by
on
under , , , ,
tagged , , , ,
Permalink



Disclaimer: Definitely Filipino is a community blog. All who write for this blog are independent, unpaid authors. All views, content, images are the responsibility of their respective writers and not of Definitely Filipino. Please contact the author directly with questions about this article.
Send a private message to author bangsoverload

The Perks of Being Single

About bangsoverload

Lutang. Bisyo ang uminom ng Nestea, lalo na yung Red. Madalas nakatunganga sa loob ng kwarto, naghihintay ng himala. May guni-guning sinta. Tambay na dito: https://www.facebook.com/bangsoverload

Best Home Business Laptop

click Discretely Cosine Forex Transformation

95 What Is Binary Option Trading System

Tradersroom Binary Options Platform Ratings

Examples Of Investments Into Forex Trend

2.Wala kang tigyawat sa mukha. Hindi dahil totoo ang sinasabi nang marami na kapag may pimple ka ay inlove ka. Ito ay dahil hindi mo nailalaan ang iyong sweldo sa mga hirit nang user-friendly, este, pinakamamahal mong kasintahan. Nagagamit mo ang pera mo pamfacial. Kumpleto mo ang sessions mo sa diamond peel. At sa sobrang adik mo naglevel up ka na, gold peel naman target mo. Saka, dahil ang buong oras mo ay nakalaan sa pag-aalaga mo sa sarili mo. Hindi ka nahaharag kapag hindi pa nagrereply sa text mong “Kumain ka na ba? Mwuah mwuah tsup tsup 10x” ang iyong mahal. Hindi ka naaliga. Hindi ka pressured. Lahat nang panahon na maaring ibigay sayo ni Lord, nasa iyong mga kamay. Walang makikihati.

3.Walang maasar sayo kung maka-first blood ka man.( for dota players only…tee hee)

4.Walang maasar sayo kung puro DOTA ang inaatupag mo sa buong buhay mo at hindi SIYA. Walang aagaw nang oras mo sa kakalaro. At walang susundo sayo sa computer shop at sisigaw bigla nang “Hayop ka! 5 oras na akong naghihintay sayo, andito ka lang pala! Inugat na ako lahat-lahat. Sabi mo by 1 pm tayo magkita. Anong petsa na?! Alam mo bang kanina pa ako naghihintay sayo. At baka nakalimutan mo na ang meaning nun. Kaya let’s define kanina. Kanina, fresh pa ako. Kanina, hindi pa ako amoy usok galing sa jeep. Kanina, hindi pa smudge ang eyeliner ko. At kanina, bata pa ako!!!”‘ (bigyan mo nung inaadvertsie na fruit juice, baka kumalma.) Kumbaga, walang mamahiya sayo sa loob nang internet shop o kung saang lupalop ka man naabutan na naglalaro nito. Wala kang maririnig na “EPIC FAIL PARE!” pagkatapos nang naunang eksena. Hindi ka makasalanan dahil lamang gusto mong pulbusin ang scourge. Hindi pare, maniwala ka. Amen.

5. Marami kang makikilalang mas hihigit pa sa kaholding hands mo ngayon. Mas gwapo. Mas maganda. Mas matalino. Mas mabait. Mas anghel. Mas mayaman. Mas sikat. At lahat nang mas na hindi o wala ang kapartner mo. Kilalanin mo sila at saka ka na lang magdecide kung gusto mong i-pursue to the next level. At hindi tulad kapag nasa isang relasyon ka na, na kapag ayaw na nang isa sa inyo ay may iyakan portion, may drama mode at ubos ang 2 box nang tissue. Kapag single ka at ayaw mo na sa isang tao, deadmahin mo na lang. O kaya walk out. Walang iiyak. Walang maglalaslas. Walang hassle.

6.Mapupuntahan mo lahat nang lugar na maganda sa paningin mo nang makita mo ang mga pictures sa google. Dahil nung kayo pa, hanggang google earth ka lang. Well ngayon, walang pipigil sayo. Walang manguunsiyami nang mga plano mo dahil lang sa hindi available ang bf/gf mo o dahil simpleng ayaw niya sa mga bet mong galugarin. Ay naku, wala nang haharang sayo dahil balak mong magadventure sa Kazakhstan. Wala. At hindi pa hassle na magsama nang iba dahil diba kapag may lakad ang magjowa, asiwang lumarga kasama sila kasi magmumukhang chaperone o epal yung mga barkada mo sa mga precious moments niyo. Kaya ngayon, isama mo buong angkan mo. Isama mo pa pati si Dora at Boots. Wag niyong kalimutan ang map!

7.Hindi ka pressured sa fugure mo. Wala na ring mangaasar sayo kung bigla kang pumayat. O tumaba. Kaya, itapon mo na yang weighing scale mo sa bahay. O kaya iparent mo muna sa pinakamalapit na health center (ansabeh?!mas upgraded ka pa sa kanila!) at kunin mo na lang pag’ nagkajowa ka ulit.

7.1. At magiging malusog ka na rin in a good way. Kasi wala nang mangaagaw nang lakas mo (ang palagi kasi ninyong ginagawa sa date niyo eh magdance revo) kaya ka pumapayat. O kaya wala nang magbabawal sa pagkain mo nang peyborit mong porkchop. O kung hindi man, wala nang mangunguha nang hindi nagpapaalam sa peyborit mong prokchop.

8.Gawin mo na yang Lady Gaga inspired mong make-up. Wala nang magtataas ng kilay dahil sa kakapalan nang foundation mo sa mukha. Wala nang magsasabi nang “Happy Foundation day!” Tadtarin mo na rin nang eyeliner yang mata mo. Wala nang magrereklamo na mukha kang frustrated na bampira.

8.1. Gawin mo na rin yung Lady Gaga inspired hairdo mo.( Baket puro Lady Gaga?Trip ko lang). Bottom line: feel free to do your hair the way you’ve always wanted. Dati kung may nagrereklamo kapag from long hair eh bigla kang nagpagupit nang Dora the Explorer mong haircut, ngayon wala nang kokontra. Dati kung may naasiwa sa plano mong magpakulay nang purple, pwes wala na ngayon. Gusto mo pa rainbow colored eh.

9.Hindi mo na kinakailangan pang problemahin ang pangload mo ngayon. Kung kelan mo lang trip, go. Wala ka na ring sasayanging lakas kakapindot sa black berry mo o iphone4s para lang makatha ang “Kmain k n ba bebe ko?misyu, labyu” kahit na five minutes pa lang ang nakakaraan nang magtapos ang dinner date niyo sa MOA. Wala nang biglang bubulabog sa pagtulog mo dahil tinawagan ka niya para lang sabihin na, “Natutulog ka na ba? Labyu.” Kumbaga, rest day nang bonggang-bongga ang iyong cellphone.

10.Ganun din sa facebook o other networking sites. Kung dati alangan kang maglikes sa ibang tao dahil baka pagsimulan nang away (ex. ni-like mo yung comment sayo na aymisyu nang ex mo). Well now, feel free to do whatever you want. Post dito, post doon. Tutal, malaya ka nang gawin lahat at wala ka nang iniisip na ibang tao na maapektuhan nang kung ano man ang nilalagay mo sa wall mo (wala ka nang fb police). Kumbaga, hindi mo na sinusunod ang platform ng GMA na “Think before you Click.”

11.Wala nang magseselos kung bigla mo mang hinablot si __________ (insert peyborit artista here along with your peyborit smiley) at tinadtad nang halik sa mukha. Wala nang maririndi sa malupit mong sigaw pag kumanta na ang gwapong bokalista nang paborito mong banda. O kung gumiling na yung isa sa mga magkakamukhang koreano sa kpop group na pinapanuod mo sa youtube (wala ka kasing pambili nang ticket papuntang Korea). Wala nang maaligaga sa pagkapanatiko mo sa mga idolo mo. Kaya ilabas mo na ulit sa baul yung mga posters mo nang F4 sa Meteor Garden. Idikit mo ulit sa dingding nang kwarto mo. Kasi wala ka nang maririnig na pangaasar kanino man na sinasabihan ka nang “outdated much/ korean na uso ngayon!”. Hala, magpantasya ka till your hearts content.

12.Mapapanuod mo na lahat nang ipinagbabawal sayo dati nang jowa mo. Malaya mo na ring matitingan ang magandang katawan na natatakpan lang nang kakarampot na tela sa magazine na halos punitin at sunugin nang ex mo dahil nagseselos sa mga pinapantasya mo. Kaya yung mga FHM mag sa ilalim nang kama mo, wag mo nang ikahiya. Wala na ring magbabawal sa pagbili mo nang playboy. O kaya Pent—-ay basta, lam mo na yun. Tandaan lamang, laging ipinid ang pintuan. Lagot ka pag nakita yan nang 5 year old baby sister mo. O nang nanay mo.

13.Wala na pipigil sa sumasabog mong pagnanasa—-na magPARTY! Yeah! (Kala mo kung ano noh? Ehem). Go party till’ your hearts content. Dance your night away. Live your life and stay young on the floor. Dance the night away. Grab somebody, drink a little more. Tonight we gon’ be it on the floor! (pustahan, napakanta ka dyan).

14. Speaking of number fourteen, wala ka nang gagastusin sa ganitong numero at pumatak sa buwan nang Pebrero. Hindi na hihiyaw ang bulsa mo. Need I say more?

15. Wala nang magseselos kung mas inaalagaan mo yung alaga niyong tuta kesa sa minamahal mong tao.

16.Wala kang iniisip na baka nambabae ba siya dahil long distance kayo. O simply ang isipin na may nangangaliwa na pala. Wala nang ganung kutuban. Ang tanging pressure mo na lang siguro eh kung yung crush mo bang pogi eh babae ba ang gusto. O baka pogi din ang bet.

17.Wala kang pressure sa mga isusuot mo, mga pupuntahan niyo, san kayo kakain, anong papanuorin kapag may date. Iniisip mo na lang siguro ngayon kung anong isusuot para yung gwapong may skull candy sa ulo ay mapatinging sayo. Tapos nang nagkatinginan kayo, kung may stiff neck, sa inyo; stiff eyes. Dun lang ang tingin. Nasa isa’t isa lang. Naks, welcome to the staring competition. Ang unang magbaba nang tingin, talo. Manlilibre nang Starbucks. Yey!

Kaya cheer up. Wag mo nang sayangin ang mga luha mo. Wag ka nang malungkot. Dahil maliban sa mga nasabing may pagkasa brutalang advantages nang pagiging single, ika nga nang nabasa kong text message na pinadala sa phone ko bago ito nanakaw nang bongga, “The construction of a palace is far more greater than a simple apartment.” At ang iyong love story ay parang ganyan lang din. It’s just that it takes time. That’s why it’s worth the wait. And while waiting for Mr. Right, go ahead and enjoy Mr. Absolutely Wrong (chos! charing lang). Este, go ahead and be the best person you can ever be. Why? Because you deserve the best partner as well.
***Alam ko mas marami pang pwedeng idagdag sa listahan at lugod na ikakatuwa nang kakatwang manunulat kung iyo itong ibabahagi below the comments section. Tapos, isama natin dito. At para hindi ako makulong sa copyright infrigement, ilalagay ko na rin yung pangalan mo as a form of acknowledgement na rin. Sabay apir na rin tayo. (At kung maging negatibo mang ang labas nang pagkakaroon nang partner para lang mapakita yung advantage, dont get me wrong. Malakas lang talaga topak ko ngayon. Pasensya na po, epekto nang puyat.)


  • mitchiness

    Nyahahahahaha!!!!! Proud to be single! Wohoooo!!!!

  • JT Bredett

    Tempting. The down side of being single is, when you get old, you will be alone. And that’s not gonna be cool. Period. 🙂

  • akomunasiblanca

    Binasa ko ulet after how many months at natawa pa rin ako ng bonggang-bongga!.. Masarap maging single dahil natatamasa ang mga nabanggit mo. Reading this again makes me feel more contented (for now) na SINGLE ako and I asked to be single din eh. Few months ago I was not that comfortable pa to be single and now, I’m so feeling this and enjoying the whole bucket of happiness and freedom. 🙂

  • yloy

    hahahha tinamaan ako doon lahat ah hhehhe minsan hindi maiwasan sa mga girls na malapit ng ma depart sa calendar na mag worry hheh but love your blog funny but totoo

  • heartspring19

    Sige eenjoy mo lang per kapag umabot ka na ng 25 at lahat kaibigan mo ay may asawa na tyaka ka magtatanong asan na ung para sakin.

  • Edmund

    Advice lang sa mga singles, umiwas sa mga occasions like family, reunions, sigurado yan una tanong sayo, “kailan ka mag aasawa” hahaha

  • redcassandra

    ANG SARAP MAGING SINGLE.! haha nice blog :)) marami ka talagang magagawa kapag single ka. kung tutuusin ang lovelife na yan ay bonus nalang satin. :)) so go lang ng go.!

    • bangsoverload

      parang advertisement lang yung huling sentence ha..hehe

  • OnlyBetterMe

    galing ng author! two thumbs up! 😀 Nakakatuwa naman ang blog mo. Hehehe totoo masarap maging single for certain period lang sa life pero kung nasa age na dapat may asawa ka na eh wala pa rin, think twice, baka nasobrahan naman sa sarap ng pagiging single. hehehe.. baka maiwan sa byahe. Masaya din naman ang may partner eh pero tama ka, enjoy lang habang single pa. Gawin na lahat ng gustong gawin dahil pag committed na ulit, wala na namang time para gawin ang mga ninanais mong gawin. Mabuhay ang mga Singles! hahaha! 😀

    Kudos to you bangsoverload! God bless! 🙂

    • bangsoverload

      salamat po!

  • Vincent Perez

    …pero handa akong baguhin ang status mong single, kung matalo mo ako sa DoTA! LOL!

    • bangsoverload

      haha..tingan natin..niyahahah (evil laugh)

  • fern

    nice blog..

  • fern

    what a nice article…like it…yong iba nabanggit nakka relate ako..

  • ayos! nakakabuhay talaga to. mabuhay ang mga single!

    • bangsoverload

      salamat!ako din nabubuhayan sa mga blogs mo pare! keep it up as well!

      • at ngayon lang din ako nakapagreply sa comment thread na ito. (like almost 5 months?!). salamat sa supporta.

  • ms_almond

    nice..nakakatuwa naman to basahin..:) try nyo..kakaaliw..hehe..:)

  • ashley

    so feeling single pala ang bf ko.. dahil hinahayaan ko lang naman sya matulog ng kahit ilang oras at maglaro ng computer games kahit kelan nya gusto.. siguro dahil napagod na din akong pagbawalan sya kasi hindi din naman sya nakikinig.. at baka masakal na din sya kakapabawal ko.. pero may self-control pa din naman sya at may oras pa para sakin.. yun nga lang., nagkakaoras lang ata sya pag wala sya masyadong ginagawa.. (may pagkabitter ba..?) ahehehe.. anyway, sa mga single, nbsb o ngsb diyan., maswerte pa kayo dahil wala pa kayo masyadong iniintindi..:)) (pero minsan ay masaya din naman ang may katuwang sa buhay..;] )

    • bangsoverload

      ashley, maganda na naiintindihan mo ang iyong iniirog sa kanyang pagkahumaling sa larong DOTA. ngunit, mas maganda siguro kung gawin niyo ang paglalaro nito bilang bonding time niyo na rin. hindi naman sa hinihimok kitang maging susunod na manlalaro nito, pwede mo naman din siyang panuorin at bigyan nang moral support. Certified yan.

      love,
      dr.love (ahahay, redundant?!)

  • christine

    haha! sobrang love it! sobrang natawa ako dito. galing!!! naka-relate ako dun sa iba.

  • nice blog..nakaka-uplift ng feeling..nakakarelate

  • mahinay

    haha! we all need our time alone, our “me” day.

  • runaway2011

    hahahaha. ang kulit lang.

  • aldren gil

    ahahahaha nicely done bro…