by
on
under , , , ,
tagged , , , , , , , , , , , , , , , , ,
Permalink



Disclaimer: Definitely Filipino is a community blog. All who write for this blog are independent, unpaid authors. All views, content, images are the responsibility of their respective writers and not of Definitely Filipino. Please contact the author directly with questions about this article.
Send a private message to author afriendlygal

Liham Mula Sa Isang “Daddy’s Girl”

About afriendlygal

A fulltime housewife and mom of 2 boys...naniniwala akong darating ang araw na magkakasama sama din kameng pamilya...

Sa pinakamamahal kong ama (DR. RUBEN FAROL ABRENICA +),

Unang una sa lahat ay gusto kong magpasalamat sa iyong labis na pagmamahal at pagseserbisyo sa amin noong ikaw ay nabubuhay pa. Ikaw ay isang doktor ng medisina pero naging drayber sa aming limang magkakapatid. Hatid-sundo kami sa eskuwela. Maaga kang gumigising upang ipag- init kami ng tubig pampaligo. Sinasamahan mo si mommy sa umaga sa paghahanda ng aming kakainin bago pumasok sa school. Pinaglalaba mo rin kami at pinagluluto kung kinakailangan. Hindi ka nagreklamo ni minsan. Miss na miss ko na ang pag vivideoke nating dalawa. Ang pagmamasahe ko sa likod mo bago ka matulog. Ang pagdedate natin sa mall. Ang pagkakape natin sa starbucks. Miss na miss ko na ang pagyakap mo sa amin…miss na miss na kita daddy… Ang mga panahon na sinasalubong mo kami sa airport tuwing kami ay unuuwi galing ibang bansa. Kung pano ka umiyak sa aming pag alis… Ang lungkot sa tinig mo sa tuwing tayo ay magkakausap sa telepono…

Habang kami ay lumalaki, nakikita namin ang paglilingkod mo sa mga tao lalong lalo na sa mga kapos-palad na hindi kayang magpagamot sa ospital at hindi kayang bumili ng sariling gamot. Naaalala ko pa ang mga araw at gabi na may nagpupuntang mga tao sa bahay natin para magpatingin sa ‘yo. Hindi daw nila kayang magbayad sabi ng isa, pero hindi ka nag-atubiling gamutin sila at nung bago sila umuwi, dumukot ka sa iyong pitaka ng pera at iniabot mo ito sa kanila para may pambili sila ng gamot.

Hindi mo inisip magpayaman bilang doktor. Kung may nangangailan ng doktor sa isang medical mission, palagi kang nandoon. Ilang mga bata ang nabigyan ng libreng tuli…ang sabi ng mga kasamahan mo, hindi ka nagpapahinga at hindi kakain sa tanghali hangga’t may pila ng mga tao na gustong magpatingin. Hihingi ka lang ng isang tasa ng kape, ayos na. Minsan daw isang gabi, hinahanap ka nila upang ayain ng kumain ng hapunan, subalit hindi ka nila makita… Hanggang sa makita ka nila sa gitna ng bukid, sa ilalim ng puno at may hawak na flashlight habang tumitingin sa isang pasyente doon. Hindi ko alam kung san ka humuhugot ng pagmamahal sa mga taong nangangailangan. Yan din siguro ang dahilan kung bakit natuto kaming maging sensitibo at nagkaron kami ng pagtingin sa mga nangangailangan.

Naging huwaran sa amin ang pagmamahal mo sa Diyos. Ang paggising mo sa madaling araw para magbasa ng Bibliya at manalangin. Ang bawat panaghoy mo sa langit ay para pagpalain ang mga tao sa ating bansa. Kaya naman hindi rin kami nagtaka nang pumanaw ka na, na sa iyong burol ay hindi magkamayaw ang mga taong labas-pasok sa punerarya para masilayan ka sa pinakahuling sandali. Tumatangis sila sa iyong pagkawala. Nagpapasalamat sila sa pagmamahal na ibinigay mo sa kanila. Marami kaming hindi kilalang tao na nagbigay pugay sa iyo at nagbahagi ng mga kuwento sa kung paano mo sila natulungan sa isang parte ng kanilang buhay. Itinuturing ka nilang ama at kaibigan. Ipinakita nila sa ‘yo na kahit hindi man nila nasuklian ang kabutihan mo sa kanila, ibinabalik nila ang pagmamahal at paggalang nila syo.

Daddy, binigyan mo kami ng pagmamahal na walang hinihintay na kapalit. Hindi ka nagkulang sa pangaral sa amin. Hinangad mo ang pinakamabuti para sa amin. Sino ba ang makakalimot sa ‘yo? Walang araw na nagdaan mula ng ikaw ay lumisan na hindi ka namin naalala o naisip man lang. Nakakalungot ang mga araw na nagdadaan. Hindi kumpleto…laging may kulang… Wala ka na sa piling namin…walang sandali na hindi ko naisip na sana andito ka pa… Na sana panaginip lang ang lahat…na sana hindi no kami iniwan…Subalit gustuhin man namin na ikaw ay bumalik, alam mong nakita ng Diyos ang hirap at pagod mo, kaya’t binigyan ka na nya ng kapahingahan.

Sa ngayon, wala akong iniisip at pinakahihintay kung hindi ang muli nating pagkikita. Ito ang araw na pinakahihintay-hintay ko. Hintayin mo kami dyan sa langit daddy… Salubungin mo kami…Yakapin kami ulit…at kailanman ay hindi na magkakahiwalay… Mahal na mahal kita daddy…At hindi ako mahihiyang tawaging Daddy’s girl dahil kahit anong mangyari, ako pa rin ang iyong daddy’s girl…


  • afriendlygal

    Daddy, namiss kita ulit. May lagnat ang bunso kong anak na si Earl. Naalala ko noon, pag may sakit sya, tatawag ako agad syo at magkokonsulta. Ikaw ang magpapayo sa kin ng dapat kong gawin. Ikaw ang magpapalakas ng loob ko. Sabi nya kanina habang umiiyak na sana daw buhay pa ang Lolo Ruben nya, para ikaw daw tumingin sa kanya. Napaiyak ako daddy, kase wala ka na. Nawawala ang alalahanin ko pag nakausap na kita non. Gumagaan ang pakiramdam ko. Pero ngayon, kanino pa ako ako tatawag? Kanino pa ako magkokonsulta? Sino pa ang magpapalakas sa loob ko? Sino pa ang mangungumusta sa mga anak ko? Daddy miss na miss na kita. Kung mahihingi mo sa Diyos na makabalik ka, sana gawin mo. Kailangan ka pa namin dito… Hindi na kame kumpleto kase iniwan mo na kame. Hindi na baleng hindi mayaman. Hndi na baleng hindi makuha ang lahat ng gusto. Basta andito ka lang…basta kumpleto tayo…basta sama sama… Mahal na mahal kita daddy.

  • ghen

    Thanks afg for giving us the opportunity to read your letter for your dad. Sobrnag nakaka-touch! Hindi kami close ng papa ko pero I know, his still my father and I should be proud of it. Hindi lahat ng tao nabibigyan ng pagkakataong makasama ang tatay nila kaya napakaswerte ko pa din. Tuwing nasa ospital ako at nakakakita ng mga taong hindi magamot dahil walang perang pambayad, nagsusumigaw ang puso na bakit ganyan ang mga doctor! trabaho nilang manggamot hindi maningil ng bayad. although naiintindihan kong kailangan din nilang kumita ng pera pero, kahit ba mamamatay na ang taong walang pera hindi pa din nila gagamutin. karamihan sa mga doctor ngayon ang talagang nagpapayaman lang bilang Doctor at hindi naman talga nanggagamot. Konti na lang ang katulad ng Daddy mo na bukal sa loob ang pagtulong, sayang lang at nawala pa sya. Pero I know worth it naman ang pananatili nya dito dahil sa dami ng natulungan nya. :))

    • afriendlygal

      Hindi ko Na masagot ang tanong kung bakit sya kinuha. Naalala ko pa non, may ospital syang pinagtrabahuhan. 15000 pesos ang sweldo nya. Madalas non, pagkasweldo nya ay bibili sya ng pagkain para sa mga nagtatrabaho sa ospital lalo na sa mga taga linis at guwardya. Minsan, may namatay doon at hindi mailabas ng pamilya ang namatay dahil wala silang deposito at hindi mabayaran ng buo ang bill sa ospital. Lumapit sila kay daddy at kinausap ni daddy ang may-ari ng ospital at sinabing hindi na nya kukunin ang isang buwang sweldo nya at yon na lang ang bayad para mailabas ang namatay sa ospital kaya nailabas ng pamilya ang namatay nilang tatay sa ospital na yun.

      • ghen

        wow! your daddy is really a great man. I know you’re very proud of him. Hindi dapat panghinayangan ang pagkawala nya dahil sa dami ng kabutihang nagawa nya sa mga tao ay talagang nasulit nya ang buhay na ipinihiram sa kanya ni God dahil ginamit nya ito sa magandang paraan. Thanks to him dahil maraming tao din ang nakaiwas sa masamang gawain dulot ng kagipitan dahil sa pagtulong nya. 🙂

  • mafhie

    🙁 naaLaLa ko tatay ko . waLa siya ngayun .. nAsa bicoL .. di ko naman masaSbiNg mer0n akoNg br0Ken famiLy per0 un , hiwa-hiwaLAy . 0o .. di ko mAsasAbiNG as in suPer LApit kami nG tataY ko . aLAm mo yuNg , 0o cL0se na medY0 hindi ? di kasi Sya paLA saLita . e ako diN di mAsyaD0 mAsaLita . kAya di TaLAga as in nAgkakausap Ng mataGaL . m0Re on aKsy0n taLAga sYA . super eff0Rt syA PAgpapakiTA na iMportanTe kmi sa kanYA , kAtuLAd niyo po . hAtid suNdo riN ako pAg napAs0k .. syA din nAgLuLuto , nagLaLAba din syA minSan nGA LAng (kasi aNg mGA putiNg damit , nAgigiNG PINK !! at iba iba pa NGang kuLAy miNsan! hahaha)pAG suNday LAng namiN syA nakakasama . per0 iMbis na MagPahiNGA syA nun , eh igagaLA nyA kami , dibA nGA sunDay is FamiLy day ?! kaya aun , waLA taLAga syaNG pahinga . at Syempre ayuN , aNg piNaka masAya na moment para sakin , nunG kAsama ko pa tatay ko ee . . uNg makiTA mo syanG ngumiti ! 😀 dahiL nGA tahimik syAng tao , bihira mo LAng din syA mapapangiTi ! taKe note: ngiti paLAng un ! aNg tawa nyA , e parAng di pa LALAgpas nG thrice a month ! .. haiy . nakakatuwa LAng isiPin 🙂 buhAy prinsesa ko nun sa piLing nG tatay ko 🙂

  • bel

    I am a daddy’s girl, and proud of it. I’m feeling your love for your dad through your writing. I know your dad is proud of you, wherever he is. =) Thanks for sharing your story. God bless.

  • christine

    thank you for sharing. you made me cry. ganyan din kasi ang daddy ko.

  • Simply Amazing

    Kaka-touch.. ganyan din ang father ko.. Hindi man ako Daday’s girl pero I am always missing him. And ang mahirap pa sa ugali ko is hindi ako matahimik hanggat hindi ko nakukuha ang aking taong o ano mang gustuhin ko. Sa pagkawala niya, nais kong nasa tabi niya ako, alamin kung anong dahilan ng pagsuko niya, alamin kung ok na siya sa ngaun.. Katangahan siguro pero kalimitan nanalangin ako na sana makita ko sa panaginip ang aking ama at sagutin ang lahat ng aking nais.

    • afriendlygal

      Hindi katangahan yun. Natural lang yun sa ating mga anak na labis na nagmamahal sa kanila. Gusto kase nating malaman bakit sila sumuko e…bakit iniwan nila tayo. Maiintindihan tayo ng mga tao…

      • Simply Amazing

        Salamat po..