Photo credit: http://alexaclyne.deviantart.com/art/Diskriminasyon-253344629

Ano po ba ang kahulugan nito? Well, ayon sa Wikipedia ganito ang definition ng DISCRIMINATION: “To treat one particular group of people less favorably than others because of their race, color, nationality, or ethnic or national origin.”  Sa madaling salita, ito ay ang hindi pantay na pagtingin sa KARAPATAN, LAHI, KULAY, o KULTURA ng isang tao.

Madalas kapag napag-uusapan ang diskriminasyon, lahi kaagad ang unang pumapasok sa ating isip: itim kontra puti; oriental kontra kanluran. Minsan nariyan din ang estado sa buhay, ang taas ng pinag-aralan, pati na ang eskwelahang pinapasukan, at ito pa ang malala: URI NG TRABAHO. Kagaya ko na OFW dito sa bansang Saudi, napansin ko lang sa ating mga KABABAYAN pagdating sa usapang uri ng WORK ika nga, kapag nalaman nila na isang hamak na DRIVER ka lang, mababa na ang tingin sayo. Napailing na lang ako minsan eh’ pero kahit nasa opisina kayo mas mataas pa sweldo namin sa inyo. May kilala ako na tao dito din sa JEDDAH, Driver siya at couple sila sa pamamahay.

Minsan natanong ko, Ilang taon na po kayo dito sa abroad kuya?

Sagot nya, Ay naku Mike almost 3 decades na…

Sabi ko, Siguro po ang ang laki na po ng napundar nyo?

Sagot nya, Hindi ko pinagmalaki ang materyal na KAYAMANAN Mike, basta pinagmamalaki ko lang ay ang 5 kong mga anak na NAPAGTAPOS ko ng PAG-AARAL : ang 1 tapos ng PMA, ang 1 tapos ng LAW, ang 1 tapos NURSING, ang 1 tapos ng NAUTICAL, ang 1 tapos ENGR.

Habang nag uusap kami, napa ‘WOW’ ako. Saludo po ako sa mga ganung mga tao na inuuna muna ang kapakanan ng mga anak. Balik tayo sa mga titulo, sana naman tayong mga FILIPINO alisin na natin sa ating kaisipan ang salitang DISKRIMINASYON.

Wala sa RELIHIYON yan kundi nasa TAO. Siguro nga isa sa malaking factor kung bakit hindi maganda ang pagkakakilala ng ating mga kababayan sa Pinas tungkol sa muslim dahil na rin sa media at sa nakikita nila minsan sa ugali ng mga ito lalo na sa Quiapo, mga madumi ang paligid at nagtitinda ng pirated. Mali rin kasi minsan ang mga nagbabalita sa dyaryo, telebisyon at radyo na pag may Muslim na gumawa ng masama ang tag ng headline ay “muslim pumatay”, nahuli sa ganon, etc.etc., pero bakit pag ibang relihiyon ang gumawa di nila masabing: INC nakapatay, Protestante nanghalay, Kristiyano nandukot.. napaka unfair di ba?

Isa po yan sa dapat pakaingatan ng mga gumagawa ng mga balita na ganyan. Dapat minsan iexplore din nila ang paligid nila kung bakit nagiging masama ang isang tao at di dapat unang tinitingnan kung ano ang paniniwalang kinaaniban niya. Nasasabi nila yun dahil hindi nila alam ang ibig sabihin ng MUSLIM. Kung alam nila na ang sinasabing Muslim ay tribo o nationality ay hindi nila gagamitin ang term na MUSLIM. Kong alam nila na ang ibig sabihin ng MUSLIM ay naniniwala kay ALLAH, BELIEVER in English, ay hindi nila ito sasabihin. Kung alam lang sana nila na pagka-MUSLIM ay hindi dahil ikaw ay isang Maguindanaon, Iranun, Maranaw, kundi dahil ang relihiyon mo ay Islam ay hindi nila ito sasabihin na MUSLIM.

Hindi po ako MUslim, isa po akung KRISTIYANO pero gusto ko lang ay pantay-pantay na pamumuhay at pagtrato sa kapwa tao, Panahon na para tayo matakot sa parusang tatanggapin natin mula sa Lumikha kapag pinaiiral pa rin natin ang DISKRIMINASYON na wala sa lugar. Ang bawat tao ay may karapatan sa kanyang kapwa, Subalit karapatan mo man ito, ay ilagay mo pa rin sa tamang perspektibo at  LUGAR.