20 Days to Hell – Chapter 6
Related articles:
Nabanggit nya nga pala yung kanta ng somedaydream na hey daydreamer, yun kasi ung kanta sa Cornetto. Alam ninyo yun? K-I-S-S-I-N-G! Swak na swak sa sitwasyon. Naka-relate siguro siya, ako din nakarelate kasi. Sobra. Eksaktong kanta para sa sitwasyon.
Hey daydreamer
You gotta be prepared to take her back into reality
Coz when its over
You gotta make sure that its you who’ll be with her.
Sana.
December 2, 2010
Thursday
Off ko today. Wala kong lakad, baka maburyo na naman ako sa bahay nito. Sana nga magkita kami ngayon. Feeling ko nauubusan na ako ng oras. Mmm, bakit kaya?
After lunch na, kumain na kaya siya? Hindi pa daw dahil ang dami niya pang inaasikaso. Niyaya ko siya kumain ng lunch. Mamaya na lang daw after ng meeting niya sa isang resort.
Then, nagkita na kami ulit doon sa Mini Stop. Sa dati. Tamang kape. Yosi. At kwentuhan. Masarap, masarap yung feeling na totoo ka sa kasama mo. Yung hindi ka nag-pepretend. Yung wala kang suot na maskara. Tatawa ka lang kung gusto mo. Ngingiti ka nang walang inaalala. Enjoy lang.
Afterwards, pagdating ng gabi nagkita ulit kami at nagkape doon. Kasama nya best friend niyang babae. Mabait din naman. At for sure naman hindi siya mang lalaglag. Niyayaya nila ako na gumimik ng kinabukasan Friday, kasi every friday daw talaga sila lumalabas. Kaso hindi naman ako pwede sa ganun, sa mga mataong lugar. Mahirap na baka pare-parehas kaming malintikan.
Sabi ko next week na lang, mag beach na lang kaming dalawa. Tamang inuman, kwentuhan at mag ubos ng oras. Um-oo naman siya, akalain mo un pumayag. Napaisip ako, buti pumayag to, feeling ko di naman to papayag. Nag-try lang naman ako kung sasama siya sakin ng dalawa lang kami.
Bago umalis, may pahabol pa siyang sinabi, sabi nya may importante daw siyang sasabihin pag nag-beach kami. As in. Kailangan ko daw malaman un. Tinanong ko kung anu un pero sa next Friday na lang daw. Ang lakas maka bitin.
Normal routine lang, lagi kaming magka-usap. Nagkikita. Before and after going to bed magka-usap kami thru text, call, chat or personally. Kanya-kanyang ninja moves sa boyfriend/girlfriend namin. Nakakakonsensya, pero di ba kanya kanyang kasiyahan lang naman yan. Iisa lang naman ang rule ko sa buhay, kung saan ka masaya dun ka, merese na meron kang masagasaan na tao. Dun ka masaya e. Mali pero ganun talaga ko. Kanya-kanyang context lang ng pagiging masaya yan. Hindi porket may masasagasaan ka e di mo na dapat ituloy. All is fair in love and war especially in happiness. Kung alam ko na doon ka sasaya, bakit kita pipigilan di ba, kung ako nga ayaw kong pigilan mo ko kung nagkapalit tau ng sitwasyon.
Walang concept ng tama o mali sa love. Kung para sa’yo mali yung ganitong bagay, panigurado sa iba e tama naman yun. Kaya huwag tayong humusga ng iba dahil may mali siyang ginawa, ginagawa o gagawin. Ang big no lang talaga sakin pagdating sa ganito e yung sobrang mali na, yung tipong papatay ka na ng tao o susunugin mo ung bahay nya. Huwag ganun, masyadong mali yun para kayanin ng konsenya mo.
Semi-obedience is still disobedience sabi nga nila. Pero di ba pagdating sa love, lahat ng rules bumabaluktot, nababago at nagkakaroon ng sandamakmak na exemptions. Kaya nga love conquers all di ba. Pero teka teka, bakit napasok ang love sa kwentong to, mahal ko na ba siya? Hmm. hindi namin pinag-uusapan yung tungkol diyan, or should I more accurately say na iniiwasan namin ang topic na ‘to.
Companion lang, yun siguro yung tamang term. Siguro. Nothing intimate naman between us e.
December 4, 2010
Saturday
Weekend. Madaming guest ngaun. Gimik day din. Shoturday nga daw e. Parang ang sarap uminom ngaun. Sana lang malasing ako ng matindi tulad dati.
Nag-away nanaman kami ng girlfriend ko sa walang kwentang bagay. Simpleng bagay pag-aawayan. Nakakawalang gana talaga. Lagi na lang ganito sa mga nakalipas na taon. Yung iba kasalanan ko, yung iba naman kasalanan nya. Pero wala na talaga ung spark na pag nag-away kayo, gusto mo siyang amuin at lambingin. Wala nang ganun. Parang sirang lighter na ayaw nang umapoy.
Apoy talaga ang pag aaway sa relasyon, kaya nitong palakasin ang bakal para maging mas matibay pero eto din ung parehas na apoy na kayang lumusaw ng bakal at manunaw.
December 6, 2010
Monday
Dala ng pangangati ng utak ko kung anung gusto nyang sabihin sa Friday siyempre nag-research ako sa internet. Lahat naman nasa internet na e. Kahit yata hired killer nasa internet na, yung tipong imemessage mo na lang.
Google.com
Wala gaano, pitik-pitik lang na mga inpormasyon. Nag-trabaho pala siya sa ibat-ibang company, forte’ nya ang sales and marketing. Masipag, matiyaga at madaming account sa iba’t ibang site like alibaba.com, sulit.com, ebay.com at facebook.com meron din.
Facebook.com
Eto, eto ang hinahanap ko, kaso naka-block yung wall. Comments lang yung pwedeng makita. Tignan nga natin sa photos. May dalawang album. Medyo natulala ako sa picture cover ng album. Pero OK lang. Isang babae at merong sobrang cute na baby. Binuksan ko at tinignan. Cute nga ng baby. Tantsa ko wala pa tong 6 months, o kung hindi man wala pang 1 year.
Wala pa kong anak, natutuwa naman ako sa mga baby at bata. Pero huwag naman sana ung sobrang kulit na parang may ADHD x 10. Yung parang pulitiko sa mga project streamer na sobrang epal sa pagpapapansin.
Siyempre nagulat ako, wala naman siya nababanggit na may anak na sila, pero ayos lang naman sakin. Anak naman nya yun e, kung sakali tanggap ko naman un. Walang problema sakin, anak nya yun e. Kahit bali-baligtarin ko tong monitor, hindi ko mababago un. Sa iba kasi, parang ang laki ng problema o issue nila kung may anak na yung boyfriend/girlfriend nila. Tanong ko lang, Anu naman ngayon? Nakakamatay ba un? Hindi naman diba. Kaya walang problema kung may anak man siya o wala, tanggap ko yun.
Naisip ko, siguro heto yung gusto nyang sabihin sakin sa Friday. Pero bakit naman ili-lihim nya pa ‘to. E wala naming issue sakin. Baka siguro iniisip nya na baka maging ayaw ko na sa kanya ‘pag nalaman ko na ‘to o kaya baka iniisip nya turn off ung ganung sitwasyon.
Well, malalaman natin sa Friday.
Hindi ko sinabi na alam ko na yung tungkol sa baby nila, wala namang bearing kung alam ko na o hindi e. Naisip ko lang, kawawa naman siya, bukod sa babaero ung boyfriend nya e, may instance pa na binugbog siya nito. Pinakita pa nga niya ung mga picture ng pasa nya sa mukha nung time na un. Isang malaking blackeye talaga sa sintido. Nakakagigil pero ako kasi hindi ako nananakit ng babae, babae yan e. Sapakin mo na lalaki pero huwag na huwag ang babae, para kana ding naging bakla pag ginawa mo un. (No offense sa mga gay friends natin diyan). Sinasaktan mo yung taong walang kalaban-laban sa’yo. Sabi nga ng mga bata, “Maghanap ka ng kasing height mo!”.
Mali yun. Sobrang mali. Level 100 na mali. Kung kilala ko na siya nuon, malamang na-ipagtanggol ko siya. Na-protektahan. Na-kanlong. At malamang pangit tignan dahil sa akin galing. Pero totoo naman e. Ganun talaga gagawin ko kahit sa tropa kong nangangailangan. Knight in shining armor. Superhero. Kapitan sino. O kaya Andres bonifacio na lang. Kaya lang binabaril na sa luneta yung mga bayani ngayon.
Iniisip ko siya masosorpresa ko sa friday dahil alam ko na yung sasabihin nya tungkol sa baby niya. Ok na sakin yun, tanggap ko yun, wala namang problema. Yun e, KUNG yun ang gusto nya talagang sabihin. Wala akong ideya kahit kakarampot, na ako pala ang masosorpresa. Karneng niluto sa sariling mantika. . . .
Dear Friday,
Sana dumating ka na. Sana bilis-bilisan mo sana. Dahil sa pagdating mo, panigurado sa araw na iyon ang turning point nang pagka-kaibigan namin. Malamang darating ka na parang kidlat. Matagal kitang hinintay ngunit mabilis ka namang lilisan.
At sa paglisan mo, sana ngiti ang iyong iwan na alala. Alalang hindi makakamkam ninuman. Salamat.
Excited much,
Julius ^_^
©Copyright 2012, Definitely Filipino™ Blog Network. All rights reserved. Unless otherwise stated, all articles in this blog are opinions of their respective authors and not necessarily of Definitely Filipino and its staff.
Author: marrymetonight
You may also like:
NAKAKAUMAY
Naranasan mo na bang maum...
Nang Dahil Sa Dota
"Ang mga pangalan ng...
Thoughts On What Is Going On In The World
Is the earth our own en...
Dapithapon
Habang pinapatay ko ang o...
Pagsusulat, Aking Sumpungan
Kinapupuyatan ko na naman...
Huwad Na Huwaran
Isang magulong kapaligira...




[...] 20 days to Hell – Chapter 6 [...]
thanks for the special mention
hanngang ilang chapters ba to? super bitin naman, kwento mu na kaya lahat
))
haha. wala lang. ilang chapters? hmm maybe up to chapter 10. actually, hanggang dyan pa lang talaga yung nasusulat ko. pag nangati utak ko dun lang ako nagsusulat. next chapter sana magustuhan mo. yun na yung climax e ng story e. =)
oo nga i think. sana ma publish na. wala pa atang schedule.actually lahat naman ng chapters interesting.
too bad up to now hindi pa naiisched ng admin. baka naman pwede mag petition dito baka natambakan lang yung article. hahaha
dude naka sched na. It’s on February 10.!! ^__________^
panu mo nalaman? hahaha mga around 5pm pa siguro release nyan. too bad d ko na maabutan . out ko na un e.
oo nga baka mga 5pm pa. pero maaabutan ko pa. haha., parang tv show lang
)
haha enjoy reading later.=) busy sa work. grrrr
to all with good and bad comments:
I do thank you all from the bottom of my heart. thank you for making me feel that i am not alone in this dilemma. special mention na din kay sir gerald mahoney, thank you sa comment mo pare, kahit papaano nakakagaan ng loob. i hope 1 day we’ll get a chance to drink and laugh over this. hahaha thank you din sa mga masugid na pala basa like ginger, denice, derpina at iba pa. thank you talaga. pagpasensyahan nyo na din, hindi ako frequent blogger, writer or anything kaya minsan palpak yung ibang laman ng ibang chapters, pero i’m trying my best naman. i just felt obliged to thank you all. thank you talaga! =)
so, please bear with DF blog. =) I hope magka sched na today. apir!
I hope so. Ilang chapters pa ba? Pwede bang i-advance mo na lang sakin yung chapter 7? Haha! Can’t wait to read what will happen on friday.
di ko din alam kung ilan pa e, heheheh pwede ko din i advance kung gusto mo talaga. kidding. heheheheh thank you sa palaging pagbabasa! =) apir!
No. I’m serious. Advance mo na. Dali. Haha!
nyahahahha. parang gusto ko na din i advance a. hahah kaasar e, hindi pa narreview ng admin so it means wala pang sched, baka mamaya pa ma review. pag na review mamaya sana konti lang naka line up para bukas ma publish na siya! ^_^
please admins of df blogggggggggggggg. . . =)
Tsk. Hahaha. Gusto ko kasi malaman kung bakit 20 days to hell. Parang sa unang basa kasi malayo yung title sa mismong laman ng story. Anyway, nakakarelate pa rin ako. Waaaah. Hahaha.
next chapter andun na yun sagot sa tanong mo kung bakit 20 days to hell. =) ikaw din si pola diba? tama ba?
yep. pwede pala ibahin username eh. hahaha! katuwa.
na submit na po.kaso wala pa sched. waaa. hope y’all will like it. =)
wala pang chapter 7? can’t wait.