Ayon sa mga pagsusuri at pag-aaral, ang tahanan ang siyang pundasyon ng bawat bata.  Bagama’t malaking aspeto rin ang pag-aaral at pakikihalubilo sa kapwa, lumalabas na ang mga magulang at tahanang kinagisnan ang siyang may pinakamalaking bahagi pagdating sa pagkabuo ng pagkatao ng bawat bata.

Kaya naman bilang mahalagang sangkap sa pagpapalaki ng anak, narito ang ilang paalala upang mas makatiyak tayo, bilang magulang,  na ang ating mga supling ay magiging makabuluhang mamamayan ng ating bayan.

For parents:  Kumuha po tayo ng lapis at papel (whatever) at gumawa ng tseklist kung nagawa n’yo na ang mga sumusunod.

Kung single naman:  Tignan kung ilan ang sang-ayon kayong gawin para sa inyong magiging anak kung may plano kayong maging  magulang /parent po! ^_^  (No cheating, please!)

 

  1. Magkaroon ng kumpiyansa sa inyong mga anak upang matuto rin silang magkaroon ng kumpiyansa sa sarili.       (Go, anak, kayang-kaya mo yan!)
  2. Kilalanin at purihin ang bawat pagsisikap at tagumpay (malaki man o maliit) ng inyong mga anak.                             (Ang galing naman ng anak ko.  Participant sa Quiz Bee!)
  3. Purihin ang inyong mga anak kahit naririnig ng iba (siguraduhin lamang na hindi exaggerated ha!) (Ito po naman ang anak kong mahusay sa pagsusulat at napakabait pa.)
  4. Kapag umuwi nang maruni ang inyong mga anak, wag pagalitan. (Wow!  Mukhang nag-enjoy maglaro ang anak ko ah!)  

      5.  Kapag lumapit ang inyong anak at kayo ay kinausap, i-off ang telebisyon o itigil sandali ang  ginagawa upang maibigay ang buong atensyon sa sinasabi ng anak.  (Ano yun, anak?  Sige, makikinig ako.)

      6.   Paminsan-minsan, umupo at makipaglaro sa mga anak kahit malalaki na sila.

              (O ako naman ang magluluto diyan sa palayok, ikaw ang magpaligo ke Barbie, anak.)  

       7.   Magpasensiya kung nababagalan sa pagsasalita ng anak.

                (Iwasan ang magsabi ng “Ano ba yun? Dalian mo at sabihin mo na ng diretso.”)  

       8.  Matuwa at yapusin ang mga bata kapag sila ay nakitaan ninyo ng pagiging mabuti sa mga hayop.

               (Ang bait naman ng anak ko, maawain sa mga kuting.  Pero huwag mo iuuwi sa bahay ha.) lol!  

      9.    Lumikha ng mga special bonding moments kasama ang inyong anak.  Halimbawa, tabihan ang anak habang   nanonood ng palabas sa TV at pagkwentuhan ang kanyang pinanonood.

              (Maganda ba yan?  Tungkol ba saan yan, anak?)

     10.  Huwag makornihan sa paggamit ng mga palayaw o tawag-lambing sa mga anak.  Ngunit gamitin ito ng pribado at nang may lambing)

               (Bebe Cake ko, sleep ka na, sweetie!)

       11.  Ipakita ang kasiyahan sa mga anak na mapasensiya at magiliw sa mga mas nakababata sa kanila. 

                (That’s good, anak.  Ang husay mo magpatawa ng baby ah!)

       12.   Paminsan-minsan, gawing masaya ang hapag kainan sa pamamagitan ng masiglang pagto-toast o pagbibiro.   

                (Hey, hey!  Kumpleto tayong naghapunan ah… Toast tayo! Hahaha…)

     13.  Huwag mahiya magpahayag ng damdamin sa anak.   “I LOVE YOU” kahit sa sign language, simpleng hug o pisil ng kamay.                        (Love kong mga kids, gising nah!!!)

    14.  Bigyan ng pansin ang mga ideya ng anak.  Minsan, mas smart pa ang suhestiyon nila ah.

               (Gusto ko yang suggestion mo, bunso.  Subukan nga natin.)

    15.  Lalo na’t naiwan sa bahay ang anak, tawagan o itext upang kumustahin.  

                (Tabachingching ko, ok kb jn? )

     16.   Huwag laging seryoso.  Natutuwa ang mga anak na makitang tao rin pala ang magulang nila.

                ( Ako naman ang taya!  Piringan n’yo na ako.)

      17.   Magbigay ng mumunting bagay kahit walang okasyon. 

                 (O tig-iisa kayo ng polvoron, masarap yan!)

       18. Kilalanin ang pagiging magalang sa mga matatanda ng inyong mga anak, purihin ang asal nila.  

                (Maganda yang ganyang asal, anak… I’m proud of you.)

       19. Pagkuwentuhan ninyo ang mga masasaya at magagandang nangyari sa bawat araw.

                (Nagkaroon kanina ng relief operations sa trabaho namin, nakakapagod pero masaya…!)

      20.  Kumanta, sumayaw at maging kwelang pamilya paminsan minsan. 

               (Contest tayo sa pagalingan kumanta ng Butsikik ha! Hahaha…)

       21.  Ipaalam sa mga anak ang kasiyahan kapag sila ay lumalaking mabubuting anak.

               (I’m glad ma lumalaki kayong mabubuting anak….salamat!  Sabay pisil sa kamay o balikat!) 

       22.   Learn new things nang magkasama. 

                (Aral tayo ng baking, daughter ko.)

        23.   Kapag may natutunan sa mga anak, kilalanin at ipaalam sa kanila ang naging halaga nila.

                (Ay,  salamat, son, buti na lang andiyan ka.  Naturuan mo ako sa pagcocomputer ko.  Mahusay ka palang teacher!)

      24.   Kapag may nagawang mali at nagsabi ng totoo ang iyong anak, kilalanin ang pagiging tapat nila at pagsikapan ayusin nang mahinahon sa naging problema. 

                 (Nagpapasalamat ako at naging tapat ka magsabi ng totoo, kahit alam mong ikagagalit ko.)

     25.   At panghuli… kausapin ang mga anak na para bang nasa tabi ninyo ang mga anghel (syempre, nakakahiya namang marinig ng mga anghel ang singhal ng magulang…dapat laging malumanay at mahinusay). 

         (Walang suliraning di malulutas kapag ito ay malumanay na inuupuan at pinag-uusapan nang mahinahon.)

            Ang inyong Lingkod….Mommy Joyce  ^_^