a sure way to get attention at the race. and o...

Image via Wikipedia

Araw-araw ng pagpasok ko sa trabaho, paggising ko pa lang at bago maligo, ISUSUOT ko agad ang problema ko; ang hirap ng walang uniform sa kompanyang pinapasukan ko. Basta presentable ang maisuot, okay na sa kanila.

Minsan, isang umagang kay ganda, alam kong medyo late na ako sa trabaho at ba-byahe pa ako, ang hirap kasing mag desisyon ng isusuot eh! Sumakay ako ng jeep, yung kung tawagin ay patok, madaming tao ang makakasalamuha mo sa sasakyang ito, may mahirap, may mayaman (siguro kuripot kaya nag jejeep), may mga professional at may mga sabihin na nating medyo hindi nakapag-aral dahil sa hirap ng buhay, at higit sa lahat (na sa tingin ko ay pinaka ayaw niyong makatabi) ay yung mga MANYAK.

Huminto ang jeep na sinasakyan ko sa tabi at nagsakay ng isa pang pasahero. Babae, mismo ako, napaluwa ang mata ko!(BIG EYES**) sa iksi ng short niya na halos kita na ang kanyang sin**t. Naka tube na damit pa ito na kitang kita ang kabuuan ng kanyang mala-papayang pinag biyak na dib dib na hulmang hulma ang kabuuan ng kaniyang Cleavage. Sa aking pagmamasid, napansin kong halos lahat, kababaihan man o kalalakihan ay naka-titig, nakasulyap, kunwaring sulyap at napasulyap dito.

Hindi pa nakakalayo sa kanyang pinagmulan ay pumara na ito, sa tingin ko baka nahihiya siya kasi tinitingnan siya ng karamihan (haha! Tinablan ka teh?). Habang pababa siya mula sa dulong upuan na pinagmulan niya, sinampal niya ang isang lalaki at sinabing,

“BASTOS”!

Hinawakan daw umano ng lalaking ito ang kanyang hulihan, o sabihin na nating *pwet*. Bahagyang natigil ang byahe at pinababa ang lalaki, at bumaba na din yung babae. Sabi ng mamang Driver, Bumaba na kayo, sa labas na kayo ng Jeep magtalo!

Bakit nga ba may mga taong di iniisip kung anong hitsura nila? Nag susuot ba sila ng ganun dahil sa tingin nila maganda sila? O dahil gusto nilang maka akit ng mga kalalakihan? TAPOS TEH MAGREREKLAMO KANG BINABASTOS KA? EH ANG SUOT MO HALOS MAKITA NA ANG KALULUWA?

*tabi tabi po.

Enhanced by Zemanta