3RD PARTY BLUES (TAMAAN KA PA RIN!)
Hindi na bagong balita ang mga istoryang salawahan. Kumbaga sa kanta hindi na hit at palasak na sa tenga. Nakakasawa. Nakakarindi. Parang pirated version ng kanta ni Justin Bieber tapos na-stuck sa “Bab———-”.Paulit-ulit pa yun. Hindi man lang naawa. Hindi man lang pinatawad. Hindi man lang pinatapos sa “Y” para matuloy na yung word. Ay naku.
Ilang beses mo na bang narinig ang ganitong mga senaryo na nahuli ni A si B na nakikipaglandian kay C? Ilang beses mo na bang napanuod ng ganitong mga palabas kung saan hindi lang pala ikaw ang nilalaman nang kanyang mundo (nahati nga naman kasi sa left at right hemisphere)? Ilang beses mo na bang narinig ang mga kanta nang mga basag ang puso dahil sa kaharutan nang hindi makuntentong kaluluwa (O Taylor Swift salamat sa isang buong album na puno nang pighati!Ang straight ng buhok mo teh!)? Ilang beses na? Kulang pa ang mga daliri mo sa kamay, pati sa paa, pati yung daliri sa katabi mong gwapo na may beats sa ulo. Kulang.
At syempre, malamang sa hindi, minsan sa buhay mo marahil ay naranasan mo na ito. O kung hindi man, sa mga kakilala mo. O kapeysbuk o katwitter mo. O kadota mo. O ka-avaya mo. Minsan sa buhay nang isang naghihintay na puso, maaring dumating ang pagkakataon na nagmahal ka nang akala mo’y perpekto dahil mas uungusan pa niya sa kinis si _______ (insert peyborit artista here) sa kanyang flawless na pagmumukha. Just to find out na mukha lang pala niya ang walang bahid ng acne. Pero ang budhi niya sandamakmak nang tigdas. Nagnanaknakan sa nana. Ganun kalala. Pak.
Pero bakit nga ba? Bakit bigla na lang isang araw na ang isang napakagandang istorya nang pagibig na sadyang pinaghirapan mong sinulat, kung saan malapit nang maghit sa climax ay nagtae ang ballpen mo. Tapos, hindi mo na muli naisulat yung parehas na ballpen. Naubos na kasi yung tinta dahil sa hindi malamang pagkakataon, bigla na lang itong sumabog.
Parang puso mo lang.
Let’s imagine this scene.
Isang magandang establishing shot ang pinakita. Bahay niyo. Gabi. Biglang itututok nang camera pababa sa isang maala-John Lloyd na lalaki, nakatingin nang mataimtim habang tangan niya yung kissable lips na balloon. Focus sa veranda niyo. Lumabas ka at tiningnan ang prince charming nang buhay mo. Nagsabi nang mga matatamis na linya. Batuhan nang script. Saka sa sobrang kilig ay mapapaupo habang ang ngiti ay hindi na masukat nang ruler. Lumagpas na ata sa mukha. Kaso, nabulabog ang eksena. Nagulat ang mga manunuod. Pati si Direk. Pati yung camera man. Biglang may dumating na bagong aktres. Parehas kayo nang costume. Pati make-up. Pati hair do. Pero magkaiba kayo nang mukha (baket long lost twins kayo?!). Pero ang masaklap, ayon sa kanya hindi ka raw nararapat sa role mo. Siya daw ang tunay na umaangkin nang role mo. Pero syempre hindi ka payag. Nagsabunutan kayo. Nagkalmutan. Hanggang sa nalaman niyo, ginoyo kayo parehas nang maala-John Lloyd na lalaki, nakatingin nang mataimtim habang tangan niya yung kissable lips na balloon. Ansabeh?
Pero bakit nga ba?
Kulang ba talaga?
Kulang ba yung mga ferrero rocher na umubos sa kinsenas niyang sweldo? Kulang ba yung mga likes niya per post mo sa facebook? Kulang ba siya nang reply sa mga texts mong close ended? Kulang pa ba yung bangs ko sayo? Kulang pa rin ba ang mga sangkatutak na mga kandila na inalay sa Quiapo? Kulang pa ba ang mg prayer vigils gabi-gabi para maselyuhan na ang inyong kwento? KULANG? Yun lang ba talaga ang dahilan?Dahil lang sa naimbentong salita na KULANG, nanlamig to -25 degrees celcuis ang iyong labidabs.
KULANG NGA BA TALAGA?
Kung hindi naman KULANG, SOBRA. Sobra na daw kasi yung ferrero rocher, gusto naman niya ng Hersheys. Sobra na daw kasi yung mga likes sa fb, hindi lang naman pala isa ang account mo. 115 Dummy accounts( Adik much?). Sobra na dw kasi yung mga reply mo sa cp niya, hindi na siya makatanggap nang mga importanteng messages. Sobra na daw kasi yung mga kandila sa simbahan, ala nang slot for others (sugapa). Sobra na daw kasi yung mga prayer vigils, naging kulto na kayo. Dahil sa naimbentong salita na SOBRA, nasakal siya masyado at hindi makahinga. Naghyperventilate.
SOBRA NGA BA TALAGA?
(Oo na. Unli na ako teh. UALL25 send to 8888.)
Sala sa lamig. Sumama sa mainit. Pinagsabay. Isang sampal ang kapalit.Talbog ang front teeth sa lakas abot hanggang langit. Malupet!
Pero ano bang mapapala?
Hindi ba’t hindi lang isa ang masasaktan mo?
Hindi lang yung puso nang original pati yung proxy…pati ikaw. Masasaktan mo lang din ang sarili mo. Pero kung bet mo yun dahil isa kang emotional masochist, ipagpatuloy mo lang. Pero ok lang sana kung ikaw lang ang magpapakasaya sa kalungkutang hinatid mo. Ok lang sana kung ikaw lang ang nasalanta nang dumating ang bagyong dinulot mo (Wanted ka sa PAGASA tyong). Ok lang sana kung ikaw lang ang mawawalan nang nagpanakaw ka (siraulo much?!). KASO, andami mong masasaktan. Masasaktan siya, ang una mong minahal. Ang unang nagpatibok sa iyong palpitating heart. Ang unang nagbigay sayo nang goosebumps kahit hindi ka nanunuod nang horror movie. Ang unang nagbigay sayo nang nirvana mas matindi pa sa kay Kurt Cobain. Pero hindi lang siya ang masasampal mo sa kabaluktutan nang ego mo. Pati si pangalawa, kung saan nakita mo ang lahat nang kulang ni nauna. Si pangalawa kung saan naranasan mo ang langit, dahil mas malupit nga naman yun sa nirvana (depending on the religious point of views though). Si pangalawa na sumama sayo sa mga makulilim mong sandali nang magaway kayo nang nauna. Si pangalawa na sinandalan mo. Si Pangalawa na niloko mo. Kasama si nauna. Ang tindi nang chain of karma mo tol’. Hindi na kagulat-gulat kung maging ahas ka sa next reincarnation mo.
Hay. Isang malaking palaisipan pa rin kung bakit. Sumama ka kay Karen. Dahil ba ako lang si Gina at siya ang paboritong apo ni lolo? Kaya ang cheese burger sa kanya binigay?
Tsk, tsk. Bato bato sa langit, ang tamaan…GUILTY!
©Copyright 2012, Definitely Filipino™ Blog Network. All rights reserved. Unless otherwise stated, all articles in this blog are opinions of their respective authors and not necessarily of Definitely Filipino and its staff.
Author: bangsoverload
Ex-call center agent dahil hindi kinaya ang palagiang magsabi nang "I do aplogize" labas sa ilong. Mahilig makinig nang mga kantang hindi maintindihan. Adik pa rin kay Domo-kun. Naniniwala pa rin sa napulot na kasabihan nang kanyang kaklase na "guluhin mo na ang buhay ko, wag lang ang buhok ko." Especially my BANGS. Nagsusulat pag puyat dahil doon gumagana ang hindi makatulog na utak, sisihin ang limang pitsel nang kape na inubos sa vendo machine sa pantry nang office dahil libre lang ito. Mahilig maglaro nang dota kayat laging nasasama bilang halimbawa. May matinding sakit. Ano? Katamaran. Mahirap gamutin yan.
You may also like:
Yosi Kadiri !
Pagkatapos kumain, yosi...
Humble Beginnings
Last night, I was sitting...
BALIKBAYAN BOX (Paskong Pilipino: Sa Puso ng Mandaragat)
Ilang araw na lang..........
Bobong Pinoy ka nga! (Compilation ng mga Kowts ni Pareng Bob Ong)
Kung wala kang interes ...
Kwentong Lotto
Lahat tayo, gusto guminha...
Ang Kuwento ni Luna: Asawa, Ina, OFW
Ito ang kuwento ni Luna. ...



Parang may pinaghuhugutan, hehehe! Pro napaisip ako dun ah- KULANG o SOBRA?
natamaan ako! hahaha..naimagine ko talaga yung scene hango dun sa pekilula ni sarah…ako yung naagawan! para akong tanga na iiyak at tatawa dito sa sinulat mo!pano hindi pa ganun katagal nung niloko ako nung “John Lloyd” ika mo nga dito. Nabasa ko din yung nauna mong post…galing! Para tuloy sarap mong sabihan nang problema sa pagibig…para kasing ang galing mong mag-advice!I’ll be waiting for more from you!Keep up the good work!