by
on
under , , , , , ,
tagged , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , ,
Permalink



Disclaimer: Definitely Filipino is a community blog. All who write for this blog are independent, unpaid authors. All views, content, images are the responsibility of their respective writers and not of Definitely Filipino. Please contact the author directly with questions about this article.
Send a private message to author littlegob

Albay vs. Manila

About littlegob

Sa loob ng labing dalawang taon, nakulong ako sa malawak na kapaligiran ng isang lugar na maituturing kong isang Paraiso, ang isla ng Rapu-rapu sa probinsya ng Albay. Simple ang buhay, walang kuryente, walang masyadong polusyon, tahimik. Ang oras ng gising ay alas sais ng umaga. Matutulog ng alas sais naman ng gabi, ang pinaka-late na tulog ng mga tao ay alas 8. Masaya ang bawat karanasan ko bilang isang bata. Kuntento sa mga larong probinsya. Nag-aaral ng nakapaa. Naglalakad lang patungo sa eskwelahan kasabay ang makukulit na kaklase. Ang aming sintang paaralan na walang katulad. Pambihira. Apat lamang ang classroom, wala pang atip..kaya kung mamalasin at inulan, dismis ang klase. Taong 2000, natapos ako sa elementarya..hawak ang aking diploma. Saklay ang isang medalya. Dala ang pinakamataas na karangalan..kasama ang sampu sa aking labing anim na kaklase. Nang mahawakan ko ang aking diploma, napakasarap ng pakiramdam ko nun. Pero may isang bahagi sa aking puso ang naghahanap. Sabi ko sa sarili ko..“Maghahayskul na ako, pano na kaya?!”

Nang binalita sa akin ng aking mga magulang na dadalhin ako ng Maynila para dun pag-aralin, tumalon ang puso ko sa tuwa. “Sa wakas..makakarating na ako ng Maynila, makakakita na rin ako ng mga matataas na building, ng magagarang sasakyan, ng jeep at iba pa, na sa loob ng mahabang taon e sa larawan ko lamang nakita..makakapanood na ako ng telebisyon, ng mga pelikula ni Fernando Poe, na puros sa kwento lamang ng mga kapatid at pinsan ko naririnig.”

Nang makarating ako ng Maynila. Tulala. Namangha ako. Gandang-ganda. Punong-puno ng paninibago.

Nang tumagal, nawala ang lahat ng pinangarap ko..naputol. Napalitan ng kalungkutan. “Miss ko na ang Albay.” Pero kelangan magtyaga. Nag-enrol ako sa isang eskwelahan na malapit sa tirahan ng aking mga kapatid. Dahil sa mataas na marka, napunta ako sa model section. Hindi ako naging masaya, hindi ako sanay sa turo dito sa Maynila. Moderno. Gumagamit ng computers. At kung anu-ano pa. Napag-iwanan ako. Mahirap mag-adjust. Pero di ako natanggal sa higher section. Swerte lang.

Natapos ako sa sekondarya, hawak ang diploma. Saklay ang tatlong medalya at isang sertipiko. Dala ang pangalan bilang isa sa may matataas na karangalang natanggap. Naging masaya ang naging karanasan ko bilang isang kabataan dito sa Maynila. Kahit punung-puno ng mga pagsubok at kalungkutan.

Naisip ko, lahat ng mga naninirahan sa mga liblib na lugar dito sa Pilipinas, hangad na makarating dito sa Maynila, naghahangad ng magandang buhay. Akala. Oo akala nila langit ang Maynila. Akala nila maginhawa sa Maynila. Inakala ko din yun. Pero mali ako. Marami daw opurtunidad dito sa Maynila. Ang totoo, pag nandito ka na, wala ka namang mapapala. Ikaw ang gagawa ng sarili mong opurtunidad. Pag kulang ka sa diskarte, pagiging taong grasa ang aabutin mo..Talo ka. Magsisi ka. Babalik at babalik ka sa lugar na pinanggalingan mo.

Malaki ang utang na loob ko sa magulong lugar na ito ng Maynila dahil dito, madami akong natutunan. Dito nagsikap ako. Dito nagsimula ang bagong pangarap. Dito patuloy akong sumasabay sa modernong pamumuhay at patuloy na pagusbong ng makabagong mundo..

Pero gayun pa man, di mapapantayan nito ang lugar kung saan ko simulang masilayan ang ganda ng buhay..Sa Albay.

Proud to be probinsyanong bikolnon!

Photo credit: flickr.com

Enhanced by Zemanta

You may also like these articles:

  • Liaza Abad

    Correct. Iba talaga ang simpleng buhay sa probinsya. Although lumaki na ko dito sa Central Luzon, iba pa din ang buhay sa probinsya kapag nagbabakasyon ako dun. Tahimik lahat. Maayos at simple.

    Taga-Sorsogon ako tabi. Proud to be! 🙂

  • Purple Blaze

    Uragons will always be uragons and I, too, is proud to be one. Miss ko na rin ang Albay. It’s been 3 long years that I haven’t visited my hometown in PioDuran and I miss BU my alma mater.

  • g300

    Balak kong pumunta ng Rapu-rapu island this summer, tapos maglalayag papuntang Bacon beach (across Rapu-rapu channel.)Anong bangka po ba ang bumibiyahe papuntang port ng rapu-rapu? Sa may embarcadero po ba ang sakayan? Safe po bang mag overnight camping sa beach?

    Diyos mabalos!
    G300

  • akomunasiblanca

    I am also a proud Albayano.Everything you wrote in this article is true. Province will always be the best place to live. Kaya di ko maintindihan kung bakit ang mga illegal settlers o mas kilalang “squatters” ay patuloy na nagtitiis na tumira sa Maynila na kung tutuusin ay pupwede namang umuwi sa kani-kanilang probinsya at mabuhay sa mas malinis na lugar. Where they can actually grow their food on their backyards. Sa kabilang dako ay marami ngang opurtunidad sa Maynila. Yun ay kung magsisipag ka talaga.

    • CarlaGrasa

      ako rin! proud bicolana! mom’s from Albay en dad’s from cam norte. uragon! sobrang miss ko na rin ang ganda ng probinsya natin. sana ma-approve ang VL ko sa darating na semana santa para tuloy ang bakasyon ko sa bicol. 🙂 para sakin, albay ang pinakamagandang lugar na napuntahan ko. 3 yrs akong tumira, sa Tiwi, Albay. 🙂

      BUNGKARAS NA BICOL, URAGON KA BAGA!

    • johnpaul

      minsan na akong nakarating sa albay kasama ang dati kong kasintahan.. napakaganda ng inyong lugar.. ala akong masabi sa pakikisama ng mga taga bicol kundi “DA BEST”
      hindi ko mam nakatuluyan ng aking kasintahan nuon.. umaasa parin ako na makakarating ulit ako sa lugar ng URAGON.. soon

  • jhans

    kilala ata kita..hmmm..ganun tlga buhay..