20 days to Hell – Chapter 7
Why does tonight, have to end?
Why don’t we hit restart,
and pause it at our favorite parts.
We’ll skip the goodbyes.
If i had it my way,
I’d turn the car around and run-away,
Just You and I.
-Tiger Lily by Matchbook Romance
December 7, 2010
Tuesday
Bibiyahe ako ng Olongapo ngayon. Meron akong kailangan asikasuhin at dalhin pabalik ng Maynila. At para madalaw ko na din yung mga pinsan ko na matagal ko nang di nakikita at nakakasama.
Tatlong taon na din pala kong hindi nakakabalik dito. Halos konti lang din ang nagbago. Lalong dumami yata yung mga bar na pang red light district ang style, mayroon pa dito, pwede kang mag window shopping, parang ituro mo itutumba mo style na club!
Masarap sana tumira sa Olongapo, kung papipiliin ako mas gusto ko ang buhay doon. Tahimik, walang gaanong polusyon, pwede ka mag cellphone sa daan dahil walang snatcher, kung masnatch-an ka man panigurado tutulungan ka ng mga tricycle driver, tambay, jeepney driver, manong tindero o kung sino mang makakita sa’yo. Walang hassle na traffic, kung meron man hindi naman ganun ka-brutal tulad sa Maynila. Mayaman itong siyudad na ito kaya hindi ka maboboring kung iniisip mong probinsya siya. Madaming bar, kainan, mall, pasyalan at kung anu anu pa. Madami ding tourist spot kung gusto mong mamasyal.
Ngayon nagtatayo na ang SM doon, pati Ayala meron na din sa loob ng dating base militar. Bali balita ngayon na pati robinson susunod na din doon. yung pinagtayuan ng SM, yun yung malawak na parking lot dati na pinagbibike-an naming magtotropa. Nakakatuwa dahil umuunlad na ang Olongapo lalo. Kaya proud talaga ko na masasabi ko ding taga Olongapo ako.
After errands, nag-shopping muna ko saglit ng mga pasalubong. Mga tipong chocolate, brownies, damit at iba pa. Actually, wala atang specialty ang Olongapo kaya kung anu-anong pagkain na lang na pampasalubong yung binili ko.
Binilhan ko si AL ng earrings sa Aldo Shop. Actually isang set siya, OK naman, medyo may kamahalan lang pero mukhang sulit naman at sana magustuhan niya. Hindi din kasi ako magaling pumili ng mga regalo para sa babae. Palpak nga daw ako sabi ng iba kong tropang babae pag namili ako ng pangpa-pasalubong o papang-regalo para sa babae. Hinayaan ko na lang na gumana yung instinct ko, bahala na si batman kung magustuhan niya man o hindi. It’s the thought that counts naman diba? Binilhan ko din siya ng popcorn at brownies. Lakas maka high school no. Hahah
Gabi na din ako naka-uwi ng Maynila, traffic sa NLEX at bandang Quiapo. Pagdating ko dun nagkita din kami kagad kasi sabi ko meron akong ibibigay sa kanya na pasalubong. Nagkita kami sa bahay ng tropa nyang babae. Noong una nahihiya pa ko baka hindi niya kasi magustuhan pero awa ng Diyos nagustuhan naman niya. Lalo na daw yung earrings. Mahilig daw kasi talaga siya sa mga ganung abubot sa tenga at kamay. Bakit daw alam ko kung anung gusto nya? sabay ngiti, ngiting labas yung malalim na dimples. Deep inside kinikilig ako. Ang sarap niyang halikan o yakapin. Pero hindi pwede! Napa-iling na lang ako.
December 8, 2010
Wednesday
Ilang tulog na lang, malapit nang mag-Friday. Nakakabalisa. Nakaka-excite. Nakaka-asar din kasi parang ang tagal ng panahon at oras. Nagpapapayat ako ng matindi at nag-eexercise tuwing umaga para pag naligo sa beach e hindi naman nakakahiyang ibalandra tong katawan ko. Hahaha
Kaso baka naman i-cancel niya ito bigla dahil nagbago isip nya. Alam mo naman ang ugali ng mga babae, ngayon gusto pero mamaya ayaw na. Parang ganun. Pero sana matuloy kami, kasi yun pa lang ung time na magkaka-sama kami ng matagal-tagal at siyempre makakapag-heart-to-heart kami ng maayos. Sana.
Tamang text lang, kape at yosi. Na-kuwento niya pa na tinanong daw siya kung saan galing yung popcorn at brownies na pasalubong ko sa kanya. Patay. Sabi nya sa suitor nya daw. Patay lalo. Sabay tawa daw siya ng malakas.
Aning na aning yung boyfriend niya at todo selos. Pero sabi nya na lang daw iniwan lang sa shop niya, hindi niya alam kung kanino daw galing at sayang naman kung hindi niya kukunin. Pero bakas pa din daw sa mukha ni boyfriend na selos na selos ‘to. Kung nakakamatay lang yung selos malamang namatay na daw yun ng sampung beses. Hmm. . .
December 10, 2010
Friday
Ganado ako magtrabaho ngayon kasi magiging masaya yung gabi ko mamaya. Sana nga matuloy, cross finger lang. Plano dito, plano doon. Siyempre nag-ayos din ako sa sarili ko bago yun. Tamang pagpapagupit, pagligo ng matagal, exercise, bagong damit at kung anu-ano pa.
Sobrang excited talaga ko, kasi malapit na yung date namin, kung date mo mang matatawag ‘to. Hindi na ko makapag-antay. Parang gusto kong matulog muna at gigising ako bago umalis para mabilis yung oras!
9pm
Hanggang ngayon wala pa ding text kung tuloy kami o hindi. Nakakabalisa. Ayaw ko kasi ng ganitong naghi-hintay, matagal pinag-handaan at hinintay tapos parang hindi pa matutuloy.
Saglit lang daw. Iniisip ko baka busy pa siya kaya OK lang. I have to understand.
10pm
Wala pa din. Nakaka badtrip na.
11pm
Nag-uusap na kami sa text. Siyempre hindi ko ina-away, sino ba ko para mang away? Ayaw ko din mag-mukhang demanding sa kanya. Siguro nga nagbago na isip nito. O kaya baka hindi talaga siya pwede.
Hindi daw kasi siya talaga maka-alis dahil may biglaang lakad sila ni boyfriend. Siyempre badtrip. Pero sa akin naman, ok lang din, nai-intindihan ko naman siya o mas tamang sabihing ini-intindi ko naman siya. Hindi naman ako nagde-demand, konting time lang OK na OK na sakin.
1130pm
Hanggang hindi na talaga kami natuloy, kesyo daw ganito ganoon ganyan. Pero OK lang, ayos lang sakin. Siguro naman meron pang next time. Bawi na lang siya.
Nag-usap na lang kami sa text. Parang ang lungkot ng mga text nya. Ramdam ko yung mood niya kahit malayo siya. Gustong-gusto nya daw talaga matuloy kami, yun nga lang, hindi talaga siya makaalis.
Lumalalim na ang gabi, nakakalungkot pero ayos lang. Ganoon tlaga minsan ang buhay. Pabigla-bigla. Hindi mo talaga aasahan na makikisama sa’yo lagi ang buhay. Madalas pa nga lagi kang ba-badtripin e. Yung mga tipong kung kelan ka nagma-madali saka ka naman ina-aberya nang inaaberya. Lagi namang ganoon e, hindi ko alam kung bakit. Napakasama ko na bang tao para malasin lagi?
Pero kahit na anong gago mo at nang buhay kailangan mong bumangon, huwag ka magpapatalo. Walang nag-tagumpay dahil sumuko sila. Kailangan lagi kang ready to fight. Buhay lang yan, mas magaling ka diyan, mas may kontrol ka kaysa sa kanya.
Kaya kahit na anong hirap man danasin mo, kahit na anong pasakit yung makamit mo, kahit na anong kagaguhan man yung masalo mo, kahit na anong ka-bullshitan man yung mangyari, kahit na laging brutal man yung pagkaka-dapa mo, kailangan bumangon ka, ikaw, siya o tayo. Tandaan mo, masarap bumangon o tumayo lalo na kapag hindi madaling tumayo.
Hanggang mapunta kami sa dapat na pag-uusapan namin. Yung bagay na sasabihin nya dapat ng gabi na yun. Sabi ko. “Sige. Game na. Go!”
Hindi pa niya masabi noong una, sabi ko naman OK lang sakin kahit ano pa yan kaya ko naman tanggapin, ma-intindihin naman akong tao. Kahit ano pa kako yan kaya kong intindihin at tanggapin. Hindi naman ako judgmental. Kahit gaano pa kapangit yan hindi pa din magbabago ang tingin ko sa kanya. Siya pa din yung AL na nakilala ko, na napakasarap at napakasayang kasama. Ang AL na nagpapasaya ng bawat araw ko.
At ang buong akala ko ay siya ang magu-gulat dahil alam ko na yung gusto nyang sabihin. Wala akong ideya na ako pala yung magu-gulantang at biglang magu-guluhan. As in, sobrang nasorpresa ako sa sinabi nya. Feeling ko kumidlat sa taas ng bahay namin. Baka naman nananaginip lang din ako. O kaya nagdedeliryo lang ako. Parang may waterfalls ng below zero na tubig na bumuhos galing sa taas ng ulo ko. Sobrang na-tulala at na-stun ako. Feeling ko namanhid yung buong katawan ko. Mild stroke na ata ito e. Bawat letra parang huminto ang oras. Parang hindi ko din mabasa yung mga letra sa cellphone, dyslexic naman na ata ako. Ni hindi ko namalayan, nakatulala na pala ko sa text nya:
Julz,
~2 weeks na din tayo halos magka-kilala.
Masaya ko lagi pag mag-kasama tayo.
Sobrang bait mo din sa akin.
Hindi ko alam kung papaano ko sasabihin sa’yo ‘to.
Ayaw ko kasing maging unfair sa’yo ngayon pa lang.
Ang totoo kasi,
labag man sa loob ko,
ayaw ko man,
pero . . . .
in 3 weeks time
or
20 days from now,
Julz . . . .
Ikakasal na ako. . . . .
~AL
=’(
©Copyright 2012, Definitely Filipino™ Blog Network. All rights reserved. Unless otherwise stated, all articles in this blog are opinions of their respective authors and not necessarily of Definitely Filipino and its staff.
Author: marrymetonight
You may also like:
RH Bill
Living in a third world c...
"Porke ba naka-Starbucks ka, mayaman ka na?"
Sabi ng iba, "If you...
The Great Rebounder
Madalas na nating marin...
Mahal Ko Si Nanay at Mahal Ako Ni Nanay
“Wag maging hadlang ang k...
Akala Ko Lang Pala..
Hindi ko na mabilang kung...
Sweeter Than I Love You
“Bye, Mom, love you, too”...




awww! inaantabayan ko dn ang chapter 8, sana happy ending p dn ang story mo.
masakit at sobrang mabigat sa damdamin..nakakareIate xe aq na baka nangyayari sa husband q ngaun na gaya ng dinanas m kay AI…datz the twist of ur story,,god has a pIan for everything na aka1a mo ma1i ung napasukan mo,but then marea1ized m na testing ka nya…maybe mas need ka ng gf mo datz why ganun nangyari seo,..everything happens for a reason
ang tagal naman nung chapter8….
uugatin muna ata ako at mamumunga ng bayabas bago ma sched yung article. daminggggggggg pending. amp. sorry guys. hintay lang tayo. =(
spoil mu na lang smin. hehe
Ganda naman ng story mu kuya.. Meron na po bang chapter 8? Please let me know.. Parehas kc tayo ng naging experience sa buhay eh.. Gusto kong malaman kung ano yung ending ng sayo..
What sort of music do you listen to? Buy Temazepam
1783
sorry sa lahat ng mga naghintay, medyo sobrang naging busy lang at ayaw gumana ng utak ko para magsulat. anyway, already passed chapter 8 yesterday. hope yall will like it. promise hindi na madedelay ng ganito up to the end. =)
Pwede pahingi ng link sa pending? —hindi na ako makapaghintay. page 15 of 17 pa nang i-check ko siya ngayon-ngayon lang kuya eh…
panu nalalaman yun?panu naccheck po?
link? hehehe baka naman may magprotesta. =)
sorry natanga lang, alam ko na kung panu malalaman. na edit ko bigla kanina. kaya aun. back to page 17. waaa. sorry. nakambugi talaga o.
San n yung Chapter 8?
Basta may account po kuya eh pwede magcheck sa mga pending posts, ata. Inisa-isa ko yung mga pages, pero nagsimula ako sa end.
Sana may PM din dito. Lol. Nakakasuspense naman kasi kuya eh. Kung may chapter 9, paki sulat na din po para hindi matagal yung sked.
…
Haha. Ang demanding ko naman oh
pano mabasa ung chapter 8, asan na po bakit parang wala pa din dito sa definitely filipino? please everyday tinitingnan ko kung may kasunod na eh, tnx.
naka pending pa din po for publishing e. page 14 pa po. mejo matatagalan pa. sana nga ma release na. nakakahiya na din dahil medyo matagal na. please bear with definitely filipino. =)
sumasakit na din ang ulo ko.. parang nabuhusan na din ako ng malamig na malamig na tubig.. namimild stroke na ko.. nasaan na ang chapter 8!!!!!!!!!!!!!!!! rawr!
Saan na po ung next??
tagal po mag sched. =(
chapter 8. chapter 8.
i knew hindi pa dapat mag-comment ng kung anu-ano nung chpater 1 pa lang, e.
daming affected sa chapter 1 mo, kuya (lalake ka, di ba? XD)
chapter 8. chapter 8.
opo kuya nga. hehehe
hnd ako nagsisi to read chapter 1 to last. maganda ang story mo,lakas maka-pocketbook lang!haha.. kahit hnd happy ending.;)
hehe thank you! =) but it’s not yet finished. just having a hard time writing because of work, scheds, etc. promise next week may chapter 8 na. =) thank you ulit!
sabi ko na nga ba
ouch naman.
hehehe, its okay denice. =) Happy valentines to all of you. have a great day! promise tom i’ll pass chapter 8.
hey san na ang update?
Ouch. Dama ko yun ah.
having trouble writing chapter 8. errr.
alam mo ndi mo mapagkakatiwalaan ung mga ganyang klaseng babae. kung nagawa nya un sa bf niya, magagawa niya din sayo. tsk tsk..
you gotta a point, but every individual are not the same right. just saying. =)
why? what’s wrong?
ouch!
ansakit naman… parang 500 days of summer lang ah. :/