Life Goes On
PHOBIA. Ang salitang wala sa bokabularyo ko noon. Ang salitang alam ko ang ibig sabihin ngunit ni minsan ay hindi ko pa nadama. Ang salitang akala ko dati ay sa libro ko lang mababasa, makikita at maiintindihan, at sa isang iglap ay pumasok sa aking buhay.

Masaya akong gumigising sa umaga noon, kahit na gaano ka-badtrip ang buhay at ang mga nagyayari sa daan na aking tinatahak , wala naman akong nararamdaman na gaanong paghihirap. Hanggang sa dumating ang isang umaga, ang isang araw na tanging sarili ko na lang ang tangi kong masasandalan, ang tanging mapagkakatiwalaan. Sa araw- araw na gumigising ako sa umaga, kinakabahan at natatakot na akong harapin ang panibagong araw na darating.
Kilala ko ang sarili ko. Oo. Yun ang akala ko. Akala ko na malakas ako, akala ko na naiintindihan ko, akala ko na ayos ang lahat, pero iba, nagbago ang lahat. Puno na ako ng pagdududa. Lahat na lang pinagdududahan ko, pati na ang sarili ko.
Ang hirap. Oo. Sobrang hirap! Sobrang sakit talagang masaktan. Masaktan nang magkasunod dahil sa mga taong mahalaga at mahal mo. Tinalo mo pa ang sinampal, sinaksak, binaril sa sakit. Tila durog na ang puso, na alam kong mahirap na naman buoin. Tagos sa buto ang sakit at ang pinamasakit at mahirap tanggapin ay ang pagtaksilan ka ng sarili mo. Para akong naging dalawang tao, na ang isa’y biglang humiwalay sa akin at iniwan na rin ako.
Naramdaman ko ang pag-iisa. Ang pag-iisang alam kong wala ng dadamay pa, kahit na mismong mga kaibigan at pamilya mo. Na sabi nga ng iba ay silang makakatulong sayo. Natatakot na akong lapitan sila, dahil alam ko sa sarili ko na hindi rin naman nila ako maiintidihan, (minsan na akong nag share sa kanila ngunit puro panlalait, pagmamaliit lang ang nakuha ko) dahil hindi naman sila ang nakakaramdam ng sakit na nararamdaman ko ngayon.
Kung minsan ay gusto ko nang umiyak ngunit wala na akong luhang maiiluha pa, dahil sa sobrang sakit at sobrang manhid na ng nararamdaman ko. Sa tuwing maaalala at mararamdaman ko ito, tanging paninikip na lang ng dibdib ang tanging senyales na nasasaktan na pala ako.
Sa sobrang manhid na ng aking nararamdaman hindi ko na maappreciate ang mga bagay na dati’y nagpapasaya sa akin. Kahit maliit, mababaw at napakawalang kwentang man ito. Ngayon ay tinititigan ko nalang ito ng walang emosyon at wala ng pakialam sa kung ano man iyon. Ang tangi ko nalang magagawa ay kalimutan ito at humanap nalang ng panibagong paglilibangan upang di mo na maramdaman ang sakit.
Gusto kong manisi, manigaw, manakit ng kung sino man ngunit sarili ko lang talaga ang masisisi ko sa pagiging mahina tulad sa mga bagay na ito.
Pinilit kong bumangon at ipag patuloy ang buhay. Ito na lang ang tanging dahilan para madugtungan pa ang kwento ko, na akala ko’y wala na at bigla nalang huminto.
Humanap nang bagong pag-asa, para maiayos ang aking sarili at bumalik muli sa normal na sirkulasyon ng buhay, na isang taong mature, malakas at maayos.
Marami akong natutunan sa mga sakit na nararamdaman ko ngayon. Kasama ito sa pagtanda e. Ika nga.!
Ang buhay na puno nang pagsubok. Pagsubok hindi lang sa iba, pati sa aking sarili mula sa pisikal, mental at emosyonal. Ang buhay na maraming kontrabida na magtuturo sayo kung paano gumawa ng isang desisyon na alam kong makakabuti sa akin at sa iba. Magtuturo din sa akin kung paano lumaban at paano ipaglaban ang desisyon na napili mo.
Nakakainis man, pero ito ang buhay, dapat kang matututong magtiyaga, maghintay, magtiis at lumaban upang mapagtagumpayan mo lahat nang pagsubok.Maraming hihila sa iyo pababa ngunit kung mabuti ang iyong hangarin, mas marami sa iyong hihila pataas.
Ang pinaka natutunan ko sa sa pagsubok na ito.
Sa una’y mahirap ngunit makakaya mo rin kung iyong sususbukan, dahil wala kang makukuhang sagot kung pupunta ka lang sa isang tabi at iiyak. Maraming solusyon ang isang problema dahil hindi magiging isang problema ang problema kung wala itong solusyon. ?
©Copyright 2012, Definitely Filipino™ Blog Network. All rights reserved. Unless otherwise stated, all articles in this blog are opinions of their respective authors and not necessarily of Definitely Filipino and its staff.
You may also like:
Should Voluntary SSS Contributions Be Taxed?
Apparently, a genius fr...
Wife Material?? Alin nga ba??
Note from the Author : An...
"Falling in love"
Yesterday, as I was lying...
The Law and the Lawless
As a Filipino, one of the...
OFW, Mga Bayani?
Kapag tayo ay nagtrabah...
Brown Eyes
Ngayon ang unang beses na...



anong phobia??? sa pag-ibig ba yan? linawin mo nga iha
Boring N Horrible!