Infertility and Homosexuality

Infertile people can’t marry says Catholic Church?

Photo credit: http://cornerstoneofcollinwood.com

“What is there that comes from marrying them? Nothing! They are two, they remain two, they die two.” ~Archbishop Oscar Cruz, CBCP

Eto yung pamagat at paunang salita  ng link na pinost sa facebook kanina lang ang kaibigan ko. Pamagat pa lang, uminit na ulo ko. Pa’no ba naman kasi suntok sa buwan ang diskriminasyon. Nung binasa ko, kumulo talaga dugo ko. Di ako makapaniwalang sasabihin ng Simbahang Katoliko yun.

Pinanood ko yung balita kahit alam kong mas lalo lang akong maiinis. Pero nalaman kong di naman pala mga “baog” ang tinutukoy sa balita. Tungkol pala iyon sa New Year address ni Pope Benedict XVI na tumutuligsa sa same sex marriage na ibinalita sa GMA News. Okey, isa na namang misleading article. Nakakag@g0.

Katoliko kaya sumulat nun? Di ko alam kung mali lang yung pagkakaintindi niya sa balitang malinaw pa sa sikat ng araw o kung sinadya nya talagang linlangin ang mga mambabasa. Di kaya siya nakakaintindi ng Tagalog? O di lang siya marunong magsalin sa Ingles? Maling-mali ang paggamit ng salitang “infertile” kapalit ng “homosexuals.”

Pero hayaan ninyong isatinig ko na rin ang aking saloobin ko tungkol sa same sex marriage.

Tulad ng ipinahihiwatig sa pangngalan,  ito ay ang seremonya ng pag-iisang dibdib ng dalawang taong may parehong kasarian, babae sa babae at lalake sa lalake, na mismong dahilan kung bakit tutol dito ang Simbahang Katoliko sa paniniwalang ang babae ay ginawa ng Diyos para sa mga lalake at ang lalake ay ginawa para sa mga babae.

Pinagpapatibay ito ng mga public attorneys o government officials. Kumbaga, ginagawang legal ang kanilang pagsasama. Civil partnership ang tawag ng mga kanluranin dito kung saan tulad ng civil marriage (kasal sa huwes) ay kinikilala ng Saligang Batas ang karapatan at responsibilidad nila tulad ng mga pinag-isang dibdib  ng relihiyosong organisasyon tulad ng simbahan.

Imoral. Makasalanan. Salot. Malas. Malaswa. Salaula. Mahalay.

Ano pang masasakit na salita ang ibabato sa dalawang tao na ang nais lamang ay magmahalan at magsama ng panghabang-buhay?

Alam kong maaari naman silang magsama, wag lang magpakasal. Live-in ba ang tawag dun? Hindi ba’t tinutuligsa rin naman iyon ng simbahan? Kesyo walang basbas nila. Kesyo labag sa kalooban ng Diyos.

Isa rin akong Katoliko at malaki ang respeto ko sa Simbahan at mga turo nito. Pero saan na lulugar ang mga homosexuals? Pinagdaanan na nila ang pagiging confused bago nila tanggapin sa kanilang sarili kung ano sila, wag naman na sana nating hayaang malito pa sila sa kung saan sila dapat.

Wala ba silang karapatang magmahal at mahalin? Wala ba silang karapatang mabuhay ng normal tulad ng heterosexuals?

Enhanced by Zemanta


©Copyright 2012, Definitely Filipino™ Blog Network. All rights reserved. Unless otherwise stated, all articles in this blog are opinions of their respective authors and not necessarily of Definitely Filipino and its staff.


Author: WithLoveAriane

I am 21 years of age and a nurse by profession. Weblog has been my outlet for self-expression. I started way back in 2007. It is not the minutiae of my everyday life. Rather, a portal that opens up my thoughts and feelings to my trusty friends - my multiply contacts. It gives me voice to things I am not prepared to say to someone's face. And for about 5 years of blogging, I realized that 95% of my entries were written in English. So I thought of this - making a public blog account - a hundred times. I am not sure the world would probably want to hear what I’ve got to say. But I really do love expressing myself through writing and I believe I still have a lot to say - in my native language. With Love, Ariane

Website - Facebook - More Posts

You may also like:

3 Responses to Infertility and Homosexuality

  1. They don’t call themselves as husband and wife (asawa) but partner (kapareha)kaya nga po civil partnership ang tawag. Kung tatawaging “marriage” talagang di natin sasang-ayunan yan. Ang problema po kasi, limitado ang mga salitang Tagalog na maaring gamitin sa pagsalin ng English. Kaya marriage man o civil partnership, kasal pa rin ang katumbas sa atin.

    “Part of basic human rights lang. Di naman talaga marriage. Parang sabihin natin, domestic partnership o civil union. Mabigyan lang ng karapatan na nakukuha rin ng heterosexual partners.” – Danton Remoto, Chair Emeritus, LADLAD

  2. Same sex marriage– ibig sabihin niyan ay pagpapakasal ng dalawang tao na pareho ang kasarian dahil mahal nila ang isa’t isa, hindi dahil gusto nilang mag-sex or anything. Ang pagpapakasal naman ay tungkol sa pagmamahalan hindi pagpaparami. Either you agree or YOU AGREE… it takes religion to discriminate. Taliwas kuno sa kagustuhan ng diyos. Di ko kagustuhan ang ipanganak bilang katoliko. Kung anumang paniniwala ko sa diyos, patuloy na sinisira ito ng simbahang katoliko. Kasi turo sa atin eh yung kumbaga inaaccept ng panginoon kung sino at ano man tayo pero yung mga lider (ahemm, ahemm, yung pope,archbishop..etc) eh parang against sa mga ganyang bagay. Pinakanatutunan ko siguro sa SIMBAHANG KATOLIKO ay MAG-DISCRIMINATE. They’re not open to the fact na may babae sa babae at lalake sa lalake na nagmamahalan at napakakitid ng mga utak para mag-open up sa LGBT community. Yung bigyan kumbaga ng pantay na karapatan at pagtingin.

  3. Mali naman talaga ang magpakasal ng same sex.. babae sa baabe at lalaki sa lalaki.. tinggap na ang pagiging bakla at tomboy, magmhalan sila dahil ‘un ang kanilang kasiyahan, ngunit ang magpakasal,.. Sana naiisip din nila na ang pagpapakasal ay sagrado at sana maunwaan nila ang ganitong sitwasyon..

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*


*

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>