Home » LIVING » Love & Relationships » Kwentong “Kabit”

Kwentong “Kabit”

"foolish love"“Minsan madami tayong nakikilala o nararanasan na akala natin ay tama, akala natin na sila na ang makakasama natin pang habangbuhay, ngunit sa mali nating akala doon tayo matututo na maghanap ng mas better at mas compatible para sa atin.”

Merong isang babae na nakarelasyon ko, nag tagal din kami, 8 months siguro. Ayoko na sanang alalahanin kasi nasasaktan lang ako pag naaalala ko pa. Meron syang asawa at anak. Nagkatagpo kami sa isang hotel malapit sa may Recto, chinese yata may-ari nun. Anyway, nung una, nagpapayo lang kami sa isa’t-isa through text kasi nagtatalo sila ng kanyang asawa. Nang magtagal, unti-unti kaming napalapit sa isa’t-isa at nainvolve sa isang “secret relationship”.

Kahit may asawa’t anak sya, pinakilala ko sya sa parents at sa buong pamilya ko. Wala akong pake kahit anong sabihin ng ibang tao, kasi Love is blind, ika nga. Alam ko noong una pa lang na mali yung ginagawa namin pero wala akong magawa dahil nabulag yata ako sa pag-ibig. Mahal ko talaga sya, halos napahinto na ako sa pag-aaral kasi I spent too much time with her. Isang text nya lang sa akin agad agad akong pumupunta. May naalala ako na scenario na nag away sila ng asawa nya at isang text lang nya sa akin agad agad akong pumunta para lang sunduin kung nasan man sya, ang masakit nun, nakipag-inuman pa sya instead na puntahan nya ako, naghintay ako ng 3hrs sa isang convenience store sa Parañaque ngunit nauna na pala sya pumunta sa bestfriend nyang girl. Tumira ako ng 1 day lang kasi may pasok pa ako eh, college student kasi ako at that time. Halos lahat ng allowance ko binahagi ko sa kanya para lang maging comfortable sya at ang kanyang anak. Tanggap ko na nga na may anak sya, at napalapit na din sa puso ko, kahit alam kong hindi sa akin yun, kasi minahal ko sya na ganun na eh, so kelangan tanggapin ko ang lahat sa kanya.

Naging masaya naman kami, pinakilala nya ako sa parents nya at umuwi pa nga kami sa province nila para lang makilala ko yung parents nya. Nagtagal kami sa province nila ng halos 2 weeks. Lahat tiniis ko, lahat ng sakit! Ilang beses na din kaming nagbreak ng dahil sa naguguluhan sya sa relationship namin kung ipag papatuloy pa ba daw namin o hindi. Ilang beses na din akong umiyak! Halos patayin ko na ang sarili ko dahil sa sakit dahil din sa hindi ko tanggap na magtatapos na ang relationship namin ng ganun ganun na lang. Tandang tanda ko ang sinabi nya sa akin na “Ayaw ko ng lokohan na relasyon, gusto ko yung may patutunguhan.”

Ilang beses ko na pinaglaban sa kanya na ako ang karapat dapat para sa kanya, pero ganun talaga ang love, kung hindi sa’yo, hinding hindi magiging sa’yo. Kahit anong gawin kong effort para lampasan ang effort ng asawa nya, sya pa rin ang number 1. Tanggap ko naman na break na kami, ngunit ang masakit kasi hindi kami nagbreak dahil sa asawa nya, nagbreak kami ng dahil sa isa pang kabit. Sobrang sakit para sa akin yun na imbes sa akin sya mapunta sa IBA pa!

Hindi ko alam kung bakit pinagpalit pa ako sa iba, unang una, tanggap ko na ang lahat sa kanya kahit ang napakasamang ugali nya tanggap ko, kahit na sampal sampalin ako mahal ko pa din sya, kahit na mura murahin ako, mahal ko pa din. Ang hirap! Hirap na hirap na ako, pero wala akong magagawa, ganun talaga ang pag-ibig, hindi sya para sa akin, at kahit kelan hinding hindi sya magiging akin. Ngayon, pilit kong tinatanggap sa aking sarili na wala na kami at hindi sya magiging akin. Parte nalang sya ng aking buhay.

“Love has its own reasons which reasons knows nothing of”

Enhanced by Zemanta


©Copyright 2012, Definitely Filipino™ Blog Network. All rights reserved. Unless otherwise stated, all articles in this blog are opinions of their respective authors and not necessarily of Definitely Filipino and its staff.


You may also like:

18 Responses to Kwentong “Kabit”

  1. _maybe that girl are hungry for love and attention._

    me I used to be the other woman,
    because I’m hungry for attention. na un ung ipinakita saakin ng guy, kaya pumayag akong maging kabit. masakit mang tanggapin naging masaya din naman ako. pero ung saglit na saya lang naman. dahil hindi masaya na many niloloko ka..

    tama lang na nag-hiwalay na kayo dahil un ung tama.
    wala din naman kayong patutunguhang dalawa kung nagkataoon…isa pa kunsensya mo na din yan..

    • Maraming salamat. siguro ngayon fully moved on na ako. :) maraming salamat sa mga friends ko and sa mga comment nyo. :) isa kayo sa mga tumulong sakin para mas lalo akong mapadali makapag nmove on.

  2. Minsan ang love kala ntin love n, pero sa to too LNG don’t be confused u will know what is love if it’s right mean like single hind kasal sa iba, Ito LNG masasabi Hindi k pang number 2 pang number 1 ka… Chill out!

  3. sucks that your partner never appreciated your worth. I too have the same dilemma, but i am on the other side. you have been given a reason to move on, that is a privilege given to only a few. Move on, you will surely have a better life without her. I am not so lucky, cause my partner never actually wants to let me go yet he fails to let go of his significant other too. be strong, life’s a bitch. but your heart can recover.

  4. i can relate.

    masakit. pagkatapos mong gawin lahat. pagkatapos mong i-give up lahat. i-plano lahat na kasam sya. pero mas makit na iwan ka sa ereng mag isa. mas maskait na akala mo may kasama ka pang lumaban yun pala kasama na sya ng iba. ang mas masakit pa nito, hindi nya sinabi sayo ng derecho, nalaman mo pa sa iba.

  5. Maraming Salamat sa comment ninyong lahat. :)

    • purpleredishsoul

      Very interesting naman ng story mu.. Parang nkakarelate aq and im still in pain.. :(

      • maytwentythree

        kung ako sayo. hiwalayan mo na, alam kong mahirap. ako ilang beses akong gumapang para lang bumangon ulit. makakabangon ka din. it’s been a half a year pero hindi pa ako gaanong nakaka bangon. makakaya din natin yan! :)

  6. we share the same degree of story…. it hurts… it is hard to accept… really… people would never understand what we have been through… but the reality.. it happened… for whatever reason… it happened…

    • makikita din natin ang babaeng para sa atin. just keep believing! :) Ako, ngayong wala na kami, Pinag aaralan ko na mahalin ko muna ang sarili ko, Tanggapin ang kung ano sa akin. :) kasi kung kelangan mo pa na mag bago para lang sa kanya, hindi pag mamahal ang tawag dun. puppy love pwede pa. :) )

  7. tama lang cguro na mag hiwlay kau kc comitted na cya.hindi lang sau kung hindi sa ibang lalaki.alm mo maghanp ka ng karapat dapat pra sa puso mo.yung tatangagapin ng pamilya mo.kaya mong ipagmalaki sa kanya

  8. Hay naku may23, tigilan mo na iyang kabaliwan mo. Akala ko “other woman” iyon pala may “other man”. At hindi pa na satisfied sa pakiki apid sa iyo…kumuha pa ng isa pang “kabit” na ipinalit sa iyo? Ano ba ang nangyayari sa ating mundo, puro na lamang ba “tawag ng laman” ang ating iniisip. HIndi siya worth it to be loved, alam mo iyan. Tigilan mo na ang iyong kahibangan. Magbalik loob ka sa Diyos, humingi ka ng kapatawaran sa ating Panginoon, at hilingin mo kay Lord, na ilayo ka sa ganitong mga situation. Concentrate ka muna sa iyong pag-aaral at alisin mo na siya sa iyong isipan. Tandaan mo, SHE IS NOTHING…ok. Mahal ka ni Lord dahil ipinamulat niya sa iyo kung anong klaseng babae siya. Base sa iyong kuwento ay di siya karapat-dapat mahalin o bigyan man lamang ng kahit anong pansin. May nakalaan sa iyo, na mamahalin ka, dahil sa ikaw ay ikaw at hindi basta na lamang iiwan at ipagpapalit sa iba. Sorry, kailangan maliwanagan ang iyong isipan on this regard dahil dami nang ganitong kuwento pero this is the first time i heard na ang lalaki ang “kabit”.

    I didn’t mean to rub this in your face, pero GISING kaibigan. Dami pa kayang mga babae (single) diyan sa iyong kapaligiran. Enjoy your life, don’t make it so complicated, kasi tayo lamang ang gumagawa ng sarili nating problema. SO cheer up just like they said…and be happy …love yourself first…then once you’re ready to be with someone…then fall in love again at the right time with the right girl (single) ha. Take care always…God Bless U may23!!!

    • tama ka..masyado pang childish at immature ang isip nitong si lalake siguro dahil na din sa nag-aaral pa sya..ituon mo na lang sa pag-aaral mo ang lahat ng atensyon mo..walang gamot sa tanga pero ang kabobohan nagagamot yan..humanap ka ng matino at may dignidad na babae dahil ayon sa kwento mo, napakababa ng tingin ko sa babaeng yan..masakit man ang pananalita ko pero believe me, truth hurts.

    • Maraming salamat. :) I decided to end up our relationship. I want to love myself than anybody. when the time came that i learned to love myself, i think i’m ready to love and be loved again. :) thank you for your comment. :)

      • you’re welcome may23. You better!!!(kailangan mo ng mga kaibigang magmamalasakit sa iyo…hindi para gamitin ka, ok)…Be smart now!! Have a blessed day as always!!!

  9. In time God will send someone for you,dont hurry.Be thankful that u did not end up with her… Just Pray harder:)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*


*

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>