You Deserve Not The Better, Not The Best
Marahil isang dahilan lang ang nasa isip ng bawat isang taong hiniwalayan ng kanilang minamahal. Ito ay ang napakasakit sa lahat. Ang malaman na may iba na siyang mahal. Mahirap talaga ipaliwanag ang mga bagay-bagay lalo na pagdating sa pag-ibig. Nagiging komplikado ang isang napakasimpleng bagay nang dahil lang dito. Ako man ay isang biktima ng nakapanlulumong pangyayari sa buhay. Harap-harapan na pala akong pinagtataksilan ng taong inakala ko noon ay isang tapat, sinsero, may isang salita at may respeto. Ngunit lahat ng mga mabubuting katangian na nakita ko noon sa kanya ay naglaho na lamang na parang bula.
Hindi ko naman itinatanggi na naramdaman ko ang kanyang pagmamahal sa akin at noong mga panahon na kami ay magkasama pa ay naging masaya ako. Hindi ko naisip na ang taong inalayan ko ng pagmamahal at katapatan ay ang taong kinamumuhian ko na ngayon. Nagsimula ang lahat sa isang kutob na hindi na ako nilubayan simula nang maramdaman ko ang kanyang panlalamig sa akin. Hindi ko inakala na ang pagkikita namin noong Setyembre ay ang siyang huli na. Wari ako’y nabuhayan ng pag-asa nang panahon na iyon. Akala ko kasi matapos and halos labing isang buwan ng paghihintay sa kanyang muling pagbabalik ay walang nagbago sa aming dalawa subalit ako’y nagkamali. Naging iba na ang pakiramdam ko sa tuwing yayakap at hahagkan ko siya. Hindi na kasing init ng dati. Hindi na kasing tamis noong unang taon naming nagsama. Alam ko na may nagbago.
Dumating na nga ang Oktubre at nagsimula na ang aking kalbaryo. Isang araw na lamang ay kinausap nya ako nang masinsinan at inamin sa akin ang kanyang pagkakagusto sa iba. Hindi naging madali sa akin ang unang beses na nakipaghiwalay siya sa akin. Umiyak ako nang umiyak na halos wala nang tumutulong luha sa aking mga mata at bumagsak na lamang ang aking katawan sa sobrang kapaguran sa pagtangis na iyon. Hindi ko maikubli ang kalungkutan na nadarama ko at kahit napansin na nang aking mga kapamilya ang pinagdaraanan ko ay hindi ko nagawang iwika ang saloobin ko. Nang sumunod pang mga buwan ay naging paikot-ikot ang takbo ng aming relasyon. Nakakahilo. Nakakapagod. Nakailang beses kaming nagkabalikan at nagkahiwalay. Sino ba naman ang matutuwa sa isang taong hindi alam ang kanyang nais sa buhay? Hindi ba’t mas mabuti pang naging tapat na lamang siya at nagpakalayo na lang kesa naman pabalik-balik na parang isang batang hindi alam kung anong nais bilhin sa isang tindahan? At hindi ko rin itatanggi ang kabaliwan ko sa paulit-ulit na pagtanggap ko sa kanya. Mga aksiyon na para sa iba ay totoo namang hindi pinag-isipan dahil pinairal ang puso. Totoo ngang nakakabobo ang pagmamahal lalo na kung inilalaaan mo sa taong hindi naman karapat-dapat pang mahalin. Inaamin kong hindi ako perpekto ngunit hindi ako nagkulang sa pagmamahal. Siguro nga ang karamihan sa mga kalalakihan ngayon ay madaling matukso at magbago nang isip at nararamdaman.
Nitong Disyembre lamang ay nakipaghiwalay na naman siya sa akin at iyon na marahil ang huling pagkakataon na magkakausap kami. Labis akong nasaktan sa mga binitiwan nyang salita. Marami siyang dahilan na hindi naman umaayon at sumusuporta sa kanyang ikinikilos. Hindi man nya inamin sa akin na ang dahilan ay ang babaeng iyon, ramdam ko naman na iyon ang katotohanan. Ang hindi ko lamang maintindihan ay kung bakit hindi na lamang siya magpakatotoo at sinabi pa niya sa huling sandali na mahal nya ako. Mga salitang tumutunaw noon sa aking galit at poot sa kanya pero ngayon ay nagpamanhid na sa aking puso.
Lumipas ang isang buwan buhat nang pag uusap na iyon ay napagtanto ko na hindi siya nararapat na pag-alayan nang tunay na pagmamahal. Naisip ko na hindi ko dapat sinasayang ang aking panahon sa taong katulad nya na walang isang salita, walang respeto, iresponsable, hipokrito, at mapanakit sa kapwa. Huli na nga para magsisi pero hindi pa huli para magbago. Ngayon nga ay binura ko na ang lahat nang mga larawan, at iba pang bagay na nagpapaalala sa akin sa kanya. Itinabi ko narin ang mga bagay na ibinigay niya noon sa akin at pinag-iisipan ko pa kung ano ang maaari kong gawin sa mga bagay na iyon. Napatunayan kong nagkamali ako nang taong minahal at gaya nga nang aking pangako noon sa aking sarili, hindi na ako magmamahal muli. Bagkus, ibabaling ko na lamang ang aking pagmamahal sa aking pamilya at mga kaibigan na tunay na nagmamahal sa akin.
Naniniwala rin ako na tinulungan ako ng Diyos na ilayo sa taong nananakit sa akin at matutunan ang mga leksyon sa buhay pag-ibig. Sapat na nga ang mga pagkakataong ibinigay ko sa kanya at bahala na ang Diyos na magpataw ng nararapat sa kanila. Laking pasasalamat ko pa kung ako pa ang magiging masaya sa huli. Natutunan ko na sa pagmamahal, mararamdaman at maiisip mo rin pala na hindi na tama ang iyong ginagawa kung napapagod ka na. Kailangan ding pairalin ang isip sa pag-ibig. Ang buhay ay kailangan na lamang na magpatuloy at hindi ito hihinto nang dahil lamang sa pagkabigo sa pag-ibig. Sabi nga nila sa akin, marami pang mas mabuti para sayo, ngunit ang sabi ko naman, mas nararapat sa akin ang pinakamabuti at sa pamilya ko lamang iyon matatagpuan.
Ngayon ay nagsisimula na akong bumangon sa pagkalugmok sa kalungkutan at akin nang tatahakin ang landas patungo sa aking magandang kinabukasan. Isa kang mabuting tao kung wala kang inaapakang kahit na sinong tao. Magmahal lamang sa taong kaya kang mahalin nang walang hinihinging kapalit. Magdasal at manalig sa Diyos at hindi ka Nya pababayaan. At higit sa lahat, Mahalin ang ating sarili.
©Copyright 2012, Definitely Filipino™ Blog Network. All rights reserved. Unless otherwise stated, all articles in this blog are opinions of their respective authors and not necessarily of Definitely Filipino and its staff.
Author: OnlyBetterMe
A Registered Nurse, A Singer, A Sweet Girl and A Very Good Friend. In Search of TRUE and LASTING Love but not in a hurry. :) I am not a good writer, nor a blogger but I love writing, and I see to it that I write from the heart and out of insanity at times. "Write to express, not to impress". Please bear with me. Thank you and God speed.
Website - Twitter - Facebook - More Posts
You may also like:
Waking Up and Realizing My Reality
There are days, or sh...
Doon sa South
Silang mga saksi sa tamis...
A Very Good Friend from High School
I miss my high school l...
The Unsent Letter
Dear Lost Love, I've bee...
There and Back
I’ve been in love before....
Breaking Up with Your Girlfriend Who was Your Old Best Friend …
March 31, 2012 ang huli n...




so sad:(nakita ko ang sarili ko sa article mo 6 m0nths ago haizt!!!traumatic s0bra,ako sigurado bibilang ng ta0n bago ko ulit ipagkatiwala ang puso ko at sana this is the last hearkbreak.keep str0nger:)you deserve s0me0ne better.g0dbless always
Best of luck to you.
Everything will be fine. Just be patient.
Thanks again Ms. pinkturtle20!
so sad:(nakita ko ang sarili ko sa article mo 6 m0nths ago haizt!!!keep str0nger:)you deserve s0me0ne better.g0dbless always
kung may mga teddy bear at kahit anung stuff toy na galing sakanya wag mo itapon ahahahaha akin nlng ahahahahaha joke wla lng patawa lng
ahahahahaha
Hahaha! Baka i-donate ko na lang sa mga batang walang laruan.
grabe ramdam na ramdam ko yun galit mo sa simula hangang gitna tapos sa bandang huli ok na.
kung ilalagay ko yun sarili ko sa sitwasyon mo nakakagalit nga nmn tlg, pero parang hnd ko kaya yun part na tanggapin siya uli, kasi sa kwento mo nakailang balik siya na tinatangap mo parin. parang ang hirap nun, ang sakit sa loob, pero ewan ko lng! kasi iba parin kung nasa actual na sitwasyon ako at sana nmn hindi ko danasin yan ahahaha bka magpakamatay ako sa sama ng loob ahahahaha. hay!!!! ang hirap umibig. kagabe ko lng napagtanto ang daming pwede gawin ng pag-ibig pwede akong durugin nito ng pinong pino at pwede din ako nitong paunlarin para maging isang mabuting tao. hay!!! grabe buti pa nung bata ako halos lahat ng makita ko crush ko ahahahahaha hnd tulad ngayun isa lang maganda sa paningin ko ahahahahaha nakakaasar!!!!!! nakakabaliw!!!!
Thanks iSh well naka relate din aq sa story mo but im a guy pero i had a relationship which last for 2 years masakit kasi binigay ko ang lahat i accepted the girl even though im not his first lover i welcomed her in our family i gave all my time to her all my love and specially all my salary everything, I just don’t know the fact if iniwan nya aq dahil may nahanap siyang mas pogi pero d nmn aq panget average nmn pero kung sa ugali lng kahit sinu pang pogi dyan i guess lamang aq come to think of it binigay mona lahat pinagpalit kapadin,,,,by the way yung pinalit saken foreigner ouch,, pero ganon tlga ngpla ish take care move on bsta aq focus sa career, i’ll be leaving philippines this year to italy to live with my parent’s hirap din ng nag iisa.
Hi Mr. C! Salamat po sa pagbabasa. Anyway, Goodluck nlng po sa career nyo and I hope you find the right girl for you. Hindi lang tlaga siguro meant to be. God bless po and be strong.
OMG! sobrang nakarelate ako. ganyan din angyari sakin before
. away bati, magbbreak magbabalikan. napakagulong relasyon. bigala bigla nalang ako umiiyak at natutulala. nakakatulog dahil sa kakaiyak. pero ngayon ok kame ulit, sana hindi na maulit samin yan. kasi nakakapagod ng masaktan.
sana makamove on ka agad, wag ka gumanti saknya. let karma do it for you.
Hi Rem Anne!
well, halos lahat naman siguro ng nagmahal ng totoo, nararanasan yan eh.
Good for you!
Sana tuloy-tuloy na yan!
Thanks for appreciating my work and sa payo.
Goodluck and God bless you!
if you don’t mind,tanong ko lang nakamove on ka na?
I’m still in the process of moving on.
kasi mahirap naman talaga makalimot agad, ryt? it takes time.
pero I’m doing good. Nagfocus lang ako sa work.
yep!sobrang hirap talga lalo na pag mahal mo talaga yung tao. gano katagal ka ng single?
you deserve someone better.
hehe. 4 months pa lang. but since, LDR un, feeling ko 1 year.
=D lalo namang lumakas ang loob kong magmove-on nung nabasa ko ‘to. Thanks simply ish! =D
Hi Kate!
Buti naman nakatulong ako kahit paano.
Thanks so much!
God bless.
makakamove on ka din po. be strong!!. hindi po sya deserving sa binigay mong love para sakanya. makakahanap ka pa po jan ng mamahalin ka talaga. God bless. smile always.
thanks edenillagaya!
God bless you too.
ur welcome po. sana po maging happy ka na. haha. naexpress mo na po ang nararamdaman mo dito sa article mo. at marame pong nakarelate.
I had my share of experience too. Ganun talaga ang love life, ipunin mo na lang ang mga memories at lessons na maganda from your passed relationship.
Forget the hatred too, kasi kapag hate ang pinatira mo sa puso mo, your heart wont be able to give love again…kuha mo?? Keep smiling.
Thanks Ms. J!
At least I know now what to do next time.
God bless!
smile always. makikita ka din ng taong deserve ang tunay at wagas na pagmamahal mo.
Thanks runaway2011. Sana nga.
God bless.
Been there at ramdam ko ang bigat ng mga salita mo. Katulad ko, makaka move on ka dn at magiging happy. Just learn the lesson and let karma do the dirty thing.
Embrace Life!
Thanks Ralien!
Tama ka, makakamove on din ako.
God bless.
I know people are strange, mayroon isa lang mayroon 2,3 sampu. Hope you find the right one for you. All the best for this year. God Bless.
Thanks Galo!
God bless you too!
The title must’ve been typed incorrectly. Sorry. It must be ” You deserve not the better, but the best”