by
on
under , , ,
tagged , , , , , , ,
Permalink



Disclaimer: Definitely Filipino is a community blog. All who write for this blog are independent, unpaid authors. All views, content, images are the responsibility of their respective writers and not of Definitely Filipino. Please contact the author directly with questions about this article.
Send a private message to author buenalaoang

PRIVATE DIARY (kung judgmental ka , huwag mo itong basahin)

Mukhang wala ako sa katinuang magbahagi ngayon. Huwag mo na rin basahin at baka kung ano pa’ng makuha mo. Hindi ko lang talaga alam kung saan ako dadalhin ng pakiramdam na bumabalot sa akin, kaya minamatamis kong ibuhos na lang sa pahinang ito.


Minsan man lang, tumigil ako nang bahagya. Ano kaya kung wala muna akong isiping iba, ako lang? Lagi ko na lang kasi ‘yon ginagawa- ang isipin ang iba. Hirap na ako.


Araw-araw nakakulong ako dito sa bahay, ginagawa ang mga bagay na marami nang mga ina ang umiwas- at tinawag natin silang career women.Magagalit sakin ang ilan, pero totoo ito. Yung iba lalo na kung single mom kailangan talagang kumayod, at mabuti na lang may kamag-anak na puwedeng tumingin muna sa kanilang anak habang wala sila. Pero marami- kahit labis-labis na ang mayroon sila ay iiwan ang maliliit sa kung sino’ng makaalaga, para sundan lang ang kanilang mga pangarap na tala. 


Minsan naiisip ko ring subukan ‘yon- yung mas isipin ang buhay ko, kaysa sa kanilang mga bata. Noong hindi ko pa sinubukan na maging full-time na ina sa tatlong anak, akala ko din noon- heavenly escape ang tumambay na lang sa bahay kasama sila.Pero ngayon ay alam ko na – wala sa lugar ang career mom na sabihin sa isang tunay na “maybahay” and katagang mas nahihigitan kita. 


Kung sa nanay na kumpleto sa mga katulong at padala, mas higit pa rin ang career mom. Pero sa talagang naiiwanan ng asawa para pagsilbihan ang loob ng tahanan – at hindi man lang natatanaw ng sariling kapamilya – saludo ako sa kanila.


Ako naman ay may ibang kuwento. Hindi sapat ang sahod ng iisang kumakayod para sa tatlo naming anak, wala akong nanay at tatay na mapang-iiwanan sa mga bata, ang mga kamag-anak ko naman ay may kanya-kanyang buhay na iginagapang sa paghihikahos. Ang pamilya ng asawa ko’y lahat maykaya, kaya may kanya-kanya ding pinagkakaabalahan. Kaya ako ang naiwan (at dapat lang na umako) sa gawaing-tahanan, at sinisikap palakihing wasto ang mga anak, pinipilit makita ng asawa na maganda ang pamilyang sama-sama, magtulungan para maluwag na makahinga ang isa’t isa.. kalimutan na minsan, naging iskolar din naman ako ng bayan. 

Hindi naman sa pasan ko na ang mundo, o siguro ako na ang duwag na sumusuko. Pero kasi kapag nagkukuwento ako o nagsasabi ng kahinaan, humihingi ng damay, ay hanggang tango lang sila at mukhang di naman nakikita ang sitwasyon ko; nakangiti sila at sinasabing, “okay lang yan!” samantalang di ko maisip paano igagapang ang sarili ko at ibalik ang mga pangarap. Minsan dumarating ako sa puntong parang di ko na makita ang pag-asa, lalo na sa mga mata ng ilang taong walang ibang nakita kundi sarili nila.


Yap, ang hirap. Hindi birong pinangarap ng aking ina na magtapos ako sa unibersidad para matupad ang aking pangarap, at ako naman ay binuno ang lahat ng hirap para makamit bawat tagumpay na lagi kong inialay sa iba. Pagka-gradweyt di ako agad nagpasuweldo; naglibot muna ako sa komunidad para ipahayag sa kabataan ang pag-asa ng edukasyon. At nung sumuweldo na nga ako, inilaan sa mga magulang, at sa kapatid na shift ng shift sa mga kursong nais pagtapusan.


At makaraan ang mga taon ni hindi maalala ng kapatid ko ang nilalaan sa kanya kaysa bumili ako ng bagong pantalon. Ang tatay (tinuring nga ba niya akong anak?), pinapalayas pa ako sa lupang sa kanya lamang daw hanggang sa siya’y mamatay. Hindi ko alam kung bago pumanaw si Nanay ay nalaman niyang umiyak ako sa PCSO para lang matugunan ang mga gamot niya sa ospital. At pagdating ko sa ospital- ako pa ang masisisi, bakit ang tagal ko daw. Ang anak kong maliit naghihintay na at pumapalahaw.


Nakita ba nila akong gumalaw?


Yung mga kabataan na nakausap ko noon, di ko na alam kung nasaan na sila ngayon; baka hindi ko na sila makilala sa dilim na di mahawi sa aking mukha. Minsan, may lumalapit sakin, “Di ba kayo po si Ate Buena? Na-inspire niyo po ako dati..” Hindi ko na maalala. Inspiring pa ba si Buena? May pag-asa pa ba sa aking mga mata?


Bawat araw hinihiling ko sa Maykapal na gawin ang ibig Niya sa aking buhay. Bawat araw sinisikap kong gawin ang bahagi ko bilang isang mabuting nilalang. Pero ngayon sa araw na ito, biglang hapo ang bumabalot sa aking katawan. Magulo ang isip ko at ang puso ko pawang pait at hinanakit ang laman. Kaya ko pa bang magpatuloy? Nakikita ko pa ba ang pangalan ko sa Aklat ng Buhay?


Nasasabik akong balikan ang trabaho sa labas. Miss ko na yung nagagamit ang talento sa pagsulat, pag-dokumento, pagturo, pag-aabot serbisyo sa publiko, pag-asikaso sa mga estudyanteng walang malapitan at hindi lang ang galing ko sa paghugas ng pinggan, pamamalantsa, pagliligpit ng kalat, paglalampaso ang binubuno ko sa maghapon. Na hindi naman din nakikita ang halaga dahil walang kalawit na pera sabi nga ng aking kakilala. 


Sinubukan ko nang kumuha ng magbabantay sa aking mga anak, dahil alam kong hindi kami maitataguyod ng ambag; kapagdaka nagpaalam din dahil di daw kakayanin ang kanilang kakulitan. Kukuha kami ulit ng iba, ganun  na naman, magpapaalam matapos ang isa o dalawang buwan, at kahit gustuhing dalawa na sila, di na rin masustentuhan ang suweldo nila buwan-buwan, at aalis din naman. Sino nga ba naman ang gagayang limutin ang sarili para lang alagaan ang mga batang di naman nila kaano-ano? Ako nga minsan- napapasuko. Wala ngang makatigil sa mga kadugo ko. Mangilan-ngilan na lang ang katulad ng pinsan kong si Famy noong mga panahong pinaluwag niya ang buhay ko.


Sabi ng kilala ko, ang ilan gagawin ‘yan, tapatan mo lang ng malaking suweldo. Nasa asawa ko kung gusto niyang magpasuweldo na parang sa isang maestra sa daycare.At nasa akin na kung papayag akong ipabahala sa kung sinong kamay ang mga bata ngayong maliliit sila. Ako lang naman daw ang problema- ayaw ko silang iwan sa hindi kakilala. Kung ikaw, gagawin mo ba?

 

Mahusay ang karera ko sa isang kolehiyo noon. Hanggang sa mas piliin ko ang pamilya. Sabi ko, may kanya-kanyang panahon para sa lahat ng bagay. At ang mga tao, may kanya-kanya ring biyaya; kanya-kanyang ding problema. Bahala na kung sinong dadamay, at kung sino naman ang dededma. Ganon ang buhay…ganun lang.


Nauunawaan ko pa naman. Siguro, nahahapo lang ako. Ang tatlong batang maliliit ay kagalakan ng puso- pero kahit ang powers ni superwoman mapapasuko kapag sabay-sabay na silang nagsikulitan, nag-iyakan, nag-away-away at nagsipagsabi ng kailangan. Napapatulala na lang ako. Nalulungkot ako na minsan hindi ko na ma-enjoy. Dapat palagi akong masaya. Dapat palaging kaya ko. Dapat walang minutong hihinto. Dapat lang para sa mga tao sa paligid ko, na naniniwalang kaya kong mag-isa.


Huwag mo nang tingnan ang sarili mo. Hindi ka rin naman nila nakikita. 


Konsuwelo ko na lang sa sarili kapag nasusumbutan ng kabiyak ko, “Ang lahat ng kayamanan na binubuhos niyo, matutumbasan ko pagdating ng panahon. Pero ang oras na nilalan ko para lahat kayo makapagpatuloy ng kanya-kanyang buhay, hindi mababayaran kailanman.”


Sa huli, desisyon ko naman lahat ‘to. Ang sumama sa lalaking minahal, magparaya sa damdamin hanggang sa magluwal nang sunud-sunod, piliing palakihin ang mga anak nang may mabuting pundasyon. Sana responsibilidad ng dalawa, o ng buong pamilya.. Pero sa sitwasyon ngayon, masakit man tanggapin, ang kapalit ng lahat ng desisyong ito ay hindi ko na dapat hintayin ang damay ng iba dahil responsibilidad ko lahat ito. 


Nais ko rin sana, maging katulad pa rin ako ng pangarap para sa akin ng nanay ko noon.Na magturong muli sa mga kabataan at makapagbahagi ng konting kaalaman. Na kumita para hindi napapahingan na lang o napapahiya pa kadalasan. Na makita ng mga anak kong, kaya ko pa, mayroong pag-asa, at hindi magpapatalo sa pagluha si mama nila.


Sabihin na nating trapped ako sa isang sitwasyon ngayon. Pero kahit man lang sa piyesang ito makalabas ako ng bahagya, at makita muli, kahit man lang panandali, ang sarili ko.

Mahirap ang walang sariling pamilya, walang mapagsumbungan. Kaya pagkatapos ng sulat na ito, haharapin ko pa ring muli ang mga anak ko. Sila man lang ay makahanap ng kakampi o sasandalan sa akin.

 

Photo credit: musingsofamaiden.blogspot.com


You may also like these articles:

  • 1LeaPMediado4

    Hindi naman po ito kahusgahusga dahil mahirap po talaga ang maging full time mom. kahit single pa ko at walang anak alam kong mahirap ito dahil ganito ang nanay ko. ako po ang nahihirapan sa ka gawain nya. lahat ng gawain nagagawa nya sa isang buong araw pati pag lalabada at pagsasaka. hindi ko naman sya matulungan dahil malayo ako sakanya. hindi ako sakanya lumaki at tinitupad ko rin ang mga pangarap na hindi nya naabot. ngayong nabasa ko to napagdesisyonan ko na pagsawaan ang buhay single hanggang gusto ko dahil pag may sarili ka nang pamilya wala na tong urungan.

    • Buena Laoang

      Hi Lea, salamat for dropping by! Alam mo as I mentioned in this piece,that day I wrote this I was full of hurt because it seemed that even family/kins cannot get the big picture..yun bang di na makarinig ng thank you ay mahuhusgahan pa why I was feeling so tired and left out…but writing it has helped it..
      you are right- enjoy being single for a while; go achieve your dreams, do what you can.. never rush to get married. they all happen in God’s perfect time. we have different events in life, but you know- i just realized today by responding to you that- God has allowed me to go thru these consequences in order for me to see more clearly now how our decisions and actions in life affect our entire one life. Still, I say that God has loved and provided me all my desires in life- only there were points that I rushed it so I had to take them a lil harder:) But, all is well that ends so well… Love your mom. Be ready to leave the world behind for her. Ang nanay ko, alam mo, siya pa rin hinahanap ko kapag nasa lowest points ko ako. As young as you are- you are very smart to have figured that out- “pag may sarili ka nang pamilya wala na tong urungan.” May you go in life with so much wisdom and grace. God bless you!

  • carol

    ganyan din ako noon,d nila nkikita ang kahalgahan ko,ung lht ng trbho eh sau,ultimong underware at panyo ay hahanapin sau,iba pa ung pag alaga ko sa mga anak at mga pamangkin ko na habang naglalaba eh nangu2lit sau,pero nang umlis na ako,ang sbi ng biyenan ko,uwi na lang ako kc d daw nila kya ang gwain ko,tanging trbho ko noon eh tumanggap ng labada pra my pandag2 sa budget,tska gusto ko na ring umwi dhil iba tlga pag nanay ang ng alaga sa mga anak,

    • Buena Laoang

      Hi Carol! Salamat sa comment ha.. May isa akong kaibigan na nag-suggest sa akin nyan (siguro carried away na lang sa mga luha ko) na umalis na muna ako para finally makita nila yung difference.. Alam mo ma’am, many times I tried to, pero hindi ako maka-go! Ewan ko ba. Siguro- yung ngiti na lang ng mga anak ko eh nadudurog na po ang puso ko.. baka mas lalong di ko kayanin kapag mapalayo ako sa kanila. Mabuti po na-acknowledge na ng family/biyenan niyo ang role mo..I pray makaipon ka na ng malaki ma’am para po you can join your children soon..

  • denice

    im single but i appreciate your blog. Somehow ewan ko pero naiintindihan ko yung situation mo. I know wla ako sa right position para mag advice pero i know kaya mu yan It’s worth all the pain after all kapag nakita mo na siguro na lumaki ng nasa tamang landas yung mga anak mo. I salute all the mothers that give their own life para maitaguyod ang kanilang mga pamilya :))

    • Buena Laoang

      Maraming salamat Denice! Yun na din pinanghahawakan ko 🙂 That at the end of my life siguro if I were to see back some winnings in life, eh yung makita sa no.1 ng listahan ng naging buhay ko- “napalaki sa tamang landas ang aking mga anak..” It is the best I think moms or I can do, in response and in gratefulness to the goodness of God to entrust me three little children.. thank you ha! Be well!

  • Buena Laoang

    Salamat sa lahat ng nag-take time sa isang pahinang ito ng diary ko. salamat sa bawat inspirasyon. im grateful to God for you all kahit di tayo magkakakilala. maraming salamat!

  • mig

    yes,saludo ako sa mga single mom na binubuhay nila ang mga naiwang anak sa kanila,MAbUHAY KAYO……..

    • Buena Laoang

      tama ka po! di po ako solo mom, pero nakita ko talaga ang super role nila 🙂

  • shiella garcia tangonan-guevarra

    touched ako masyado sa letter mo ading.tinamaan ako sa mga sinabi mo pero inisip ko na lang na magkaiba ang sitwasyon natin at naiintindihan kita.alam mo,sa lahat ng career ang pagiging ina ang the best career kasi sa trabaho mawawala rin yan sayo pero ang mga anak mo ay habang buhay na nasa tabi mo na siyang daramay at kakalinga sayo balang araw at ang anak ang pinakamahalagang regalo sa buhay ng isang ina.full-time mom is heaven dahil naipaparamdam mo sa kanila na kung gaano mo sila kamahal at lagi kang andiyan sa piling nila kahit anu mangyari.huwag mo na lang isipin ang sinasabi ng ibang tao sayo,ang isipin mo kung gaano ka napasasaya ng asawa at mga anak mo.don’t give up ading.be strong and always pray to god.love u!

    • Buena Laoang

      manang Sheilla! wen manang, magkaiba lang tayo sitwasyon.. but i know you- you are a great mom! we will be strong for them ate!

  • Ralien

    Super true, afriendlygal! Naging routine na ang mga bagay2x at kelangan mo lng ng break. Find time to unwind at isama ang mga anak if wlang magbabantay.Try mo dn contact mga friends mo, High school, college, work friends to update yourself and to have someone to lean on- ung ka wavelenght mo tlaga. 🙂
    Wag kang mag dwell sa negative feelings/side of the situation. Change your perspective. Isipin mo na mas “blessed ka” kasi sa panahon ngaun “kunti” lng nagkaroon ng chance na malagaan ang mga anak.
    Kung gusto mo tlga kumita, you can try work from home. You just need stable net connection and pc/laptop.Or find a new hobby- read a good book, cross stitch or anything that you haven’t tried. Sa panahon ngaun, wlang impossible. 🙂

    Be Happy! Don’t Quit! God Bless! 🙂

    • Buena Laoang

      Hi Ralien! Mukhang magka-wavelength din tayo! Salamat sa’yo ha 🙂

      • Ralien

        My pleasure! 🙂 Samahan mo dn pla ng Prayers. That He’ll continue to guide you and give wisdom on this challenge.

  • shade of purple

    Each mother (each woman rather say) has a story of her own to tell. I am a mom of 3, a professional na hindi ko din na i apply. My husband’s choice. He’s presently working as an OFW. My kids 16, 14 and 7 are starting to go on their own ways. It’s a part of their growing up stage. Like you, I am also a plain housemom. naiiwan lagi to do the usual household chores. Eventually, natanggap ko naman ang situation ko, kase nagtatalo kami ng hubby whenever I am trying to convince him na payagan ako magwork. I believe na it’s best to stay with the kids. But in my own opinion, women like us also have a need to self-growth and self-fulfillment. At kailangan din ng maging independent for times when it is needed. Kudos to moms who are successful in both worlds. But for moms like us, have no regrets…we can still be someone we want us to be…being a mother is a greatest achievement that is worth valuing for.

    • Buena Laoang

      tama ka po, shade of purple! we have no regrets 🙂 you are your husband and children’s superhero po, and I salute you more kasi- I can see that you submit to your husband’s will, kahit siguro against sa loob mo, which is what’s worthy in God’s eyes. sabi nga po ni commentor Ralien- take a break na lang tayo sometimes. Go out with friends, read a book, or simply have time to meditate on the Scriptures. Ma’am saludo po ako sa iyo!

  • LordKG

    Ako naapreciate ko ang hirap na dinanas ng nanay ko para samin na mga anak nya… and im always thankful to the Lord na ganung ina ang binigay nya samin. At parang kabayaran narin sa ginawa ng Nanay ko, inaapreciate ko rin ang ginagawa ng asawa ko. Tuwing magkatabi na kami sa gabi bago matulog pinapasalamatan ko sya sa pagaalaga ng anak namin. Nakikita ko kasi kung gano nya kamahal at kaasikaso ang dalawang anak namin. Pero kahit ganon lagi kong ipinaalala sa kanya ayokong maburo sya sa loob ng bahay lang, sa pagaalaga samin ng mga anak nya. Para sakin kasi lahat tayo, babae man o lalake, bago tayo mag-asawa ay may mga pangarap. Sa palagay ko magiging maayos naman ang pamilya kung nagtutulungan ang mag-asawa lalo na sa pagpapaunlad ng pagkatao ng bawat isa. Para sa mga kababaihan SALUDO ako sa inyo. Napaka gulo siguro ng mundo kung wala kayo. SALAMAT sa pagaaruga nyo saming mga mahal nyo!

    • Buena Laoang

      i really appreciate that from you, LordKG. nakakagaan naman ng loob ang iniwan mo para samin- “Napaka gulo siguro ng mundo kung wala kayo. SALAMAT sa pagaaruga nyo saming mga mahal nyo!” yang ganyang appreciation naman sa amin ay sapat na para lalo kaming maka-smile 🙂 salamat sayo.

  • afriendlygal

    Isang pribilehiyo para sa ating mga ina ang alagaan ang ating pamilya…hindi lang ito isang responsobilidad. Overwhelming ang pagiging ina at maybahay..katulong ang tawag natin sa sarili natin kung minsan. Napakadaming gagawin sa loob ng bahay. Nakakapagod. Pero isipin na lang natin na dapat na tayong magpasalamat sa pagkakataong ito. Ang daming mga ina na gusto nilang alagaan ang kanilang mga anak subalit kailangan nilang magtrabaho. Wala tayong namiss sa paglaki ng ating mga anak. Nakikita natin ang kanilang paglaki’ paglalaro, tawanan, kulitan kahit pa awayan. Hirap natin sa pagluluto ang nagpapakain sa kanila. Hirap natin sa paglalaba ang nagbibihis sa kanila. Pagod natin sa paglilinis ng bahay ang nagpapanatili ng kaayusan sa bahay. Para sa akin hindi mapapantayan ng ano mang laki ng sweldo ang kaligayahan ng inana nag alay ng oras, hirap at pagod nya, mabantayan lang at maalagaan ang mga anak. Samantalain mo ang bawat pagkakataon dahil hindi pang habangbuhay yan. Pasasaan ba at magsisilaki na ang yong mga anak, magkakatrabaho na din sila. Magagawa mo na ang nais mo. At baka dumating naman ang araw na naisin mong maibalik ang panahon para muli silang maalagaan. Wag kang tumingin sa dami ng gastusin. Hinding hindi mauubos ang gastusin. Lalaki at lalaki pa yan. Maraming kaming mga maybahay na nakakaintindi sayo. Tao lang tayo. Nagbubulalas ng damdamin. Hindi kasalanan ang ginawa mo. Gawin mo ng gawin yan para maibsan ang nararamdaman mo. Sa ngayon, taas noo mong gampanan ang pagiging ina at asawa. Wala ng mas marangal na trabaho at hinding hindi tayo kayang bayaran ng maski na magkano.

    • Buena Laoang

      afriendlygal, you really lifted me up today! yang mga sinabi mo din ang daily servings of lessons and happiness ko ngayon. thanks for inspiring me! kasi ramdam ko na youve been thru it all din- yun bang, naghuhugas ka na lang ng pinggan ay biglang magtatawag sa banyo ang isa, habang sumisigaw sa may bakuran yung isa kasi may nakitang kung ano! hay.. pero tama ka, at the end of the day- tatawanan mo na lang kasi, masaya tayong nafi-feel bawat detalye ng pagiging nanay. babalik-balikan kong basahin ang mga sinabi mo. 🙂

      • afriendlygal

        Hay naku buena, totoo yan. Been there, done that. Super sa kabusy han ang beauty natin. Sobrang nakakabaliw na kung minsan na para bang gusto mo lang lumayo muna to take time to breathe…minsan magtago sa banyo o sa closet. Ganun ang drama. Pero aminin natin diba, na ang mga anak natin na sya ring cause ng frustrations natin ang cause din ng kasayahan natin lalo na pag pagod tayo. Keep your head up lang girl. Intinding intindi kita. Gift ang pagiging nanay dahil ang dami dyan, may matres nga pero hindi magkalaman laman ng baby kahit na ano ang gawin. Walang masasabi ang mga anak natin pag dating ng araw kase ginawa natin lahat para maalagaan sila ng bongga…. Mwah! ?

        • Buena Laoang

          Hi afriendlygal! I should say, napapa-smile talaga ko ng comments mo. It must be a great time to bond with a cheerful heart like you! Thank you ulit- and I will do that- ienjoy ang gift na’to nang bonggang-bongga 🙂

          • afriendlygal

            Dahil dyan, super close na tayo. San ka ba naka based? Pag sa Pinas ka, pag uwi ko sa November or December, meet and greet tyo. O dava close tlga? Look for me sa FB kung meron kng acct don. Nerisse Abrenica Sarmiento. Leave me a message… Don tyo chumika ng bongga…

  • galo

    hindi lang ikaw yan, marami tayo ganyang sitwasyon, lumalaki naman ang mga bata, nagaan din ang mga gawain bahay, sometimes we just need a break, too monotonous lang ang routine natin, in the end its all worth it.

    • Buena Laoang

      you are really right, galo.. salamat sayo!