by
on
under , , , , ,
tagged , , , , , , , , , , , , ,
Permalink



Disclaimer: Definitely Filipino is a community blog. All who write for this blog are independent, unpaid authors. All views, content, images are the responsibility of their respective writers and not of Definitely Filipino. Please contact the author directly with questions about this article.
Send a private message to author imavee

Patay na Pangarap

http://simonblog.com/?p=How-To-Get-Money-In-Metin2 How To Get Money In Metin2

Stock Market Trend Similar To 1929 Ilang segundo lang….     BOOOOOOOOOOOOOMMM…………………………

http://danstasiewski.org/?option=Currency-Trading-Learn-Forex-Learn-Forex-Forex-For Currency Trading Learn Forex Learn Forex Forex For Malakas. Napakalakas, nakakabingi at nakakabulahaw na pagsabog ang bumalot sa dati nang maingay na paligid. Bigla may mga nakakapanindig-balahibong mga sigaw, iyak, yabag at nakakapangilabot na panaghoy at hinagpis kasabay nang pagsabog na unti-unting naglaho sa pandinig. At ang dating makulay at masiglang paligid? Nasaan na? Wala na, naglaho’t napalitan ng kay baho at masangsang na amoy, nangingitim na usok, nawasak na mga establisimyento at nabahiran ng kagimbal-gimbal na pagdanak nang dugo ng mga kawawa’t inosenteng biktima. Pawang itim at pula ang natira.

Online Stock Brokers List

go How Do Can You Get Rich Trading Binary Option

At ang mga yagit na katulad ko’y may mga pangarap at kinabukasan ay naglahong parang bula…wala na… Inanod at tinunaw ng kalunos-lunos na krimen. Pangarap na nagkapunit-punit at biglang nawala’t sumabay na sa pag-agos ng bumabahang dugong dumikit at tumagos sa lupa tungo sa kailaliman ng daigdig. Wala na. Kinain na ng lupa.

Yaong mga walang swerteng empleyadong nagsipagtalsikan ang mga dugo’t laman dulot ng bagsik ng karahasan? Hindi man lang naabot ang masarap na pasalubong sa kani-kanilang mahal. Si Ale…di na naubos ang isdang paninda…nadamay pa ang kaunting salaping pangmatrikula ni Nene… Nagunaw lahat. Maraming hindi nasabi’t nagawa.

Sayang at naging napakaikli lamang ng aking buhay. Hindi ko akalaing huling sulyap ko na pala iyon kay Itay. Ang sabi ko’y maaga akong uuwi sa bahay ngunit ang hihintayin pala nila’y ang matigas at malamig kong bangkay. Hindi ko man lang naipakita ang pinagtiyagaang diploma ko kay Inay at medalyang dulot ng pagpupunyagi’t tagumpay. Hindi ko man lang nasambit kung gaano ko sila kamahal at hindi ko man lang naranasang umibig at masaktan.

Kay saklap ng aking naging wakas. Ang pagsalubong ni kamatayan ay hindi ko inaasahan. Kamatayang pumutol sa pangarap ng isang musmos na katauhan. Kamatayang sadyang napakaterible at terorista daw ang may kasalanan. Pero ang pinakamasakit, kapwa Pilipino ko pa ang may kagagawan.

Paalam………………….

Visit my blog at THE BLAH BLAH NOTEBOOK

Photo credit: independent.ie