Home » MISCELLANEOUS » Apat na rason kung bakit ako (at ang iba pang babae) ay single

Apat na rason kung bakit ako (at ang iba pang babae) ay single

Minsan, ang sabi sa ‘kin ng best friend ko, “Napag-iiwanan na tayo.” Halos lahat na kasi ng mga kaibigan namin, may boyfriend o girlfriend. Samantalang kami, wala.

Sabi nila, masyado raw akong palaaral, kaya akala ng mga lalaki, mataas ang standards ko. Dun sila nagkakamali. Ang gusto ko lang naman sa lalaki, ‘yung mabait at masipag. Kasi kung mabait at masipag siya, all the other good qualities will follow.

Sabi rin nila, wala raw nanliligaw sa ‘kin kasi raw para akong lalaki kung kumilos. Matakaw daw ako, nakabukaka kung nakaupo, tamad magsuklay ng buhok, makalat at hindi palaayos. Para sa ‘kin naman, kahit sino pa ko, kung talagang mahal ako ng isang tao, tatanggapin niya ang lahat-lahat sa ‘kin. Ang sabi tuloy sa ‘kin ng kaibigan ko, hindi na raw ako magkaka-asawa. Hmph. Akala mo kung sinong siguradong makakapag-asawa.

Ang sa akin lang, wala namang kinalaman ang personalidad ng isang tao sa kanyang chance magkaroon ng special someone. Ang isang walang hiyang lasenggero ay nagkakaroon pa nga ng isang mapagmahal na asawa. May pumapatol pa sa isang babaeng umaapaw sa pagka-antipatika. Kung sila may chance sa pag-big, ako pa kaya?

Sa tingin ko, kaya marami pa rin ang walang boyfriend (tulad ko) ay dahil sa apat na bagay na ito:

1. Ang mga lalaking gwapo at matinong maging boyfriend ay napapapunta sa ibang babae… at lalaki.

Wala naman sigurong hindi sasang-ayon sa ‘kin tungkol dito: may mga babae talagang swerte. Nagkataon lang na hindi ako kasama sa mga ‘yun.

Pero nakaka-alarma rin ang pagdami ng mga bakla. Biglang nagiging convertible ang mga gwapong lalaki ngayon. Kaya nga ‘pag nakakakita ako ng gwapo, hindi ko na tinatanong sa sarili ko kung may girlfriend ba siya. Napapaisip na lang ako kung jowa ba niya ‘yung lalaking kasama niya, o shopping buddy niya ‘yung babaeng kasama niya.

2. Kung meron mang matinong lalaking available, eventually, magiging friends lang kayo nun.

Sa una, feel na feel mong “siya” na. Pero ‘pag nagkakilala na kayo, wala na ‘yung feeling na ‘yun. Ito ang madalas mangyari sa ‘kin.

Marami akong kaibigang lalaki. Meron sa kanilang gwapo, matino, straight, at single. Pero nung naging kaibigan ko sila at naging close na kami, wala na ‘yung “high” na posibleng maging kami ng isang ‘to. Wala ‘yung kinalaman sa takot na mawala ang friendship (pero sa iba, ganito lagi ‘yung kaso). Hindi lang talaga namin tipo ang isa’t isa, at hanggang friendship lang talaga ang future namin.

3. May mga nabubuhay pa ring torpeng lalaki.

Sabi nila, may angking lakas ng loob ang mga lalaki, na maihahalintulad sa energy. Kaya ang mga torpe, may lakas ng loob din. Puro potential nga lang sa halip na kinetic.

Ayon sa mga torpeng na-interview ko, humahanap lang daw sila ng tamang tyempo. Ang problema nga lang, kapag nahanap na nila ‘yung tamang tyempo na ‘yun, it’s either napunta sa ibang lalaki ‘yung babae, o nagsawa na sa kahihintay ‘yung babae.

4. Kapag ang babae gumawa ng first move, rumorolyo ang mga mata’t ulo ng mga tao na parang Emily Rose na ine-exorcise.

Batay sa ‘di nasusulat na batas ng lipunan, bawal manligaw ang babae. Dapat laging hard-to-get. Hayaan na ang lalaki ang lumapit. Hindi dapat ipakita ang nararamdaman hangga’t ‘di pa nagtatapat ang lalaki. Kapag lumabag ka sa isa sa mga ito, siguradong ikaw ang magiging bukambibig ng mga tao.

Kapag hinalikan ng babae ang isang lalaki sa kanyang pisngi, lahat napapailing. Pero kapag lalaki naman ang humalik sa babae sa kanyang pisngi, okay lang. Ang masasabi ko lang diyan, P-U-C-H-A.

Malamang sa malamang, hangga’t nariyan ang sexism at patriarkismo, patuloy na makukulong ang mga babae sa pader ng mapanghusgang lipunan.

Oo, madlang people na nagbabasa nito ngayon. Sinisisi ko ang lipunan sa pagiging single ko. Hindi ko man kayang baguhin ang sistema, patuloy na lang akong magpapakabuti para sa taong laan para sa ‘kin. Malay natin, nandyan lang pala siya sa tabi-tabi.

Enhanced by Zemanta


©Copyright 2012, Definitely Filipino™ Blog Network. All rights reserved. Unless otherwise stated, all articles in this blog are opinions of their respective authors and not necessarily of Definitely Filipino and its staff.


Author: delisted

You may also like:

8 Responses to Apat na rason kung bakit ako (at ang iba pang babae) ay single

  1. babae din ako at single. pero wala nman atang dapat sisihin dun. kasi choice ko na yun. mau mga tao lang talaga na masyadong choosy. mamatay na ang mgsabi na walang nagkagustong lalaki sa kanya. meron. kaso hindi sya ang gusto mo. bonus lang nman ang pagkakaron ng bf eh. panu tayo bibigyan ng Diyos ng taong magmamahal kung hindi pa tayo handa? o kung tayo mismo hndi mrunong mgmahal.

  2. ahhahaah bakit walang article for single man? Marami ding single man, sana ung mga single ladies matagpuan ang mga lalaking single din..

  3. Ganyan talaga ang buhay may jowa/asawa ka nga sakit naman ng ulo….ay wag nalang!

  4. So according to you, “Sabi rin nila, wala raw nanliligaw sa ‘kin kasi raw para akong lalaki kung kumilos. Matakaw daw ako, nakabukaka kung nakaupo, tamad magsuklay ng buhok, makalat at hindi palaayos. Para sa ‘kin naman, kahit sino pa ko, kung talagang mahal ako ng isang tao, tatanggapin niya ang lahat-lahat sa ‘kin.”

    As much as it takes a lot of effort to work a relationship, the same can be said about entering into one.

    To be blunt, stop blaming society and an imagined “patriarchal” scapegoat — mag-ayos ka kasi muna, miss. Make yourself presentable. Make an effort to look attractive to attract guys! Say what you want about guys’ initial preference of good looks over personality, but that’s how men are wired. We are more visually oriented. Sure, we men can and won’t make a big deal about looks so much later on in a relationship if we love the girl so much, but at the start of it, it really does matter. Physical attributes and femininity attract us first.

    So stop blaming society. And start making yourself look good and feminine first.

  5. very well said. ^_^

  6. I remember this girl… she initiated it, she did the first move… and we lasted for eight years… yung ipinalit nya sakin, same story, she did the fist move and i strongly believe taht their love for each other will make it last for years, if not forever.

    But let us be mindful, there there are still guys who will take advantage on the emotions of these girls. sabi nga “palay na ang lumalapit sa manok”, may mga tao pa din kasing pag walang mapaglibangan, o nabobore na sa buhay, relasyon ang ginagawang pampalipas oras.

  7. nothing is wrong if the girl is do in the firts move!The problem is… the people who surround them start to criticize bakit si babae ang kailangan gumawa ng move eh kung TORPE nga db si lalake who care db kung talagang tagos sa buto ang nararamdamang L.sayang naman kung mapupunta sa iba db.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*


*

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>