Desisyon at Buhay
Sa buhay ko, marami ng pagsubok ang dumating. May mabigat, mahirap at sobrang hirap. Ang lahat ng yan nalampasan ko. Pero bakit sa bawat tagumpay na nakakamit ko, hindi ako masaya? Di kumpleto ang saya na nararamdaman ko. Parang laging may kulang. Yun ang pilit kong inihahanap ng kasagutan. Sa mga pinagdaanan ko sa buhay,marami akong natutunan.
Lumaki ako galing sa mahirap na pamilya. Broken family pa nga. May amang lasenggo. At walang pangarap sa buhay. Di ko alam kung sadyang ganun sya or yun lang ang paraan nya para matakasan ang hirap na kinalalagyan. May ina akong responsable at gagawin ang lahat para sa anak nya. Yun ang isa sa ipinagpapasalamat ko. Sa tulong ni nanay, lumaki akong responsable at natutong mangarap. Ngunit dumating ang pagkakataon na nagrebelde ako sa kanya, eto yng time na nag-asawa sya ulit. Di ko matanggap na di na mabubuo ang pamilya ko. Mahal ko si tatay kahit ganun sya, kaya nangarap pa din ako na magbabago sya at mabubuo muli ang pamilya namin. Kaya ng mag-asawa si nanay, nagalit ako sa kanya. At sa sama ng loob ko,nagtanan ako sa murang edad. Ipinangako ko sa sarili ko na magkakaroon ako ng pamilyang buo at masaya. Pero di pala ganun kadali yun. Nagkamali ako. Unang una,mali ang napili kong lalaki na inakala ko ay responsable at itataguyod ako at ang magiging anak namin. Na makakasama ko sa hirap at ginhawa. Maling mali ako. Di pala ganun kadaling bumuo ng pinangarap kong pamilya. Pagka panganak ko sa panganay namin, akala ko magbabago sya, pero hindi. Kaya nag desisyon ako na iwan sya. Di ko sya binigyan ng pagkakataon, di ko sya kinausap about sa mga expectations ko sa kanya. At yun siguro ang isang malaking pagkakamali na ginawa ko..Sabi nga, “EVERYBODY DESERVES A SECOND CHANCE”. At ipinagkait ko yun sa kanya. Dahil naniniwala ako na kung ang isang tao ay iresponsable, mananatili syang iresponsable. Siguro magbabago sa umpisa,pero babalik at babalik pa din sya sa dati. Tinulungan ako ng pamilya ko na makabangon muli. At may isang tao na mula umpisa ng pag iwan ko sa ex ko ay laging nakaalalay at tumutulong sa akin. Isa syang Lesbian. Naging kami. Alam kong mali, pero minahal nya ako at inalagaan. Magkasama kami sa hirap at ginhawa. Sa lahat ng pagsubok na dumating sa amin, magkasama naming nilampasan. Actually magna-9 years na kami.
Pero may mga tanong na nasa isipan ko mula umpisa pa lang… Matatanggap kaya ng anak ko ang pinili kong kasama sa buhay??? Paano ko ipapaliwanag sa kanya??? Natatakot ako sa magiging reaksyon nya.. Alam kong nalalapit na ang panahon na dapat ko nang ipagtapat sa anak ko ang tungkol sa partner ko. Sana maunawaan nya ang desisyon ko. Kung anuman ang maging desisyon nya, malugod kong tatanggapin at uunawain. Dahil alam ko sa sarili ko, na di ko sya pinabayaan at ginampanan ko ang pagiging ina ko,kahit magkalayo kami. At wala akong hinangad kundi ang kabutihan nya. At sana maunawaan nya ang dahilan ko kung bakit lumaki sya na di nya kapiling ang ama nya..
Sa ngayon,ang mga tanong na yan ang laging gumugulo sa isip ko. Ang mga tanong na yan ang dahilan kung bakit di ako lubos na masaya sa kabila ng tagumpay na nakakamit ko…
©Copyright 2012, Definitely Filipino™ Blog Network. All rights reserved. Unless otherwise stated, all articles in this blog are opinions of their respective authors and not necessarily of Definitely Filipino and its staff.
You may also like:
The 2010 Pinoy Expats/OFW Blog Awards
Who amongst us have not...
Why Ranting is Important
Ranting, in my own defini...
"SOULMATE"
Destiny. So many definiti...
I Fall For You
One more step.. One more ...
Ang Inaasam-asam ng isang OFW
3 months and 3 days to be...
BS Agriculture?
Sino nga ba ang nagtapos ...




Sa buhay ntin wlang tao ang nabu2hay na mag isa kung sa palagay mo tama yun pinili mong landas, masaya ka, at ang intention mo ay sa anak mo. Cge lng go lang, time will come mahahanap mo sagot sa tanong mo? Kng paano at bakit? Saka nasa pag papalaki, pag mamahal at pag papaunawa ang magiging gabay mo sa pag sasabi sa anak mo kung bakit at mga kadahilanan pag dating ng panahon. Godbless
Kung masaya ka sa ganyang relasyon eh sige lang. Sa anak mo naman, nasa tamang pagpapa laki at tamang salita para maunawaan niya ang kalagayan nyo. Puwedeng hindi maganda ang sasabihin ng mga tao pero tingin ko para sa anak mo, makaka tulong ang relasyon mo ng partner mo para lumaking open minded ang anak mo. Dahil dito lalaki sya na mapag unawa. All the best and God Bless!