Balik-Tanaw: Nanood Ka Rin Ba ng “Superbook” at “The Flying House” Noong Ikaw ay Bata Pa?
Sabi ng matatanda, puro kalokohan lang daw ang mapupulot sa mga cartoons na napapanood sa teevee.
Nang ipalabas sa GMA 7 ang dalawa sa mga pinakapaborito kong animated shows noong ako ay bata pa, nag-iba ang ihip ng hangin. Sino ba namang magulang ang hindi matutuwa kapag nalaman mong mga kuwento mula sa Banal na Biblia ang tinututukan ng mga anak mo sa telebisyon?
Unang ipinalabas ang “SUPERBOOK” sa Japan noong October 1, 1981 at nagtapos noong March 29, 1982 na may 26 episodes. Ito ay bumalik sa ere bilang “SUPERBOOK II” mula April 4, 1983 hanggang September 26, 1983 na may 26 episodes. Sa pagitan ng dalawang seasons ay ipinalabas naman ang “THE FLYING HOUSE” mula April 5, 1982 hanggang March 28, 1983 na may 52 episodes. Ang mga ito ay ginawa ng Tatsunoko Productions para sa distributor na Christian Broadcasting Network na nakabase sa Tate.
Sa Pinas, hindi ko alam ang eksaktong petsa kung kailan ito unang ipinalabas. Ang alam ko lang, mga bandang huling taon ng Eighties ito unang napanood ng mga kabataan at tumagal hanggang early 90′s. Ganun kalufet ang mga cartoons na ito. Parang Batibot, nakakaadik. Kahit replay, papanoorin mo pa rin. Hindi ko rin matandaan kung ipinapalabas ba itong magkasunod o ipinapalabas ang isa sa umaga, at ang isa naman ay sa hapon.
Ah basta. Ang natatandaaan ko lang talaga, ang mga palabas na ito ang nagmulat sa akin sa mga kuwento mula sa Old at New Testaments.
Unahin natin ang “Superbook”. Sa unang season, ang kuwento ay tumatakbo sa magkaibigang sina Christopher Peeper at Joy (wala siyang apelyido). Nakatuklas sila ng nagsasalitang libro na nagdadala sa kanila sa Bible time. Kasama nila sa adventure ang laruang si Gizmo na nagiging tunay na robot kapag sila ay nagta-time travel. Karamihan ng mga kuwento rito ay mula sa Hebrew Sciptures at lan sa mga paborito kong episodes dito ay ang mga kuwento nila Adan at Eba, Noah’s Ark, Samson and Delilah, at ang death and resurrection of Jesus. Kahit na may mga konting pagbabago kumpara sa orihinal na mababasa mo sa tunay na Biblia, ganun pa rin ang mensaheng gustong iparating.
Dalawa ang versions ng opening theme ng Season One pero itong nasa ibaba ang pinakapaborito namin sa lahat. Sabay-sabay kaming kumakanta sa himig nito.
watch?feature=player_embedded&v=u3Uy-Oug-XA
The light begins the journey that leads
to places far and wide so high
you just wont believe your eyes
(you cant!)
by and how the moon and ocean came to be
its all right here if you look superbook
as we all go flying away
stories about a man made of clay
and the garden that was bust in time
see the many mysteries
and wonders that will fill your mind
Superbook dont you know
its su-su-super!
keep along the rainbow and through the sky
Sa “Superbook II”, naging “computerized” ang Bible nang ito ay mahulog accidentally sa keyboard. Hinigop ng sinaunang computer ang asong si Ruffles na sinundan naman ng pinsan ni Chris na si Uri (short for Uriah) kasama ang naging tunay na robot na si Gizmo. Supporting roles nalang sina Chris at Joy na tagapanood sa monitor ng mga nangyayari kina Uri. Ang mga kuwento rito ay mula Old Testament. Patok ito pero mas patok pa rin sa akin ang unang season…
CLICK HERE TO CONTINUE READING “…NANONOOD KAMI NG ‘SUPERBOOK’ AT ‘THE FLYING HOUSE’”
JAYSON BUBAY QUITIQUIT is a 33-year old civil engineer currently working in Chaozhou, China. He is a frustrated blogger and former guitarist of an unknown band called Demo From Mars. He maintains several blogs namely NoBenta, Noong Ako ay Bata Pa…, Paul & Xander, and Frontispiece 2.0.
©Copyright 2012, Definitely Filipino™ Blog Network. All rights reserved. Unless otherwise stated, all articles in this blog are opinions of their respective authors and not necessarily of Definitely Filipino and its staff.
You may also like:
Balik-Tanaw: Ano ang Title ng Favorite Episode Mo sa MMK?
Dear (Ate) Charo, Maga...
Balik-Tanaw: Naglaro Ka Ba ng TEKS Noong Ikaw ay Bata Pa?
galing dito ang litrato ...
Sisters' Act
*This was written just be...
Crying Your Way to Fame and Fortune
I was watching the local ...
Iba’t Ibang Klase Ng Mga Artista sa 'Pinas
As a film major, I woul...
Ano Bang Ginawa Mo Kagabi? Bakit Ka Puyat?
Tuwing makikita ako ng mg...




wheaw..!!ganyan na ba tayo katanda??hehehe…isa ito sa mga ina abangan ko dati sa TV…
i loved this cartoons… stories from the Old and New Testament. hayy.. kaya lang wala na yata nyan ngayon. kahit dun sa mga christian channels, wala na! sayang naman. marami ka rin namang matutunan dito eh.