Home
» ECONOMY » BUSINESS, CAREERS, Community, Cultural Identity, CULTURE, Current Issues, ECONOMY, Government, Lifestyle, LIVING, MISCELLANEOUS, Money Market, Personal Stories, Personal Stories, Short Stories, Stories, The Environment, Uncategorized, World Events » Pera Para Sa Lata
About the Author
th0rn3dh3art
A woman with a strong heart does not bend at the first sight of trouble, instead she forges forward with courage and fight like a true warrior. I will not bow to those who consider himself/herself more superior than others nor will I look up to those who does not respect others' well being. Read Full
Definitely Filipino User Login
Blog-Serye (click here to see all)
Breadwinner (Part 10)
AS usual, ang mga kapitbahay at kaanak ang dinatnan niya sa bahay. Okey lang; mas marami siyang dala ngayon kumpara ... ∞
Breadwinner (Part 9)
NAKAPLASTER na yata ang ngiti sa mga labi ni Angie tuwing magmumulat ng mata sa umaga. Ibang iba ang buhay ... ∞
Breadwinner (Part 8)
ILANG linggo ang dumaan bago dumating ang kanyang visa. Agad niyang kinontak si Ivan para maipabook. Tumawag siya sa magulang ... ∞
Breadwinner (Part 7)
HABANG tumatagal ay lalong sakit ng ulo ang kanyang amo. Pag dumadalaw ang mga anak nito, sinusumbong nito na pinababayaan ... ∞
Casanova Newbie (Part 25)
Sophie Nasa mall kami, sinama kasi kami ng F6 at ate Lauren sa gimmick nila. We became closer to them ... ∞
Breadwinner (Part 6)
MAG-ASAWANG sampal ang natanggap ni Andrea buhat sa ama. Mula nang magdalantao siya nang walang ama, noon lang siya napagbuhatan ... ∞
Breadwinner (Part 5)
SAMANTALA sa Pilipinas, maayos na nag-aaral ang kanyang mga kapatid. Kumuha ng boarding house si Anthony sa Batangas City para ... ∞
IBA’ TO :Kakaibang Love Story Part 3
“Oh, Bf mo?” “Ahum.” “Ah okay that’s good.” Tumayo si Alex at nagpaalam kay Kim. “Eh , cge enjoy the ... ∞
Books by Definitely Filipino Bloggers at Amazon
Definitely Filipino Users Online
This blog has had 136 Visitors the past 5 minutes. The most ever online was 1045, on January 11, 2012 @ 4:02 AM.
We currently have 1 Visitor browsing this page. The users now on this page are: 1 Guest.

Pera Para Sa Lata
Ni minsan ba naitanong mo sa iyong sarili kung ano kaya ang nararamdaman ng mga taong baldado at hindi makahanap ng trabaho dahil sa kanilang kalagayan? Yung pakiramdam na wala ka ng silbi sa lipunan, lalong lalo na sa iyong pamilya? Nasubukan mo na bang mangalkal ng basura para sa isang pirasong lata o ano pa mang maaari mong pagkaperahan na iyong matatagpuan roon?
Apat na araw akong pumapasok sa trabaho sa isang linggo. Sa bawat araw na pumaparada ako sa parking area sa tapat ng aking trabaho hindi ko mapigilang pagmasdan ang isang medyo may-edad ng lalaki. Nalulungkot man ako sa kanyang kalagayan ay mas nananaig ang paghanga sa aking dibdib. Sa ‘di ko alam na dahilan, siya’y nakaupo sa kanyang silyang de gulong. Ano man ang dahilang naglagay sa kanya sa sitwasyong iyon ay hindi ko na inalam pa.
Sa ilalim ng mainit na sikat na araw ay pinapatakbo niya ang kanyang silyang de gulong sa bawat basurahang kanyang makita at inuungkat kung ano man ang laman ng mga ito. Sa tulong ng kanyang payong na tinali sa isang kahoy na nakakabit sa kanyang silyang de gulong ay nakagawa siya ng pansamantalng masisilungan para di gaanong mababad sa init. Minsan-minsan ko lang siya nakikita nitong nagdaang taglamig. Siguro, dahil na rin sa sobrang lamig at sadya namang mapanganib ang mga kalsada tuwing nag-i-snow.
Wala kang mababanaag na kahihiyan at o pagkamuhi sa kanyang mukha. Sa halip ang kanyang mga mata ay puno ng pag-asa na sa bawat basurahan na kanyang malapitan at mayroon siyang makukuha mula sa roon.
Sa paulit ulit na tagpong ito at sa walang sawang pangangalkal ng mga basurahan ay lalo akong humahanga sa isang taong mas pinili pa ang hindi kaawaan at ikahiya ang kanyang kalagayan kumita lamang ng pera. Katiting man itong maituturing kumpara sa pinagkakakitaan ng iba pero ang dangal at katibayan sa hanap-buhay na ito ay higit pa sa kahit ano pa mang uri at antas ng trabaho.
Sino ba naman ang mag-aakala na sa bawat basurang itinatapon ng karamihan ay siya namang pinagkakakitaan ng iba?
Pera para sa lata.
Pera galing sa basura.
Kung sino ka man, saludo ako sa iyong katatagan. Wala kang kasingtulad.
Photo credit: saluding.com
©Copyright 2012, Filipino | Definitely Filipino™. All rights reserved. Copying of any article from this Definitely Filipino blog without permission, is strictly prohibited. DISCLAIMER: All articles are opinions of their respective authors and not necessarily of the site owner and Definitely Filipino.
You may also like these articles:
Comments