Love, Blood and FB
“May mga bagay na mauunawaan lang ng tao kapag nagmahal na sila..”
Kahit anong mangyari, anong panahon, anong oras, araw e di nawawalan ng problema sa pag-ibig ang mga tao.. Lalo na dito sa FB na parang nagiging outlet ng kanilang nararamdamang sakit habang ang iba naman e napaka-showy na sila e in-love. Post sa wall ng vids, message, may kiss at hugs pa na may puso habang ang iba naman e tuloy ang emote. Ayos din para ma-balance ang mundo.
Wala akong magawa kaya gagawa na lang ako ng tip para sa mga namomroblema sa pag-ibig:
_________________________________________________________________________________
SA MGA MAY JOWA:
1. WAG MASYADONG SWEET.
>Di nyo naman kailangang pagsigawan na masaya at inlove kayo, pero ok lang din, wag lang sobra. Hindi naman sa inggit ako pero baka may ibang naiinggit. Haha
2. WAG MAG-AWAY SA FB.
>Parang naghahanap lang kayo ng kakampi at may magmumukhang masama sa inyo. Imessage nyo na lang para sweet.
3. HAYAANG MAGING FRIEND ANG EX SA FB.
>Baka magkaibigan naman talaga sila at tapos na ang lahat. Di naman maaagaw yan kung ayaw e, depende na lang kung talagang di ka n’ya gusto. Haha
4. WAG PAKIELAMAN ANG FACEBOOK NG BF/GF!
>Wala ka bang tiwala at kelangan mo pang alamin ang password at hulihin sya. Haha. Kung sabagay, ang relasyon nga raw e parang Quiapo- maraming snatcher. ![]()
>Pero sign yon na may tiwala ka e kung di mo na kailangang pakialaman ang facebook nya.
5. WAG MAGPALIT AGAD NG RELATIONSHIP STATUS PAG DI PA SIGURADO!
>Nagmumukha kayong tanga sa paningin ng iba pag nakita na single, in a relationship ulit na paulit-ulit. Parang nagiging bisyo nyo na ang pagpapalit ng stat at nangyayare e wala ng pakialam sa inyo mga kaibigan nyo.
_________________________________________________________________________________
SA MGA SINGLE!
1. ENJOY LANG.
>Maglaro lang at mag-add ng mag-add ng kung sinu-sino. Pero pag in a relationship na e wag mo ng i-add. Para walang problema. Haha
2. IPOST ANG PINAKA-CUTE MONG PICTURE!
>Para makaakit ka, di naman pwedeng single ka na e yung pangit na pics pa gagawin mong DP. Hahaha
3. RELAX LANG.
>Ang FB e social networking site at hindi tinginan ng future gf/bf. Pero ayos din at kung ito lang ang way para ma-approach mo ang type mo e gora na. Haha.
_________________________________________________________________________________
SA MGA DI MAKAMOVE ON/ BITTER/ NASASAKTAN:
1. GO LANG ANG EMOTE!
>Malaya naman ang lahat na i-express ang nararamdaman kaya lang minsan e nagmumukha ka ng kawawa e. Di mo naman minsan deserve yang sakit na nararamdaman mo.
2. WAG NG I-VIEW ANG PROFILE NYA!
>Sige ikaw din, baka kung ano lang ang makita mo. Di naman sa tinatakot kita pero mas masasaktan ka lang kung malalaman mo na ikaw lang ang nasasaktan.
3. MAGLIBANG!
>Dami laro sa FB, laruin mo lahat hanggang umaga. Hahaha. Mag-chat din sa mga frieds na baka dahil sa past relationship mo e di mo na masyado napansin. Sila yung mga nadyan malungkot o masaya ka man.
4. WAG MUNA MAG-FB!
>Minsan e perwisyo din tong FB na to e. Nakakadagdag lang sa sakit na nararamdaman mo kasi dito ka nakakabalita, nakakakita at kung anu-ano pa.
_________________________________________________________________________________
PANANAW ko lang naman tong mga to, you can agree or agree to disagree. Have a good life. GODBLESS.
“Hanap tayo ng hanap ng pag-ibig, pag nandyan na naman e di na natin pinapansin..”
-DEAN 1/12/12
©Copyright 2012, Definitely Filipino™ Blog Network. All rights reserved. Unless otherwise stated, all articles in this blog are opinions of their respective authors and not necessarily of Definitely Filipino and its staff.




medyo natamaan ako pero di din ako sang-ayon sa some parts..but still thumbs up!
ay, winner tong blog mo, tawa ko ng tawa kse naka-relate ako.. onga, marami masasapul
Nakarelate ako dun, ah? Sapul! Anyway, thanks sa blog mo, tyak marami pang masasapul, hahaha! God bless you!