by
on
under , , , , , , , , , , , ,
tagged , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , ,
Permalink



Disclaimer: Definitely Filipino is a community blog. All who write for this blog are independent, unpaid authors. All views, content, images are the responsibility of their respective writers and not of Definitely Filipino. Please contact the author directly with questions about this article.
Send a private message to author Christine Emerald

PRIDE O TRABAHO?

About Christine Emerald

Isang taong madalas madapa subalit gaano man kadalas ng pagkadapa ay ganun din kadalas ng kanyang pagbangon.

Binary Options From The Broker At Par Marami sa ating mga kababayan ang nakapagtapos ng apat o limang taong kurso sa paaralan maging sa pribado man o public na paaralan,subalit bihira sa mga ito ang nagkakaroon ng magandang trabaho na base sa kanilang kursong natapos. Merong doctor,nurse, accountant, IT, Engineer, Guro at kung anu-ano pa na nauuwi lamang sa pagiging OFW.
Hindi ko ikinahihiya ang aking trabaho bilang isang OFW. Ako ay nagpapakahirap sa ibang bansa para lamang mabigyan ng magandang kinabukasan ang aking pamilyang naiwan sa Pilipinas at upang  ang magkaroon ng magandang kinabukasan pagdating ng takdang panahon na ako’y magaasawa at magkakaroon na ng mga anak.
Isa ako sa ating mga kababayan na nakapagtapos ng apat na taong kurso sa isang pribadong paaralan sa Pilipinas subalit nauwi ako sa pagiging OFW o yung tinatawag na Au pair dito sa kontinyenteng Europa. Vacuum cleaner, Pamunas at mop… yan ang aking hawak dito sa ibang bansa imbis sana na ballpen at papel. Linis at sundo ng bata, yan ang aking trabaho imbis  na sa malalaking gusali at sa opisina nagtratrabaho at gumagawa ng office work.

Binary Options Trading Secrets Account Bago ako nakarating dito sa ibang bansa, naranasan kong mahusgahan ng aking mga kamag-anak sa Pilipinas. Kesyo daw bakit pa kami nag-aral na magkakapatid e babae naman daw kami so useless lang daw ang aming napag-aralan at ang sagot naman ng aming mga magulang, hangga’t gusto nila mag-aral ay papa-aralin namin sila dahil wala kaming ibang maipapamana sa kanila kundi ang karunungan na kahit kailan o kahit saan mapadpad hindi makukuha at mananakaw ng iba. Tama nga naman kasi ‘pag may pinag-aralan ka kahit saan ka mapadpad, hinding hindi ka matatakot makipagsabayan sa iba. Naalala ko rin nung sinabi ng aking tiyahin sa akin at sa aking mga kapatid na sayang lang daw ang aking napag-aralan dahil isa lang naman daw akong alila sa ibang bansa kaya hindi ko daw nagamit ang aking pinag-aralan at nagaya lang din daw ako sa iba. Lahat ng salitang yun, baon ko sa aking pag-alis patungong ibang bansa, lahat ng sakit at talas ng kanilang dila ay hindi ko makakalimutan. Ito ang nagsilbing hamon sa aking buhay, kaya naman pinilit kong magsumikap para maipakita ko sa kanilang lahat na kahit isa akong alila sa ibang bansa natutustusan ko o nabibili ang lahat ng aking mga kagustuhan at dahil sa pagiging alila, dito din umangat ang aking pamilya sa Pilipinas at unting-unting natutupad ang aking pangarap sa buhay.
Alam ko na katulad din ako ng ating mga ibang kababayan ngayon na lulunukin ang pride at mas pipiliin ang pagiging alila sa ibang bansa mabigyan lamang ng magandang kinabukasan ang pamilya at makamit ang mga mithiin sa buhay. At alam ko na sa bawat panlalait sa amin o pagmamaliit sa amin ay kapalit ng isang maganda at matagumpay na pagbabalik sa lupang sinilangan pagdating ng tamang araw.


  • charing
  • Juan dela Ali
  • Juan dela Ali
  • melanie

    Di nil a naiisip yung sinasabi nil a..ako nga after colleg I’m planning to go abroad kaht di base sa field ko kase for me practicality first aanuhin ko ang pride kung gutom k nam an..yung kapatid m n ngsabe sayo nun pasasaan BA at hihingi din sayo yun ng tulong financial at kakainin nya lahat ng sinabi nya..

  • lahat ng klasing pride na naluluto, masarap! bastat may trabaho ka at pera, pero kung paiiralin ang pride ngunit ala kang trabaho,ala ka din pera, sorry ka nalang!

  • jake

    I agree with you AKIHIRO. OFW lang? hindi lahat ng OFW ehh katulad nyo? Graduate pa nman ng college. huh…..
    Wag nyong nilalang ang OFW!!!!
    Magsikap ka na lng sabi nga ni akihiro at maaabot mo rin ang pangarap mo.
    Good Luck sa paglilinis dyan. Sosyal ka nman ehh kasi sa Europe ka naglilinis. 😉

  • pepper

    aupair din ako tulad mo..but i take this as a big opportunity in life kasi hindi naman lahat nabibigyan ng ganitong oportunidad diba?be positive.. nkatapos din ako ng college pero thanks God suportado yung family ko sa akin..kasi gusto nila ma explore yung life ko which is mabuti just think all the positive side..Being an Au pair is really great..enjoy exploring your life 🙂

  • akihiro

    alam mo ok na sana yung sentimyento mo sa nagyari sa iyo sa abroad..kaya lang na insulto ako sa sinulat mo na nauwi lang sa pagiging “OFW”…HELLO..anong kala mo sa mga ofw..cheap na trabaho at nilalang mo lang..i’m an ofw..working here in singapore as an engineer in a electronics company…earning much money than in our country.Bakit tinanggap moyang trabaho sa abroad kung iinsultuhin mo lang..despite marangal na trabaho parin yan.Hindi lahat ng ofw ,naging ganyan ang trabaho..may mga naging succesful parin.I start working abroad in malaysia as technichian and I work hard until igot good job here in singapore now as an engineer,which nagamit ko naman ang pinag-aralan ko.Kabayan nasa pagsisikap lang yan,determinasyon at patient,positive outlook at makakamtan morin yong career na gusto mo and pray hard also.Good Luck!

  • galo

    Self-esteem (kailangan ng salamin ni ate)

  • galo

    so what? basta marangal ! na trabaho iyan, salaudo ako sa iyo, nene, isa ka sa mga dakilang pinoy at saka stepping stone lang yan. iba talaga ang may tinapos ng pag-aaral, your self esttem is high and you have a Goal in life. Keep going! and enjoy the fruits of your labor. Well done.

  • friedchicken gusto ko… hehehe kc ang pride d mo makain,,,