Photo credit: photo-dictionary.com

Linggo na naman bukas, hindi ko maiwasang mapaiyak dati-rati kasi kasama ko ang mga anak ko sa pagsimba, picnic sa park, o simpleng shopping at magkakasamang palakad-lakad hanggang mapagod at magpahinga.

Linggo ng OFW ay naiiba katulad kong nasa Service Industry, hindi ka pwedeng mag-leave ng Sunday maraming customer, pinakaimportanteng araw to double up my employer’s business.

Hindi ko maiwasang mag reminisce kanina habang kausap ko si Sonia who has been here since 1993.

Balik tanawin natin ang nakaraan. 1991 when I decided to leave my kids behind, 3yrs old ang panganay kong si Amor, hindi pa nakakalakad si Kaye. Mabuti na lang ang hubby ko is a good father who looked after them while I am away earning some that I am sure I won’t get even half of it had I stayed…

Una sa Singapore, grabe ang homesick ko duon, they are not very friendly at all especially sa katulad kong tsimi-a-ah! 3 employers in 8 months – - that made my agent Mr. Tan to send me back as he cannot make any money (agent charges) out of me. To make the story short, I flew back without finishing my 2 years contract.

Sobrang kahihiyan ang inabot ko sa probinsiya namin, nagtanim na lang daw sana ako ng kamote sabi ng magaling kong half-brother Bernie, at may aanihin pa daw ako in 8 months na pinag-abroad ko. Grabe ang sisi at kahihiyan na inabot ko, hindi ako nakakatulog, para akong may kanser kahit kasama ko na ang mga anak ko. I wanted something for them!

Lumaki kasi kaming mahirap, walang ama at walang ina na nag-aruga o nagparamdam ng kasaganaan sa buhay. I promised myself, it’s not gonna happen to my future kids, ibibili ko sila ng Barbie, latest gadgets, makakapagtapos sila ng pag-aaral, hindi lang High School kundi college pa…Magkakaroon sila ng magandang future, hindi sila mag-aasawa ng maagang katulad ko at iiwanan din ang pamilya once nakaramdam ng gutom at matinding pangangailangan.. I hate the sayings “History Repeats Itself”- no, hindi mangyayari sa mga anak ko ang dinanas ko… hindi nila paghahatian ang tuyo, hindi sila makakatikim ng kanin na may kahalong mais, hindi matutulog sa hallway dahil walang proper bed… hindi ko sila ipapamigay katulad ng ginawa ng Nanay ko sa akin.

Magiging matatalino sila, magiging mayaman at makakahanap ng magandang future pag nagsipag-asawa na sila dahil tapos sila ng pag-aaral. Lahat ng pangarap ko ay para sa kanila, hindi para sa akin.. Okay na akong mabuhay na mag-isa balang araw o kasama ng iba sa Home for the Aged na pinag-iipunan ko na ngayon. Dahil hindi natin alam ang takbo ng mga utak ng generation ngayon, minsan iniisip ko, aalagaan kaya nila ako??? Maraming question marks na hindi ko masagot, hindi ko kayang matanggap ang kasagutan ng tanong ko lalo na malapit na akong mag sing-kwenta.

Umalis ulit ako pagkatapos ng maraming pagmumuni-muni sa sinapit ko sa Pinas. Kinontak ko ulit ang agent ko at sabi ko “Ate kahit saan wag lang po sa Singapore, at wag Maid!” Tumawag si Ate Flor after a week at may offer siya sa akin sa Malaysia, katabi lang ng Singapore. Nagbiyahe ako agad to grab the offer kasama ko si Amor, after interview sinabihan niya ako about placement fee etc. Kanaisan kong makaalis agad para malayo ako sa tsismis, ibinenta ko ang tindahan ko kahit utang para lang makaalis agad.

Napunta ako sa Malaysia as a Factory Worker sa Chinese Paper Mills owned by Taiwanese na niloko kami sa sweldo at permit. Mabait pa rin ang Diyos sa akin, I managed to get a better job after 6 months of suffering sa Paper Mill. I became a QC sa Japanese Sony Factory, nag part time here and there.. baby sitting, cleaning lady, Gasoline Girl, taga hugas ng pinggan, waitress, arrrgggh.. I’ve done everything! Hindi ko namamalayan, naku year 2000 na! Gumanda ng gumanda ang buhay ko dahil siguro masipag talaga ako. Masyado akong nagtipid sa sarili ko, isang beses lang akong kumakain para makaipon, 4 hours na tulog, OT araw-araw… mahirap pero masarap ang pakiramdam ng dibdib pag nakakita ka na ng pera na talagang pinaghirapan mo.

18 years na pala akong nandito, tapos na ang mga anak ko, kumikita na sila. Hindi ko alalm bakit nandito pa rin ako…parang tama na ang hirap at pag -iisa. Natatakot pa rin akong umuwi dahil hindi rin naman ganoon kalaki ang naipon ko. Mahirap magpaaral, 2 pa sila, para ka na ring bumili ng house and lot kung kukwentahin mo ang mga gastos nila.

May buhay kaya sa Pinas?, tanong ko sa sarili ko.

Masyado na akong nalayo sa pamilya ko, wala na yung solid attachment sa kanila kaya nakakatakot magmakaawa for them to accept me.
18 years… masyado na akong ‘kinain’ ng ambisyon ko para sa mga mahal ko sa buhay to give them the best I could ever give na para hindi nila maranasan ang sinapit ko.. pero ngayon, the fear is eating me alive whenever I think of going home.. meron pa kaya akong maii offer sa kanila? Parang tapos na ang responsibility ko in financial side…what else I could offer to get back their love?

Enhanced by Zemanta