Kung Para Sa Iyo, Para Sa Iyo
Dadating din ‘yung pagkakataon na makilala mo ‘yung taong alam mong para sa’yo talaga. Soul mate mo, sabi nga nila. Kahit na hindi ka naniniwala sa mga ganyang ka-cornyhan, magugulat ka na lang na dadating siya bigla sa’yo. Kahit na ano pang sabihin mong standards mo, mababaliwala lahat ng ‘yun ‘pag nakita mo na siya.‘Pano mo nga ba malalaman na siya na ‘yun? Depende kasi ‘yan, pero para sa akin eh mararamdaman mo na lang bigla ‘yun. Alam mo ‘yung pakiramdam na hindi mo ma-explain? ‘Yung pakiramdam na hindi mo mailagay sa mga salita ‘yung nararamdaman mo? ‘Yung kakaibang saya at satisfaction? ‘Pag naramdaman mo ‘yun, masasabi kong siya na nga ‘yung taong hinahanap mo.
Pero minsan, hindi din naman maiiwasan na kahit na naramdaman mo ang mga bagay na ‘yan eh hindi pa din kayo nagkatuluyan. Kung baga, na sa inyo naman ‘yun kung kaya niyong ipaglaban ang pagmamahal niyo para sa isa’t isa. Pero hindi din naman sapat ‘yung pagmamahal lang para umabot kayo dun sa tinatawag nilang ‘forever’, kailangan nandun pa din sa inyo ‘yung ‘spark’ na tinatawag. Kung nakita mo na nga ang taong para sa’yo tapos hindi pa din kayo nagkatuluyan, ibig sabihin lang nun eh nagkamali ka at akala mo siya na talaga.
Magugulat ka na lang kasi kung ano pa ‘yung hindi mo ine-expect na timing o lugar eh doon mo siya maaaring makilala. Pwede mo siyang makilala kahit ‘san, kahit maging sa internet man. Wala naman kasing pinipiling lugar, oras ang pag-ibig. Bigla mo na lang mararamdaman ‘yun at kahit na anong gawing pigil mo eh wala ka ng magagawa. Magkahiwalay man kayo sa hinaharap pero kung kayo talaga sa isa’t-isa, ‘wag niyong hayaan na tadhana lang ang gumawa ng paraan para doon. Kailangan gawin niyo pa din ang part niyo para lang matupad niyo ang pangarap niyong kayo na nga hanggang dulo.
Sobrang magical ang love. Isa ‘yan sa mga natutunan ko. Kahit na hindi ka corny, magiging corny ka. Hindi lang magical, weird din siya. Pero masasabi mong weird yet it’s amazing. ‘Pag nasabi mo na ‘yang mga ‘yan sa sarili mo, ‘yan na nga ang matagal mo ng hinihintay.
©Copyright 2012, Filipino | Definitely Filipino™. All rights reserved. Copying of any article from this Definitely Filipino blog without permission, is strictly prohibited. DISCLAIMER: All articles are opinions of their respective authors and not necessarily of the site owner and Definitely Filipino.
You may also like these articles:
Don't Call Me Stupid Just Because I Have ADHD
Hidden Love
Of Royal Blood
The Best Ever Example of Best Friend... My Best Friend Ike… I'm Forever Grateful for Being my Best F...
Davao City's First and Only Party Boat
A Letter For Him Who Thinks I Overpowered Him
On Moving On and On and On...
Noong Ako ay Bata Pa, ang Pagkakaintindi Ko ay Taun-Taong Namamatay at Muling Nabubuhay Si Papa Jesu...






gusto ko to kasi weird naman ako eh hehe
Love is not about the feelings. It is a choice. It is a commitment. You cant just rely on what you feel
Love is not about the feeling. It is a choice. It is a commitment. You cant just rely on what tyou feel
total nabanggit mo ang forever..hindi ako naniniwala sa “forever”..may isang tao akong sinabihan na kung may dumating sa buhay ko na isang lalakeng mapapaniwala akong posibleng may forever siguro sya ang mamahalin ko ng lubos..napaniwala nya nga ako pero siguro sya din ang magiging dahilan kung bakit hindi na ulet ako maniniwala sa “forever” na yan..
Tama.. sana’y ikaw na nga!