Photo credit: http://www.amothersheritage.com

A girl was teasing her best friend.

“Ilang babae na  ba ang minahal mo ha?”

The guy smiled and replied, “Bakit? Ilan ka ba?”

Sino bang magaakala na ang salita na constructed lang ng letra ay magkakaroon ng art  kapag sinabi mo na? Yung tipo ba na hindi masyadong ramdam kapag binabasa mo lang? O di kaya magiging mas effective, o mas ramdam mo kapag meron mismong tao ang nagsabi sa’yo? Yan ang meron sa konsepto ng pick-up lines o tinatawag natin na “banat.”

Minsan ‘di kasi alintana ng lahat ang simpleng written words. Mas nanaisin pa ng iba na maging patok ang mga isinulat na salita sa pandinig kesa basahin lang ito. Ano nga ba at tinetelevize na ang mga banat na kapag napapakinggan mo eh hindi lang maghahatid ng ngiti at tawa, kundi pati kilig. Korni man pakinggan tiyak sa milyong taong nakakaintindi ng banat, kahit isa siguro sa kanila eh kahit paano nakarinig na ng mga banat sa kung sinu-sino.

Kapag nagFriend Request ka sa akin sa Facebook

‘Di kita incoconfirm

I-iignore talaga kita! Bakit?

Kasi hindi ko matanggap na hanggang friends lang tayo!

“Like! Super-like! Pa-repost ha!?”  Ito ang ultimate na resulta ng mga pick-up lines na nakapost sa blogs or kahit sa Facebook. Simple man at nakasulat, kakalat pa rin ang mga ito at gagayahin ng marami. Bakit nga ba sa dinami rami ng mabilis magmultiply, eh banat pa ang kadalasang dumarami? Creative ba talaga tayo pagdating sa salita o marami lang hopeless romantic na dinadaan na lang sa pag-gawa ng banat ang nararamdaman? Anong klaseng inspirasyon kaya meron ang gumagawa ng mga ganito? (insert answers or whatever) Bingo! Hindi kasi minsan madali ang magsalita ng nararamdaman. Kaya kung titignan, parang magkasing tindi lang din ng lebel ang pagsusulat at pagsasalita.

Kung titignan, para sa akin, isang form ng poetry ang banat. It’s a poetry that’s only meant to be uttered once. It doesn’t have to have verses, but it has to have deep sense and humor. Ngayon, ang pinakachallenge, eh kung sino ang bumabanat. Sandamakmak na ang mga banat na pinapirate. Pero ang tao na babanat, malamang hindi mapipirata yun. Lalo na kung ang taong bumabanat eh ang taong lihim mong minamahal. Kunwari ka pa na naasar, minsan…. kinikilig ka na rin pala.

Boy: Pumikit ka! Pumikit ka! Madilim di ba?

Girl: Uh, oo. Bakit?

Boy: Yan ang mundo ko kapag wala ka!

Now that is what makes words and voices intertwine like the horizon and the sea. Parang dulo ng langit at dagat na nagniniig, nagtatalik at iisa ang patutunguhan. Parang mga pinagtagpi-tagping piyesa ng awitin at tunog na kay sarap marinig. Parang salita at boses, parang banat… madalas may kalakip na pagmamahal.