Mula sa chart ng human reproductive organs, na madalas idikit sa blackboard ng iyong Biology teacher, hanggang sa signage ng mga public comfort rooms, men and women are always portrayed as the same kind, but light years apart when it comes to similarity. Halos pareho pero sobrang mag-kaiba. Anlabo ba? Kasi tignan mo:

(a) Parehas kayong tao, parehas kayo ng nationality, parehas kayo ng salita, parehas kayo ng sinabi, pero mag-kaiba ang ibig sabihin.

Question: Pwede bang i-cancel muna yung date natin?

Boy: “Ok lang..” – Ibig sabihin, sakto lang, di siya badtrip, di rin siya natuwa.

Girl: “Ok lang..” – Ibig sabihin, abot langit ang kanyang pagka-inis, di pa naman siya nakatulog ng ilang araw kakaisip ng date na yun, bumili pa siya ng bagong damit at nag-google ng mga make-up tips, tapos sasabihin mong canceled. Malamang sinasak ka na niya ng basag na salamin, kung malapit ka lang.

(b) Parehas kayong tao, parehas ng dami ng ngipin, parehong kailangan mag-sipilyo, parehong brand ng toothbrush, pareho ng functions and features, pero mag-kaiba ang itsura.

Boy: Toothbrush: Kulay blue.

Girl: Toothbrush: Kulay pink, may ulo ni hello kitty, tumutunog ng “fireworks” by Katy Perry, tuwing ginagamit, may naka-emboss na pangalan niya sa handle, strawberry scented, glow in the dark ang bristles, may sticker sa likod na “I Am Pretty”, may nakakabit na key-chain at may bluetooth.

Men and women practically existed together for the longest time, pero hindi parin nila nade-decipher ang bawat isa. Kung meron mang impormasyon, malamang “tip of the iceberg” lang yun. And as a guy, i admit, noon, para sakin, parang alien ang mga babae. Mahirap silang intindihin. Mahirap i-spell. Mahirap basahin ang utak (kaya nga daw pangalan ng babae ang ibinibigay sa isang bagyo o sama ng panahon). That was until i met someone great and showed me, na may mas malalim pa sa mga jokes about female stereotypes.

1. Ang mga babae, madaldal/mabunganga – Oo, wala talagang tigil ang bibig nila sa pag-rachada sa kakasalita. Lalo na sa tuwing pinapaalala nila sayo na oras na para inumin ang iyong gamot, kapag nagtatanong sila kung kumain ka naba, kapag ginigising ka nila sa umaga upang hindi ma-late at yayaing mag-almusal, at sa mga pagkakataong nag-aalala sila sayo at tinatanong kung nasaan kana. Walang duda. Madaldal nga. Hayaan mo na, balang araw, siguro magbabago din sila. Tipong maririnig mo lang e “Oo”, “Hindi” at “Pwede”. Para kayong naglalaro ng Pinoy Henyo. Romantic siguro ng buhay niyo nun.

2. Ang mga babae, masyadong sentimental – Sinabi mo pa. Tandang tanda nga nila ang petsa at lugar kung saan kayo unang nag date, isinulat niya din sa kanyang diary kung ano ang mga ginawa niyo, nakatago at ingat na ingat siya sa mga larawan ninyong dalawa, daig pa niya ang Smithsonian sa pag-aalaga ng mga iniregalo mo at kahit kailan di niya nalilimutan ang mga importanteng okasyon tulad ng anniversary, monthsary, weeksary o birthday mo. Nakaka-inis ba? Ok lang yan, malay mo next time, hindi na siya ganun. Tipong i-aasa nalang niya sa Facebook ang pag-alala ng iyong kaarawan. Tapos tamang post nalang sa wall mo ng “hapi bday”.

3. Ang mga babae, emosyonal – They cry about movies. They get teary with a romantic novel. They blush and gasp upon seeing a picture of a cute dog or cuddly baby. Bakit ba ganun sila? Buti nalang tayo hindi. Kinikimkim lang natin lahat ng emosyon sa loob hanggang sa sumabog at atakihin sa puso o di naman kaya e magpapakalasing tapos magwawala at maghahamon ng thumb wrestling. Di ba mas logical yun? At bakit ba gusto nila laging pag-usapan ang mga nararamdaman ng bawat isa? Madalas pa mag-imagine na ikakasal kayo. Laging nag a-iloveyou, i miss you, take care at mwah mwah sa text o IM. Asar ka naba at nako-cornyhan?  Ayos lang yan. Darating din siguro ang time na titigil siya. At ise-send ang mga yun sa iba.

Women are probably the greatest gift to men, from God, besides beer and sizzling sisig. At para sakin, women deserve all advantages, lalo na sa pag-ibig. Sana lahat ng babae ay maging masaya ang love life. Sana, walang babaeng heart-broken. Kasi, tayong mga lalake, we’re meant to pursue them and it’s ok if we fail from time to time. It’s the way nature intended it. Gaya ng paghabol ng isang leon sa usa o pag-ikot ng earth sa paligid ng araw. Mas ok kung tayo nalang yung masaktan. E sila? Isipin mo, nagkakaroon sila ng “dalaw” at nababaliw kada buwan, nabubuntis at maghihirap ng 9 months, at pinaka matindi sa lahat, kailangan pa nilang panatilihing makinis at walang buhok ang kanilang mga kili-kili. Ano ba naman pasayahin sila at gawing “scar-free” ang kanilang buhay pagibig.

And if you are with a great gal, do everything to make her happy. Don’t ever break her heart. Wag kang magpa-uto sa mga statistics, na nagsasabing, mas marami ang babae sa lalake, kaya ok lang mang-chiks. Ano pa bang gusto mo? Hindi paba sapat na minahal ka niya sa kabila ng iyong pagiging engot at kawalan ng romantic DNA sa katawan? Malaki man ang populasyon nila sa mundo, napaka-liit ng tsansang makakilala ka ulit ng tulad niya. Na magtya-tiyaga sayo.

Tandaan, pansamantala ka mang maakit ng naglalakihang pulang high-heels o maaarteng makintab na sandals, mas masarap paring umuwi sa nag-iisang tsinelas ng buhay mo.