HOLY S***! Grabe! ang daming tao sa mall at wala ng mapagparkingan!

(natural! SUNDAY= FAMILY DAY! sabayan mo pa ng SALE at panahon na SOBRANG INIT! SUMMER EH! pa aircon naman jan! hehe!)

Dahil sa dami ng nagdadagsaang mga tao, hirap akong maghanap ng parking space. Sabayan pa ng sirang aircon ng sasakyan kaya habang naghihintay, bigla na namang umiral ang aking pagka JOE D’ MANGO! (weh? di nga??)

 Ang Pag-ibig ay parang “PARKING SPACE“. Madalas yung gusto mong space ay meron ng naka-park (mga taong “in a relationship“). Minsan umalis na yung unang nag-park ngunit meron na palang nakaabang na iba (kaw kasi… ang bagal mo!).

Minsan naman, wala ngang naka-park pero may nakasulat naman na sign na RESERVED! (mga taong may hinihintay — ang “FIRST or ONE TRUE LOVE” daw nila o kaya naman SOBRANG TAAS lang talaga ng STANDARDS!).

Minsan naman tuwang-tuwa ka na na meron ka ng space na nakita pero saka mo lang malalaman na di kasya ang iyong sinasakyan! (mga taong “NOT MEANT TO BE!“).

 Nakakainis di ba? feeling ko nga wala ng PAG-ASA para makahanap ng parking space. Pero bago ko naisipang lumipat ng ibang mall, sinubukan ko pa rin mag-ikot pa ng kaunti para naman masabi ko sa sarili ko na ginawa ko naman lahat.

Hanggang nakarating na ako sa dulo ng parking lot at paliko na para umexit….

BOOM! Ayun oh! bumungad sa ‘kin yung parking space!Libreng-libre! Walang nakaabang! Walang nakasulat na reserved at ang pinakaimportante, kasya ang sasakyan ko! hahahaha!

 Haaay… THANK YOU BRO! Sa dinami-rami ng sasakyan na naghahanap, isa ako sa mga pinagpala! SALAMAT!

 ….eh sa LOVELIFE naman kaya? hahaha!

Enhanced by Zemanta