Harana At Pick-Up Lines
Manliligaw ako sana sa iyo maaari bang dumalaw..Ganyan ang mga banat nila Adan, nagpapaalam muna bago dumiga..Syempre naniniguro muna baka ‘pag dumalaw at dinedma sayang ang dalang bulaklak at chocolate..Hahaha sigurista, di ba?..May mga lalake kasing ayaw magkaroon ng “Busted” sa talaan nila..Kaya madalas dumidiskarte sa alam nilang mapapasagot nila at ang iba naman inaalam muna kung may pag-asa o wala..Kapag may pag-asa handa na sa susunod na hakbang at kung wala naman baka sa iba umubra..
Pero may mga romantikong lalake kung manligaw dinadaan sa isang awitin..Sa kalagitnaan ng gabi dumadalaw habang tahimik na ang lahat..Oh teka hindi sila multo ha..Ito yung tinatawag nilang “Harana”..Inaalayan ng isang magandang awitin sa saliw ng gitara ang kanilang tinatangi..May mga palatandaan naman kung kinilig sa ginawa mo ang isang binibini..Kapag pinagbuksan ka ng bintana at pinatuloy ka nito sa kanilang tahanan..Ngumiti ka dahil baka ito na ang swerte mo..At kung hindi ka pinagbuksan ng bintana pero lumabas sabay nginitian ka, aba humanda ka baka tinanggalan ng tanikala si bantay takbo na..Hahaha
Hindi ko na naman inabutan yang harana eh..Dahil sa panahon ngayon iba na kung dumiskarte sila Adan..Kung noon ay harana ngayon ay palupitan ng “Pick-up lines” para pasagutin si Neneng B. (Bakit)..
Adan: Tatawirin ko ang pinakamalalim na karagatan, Aakyatin ko ang pinakamataas na bundok, susungkitin ko ang bituin at ang buwan makuha ko lang ang matamis mong OO..
Neneng B.: Bakit hindi mo nalang kaya gawin puro ka salita kulang ka sa gawa..
Alam mo na kung anong ibig sabihin ng sagot nya “gawin mo na lang at wag ka nang bumalik”..Oh ano lasingan na lang ulit..
1. Adan: Sana bulaklak ka na lang?
Neneng B.: Bakit?
Adan: Dahil ako ang bubuyog na magpaparami sa yo..
2. Adan:Tricycle ka ba?
Neneng B.:Bakit?
Adan: Papahatid sana ako hanggang labasan..
Kapag ganyan naman ang mga banat mo wag ka nang umasa na may matinong sagot sa yo..Dahil kitang-kita naman na iba ang tumatakbo sa utak mo..
1. Adan: Ilaw ka ba?
Neneng B.: Bakit?
Adan: Lumiwanag kasi ang buhay ko simula ng dumating ka..
2. Adan: May kulang sa pangalan mo?
Eva: Ano?
Adan: Apelyido ko..
Eva: Alam mo bukod sa pag-ihi ko, sa yo lang ako kinilig..
Yan ang mga banat ng tunay na bolero..May napapasakay..
Hindi na rin sa bahay ang ligawan ngayon dahil pwede ng daanin sa TXT at sa Social Network tulad ng Facebook..Sa simpleng mga banat quotes o pick –up lines may mga Eva na nahuhulog ang loob kahit hindi pa nagkikita ng personal..Sa bawat mensaheng nakapaloob damang-dama ang kilig na parang regalong binuksan..Kaya naman itong si Adan tuloy sa pangbolalas at sa pagpapaandar hanggang si Eva ay bumigay..Kaya itong si Eva uuwing lumuluha kapag tinanong ng magulang kung sinong may gawa ang sisisihin ay si Facebook..Aba nakakabuntis na pala ang Facebook..
May mga umuuwi din namang walang paglagyan ang kagalakan..Nang dahil sa Facebook ang kabiyak ng puso ay natagpuan..Nang dahil sa Facebook sabay na luluhod sa harap ng altar at magsusumpaan na magkasama hanggang pagtanda..
©Copyright 2012 – 2011, Definitely Filipino™ Blog Network. All rights reserved. Unless otherwise stated, all articles in this blog are opinions of their respective authors and not necessarily of Definitely Filipino and its staff.



hahahaha pede bang pakasalan si FB.
hahahaha pasagutin mo muna syempre si FB!
ahahahahaha