Kesa lumampasay ka habang humahagulgol dahil ikaw na lang ang single sa inyong magpipinsan/magkakapatid/magababarkada/sa buong barangay (baket gramatically correct ba ang magbabarangay?!)/buong pilipinas (hindi rin, si Kris Aquino wala pa ring bf pagkatapos ni…showbiz?!)/buong world (oa…lahat nang members nang big bang at 2ne1 single…bawal silang makipagdate ayon sa pinirmahan nilang kontrata…saka si Angelina Jolie SINGLE pa siya…hindi pa naman siya MARRIED), ngumiti ka at ibandera ang iyong estado. Hindi mo man nalalaman. Hindi mo man naririnig. Hindi mo man siguro naisip na mayroong isang babae/lalake na nasa isang relasyon ngayon ang gustong umagaw sa pwesto mo. Maaring mapasigaw ka nang isang malakas na “HUWAY SIOMAI?! (ate, penge pa nga nang kalamansi)” Oo anti. Magpuri ka. Magbunyi ka. Dahil tiyak, mayroong isa na humihiling ngayon na sana’y single pa siya. Sana wala siya sa isang nakakasakal na relasyon. Sana hindi na lang siya umibig (linya niya “O pagibig, bat ka pa naimbento?!”) Sana hindi na lang niya nakilala ang damuhong nagpapaiyak sa kanya ngayon to the point na tuyot na ang kanyang tear ducts. Sana.

Baket kamo?

Hay naku, hindi mo lang siguro napapansin pero maraming advantages ang pagiging single. Let’s count it.

1. Kumpleto ang 8 hours na tulog mo. Minsan 10 hours pa. Kung gutom masyado sa tulog, hala, humilata ka for 24 hours, walang pipigil sayo. Walang magpupuyat sa iyo. Pinuyat saan kamo? Dahil…buong gabi kayong magkatext nang samwan spesyal mo. Ehem, ehem. Pwes ngayon, wala na yun. Erase, erase. Ang tanging iniisip mo lang siguro bago ka matulog ay kung pano makapunta after level 35 sa angry birds nang walang hirap. Inshort, peaceful mong tatapusin ang araw sa papamagitan nang pagtulog. Pagkahiga mo, nasa REM stage ka na. O diba?

2.Wala kang tigyawat sa mukha. Hindi dahil totoo ang sinasabi nang marami na kapag may pimple ka ay inlove ka. Ito ay dahil hindi mo nailalaan ang iyong sweldo sa mga hirit nang user-friendly, este, pinakamamahal mong kasintahan. Nagagamit mo ang pera mo pamfacial. Kumpleto mo ang sessions mo sa diamond peel. At sa sobrang adik mo naglevel up ka na, gold peel naman target mo. Saka, dahil ang buong oras mo ay nakalaan sa pag-aalaga mo sa sarili mo. Hindi ka nahaharag kapag hindi pa nagrereply sa text mong “Kumain ka na ba? Mwuah mwuah tsup tsup 10x” ang iyong mahal. Hindi ka naaliga. Hindi ka pressured. Lahat nang panahon na maaring ibigay sayo ni Lord, nasa iyong mga kamay. Walang makikihati.

3.Walang maasar sayo kung maka-first blood ka man.( for dota players only…tee hee)

4.Walang maasar sayo kung puro DOTA ang inaatupag mo sa buong buhay mo at hindi SIYA. Walang aagaw nang oras mo sa kakalaro. At walang susundo sayo sa computer shop at sisigaw bigla nang “Hayop ka! 5 oras na akong naghihintay sayo, andito ka lang pala! Inugat na ako lahat-lahat. Sabi mo by 1 pm tayo magkita. Anong petsa na?! Alam mo bang kanina pa ako naghihintay sayo. At baka nakalimutan mo na ang meaning nun. Kaya let’s define kanina. Kanina, fresh pa ako. Kanina, hindi pa ako amoy usok galing sa jeep. Kanina, hindi pa smudge ang eyeliner ko. At kanina, bata pa ako!!!”‘ (bigyan mo nung inaadvertsie na fruit juice, baka kumalma.) Kumbaga, walang mamahiya sayo sa loob nang internet shop o kung saang lupalop ka man naabutan na naglalaro nito. Wala kang maririnig na “EPIC FAIL PARE!” pagkatapos nang naunang eksena. Hindi ka makasalanan dahil lamang gusto mong pulbusin ang scourge. Hindi pare, maniwala ka. Amen.

5. Marami kang makikilalang mas hihigit pa sa kaholding hands mo ngayon. Mas gwapo. Mas maganda. Mas matalino. Mas mabait. Mas anghel. Mas mayaman. Mas sikat. At lahat nang mas na hindi o wala ang kapartner mo. Kilalanin mo sila at saka ka na lang magdecide kung gusto mong i-pursue to the next level. At hindi tulad kapag nasa isang relasyon ka na, na kapag ayaw na nang isa sa inyo ay may iyakan portion, may drama mode at ubos ang 2 box nang tissue. Kapag single ka at ayaw mo na sa isang tao, deadmahin mo na lang. O kaya walk out. Walang iiyak. Walang maglalaslas. Walang hassle.

6.Mapupuntahan mo lahat nang lugar na maganda sa paningin mo nang makita mo ang mga pictures sa google. Dahil nung kayo pa, hanggang google earth ka lang. Well ngayon, walang pipigil sayo. Walang manguunsiyami nang mga plano mo dahil lang sa hindi available ang bf/gf mo o dahil simpleng ayaw niya sa mga bet mong galugarin. Ay naku, wala nang haharang sayo dahil balak mong magadventure sa Kazakhstan. Wala. At hindi pa hassle na magsama nang iba dahil diba kapag may lakad ang magjowa, asiwang lumarga kasama sila kasi magmumukhang chaperone o epal yung mga barkada mo sa mga precious moments niyo. Kaya ngayon, isama mo buong angkan mo. Isama mo pa pati si Dora at Boots. Wag niyong kalimutan ang map!

7.Hindi ka pressured sa fugure mo. Wala na ring mangaasar sayo kung bigla kang pumayat. O tumaba. Kaya, itapon mo na yang weighing scale mo sa bahay. O kaya iparent mo muna sa pinakamalapit na health center (ansabeh?!mas upgraded ka pa sa kanila!) at kunin mo na lang pag’ nagkajowa ka ulit.

7.1. At magiging malusog ka na rin in a good way. Kasi wala nang mangaagaw nang lakas mo (ang palagi kasi ninyong ginagawa sa date niyo eh magdance revo) kaya ka pumapayat. O kaya wala nang magbabawal sa pagkain mo nang peyborit mong porkchop. O kung hindi man, wala nang mangunguha nang hindi nagpapaalam sa peyborit mong prokchop.

8.Gawin mo na yang Lady Gaga inspired mong make-up. Wala nang magtataas ng kilay dahil sa kakapalan nang foundation mo sa mukha. Wala nang magsasabi nang “Happy Foundation day!” Tadtarin mo na rin nang eyeliner yang mata mo. Wala nang magrereklamo na mukha kang frustrated na bampira.

8.1. Gawin mo na rin yung Lady Gaga inspired hairdo mo.( Baket puro Lady Gaga?Trip ko lang). Bottom line: feel free to do your hair the way you’ve always wanted. Dati kung may nagrereklamo kapag from long hair eh bigla kang nagpagupit nang Dora the Explorer mong haircut, ngayon wala nang kokontra. Dati kung may naasiwa sa plano mong magpakulay nang purple, pwes wala na ngayon. Gusto mo pa rainbow colored eh.

9.Hindi mo na kinakailangan pang problemahin ang pangload mo ngayon. Kung kelan mo lang trip, go. Wala ka na ring sasayanging lakas kakapindot sa black berry mo o iphone4s para lang makatha ang “Kmain k n ba bebe ko?misyu, labyu” kahit na five minutes pa lang ang nakakaraan nang magtapos ang dinner date niyo sa MOA. Wala nang biglang bubulabog sa pagtulog mo dahil tinawagan ka niya para lang sabihin na, “Natutulog ka na ba? Labyu.” Kumbaga, rest day nang bonggang-bongga ang iyong cellphone.

10.Ganun din sa facebook o other networking sites. Kung dati alangan kang maglikes sa ibang tao dahil baka pagsimulan nang away (ex. ni-like mo yung comment sayo na aymisyu nang ex mo). Well now, feel free to do whatever you want. Post dito, post doon. Tutal, malaya ka nang gawin lahat at wala ka nang iniisip na ibang tao na maapektuhan nang kung ano man ang nilalagay mo sa wall mo (wala ka nang fb police). Kumbaga, hindi mo na sinusunod ang platform ng GMA na “Think before you Click.”

11.Wala nang magseselos kung bigla mo mang hinablot si __________ (insert peyborit artista here along with your peyborit smiley) at tinadtad nang halik sa mukha. Wala nang maririndi sa malupit mong sigaw pag kumanta na ang gwapong bokalista nang paborito mong banda. O kung gumiling na yung isa sa mga magkakamukhang koreano sa kpop group na pinapanuod mo sa youtube (wala ka kasing pambili nang ticket papuntang Korea). Wala nang maaligaga sa pagkapanatiko mo sa mga idolo mo. Kaya ilabas mo na ulit sa baul yung mga posters mo nang F4 sa Meteor Garden. Idikit mo ulit sa dingding nang kwarto mo. Kasi wala ka nang maririnig na pangaasar kanino man na sinasabihan ka nang “outdated much/ korean na uso ngayon!”. Hala, magpantasya ka till your hearts content.

12.Mapapanuod mo na lahat nang ipinagbabawal sayo dati nang jowa mo. Malaya mo na ring matitingan ang magandang katawan na natatakpan lang nang kakarampot na tela sa magazine na halos punitin at sunugin nang ex mo dahil nagseselos sa mga pinapantasya mo. Kaya yung mga FHM mag sa ilalim nang kama mo, wag mo nang ikahiya. Wala na ring magbabawal sa pagbili mo nang playboy. O kaya Pent—-ay basta, lam mo na yun. Tandaan lamang, laging ipinid ang pintuan. Lagot ka pag nakita yan nang 5 year old baby sister mo. O nang nanay mo.

13.Wala na pipigil sa sumasabog mong pagnanasa—-na magPARTY! Yeah! (Kala mo kung ano noh? Ehem). Go party till’ your hearts content. Dance your night away. Live your life and stay young on the floor. Dance the night away. Grab somebody, drink a little more. Tonight we gon’ be it on the floor! (pustahan, napakanta ka dyan).

14. Speaking of number fourteen, wala ka nang gagastusin sa ganitong numero at pumatak sa buwan nang Pebrero. Hindi na hihiyaw ang bulsa mo. Need I say more?

15. Wala nang magseselos kung mas inaalagaan mo yung alaga niyong tuta kesa sa minamahal mong tao.

16.Wala kang iniisip na baka nambabae ba siya dahil long distance kayo. O simply ang isipin na may nangangaliwa na pala. Wala nang ganung kutuban. Ang tanging pressure mo na lang siguro eh kung yung crush mo bang pogi eh babae ba ang gusto. O baka pogi din ang bet.

17.Wala kang pressure sa mga isusuot mo, mga pupuntahan niyo, san kayo kakain, anong papanuorin kapag may date. Iniisip mo na lang siguro ngayon kung anong isusuot para yung gwapong may skull candy sa ulo ay mapatinging sayo. Tapos nang nagkatinginan kayo, kung may stiff neck, sa inyo; stiff eyes. Dun lang ang tingin. Nasa isa’t isa lang. Naks, welcome to the staring competition. Ang unang magbaba nang tingin, talo. Manlilibre nang Starbucks. Yey!

Kaya cheer up. Wag mo nang sayangin ang mga luha mo. Wag ka nang malungkot. Dahil maliban sa mga nasabing may pagkasa brutalang advantages nang pagiging single, ika nga nang nabasa kong text message na pinadala sa phone ko bago ito nanakaw nang bongga, “The construction of a palace is far more greater than a simple apartment.” At ang iyong love story ay parang ganyan lang din. It’s just that it takes time. That’s why it’s worth the wait. And while waiting for Mr. Right, go ahead and enjoy Mr. Absolutely Wrong (chos! charing lang). Este, go ahead and be the best person you can ever be. Why? Because you deserve the best partner as well.
***Alam ko mas marami pang pwedeng idagdag sa listahan at lugod na ikakatuwa nang kakatwang manunulat kung iyo itong ibabahagi below the comments section. Tapos, isama natin dito. At para hindi ako makulong sa copyright infrigement, ilalagay ko na rin yung pangalan mo as a form of acknowledgement na rin. Sabay apir na rin tayo. (At kung maging negatibo mang ang labas nang pagkakaroon nang partner para lang mapakita yung advantage, dont get me wrong. Malakas lang talaga topak ko ngayon. Pasensya na po, epekto nang puyat.)