Gusto kong tanungin kayo, Dear Readers….

Ano ba talaga ang pag-ibig para sa inyo? What is really the definition of LOVE for you??

Kasi sa pag-ibig, maraming umiiyak, maraming nagdurusa, maraming naguguluhan marami ring nasasaktan at sa kabila ng lahat maraming rin masaya sa pag-ibig, marami ring kinikilig sa pag-ibig kong pag-uusapan at marami rin nagtatagumpay dahil sa pag-ibig…Matanong ko lang kayo ano ba talaga ang pag-ibig? 

Basahin ninyo at unawain ang kwento….

Nakakapagod pala ang magmahal…Minsang nasambit sa akin ni Elsa.

Si Elsa ay isang Half Pinay-Greek na kasalukuyang karelasyon ay si Joey na isang purong Pinoy.

Minsan ng naikwento sa akin ni Elsa ang buhay nya sa piling ni Joey. Matanda ng 10 years si Joey kay Elsa. Di pa rin masasabing hiwalay si Joey sa kanyang tunay na asawa dahilan na rin ng kakapusan sa pera ni Joey. Hindi kayang tustusan ang pag file ng diborsyo sa asawa. Dagdag pa rito na walang permanenteng trabaho ang lalaki. Isang babaeng moderna si Elsa, maganda , edukada, mataas ang posisiyon sa kanilang kumpanya. Meron na rin syang anak sa unang nakarelasyon nya. Masasabing mabait na tao si Elsa subalit lubhang napakamalas naman nya sa larangan ng pag-ibig sa dahilang mali ang mga taong naiinvolve o nakakarelasyon nya.

Di ko na alam ang gagawin ko Ms. J, sa isip ko gusto ko ng tapusin ang lahat ng ugnayan ko kay Joey, pero para naman akong nauupos na kandila pag wala sya sa buhay ko. Umiiyak na paliwanag sa akin Elsa..Alam kong mahal ako ni Joey, pero bakit ganun matagal na kami pero me kulang , marami…. at ako ang nagpupuno para sa aming dalawa. Mabait si Joey pero minsan di ko maramdaman na kailangan na ako sa buhay nya. Damang dama ko ang paghihinagpis ng damdamin ni Elsa, bilang babae alm ko ang kailangan nya di lamang sa usapang pisikal subalit sa usapang emosyonal din

Minsan ko ng nasabi kay Elsa na kung gusto nyang sumaya, putulin na nya ang dapat ay noon pa nya ginawa. Mahirap at masakit maging “other Woman”..kahit gaano pa ninyo kamahal ang isat isa, napakahirap kalabin ang MALI…Subalit katulad ng isang babaeng mahina si Elsa, hindi sya marunong makinig sa advices ng iba at tanging puso nya lamang ang kanyang pinakikinggan…

Kaya nagulat na lamang ako isang araw, tinawagan ako ni Elsa para mag kape sa ming paboritong coffee shop.. Pagod na akong Magmahal Ms. J..suko na ako….umiiyak subalit may tigas sa kanyang tinig…Di ko na kailangan pang itanong, alam kong dumating na ang panahon hinihintay na magising sa katotohanan si Elsa. Ayoko na syang ipaglaban pa…Alam kong di ko sya kailangan sa buhay ko, okay na kami ng anak ko….

Ngumiti ako sabay hawak sa kanyang mga kamay…Umiiyak pa rin si Elsa, may ngiti sa kanyang labi subalit napakapait, di maikakailang napakahirap ang kanyang naging desisyon…ramdam kong durog na durog sya…shattered heart…Tama ang desisyon mo Elsa…pang palubag loob ko sa kanya…Iniisip kong sanay makatulong sa kanya ang aking mga sinabi….

Sa isang taong katulad ko na walang problema sa puso o relasyon, di ko masasabing experto ako sa pagbibigay ng payo…And if there is one song which is right for Elsa…this one is for you..

http://www.youtube.com/watch?v=EH6Rx0xb2vE

Enhanced by Zemanta