by
on
under
tagged , , , , , , , , , , , , , , ,
Permalink



Disclaimer: Definitely Filipino is a community blog. All who write for this blog are independent, unpaid authors. All views, content, images are the responsibility of their respective writers and not of Definitely Filipino. Please contact the author directly with questions about this article.
Send a private message to author gregorian

CHEST XRAY: PANIRA NG PANGARAP!

Walong taon na ang nakakalipas. Naalala ko pa after makagraduate ng college excited akong mag take ng board exam at maghanap ng trabaho sa Ortigas or Makati. Sa sikap at tyaga nagbunga ang aking paghihirap naging rehistradong arkitekto ako. Kaya nangarap ako na makapangibang bansa para matupad ang mga munting pangarap sa buhay.

Ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana at nagkasakit ako;“tuberculosis” lang naman, oo “colored tv” ang biro sa akin ng mga office mates ko. Marahil sa sobrang sipag at dedikasyon ko sa pagtatrabaho kaya ko nakuha ang sakit na iyon. At yun nga ang sabi ng Pulmonologist sa Medical City, Ortigas. Stress daw kaya humina ang immune system ko kaya nagkaroon ako ng ganoong sakit. Akala ko pagkatapos lahat ng paghihirap, ganun ganun na lang mabubura na ako sa mundo. Yun pala nagagamot naman kailangan ko lang daw gamutin for 6 months. Nagpagamot ako at pagkatapos ng 6 months sabi sa akin ng doctor na may peklat pa daw or scar sa upper left part ng lungs ko. Kaya nagpatuloy ako sa pagpapagamot ng 3 months uli para daw mabura ang peklat. After 9 months, bumalik ako sa doctor at sabi sa akin hindi na daw mabubura ang peklat sa baga ko. Hindi ko alam ang gagawin ko kaya humingi ako ng second opinion sa Lung Center of the Philippines. Pareho sila ng sabi 50/50 daw ang chance kong makahanap ng trabaho abroad lalo na sa Middle East. Kaya humingi na lang ako ng mga medical certificate na magpapatunay na wala na akong sakit.

Nagpatuloy akong mangarap na makapunta sa ibang bansa. Sabi ko sa sarili ko, di ako susuko, kailangan sumubok para malaman ang kapalaran ko. Nagkaroon ako ng opurtunidad na makapunta sa Middle East sa tulong ng isang kaibigan. Nilisan ko ang bayang mahal patungong gitnang silangan dala ang mga munting pangarap at mga inspirasyon sa buhay.

Nakarating ako sa ibang bansa na tinatago ang kaba at takot. Sa unang lingo pa lang ang dami ng job interviews hanggang matapos ang isang buwan puro job interviews, di kataasan ang mga job offer kaya patuloy pa din ako sa paghahanap ng magandang kumpanya. Hanggang natangap sa isang malaking kumpanya na pagmamay-ari ng mga Italyano. Sa unang pagkakataon ang ganda ng job offer nila kung sa peso humigit kumulang 115,000.00 pesos kada buwan ang sweldo walang kaltas sa kahit anong tax. Kaya nag sign agad ako ng contract sabi ko na lang sa sarili ko, Salamat Lord! this is it.

Ngunit, para makapag trabaho at makapag stay ka ng legal kailangan mong kumuha ng Residence Permit. Para makakuha nito kailangan maipasa mo ang medical tests which is blood grouping at chest xray. Nagpa-appointment ako at nung araw ng test nakita ko ang iba’t ibang lahi na kagaya ko na naghahangad din na makapagtrabaho ng legal. Syempre madaming Pinoy sa pila. After 3 days tinawag ako ng P.R.O namin, sabi may problem daw sa x ray. Kinabahan agad ako na totoo nga ang sabi ng mga doctor sa Pilipinas. Pero bumalik ako para sa re-xray daw. After 3 days uli malalaman ang result. Tinawag uli ako ng P.R.O may problema daw talaga sa result kaya bumalik uli ako ng limang beses, kinausap ko ang resident doctor na may dala akong mga certificate na magpapatunay na wala na akong sakit. Pero parang di ko naman sila naconvince hanggang sa dumating sa ika-anim na beses, lumabas ang final result na Chest XRAY : Abnormal, Unfit to work.

Hindi ko alam ang gagawin ko ng mga oras na iyon. Hanggang sa nabalitaan ko sa ibang mga kababayan na madami daw talagang bumabagsak sa medical test lalo na sa xray, yung iba pinapauwi na agad at yung iba kung may sapat na pera pwedeng mag apply uli ng bagong visa. Sabi ng isang kabayan na naka usap ko,yang chest xray panira ng pangarap dahil yung kapatid ko napauwi ng pilipinas na hindi man lang nasubukang matupad ang mga pangarap”. Yung isang ale ang experience nya yung asawa nya na deport din dahil sa chest xray.. may nakitang scar. Hindi lang sa mga Pinoy dahil ganoon din sa ibang lahi, once na may something na hindi clear or may history ka ng sakit sa baga di ka makakapasa. Mayroon ding iba na may kakilala sa loob na nababayaran para maipasa ang bumagsak na medical test yun nga lang kailangan mong maglabas ng malaking halaga at kailangan may kapangyarihan ang backer mo.

Sa kabutihang palad, naipaliwanag ko sa employer ko na wala akong sakit. Tinanggap nila ako, yun nga lang every 3 months lumalabas ako ng bansa para mag re-apply ng bagong visa para makabalik uli sa trabaho. Ngayon magaapat na taon na ako dito sa Gitnang Silangan sa ganoong scenario. Kaya tuwing naaalala ko ang mga oras na pinagdaanan ko sinasabi ko na lang sa sarili na lahat ng pagsubok natin sa buhay ay may kapalit na tagumpay basta huwag ka lang makakalimot magdasal sa kanya.

Sa kasalukuyan, tapos na ang kontrata ko sa kumpanya na tumanggap at nagbigay sa akin ng pagkakataon na tuparin ang mga munti kong pangarap. May job offer ako sa ibang bansa pero Middle East pa din. Susubok uli ako, dahil para sa akin bagsak man ako sa chest xray naniniwala ako na hindi masisira ang pangarap mo kung pipilitin mong abutin ito sa mabuting paraan at kasama ang Diyos na lumikha sa atin.


You may also like these articles:

  • chrizyforu

    ok lang yan, nadaanan ko rin ganyan, takot na nga ako magpa xray eh kasi di ma wala wala yang lintik na peklat nayan.Nawalan ako ng pag asang mag abroad, kahit nasa labas na mga kapatid ko.. Pero alam nyo, naisip ko bat pa ako lalayo pede naman dito.. andito pala sa pinas swerte ko, ngayon negosyante na ako kasama ko pa pamilya ko..hehe, KONTENTO na ako makita araw2 ang ngiti ng baby ko.. diskarte lang yan..hehe

  • Ako Mizmo

    Alam mo parehas tayo! Ganyan ganyan din ako,highschool pa lang pangarap ko ng pumunta sa abroad para magtrabaho para gumanda buhay namin kaso dahil din sa peklat ko sa baga eto pang pilipinas na lang…. Nong una masakit kasi di ko natupad panagarap ko, pero kahit ganon nagpupursige at pinagsisikapan ko na abutin pangarap ko kahit na dito lang ako sa Pinas! Totoo nga sabi mo kahit anong mangyari wag tayong mawawalan ng pagasa kasi mas masisira ang pangarap mo kung mawawalan ka ng pagasa….

  • Debbie

    Naalala ko tuloy ung kapatid ko. I di-dispatch na sana sya ng company nya tapos nun nag pa chest x-ray, may tama daw lungs nya. Parang napaparanoid na xa…Nag one month sick leave muna sya, pag balik nya sa work,un sinabihan sya ng boss nya na sa local project nalang sya i dispatch…then wait ulit ng line up para sa international project nila

  • elmer calacal

    milyong milyon na po ang naitulong sa tao dahil sa discovery po ng xray technology unfair po na sabihin na panira ng pangarap ang chest xray.. .kung na detect na may tb ang isang px gusto lng nya matulungan ang taong yun na gumaling dahil pag d naagapan ikamamatay ng pasyente ito,marahil d para sa iyo ang abroad dahil nga sa na detect ito sa iyo pero marami ka pa oportunidad and wag naman isisi sa chest xray ang kinahinatnan ng buhay.. ….ganun pa man nakikisimpatya ako sa iyo marahil may kakulangan lng sa kaalaman ang mga may ari ng kumpanya na ang sakit na ito(tb) ay nagagamot,at dapat masuri ng husto at mapaliwanagan ang mga concerned agencies para d2 upang sa ganun ma aprubahan ang mga aplikante na nag undergo treatment na may kaukulang dokumento na nag papatunay na free na sya sa sakit na ito…salamat po naway maintindihan po natin at lawakan pa ang kaalaman natin sa xray technology.

    • drigo

      tanong ko lng po if may makita scar sa xray pag nag pa medical ka, makaka alis ka pa ba puntang taiwan o sa ibang bansa?

  • That’s why the government should get serious on environmental clean air act..If you live in the city like Manila, you are continuesly expose and inhaling vehicles exhaust fumes, smoke belching diesel engine is very harmful as diesel oil contains high level of CARCINOGEN a substance cancer causing agent..The government should monitor daily the pollutant and do something about it. People are getting sick and they don’t even know why?..Rally your government to pass legislation to control this kind of problem..During hot and high humidity level the air stays closer to the ground, the result you are doulbly expose to this kind of pollution.( SMOG)..

    • galo

      true, true, i would like to stay longer sa ating bayan. kaso kada uwi ko pag-balik ko may mga ubo, sipon, lagnat o kung anung virus. kakainis di ka makaenjoy ng husto.