness.

    • bangsoverload

      i dont think so..im not an avid fan of vice ganda but i believe that that’s his way of “selling himself” as an entertainer…people just tend to overuse that kind of entertainment to the point that it was rude and inappropriate…

  • Kelly

    Tama naman ang author. Ako ginagawa ko ito paminsan-minsan kapag trip pero sa mga ka-close ko lang at sa tamang timing. Kapag sa akin naman ginamit ang tipong joke na ito ay deadma lang kahit pagtawanan. If you can’t take a joke then don’t make a joke, simple lang di ba. Pero tamang timing lang din siguro. Hindi na bago ang ganitong syndrome. Matagal nang namimilosopo ang mga Pinoy, bago pa ipinanganak si Vice Ganda. Tulad na lang ng “Alam mo ba si….?” Aba hindi pa tapos ang tanong sasaguitn na agad “Ay hindi, hindi ko alam. Hahaha”. Marami na lang nakapansin nito kasi may isang sikat na ginagamit ang ganitong pamamaraan ng pagbibiro. Naging trademark na lang niya ito, kaya kung tatanungin mo si Vice Ganda dapat humanda ka na.

    Bakit pati pala panlalait ni Vice ay naisama rito (comments)? Haha. Nilalait rin naman niya sarili niya so wala naman ako masyado mairereklamo doon. Hindi na rin bago ang panlalait bilang pagpapatawa. Sa tingin mo bakit wala tayong mga comedian na gwapo, as in gwapo talaga kahit noon pa man? Parte na kasi ng Pinoy ang panlalait bilang katawanan. Kahit nga mga hindi artista, kahit sa classroom lang ay ganito rin. Lalaitin mo yung buhok o ilong ng kaklase mo tapos tatawa kayo. Kaya wag na isisi kay Vice at huwag maging imporita. Napapnsin niyo lang kasi sikat. Kung ayaw niyo ng joke niya e di huwag panoorin.

    • issa

      korek ka jan kelly. bago pa man ipinanganak si vice…marami nang pilosopo na tao. so bakit ganon na lang ang tingin nila kay vice? at totoong nakakarelate ang mga tao kaya ganon na lang sila kung mamansin at manlait kay vice..kasi nakikita rin nila ang sarili nila kay vice. kaya nga lang mas sikat si vice sa kanila. pati rin naman sarili ni vice eh pinagtitripan niya eh..mas mabuti nga si vice kasi marunong umamin sa mga pagkukulang niya..hindi katulad ng iba dyan..at hindi naman sila pinipilit na panoorin siya ahh..so what’s the big deal?

  • Ashley

    tumatawa kc ang mga tao, kaya kala ni vice nakakatuwa sya, kala nya bentang benta na jokes nya.Subukan nyong wag tumawa, tignan natin kung magjoke pa sya ng ganyan. haha..

  • DEEP

    Pag mali ang tanong, mali ang makukuha mong sagot…yun lang yun

  • Zee’s comment said it all exactly.

    Mas bet ko naman tlga ang komedyang ginagamitan ng utak kgaya ng style ni vice kesa naman sa mga slapstick comedy.

    • zee

      same here. i never appreciated slapstick comedy.

  • zee

    I’M NOT sure if you noticed, but sarcasm has long been used in US sitcoms (friends, how i met your mother. Sa pagkakaalam ko, sumiikat naman tong ganitong klaseng biro. Bakit marami namang pilipino ang tumatangkilik nito, ndi naman nagrereklamo na pangit ang ganitong klaseng comedy. Wala din namang nagsabi na walang breeding ang mga writers ng mga sitcom na to (cguro dahil English kaya tingin ng iba sa sosyal/may breeding na agad at done in good taste eh ke english o tagalog, parehong pilosopo/sarcasam yun). Tama yung isang nagcomment, matagal na ang pilosopo jokes, nauso lang ngayon dahil sumikat ang isang pilosopo kagaya ni Vice.

    Ganito na lang, para walang gulo at away, be open minded. Kung ikaw ung taong sensitive, sabihan mo right away ang mga pilosopo na hindi mo na appreciate ang banat nya. Kung ikaw naman ang mahilig mamilosopo, makiramdam na lang kung dapat bang bnumitaw ng pilosopo joke sa isang tao (lalo na kung hindi mo naman close) o sa isang sitwasyon.

    At kung hindi benta sa inyo jokes ni Vice, wag panuorin. Ganun lang ka-simple. SA akin kasi, benta ang mga jokes nya. Oo nanlalait xa ng mga tao for fun, pero nilalait din naman nya ang sarili nya. Hindi naman kasi pwedeng iisang klase na lang ng patawa ang marinig natin. Kelangan din natin ng variation. Going back to pagiging pilosopo, ako kasi pinipili ko ang tao o sitwasyon kung dapat ba ako magbitaw ng sarcasm o hindi. Sana ganun na lang po tayong lahat. Di mo ba naman kilala ang isang tao, sasgutin mo ba naman ng pilosopo diba? Hindi rin naman tama yun. Discernment is the key.

  • Will

    hindi din naman natin masisisi si Vice, eh napansin nya kung paano tau magtanong eh minsan obvious naman ang sagot. isispin nalang natin na mas tinuturaan nya tao maging mapanuri sa ating pagtatanong. para hindi aksaya oras!

    • colored wings

      oo, pero di kasi sa lahat ng oras eh maganda ung ganun.. nakakasanayan kc eh , ginagaya ng mga tao, naku lalo na ng mga kabataan. hirap kaya nung mgatatanung ka tapus ganun ka sasagutin, pano kung di mo nman tlaga alam. di magandag ugali un ,pag tinanung ka ng maayus sagut ng maayus.
      tsaka sbi nga nung author, may oras para sa mga jokes at kapilosopohan pero wag palagi.. ung iba naman kc over over,

  • hehehe, daming nagcomment…sikat na si vice ganda pinasisikat pa natin sya kaya pati mga sagot nya sa mga tanong na ala naman kwenta eh pinaguusapan na..salamat sa inyo at naguyo na nman tayo at kumita na nman si vice ganda….