SELF-ESTEEM Makes All The Difference
Kanina sa klase, nagbigayan na ng prelim grade. Of course, maraming matataas ang grado, may mga estudyanteng di pinalad at sa kasamaang palad, isa ako doon. Umpisa pa lang, alam ko na na magiging di kanais-nais ang kalalabasan nun dahil alam kong di ako nag effort sa lahat ng mga pinagawa sa amin. Tapos biglang nagkwento yung professor ko tungkol sa mga matatalino at mga saktong estudyante.
“Ang mga matatalinong estudyante nagiging matalino dahil sa mga kaklase nila”.
HUH? Sa pagkakaalam ko kasi ang mga matatalinong estudyante matalino kasi matalino talaga sila o kaya yung iba masipag.
Sabi pa niya, ang difference lang daw ng isang matalinong estudyante at isang normal na estudyante ay SELF-ESTEEM.
Paano nangyari yun?
Kasi ang matatalinong estudyante nagiging matalino dahil RECOGNIZED siya na matalino siya. Pero kung tutuusin sa classroom pantay-pantay lang daw ang lahat. Kaya may matalinong estudyante o may nangingibabaw na isa sa bawat klase ay dahil sa mga classmate niya na nirerecognize siya as MATALINO pero kung tutuusin kung ano ang mga kaya niyang gawin kaya rin naman ng mga normal na studyante or mga average students(gaya ko).
Nagiging problema kasi kapag nagkaroon na ng matalino o nakakaangat sa isang klase, SIYA NA ANG NAGIGING BASEHAN NG LAHAT. For example na lang, everytime na may quiz, seatwork, o ano pa, lahat nakaabang sa taong tinuturing nila na ANGAT sa klase; inaabangan kung anong resulta ng exam niya, quiz, anong isasagot sa recitation, yung mga ganung bagay kaya ang nangyayari kunukumpara na natin yung sarili nating kakayanan sa kanya at ang masaklap doon sa pagkukumpara natin, SARILI mismo natin ang talo. Kunwari may isang tanong na napakahirap at nasagutan niya ito, wala na…parang nangyayari, pumapasok agad sa isip ng lahat, “AYY! Ang galing niya naman, ang hirap nun ah! di ko kaya sagutan yun, siya nga nahirapan, ako pa kaya?”…. DIYAN!!! Diyan sila nagiging matalino. Dahil umpisa pa lang, tinanggap mo na hindi mo kaya at kailan man di mo kakayanin ang nagagawa niya. Di man lang natin sinubukan kung kaya ba natin ang kaya niyang gawin. Dahil nga siya na ang basehan, kapag nakuha niya na, tapos na ang lahat. Kung baga siya ang MAIN EVENT tapos yung sa mga natitira UNDERCARD na lang.
MALI! Maling mali! Sa ganoong pangyayari pinapababa natin ang SELF-ESTEEM natin, kaya nasabi siguro ng prof ko na ang difference lang ng matalinong estudyante at normal na estudyante ay self-esteem kasi kung sa una pa lang may tiwala na tayo sa sarili natin na kung ano ang kaya niya, kaya rin nating gawin, hindi malabong mapantayan o mahigitan pa natin ang kaya niyang gawin. Pareho naman kayong estudyante, kumakain, humihinga, namamasahe ,naglalaro, nag-aaral at marami pang iba. Yan kasi ang hirap kung sa sarili mo mismo wala kang bilib. Ang mga matatalino kasing gaya nila mataas yung self-esteem nila dahil sympre ikaw ba naman ituring na matalino at pinakamagaling sa buong klase? Di ba tataas self-esteem mo nun? Dahil nga recognized sila as matalino, natural ang tendency nila is to maintain that kind of recognition at para ma maintain yun dapat mapanatili nila yung mataas na self-esteem nila. Ganun lang kasimple. Kaya habang ineexplain yun ng prof ko kanina di ko maiwasang ikumpara ang sarili ko sa iba kong classmate. Alam ko sa sarili ko na kaya ko kaya lang aminado ako na isa ako sa mga estudyanteng iyon, walang tiwala sa sarili, ginagawang basehan ang ibang kaklase kung hanggang saan ang kaya kong gawin.
Kaya ako, hindi ako naniniwala sa kasabihang BE CONTENTED ON WHAT YOU HAVE. Siguro naaapply yun sa mga taong nasa kanila na ang lahat pero naghahangad pa rin ng iba. Pero para sa estudyanteng kagaya ko, hindi ata uso yun. Di dapat tayo makuntento na parating nahuhuli, napagiiwanan, at nananatiling anino ng iba. Kaya siguro it’s time for me to step up, magkaroon ng tiwala sa sarili at tuluyan nang makawala sa anino ng iba.
Comments and suggestions will be appreciated. Thanks!
Photo credit: indyposted.com
©Copyright 2012, Definitely Filipino™ Blog Network. All rights reserved. Unless otherwise stated, all articles in this blog are opinions of their respective authors and not necessarily of Definitely Filipino and its staff.
Author: par1234
just wandering around
You may also like:
DeathBed
As I opened the door, the...
A Young Adult Filipina's Take on Right or Wrong
As a young adult Filipina...
Kung ako ang maging Presidente ng Pilipinas.....
Kung ako ang maging Presi...
Patay na Pangarap
Napakaingay ng mainit na ...
Life is goooooooood!
“Nakakainis ang buhay na ...
Father and Son
Three months before my ...



Thanks for the comments and stories guys. Akala ko walang magbabasa ng pinost ko
)
God bless.
Thanks for the ideas.
I agree.
I can speak for myself about this issue. In 1960, I was fifth honor in a class of 40 in elementary. But I struggled in high school partly due to poor standard of my previous school. I kept asking myself ‘Bakit ang tatalino ng mga classmates ko’ … so I persevered by spending more time in library, studying till late at night and avoiding social activities. I challenged myself by taking all optional subjects offered…. I finished 39th out of 300 high school graduates in 1965.
Due to financial problem, after just one semester, I postponed my university course and work for 2 years instead. I resumed my study in 1968 as working student but taking full load to maintain my scholarship. I graduated in 1971, with an average grade equivalent to Magna Cum Laude level.
I past CPA board exams the following year and completed MBA at UP in 1977, with very high average.
I considered myself as average or just above average. What surprised me was my achievements compared to high school classmates I considered as geniuses (valedictorian, salutatorian, & other honor graduates). I remember the time in high school when I truly admired their knowledge and intelligence.
Some of them were my classmates in college and master degrees but they barely pass their subjects and had dismal overall results.
Indeed….. it’s self esteem.