20 days to Hell – Chapter 4

Related articles:

20 Days to Hell – Chapter 1

20 days to Hell – Chapter 2

20 days to Hell – Chapter 3

Nagkamay kami, pero hindi ko alam, parang nag-stop yung paligid, nag-freeze, kala mo nasa pelikula ako, parang walang tao. Totoo pala yun, akala ko pang-romantic movie lang e. Parang may mga stars sa paligid at butterflies.

Nag usap kami saglit. Aalis na din kasi siya. Simpleng sundot lang ng mga joke at kung anu-anong kalokohan. Hindi bale, mamayang pagbalik galing sa field, e tatawagan ko na lang siya. Malamang hindi naman na siguro siya busy nun. Sana.

Kinahapunan after going to the field, naging mas interesado na ko sa mineral water na yun, parang nagkaroon tuloy ako ng gana para asikasuhin yung proposal nila. Naging interesado din ako sa kanya masyado, sobrang nagandahan o nahalina ako sa kanya, parang may love spell. Magandang mata at napakalalim na dimples. Wavy ung buhok nya. May kulay pero di ko alam kung anong tawag, parang dark blonde. Sobrang ganda ng mata nya at smile. Tindi, parang tinamaan ako kaagad. Pero itsura lang yun, sana masarap siya kasama, mabait at masayang kakwentuhan.

Ring. Ring. Ring.

Nag-usap lang kami saglit. Nagtotokisan lang, kunwari tungkol sa business yung usapan pero kalaunan e nagiging personal na. Simple lang, gusto ko lang siya makausap.

Naalala ko yung pick-up line ko sa kanya.

“Mam, may itatanong sana kong importante e.” seryoso kunwari.

“Ano naman yun sir?” sabi nya.

“Ahmmm . . . . . . Tanong ko lang sana Mam, ‘Kumain ka na ba?’.” sabay tawa ako, hindi mo maintindihan kung napahiya o natuwa.

Awa ng Diyos humagalpak siya ng tawa. Natawa din ako sa sinabi ko, hindi ko naman din sinasadya yun ang masabi ko. Wala kasi akong ibang maisip. Spontaneous lang, kaya nakakatawa talaga.

Kalaunan naisip ko ang pangit din pala nung joke na yun. Nakakaasar. Hahaha

Pagdating ng gabi nag text siya kung nakuha ko na daw sa email nya yung quotation. Sabi nya nasend nya na daw, pero sa totoo lang, feeling ko tokis lang din yun para may dahilan siya para magtext.

Sabi ko sa sarili ko, grabe naman mag text to, 10:30 ng gabi. E nasa bahay na din kasi ako nun, nakahiga na. Dahil hindi pa ko inaantok, ni-replyan ko na lang na hindi ko pa nacheck yung email ko.  Nagreply siya, nagreply din ako, ending hindi na namin namalayan na magkausap na pala kami ng matagal. Kung anu-ano na pinagkukwentuhan namin.

Masaya sa pakiramdam, napapangiti ako kasi parang interesting masyado ‘tong babae na ‘to. Napakagandang mukha, swabeng smile na may dimples, ang sarap kakwentuhan at nararamdaman ko naman na mabuti siyang tao. Pero bakit, bakit masaya ako pag magkausap kami? Hmmm. .

Nakakapagtaka e ordinaryo at simpleng tao lang naman ako. Hindi naman kasi ako gwapings, pero syempre hindi din ako panget, sabi ng nanay ko. Haha. Kumbaga she’s out of my league. Siya perfect 10, ako 7 lang.

Nang lumaon na, napapabanggit akong interesting siya. Siguro crush na nga. Parang high school lang no. Lakas maka teen-ager. Hanggang madaling araw magka-usap kami.  Napag isip-isip ko, siguro naghahanap lang din ito ng mapag-uubusan ng oras. Mahirap pag sarili mo lang lagi mong kausap, may sakit kayang ganito?

Hanggang mapunta kami sa usapang love life.

Oo inamin ko, meron akong girlfriend pero siya din inamin nya meron din pala siyang boyfriend. Badtrip. Kaso ganun talaga o talagang ganun ang buhay, the good ones are always taken?

Lagi daw wala boyfriend nya. Busy sa trabaho. Sana nga daw naging siya na lang ung work nun e. Taken for granted na siya dahil sa tagal nila. Sa isip isip ko, ang tanga naman ng boyfriend nito. 10 years na sila, naisip ko, ang hirap tibagin nun a. Babaero yung boyfriend nya. Nahuli na nya dati hindi lang iisang beses. In short, hindi na din siya masaya tulad ko, kaya siguro nagclick kami kaagad sa isa’t isa. Iniiwasan ko din na pag-usapan namin yung tungkol sa kanya kanya naming love life. Siguro naging silent rule na lang din yun sa amin. Kumbaga, enjoy the moment lang. Kung saan masaya di ba. Yun naman ang importante e. Masaya ako, walang basagan ng trip.

Wala akong ideya, eto pala ang magiging simula ng mga pangyayaring babago sa buhay ko. Totoo pala talagang lahat ng bagay ay may dahilan. Konting pagtapak mo sa preno ng buhay ay nagkakaroon ito ng ripple effect sa daan na tinatahak mo sa buhay.  Kung napaplano ang bawat galaw malamang hindi na buhay tawag dun, hindi ka na tao, robot ka na.

Siguro nga gusto ko na din siya at gusto nya na din ako. Pero mahirap mag assume lalo na sa sitwasyon namin. Hindi naman na kami teen ager o high school na baguhan lang sa mga relasyon. May attraction, may moment, may liwanag, may chemistry at kung anu-ano pang ka-ululan ng pag-ibig. Ramdam ko din naman ng mga panahon na ‘to na ganun din ang pakiramdam nya sakin.

Kumportable kami sa isa’t isa pero hanggang magkaibigan lang dapat kami. Parehas kaming committed. Parehas kaming may ibang kasama. Hindi na din kami teen-ager para maglaro ng ganito. Dapat kontrolin ang sarili sabi ko sa sarili ko. Dapat ganun.

Sa totoong buhay hindi naman ako ma-drama, ni hindi nga ako nagpapakita ng kahinaan. Wala na kong ibang maisip na output kundi eto lang. Kailangan masiyahin ako, malakas, matatag, matibay, nakangiti lagi habang nakasuot ng iba’t ibang maskara. Maskara ng kagaguhan, yung maskara ng buhay.

Napaisip ako, “Saan kaya ako dadalin ng mga pangyayari na to?”. . . 

to be continued . . .

Read the latest chapters in this series…


©Copyright 2012, Definitely Filipino™ Blog Network. All rights reserved. Unless otherwise stated, all articles in this blog are opinions of their respective authors and not necessarily of Definitely Filipino and its staff.


You may also like:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*


*

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>