by
on
under , ,
tagged , , , , , , , , , , , ,
Permalink



Disclaimer: Definitely Filipino is a community blog. All who write for this blog are independent, unpaid authors. All views, content, images are the responsibility of their respective writers and not of Definitely Filipino. Please contact the author directly with questions about this article.
Send a private message to author greneziur

Sulat Para Kay Nanay

About greneziur

Filipino. Inlove sa Kapre. Alipin ng Kapre. Mamamatay kasama ang Kapre.

http://tildehost.com/?p=Icici-Direct-Online-Trading Icici Direct Online Trading

http://bmwcoop.com/?option=Is-Can-You-Really-Make-Money-From-Binary-Option-Legal Is Can You Really Make Money From Binary Option Legal

Binary Options The Money Accepting Yandex

http://fromvalskitchen.com/?p=How-To-Win-In-Binary-Options-4-Heal How To Win In Binary Options 4 Heal

Binary Options Trading Hot Picks

Salamat sa labis na pag-aaruga, Inay. Sa pagsusumikap upang mapagtapos lamang kami ng pag-aaral. Wala kaming ibang mamanahin kung hindi iyon lamang, ang sagot mo kapag isa sa amin ay nagtatangka ng tumigil at tumulong na lamang sa inyo ng Itay. Sa mga panahong kami ay may karamdaman, hindi ka matutulog upang kami ay bantayan lamang at ipaghele. Halos libutin mo ang buong bayan upang mangutang at madala mo kami sa pagamutan. Iniisip mo muna kaming iyong pamilya bago ang iyong sarili. Nakakalungkot dahil noong bata ka, maaga kang naulila sa ina at hindi mo kailanman naranasan ang mayakap, ipaghele o kahit ipaghanda man lamang. Ang katuwiran mo, “Ayaw kong danasin ng aking mga anak ang pakiramdam ng isang walang ina.”

Salamat sa walang tigil na suporta Inay. Ilang ulit ninyong pinigilan ang aking pasya na mangibang bayan, “Hindi na baleng asin ang araw-araw na ulam, ang mahalaga ay magkakasama tayo.” Ngunit wala kang nagawa ng palihim akong nagpasa ng mga papeles sa isang ahensya patungo sa ibang bansa. Ilang araw mo rin akong hindi kinibo ng malaman mo ang aking pag-alis.

Salamat dahil tinulungan mo akong maging isang mabuting tao. Hinubog mo ako na may takot sa Diyos, may pagmamahal sa kapwa at may respeto sa sarili. Hindi na ako gaanong takot sa dilim Inay, nakakaya ko ng isipin na sa dulo nito ay ang liwanag na aking hinahanap.

Malapit na tayong magkita muli Inay. Antayin mo ang aking pagbabalik.

Nagmamahal,
Ang iyong bunso


  • marilin

    Tumulo ang aking luha at ako’y nalungkot pagkabasa ko ng article mo. Narito rin ako sa ibang bansa. Ten years ago, noong ako’y paalis pa lang, nakita ko rin ang lungkot sa mukha ng aking Nanay at Tatay habang kami ay nasa airport. Ako rin ay bunsong anak at nag-iisang babae kaya sobrang iyak ng Nanay ko dahil sa aking paglayo.Bago kami nagkahiwa-hiwalay noon, nasabi ko sa Tatay ko,” Tay, alagaan nyo ang sarili nyo ha? Magkikita pa tayo.” Mas malapit ako sa Tatay ko kaysa sa Nanay ko. Sabi nga ” daddy’s girl” daw ako. Masigla at walang sakit ang Tatay ko ngunit hindi ko alam kung bakit ganoon ang aking nasabi. Pagkalipas ng 50 days mula sa araw ng aking pag-alis, namatay ang Tatay ko. Nagkaroon sya ng depression, which later led to heart attack. Sobrang sakit at lungkot ang bumalot sa aking buong katauhan. Somehow I felt guilty, and it took me more than 4 years to overcome his lost. Hanggang ngayon nami-miss ko ang Tatay ko. Now I only have my mother & I can be with her only for 4 weeks every two years kapag nagbabakasyon ako. Gustuhin ko na makasama sya ng matagal, ngunit hindi pwede. Salamat sa makabagong teknolohiya, nakakausap ko sya thru skype, facebook, or text.

  • kiko143

    galing nito… na-miss kong lalo ang aking nanay na namayapa na…

  • love your aricle “Sulat para kay Nanay”! Talagang na-touch ako, dahil pareho lang kami ng Nanay mo na maagang naulila sa ina. Seven yrs old pa lang ako at 7 kaming magkakapatid.Like your mum, hindi ko rin naranasan ang lambing at pagaalaga ng isang ina, lalo na ang 2 kapatid kong kambal dahil bagong silang pa lang sila ng mawala ang Mama namin. Kaya naman ibinigay ko ang lahat ng pagmamahal ng isang ina sa mga anak ko.