by
on
under
tagged , , , , , , ,
Permalink



Disclaimer: Definitely Filipino is a community blog. All who write for this blog are independent, unpaid authors. All views, content, images are the responsibility of their respective writers and not of Definitely Filipino. Please contact the author directly with questions about this article.
Send a private message to author Mommyjoyce

Malayo Man …Malapit Din!

About Mommyjoyce

Isang simpleng nanay na adik magbasa, adik magsulat at adik sa anak! Idol ko si Mother Theresa, kaboses ako dati ni Ate Shawie Cuneta (joke); maawain sa mga madudungis, siga sa mga taong nang-aapi, at lifecoach sa mga kabataan at mga magulang na walang ibang makausap, Ang simpleng motto ko in life: Cherish everyday (not just because it could be my last); kundi kasi, bukas iba na naman ang flavor ng buhay! Kaya namnaming maigi!

http://fromvalskitchen.com/?p=Online-Trading-For-Forex Online Trading For Forex

http://danstasiewski.org/?option=Instaforex-Loprais-Teamu Instaforex Loprais Teamu

http://automotorblog.com/?option=Quotations-Forex-In-Days-Off Quotations Forex In Days Off

view Best Indicator For 60 Seconds Binary Option Ea 2016

Forexspotstyw Info

Dangan kasi’y napakahirap ang mapalayo sa pamilya at sa iniirog NOON! Aba, hindi na NGAYON!

Dati-rati’y tatlong linggo bago makarating ang isang liham, at tatlong linggo bago makarating ang tugon sa liham. Ni hindi mo malalaman agad kung nakarating ba sa patutunguhan ang iyong lumisang kapamilya. Libong halaga ang isang napakaikling tawag. At patay na sa lungkot ang napalayo dahil walang pantawag!

Hindi na ngayon!

Salamat sa cellphones, sa internet at sa mga websites kung saan pisikal na aspeto na lamang ang kulang. Kahit araw-araw ay maaari mo nang makita at makausap ang iyong minamahal na nasa malayo. Kahit oras-oras ay maaari mo nang tawagan. Maaari na ring magpalitan ng mga litrato, mga videos o kaya’y magkumperensiya ang mag-anak, magkakaibigan o magkasintahan. Maaari na nga ring dumalo sa mga okasyon via “webcam”. Hahaha! “One click away” ‘ika nga!

Hindi na gaanong mangungulila ang mga iniwan at ang lumisan. Masusundan na ng isang magulang ang paglaki ng kanyang mga anak. Makakaramay na sa mga pagsubok ang isa’t isa dahil maaari nang mag-usap at magkita nang madalas. Maaari nang magpalitan ng kuwento ayon sa mga kaganapan sa kani-kanilang kinalulugaran. Posible na ang maglambingan via chat. Ang kasabikan ay natutugunan na. Salamat sa teknolohiya.

Ngunit tulad ng anumang mahalagang bagay, kailangan ng sipag at tiyaga sa pagpapanatili ng pagmamahal gaano man kalawak ang inyong pagitan. Maglaan ng panahon para sa regular na komunikasyon. Magdagdag ng iba’t ibang pamamaraan sa pagpapadama ng pagmamahal. Pahalagahan ang bawat pagsisikap na maiwasto kung mayroon mang mga pagkakamali o pagkukulang. Hindi naman kasi dapat sinusukat ang pagmamahal. Ito’y pinalalago at pinagyayaman upang lalong tumibay.

Kaya naman, muli nating pinapaalala sa mga pamilyang Pinoy… panatilihin ang pagmamahal, dahil ngayon, malayo man sila, mas malapit na rin! ^_^ mj


  • allan po

    basta nasa puso ninyo ang bawat isa,walang hindi makakaya…open communication po,,thats the secret….

  • 🙂

  • jc

    No. 1 : TRUST / TIWALA

    • Mommyjoyce

      korek!

  • Constant communication, parang kmi ng asawa ko… Booooom!!!!!

    • Joie

      Willingness for constant communication is the key…dahil maski nandiyan na lahat ang bagong technology for communication (especially skype, oovoo, facebook video call), kung wala namang interest at drive for constant communication walang mangyayari. It’s a two way street…the husband cannot be the only one to call and ask his family to skype, to tell him what’s going on in their life. Remember the husband is the one that’s working hard for the family,to give what the family wants. Isn’t it right for the wife and kids to be the one to reach out? Call once in while just to say “hi how are you doing?”…to take time during the weekend to video call? To tell him to take care and to thank him for all he has done for them? A husband/dad’s hardship in another country will not be that hard if his family is there to show their appreciation and love. And if the wife is too busy with her extracurricular activities for constant communication…teach the kids to reach out to their dad, teach the kids to appreciate the dad’s hard work…not to reach out just because the dad is already mad that he hadn’t talk to them for a long time and just to reach out because they need something. There are still a lot of husband/dad that are in this situation.

      • Mommyjoyce

        korek ka, joie…dapat mapukaw ang awareness na iyan. Na sila na ang mag initiate ng pagpaparamdam at pagbibigay ng attention whenever possible!

    • Mommyjoyce

      great, Aries!

  • ^_^

  • Nose bleed

  • Prince Charles

    “dehins ko rin mararating…Sinisinta kita, ‘di ka kumikibo, akala mo yata ako’y nagbibiro. Saksi ko ang langit….puputok ang puso”

    • Mommyjoyce

      Nice, prince Charles! Glad u know the song! ^_^