Photo credit: thegeminigeek.com

“Kung hindi ako nagfacebook, sana nakapagreview ako.”
“Kung hindi ko ginawa yun, sana hindi nasira friendship namin.”
“Kung ipinaglaban lang kita, sana tayo pa”
“Kung pinaramdam ko lang sa kanya kung gaano sya kahalaga, sana akin pa din sya.”
“Kung ginawa ko lang ang mga bagay na to nung nabubuhay pa sya, napadami ko sana ang maliligayang oras nya.”

Maliliit na bagay hanggang sa malalaki, maaaring magdulot ng pagsisisi.

Madalas nating marinig ang katagang “Nasa huli ang pagsisisi.” Madalas sabihin pero iilan siguro ang nag-isip at nagtyagang halukayin ang utak para magkaroon ng sagot sa tanong na to. Pero bakit nga ba?

May mga nagsasabing, ang sagwa naman daw kasi kung nasa unahan, di mo pa ginagawa nagsisisi ka na. Oo nga naman, ang galing mong pilosopo. May mga nagsasabi din kasi may konsensya kaya nagsisisi, kasi kung wala malamang hindi magsisisi. May punto nga naman.

Pero para sakin, kaya nasa huli ang pagsisisi ay para maging bukas ang isip at mga mata natin, na hindi natin hawak ang buhay. Hindi natin hawak ang panahon. Hindi natin alam kung kailan babawiin sa atin ang hiram na buhay natin at ng mga mahal natin.Kaya gawin na natin ang magagandang bagay na dapat nating gawin, para sa atin at para sa kapwa natin.

Minsan sa kagustuhan nating mapagbigyan ang sarili, sumusunod na lamang tayo sa mga kagustuhan nito. Totoo nga na ang pinakamahirap kalabanin ay ang iyong sarili.

Minsan sa sobrang pagmamahal natin sa pride, titikisin natin ang mahahalagang tao sa buhay natin. Matinding tikisan na parang pride lang ang meron tayo sa buhay. Na parang siguradong sigurado tayo na magtatagal pa naman tayo sa mundo at pwedeng ipagpabukas na ang paghingi ng paumanhin o ang relasyong dapat ayusin.

Naisip mo na ba minsan bago ka matulog, na pano kung ito na ang huling gabi mo? O ang huling gabi ng taong mahal mo? Paano kung wala ka na at hindi mo nasabi na mahalaga sya, na sorry sa kasalanan mong pinaninindigan mo pa at hindi mo man lang naibigay yung gusto nya na kung tutuusin ay libre naman – atensyon at oras?

Bakit ang daling magpasalamat sa mga kaibigan natin, pero siguro sa magulang natin, iilan ang nakakagawa. Marahil may mga aapela at sasagot ng “Actions speak louder than words.” Sige, pansamantala paniwalaan natin ito. Pero pag nasa harap ka na ng puntod ng taong mahalaga sayo, pupusta ko sasabihin mo din ang katagang “Salamat” at “Mahal” kita”… this time sa kaluluwa.

Pero hindi ko sinasabi na daanin natin sa salita pero kulang naman sa gawa. It goes hand in hand.

Nakakalungkot na kung kailan patay na saka tayo nag-aabot ng tulong at nag-uubos ng oras sa burol. Na posibleng hindi natin nagawa nung mga panahong sila ay nabubuhay pa. Minsan nakakalungkot isipin, pag nakakarinig tayo ng eulogies, na ang magagandang bagay na sinasabi ay hindi na maririnig ng taong nakatakda ng ilibing. It will no longer touch his heart, not even open his eyes, nor save his soul…

Mapapaisip ka kung nasabi nya kaya ang mga bagay na to nung buhay pa yung tao? Nasabi nya bang “Napakabuti mo sa akin at ikaw ang nagbigay ng ilaw sa madilim na landas ko.”

Nayakap kaya ng taong ito ang taong namatay sa mga mga panahong kailangan nya ng masasandalan? Maganda kung nasabi nya. Pero kung hindi, nakakalungot… sayang kasi sana nadagdagan natin ang maliligayang oras nila. Sayang sana mas naging inspirado sya pag nalaman na may mga tao syang napapasaya. Sayang sana naipaalam natin na may silbi ang buhay nila.

Sabi nga ni Abraham Lincoln - “And in the end it is not the years in your life that count, it’s the life in your years.”

Napakahirap magsisi sa huli. Napakahirap ibalik ang mga panahong lumipas na.

Sabi nga nila…

“The bitterest tears shed over graves are for words left unsaid and deeds left undone.”

Kaya kaibigan habang may panahon pa, gawin natin ang mga bagay na magpapaligaya sa kapwa natin. Ang mga bagay na mag-aayos sa mga relasyong nasira natin.

Sabi ko nga sa isang FB status ko:

When you have something good to speak or do, do not hesitate… for we do not know how many hearts it can touch, or the number of eyes it can open, or the souls it can save… for you do not own this life nor your loved one’s life, and all you’ve got is a very limited time…

Enhanced by Zemanta