Note From the Author:

Comment from one of my reader in my previous blog..( Buntot mo…Hila mo….Kailan dapat tapusin ang kahirapan? )

May Anne De Mesa :this is by far one of the best posts I’ve read on DF. I share the author’s sentiments. I came from a poor family and clan as well, lived in the slums for 2 decades. I observed na iba ang mentality ng maraming mahihirap, yung “asa mentality.” At panay reklamo sa gobyerno eh sila din naman nagbibigay ng pasakit sa lipunan dahil sa mga bisyo at maraming anak. There are only two options for those who are born poor: to get out of it or to embrace it for a lifetime. I’m glad the author chose the first one. Sana nga magbago na ang ating mentality, the gov’t wont save us, so stop the blame! Cheers and Happy New Year! :)” Friday at 3:58pm 

“Maraming salamat po sa lahat ng nagbasa at nagustuhan ang aking previous blog.”

Sa mga nagtatanong po, I grew up from one of the towns surrounding Taal Lake between Agoncillo and Lemery, hanggang dun lang po muna…:)

 

Are you inlove with your JoB??

Hahaha.. lakas talaga ng tawa ko ng minsang matanong ito sa akin ng isang kaibigan. Bakit naman? tanong ko sa kanya..Kasi naman, parang wala kang asawang sumusuporta sa yo eh at parang sampu ang anak mo kung magtrabaho ka samantalang iisa lang naman?! Di ka ba marunong mapagod?! Mas napapagod ako para sayo ha!

Tama ang aking kaibigan, siguro nga in love ako sa trabaho ko, na kung batayan ay ang pagiging workaholic ko, siguro nga hibang na hibang na ako hahaha.

Bigla ko tuloy naalala ang tatay ko noong kasalukuyan kaming nag-aaral sa high school noon ng mga kapatid ko..Palibhasa ang tatay ay di nagkaroon ng tsansa na makapagtrabho sa isang kumpanya bagamat nakatapos ng pag-aaral sa UE, kung ano anong klase ng paninda ang kanyang ikinalakal. Madaling araw pa lang nagdedeliver na ng newspaper at pandesal ang tatay noon. At bandang 8 ng umaga, maglalako naman sya ng fresh tilapia, mind you, house to house yun.

Di doon natatapos ang araw ng tatay, pagdating ng hapon , balut at fishball naman ang ibebenta nya…Tunay na napakasipag ng aking ama at kahit halos successful na kaming mga anak nya, di mo mapigilan na magtinda pa rin sa mga tyangge ng mga abubot at kung ano ano…sa edad na 67 ng tatay, yun daw ang nagpapabata sa kanya kaya hayaan na lang daw namin sya.

Kaya siguro di na nakakapagtaka kung sa akin naman, hindi trabaho matatawag kung 8 hours lang. I normally work 10 to 14 hours  and 6 days a week. Nakakapagod kung iisipin but if you love what you do, instead of getting tired, you will always be inspired.. Although I must say minsan may mga times na nakakaramdam rin ako ng pagod, Im not getting any younger. Buti na lang dito kasi sa abroad, lahat kami independent kahit ang anak ko hindi sya tipikal na studyante na kailangan asikasuhin sa umaga bago pumasok, ganun din ang aking asawa…

My work is my social life too kasi. Between meetings and checking all the branches that our company have, dito ko rin nagagawang makisalamuha sa mga bago at dati ng mga kaibigan. Palibhasa sa operation ako kaya halos madalang din akong nasa opisina. Mas lagi akong nasa labas.

Mahirap na masarap ang maging career woman. Lalo pa nga at halos ng kalevel ng trabaho ko puro lalaki. Nabanggit ko noon sa mga unang kwento ( please check  http://definitelyfilipino.com/blog/2011/12/07/pinay-on-top/ story blog) ko na ako lamang ang nag-iisang babae sa aming kumpanya ng humahawak ng isang importanteng posisyon. Halos lahat ng mga katrabaho ko tensyonado lagi, bugnutin dahil pag lalaki kasi masyadong seryoso, tayong mga babae bagamat seryoso, alam nating mag balanse ng mga dapat gawin. Kaya siguro halos sila lahat kasundo ko.

Ang trabaho minamahal, hindi inaabuso. Ito ay pinapahalagahan! I still vividly remember the training I had before…ang mga katagang ” YOU MAKE IT HAPPEN” ang tumatak sa aking isipan at na i-apply ko sa aking sariling pamumuhay…at totoong walang makakagawa o makakakuha ng ating mga mithiin sa buhay kundi tayo lamang…

Lahat ng malaki ay nagsisimula sa maliit , ma posisyon o negosyo..Ang karera ng buhay ay nagsisimula sa ating mga unang hakbang nung tayo ay bata pa lamang…Lahat tayo nagsisimula sa basic…Nadadapa, bumabangon….Do not be afraid to take the first step…Kung isa kang empleyado na nagsisimula pa lamang g iyong karera…Para sayo ito…