Ito ay isang paksa na hindi na bago sa atin ngunit patuloy nating hindi pinagtutuunan ng pansin. Bakit kaya? Dahil ba aminado tayo tungkol dito? O mahirap lang talagang isabuhay?

Bago mo sagutin ang mga katanungang ito, halika’t sariwain natin muli’t pag-aralan nang mabuti ang mga negatibong kaugalian na atin nang nakasanayan at maaaring hindi natin namamalayan na ito pala’y matagal na nating tinataglay sa puso at isipan ng bawat isa sa atin.

Para sa mga kabataan na walang malay pa sa mga ganitong bagay, ito na ang tamang oras upang pag-aralang mabuti ang paksang ito.

Heto’t isa-isahin nating muli:

1. Mañana Habit -  Isang pag-uugali na ipagpaliban ang isang gawain na maaari namang gawin sa kasalukuyan. Mahilig nating sabihin na “mamaya na!” sa mga bagay na posible namang gawin na ngayon.

2. Crab Mentality – Ito ay isang uri ng pag-uugali kung saan ang inggit ay pinaiiral. Dahil sa inggit, hindi mo hahayaang umangat ang isa bagkus ay sisiraan mo pa. Ito rin ay aplikado sa kasabihang “Kung ako nga hindi ko kinaya eh sya pa kaya?”.

3. Colonial Mentality – Pagtangkilik sa mga produktong dayuhan imbis na suportahan ang sariling bayan. Ang pagtangkilik sa dayuhang produkto ay nakatutulong din naman sa ating ekonomiya. Pero para baliwalain nang tuluyan ang sariling atin ay isang kalapastanganan sa ating bayan.

4. Filipino Time – Ito ay isang kaugalian kung saan binabaliwa mo ang importansya ng oras ng iba (kaibigan, kamag-anak, lalong lalo na sa negosyo!). Ipinapakita lang nito na hindi ka interesado sa isang responsibilidad na iyong tinanggap.

5. Ningas Kugon(Cogon) – Ito ay isang kasabihan na tumutukoy sa  mga gawain na sa una lang naisasakatuparan ngunit sa kalaunan ay hindi na naitutuloy ang nasimulan. Kung baga sa musika, ikaw ay isang miyembro ng bandang “Intro Boys” kung saan intro lang ng kanta ang alam kapag tinugtog na ang gitara.

Ang pang-anim ay medyo makabago ang pangalan ngunit luma na sa katotohanan.

6. Kapamilya o Kapuso- Sa madaling salita ay “negatibong pakikisama”. Ito ay isang pag-uugali kung saan pinapaburan mo ang isang bagay na mali sa katotohanan. Madalas itong mangyari partikular sa ating batas. Batas na hindi naisasakatupara

Tatang
Photographed by: Jessie Tayag

n dahil na rin sa kapangyarihan ng maruming pera ng iba. Nakalalala pa ang kawalan ng pangil ng karamihan sa ating saligang batas kaya’t madali itong manipulahin ng iba.

Base sa kasaysayan, ito raw ay namana natin sa mga sinaunang dayuhan: Intsik, Kastila at maging sa mga Amerikano. Ngunit hindi na ito mahalaga. Ang mahalaga ay kung papaano natin maiaalis ang sakit na ito! Sakit na maaaring mahantong sa walang lunas na karamdaman gaya ng kanser!

Ngayon baka sabihin mo, “Oo alam ko na lahat ng mga ‘yan. Sakit na talaga ng mga Pinoy ‘yan..” Pero naisip mo ba na kaya gumagapang sa kahirapan ang bansang Pilipinas sa halos lahat ng aspeto ay dahil lugmok sa bulok na kaugalian ng karamihan?

Nahahalata mo ba kung paano mag-dahilan ang mga pulitiko sa publiko? Ang gagaling nilang sumagot hindi ba? Pero may naramdaman ka bang pwersa sa mga sinasabi nila? Wala. Sapagkat hanggang salita lang sila. Puro debate pero wala namang resulta. Puro sampa ng kaso pero sampung taon o higit pa bago mahatulan ng kataas-taasang hukuman.

Ngayon alam mo na ba ang mga sagot sa mga pangunahing tanong na ipinukol ko sa iyo?

Isa lang ito sa napakaraming isyu na dapat resolbahan kaagad hanggat hindi pa huli ang lahat.

Mabuhay ang Pilipinas!

Enhanced by Zemanta