by
on
under , , ,
tagged , , , , , , , , , , , , , , , , , , ,
Permalink



Disclaimer: Definitely Filipino is a community blog. All who write for this blog are independent, unpaid authors. All views, content, images are the responsibility of their respective writers and not of Definitely Filipino. Please contact the author directly with questions about this article.
Send a private message to author akoposijayson

POST NG INANG PAG-IBIG YAN!!! (Death By Torpedo)

About akoposijayson

Kamote. Writer. Kamote. Natuwa ka? Ito ang page na para sa iyo. www.facebook.com/Akoposijayson

Retest In Forex That It

http://fromvalskitchen.com/?p=Grant-Money-For-Real-Estate-Investing Grant Money For Real Estate Investing

http://blogs.cooperhealth.org/?option=Luxembourg-Stock-Exchange-Calendar Luxembourg Stock Exchange Calendar

http://adelaidedivewreck.com/?option=Best-Indicator-For-Forex-Binary-Option-Channel Best Indicator For Forex Binary Option Channel

check Striker9 Pro Binary Options Trading Coach System

At ang latest weapon? Social networking sites.

Heto ang ilang obvious sign na dinadaan sa Facebook ng isang lalake ang pagpapakita ng interest niya sa isang babae.

1. Ikaw ang pinaka-unang nagla-like ng mga status niya, kahit napaka walang kwenta ng mga ito. Tipong ultimo “ZZZZzzzzz” lang ang kanyang isinulat sa shout out e nagkukumahog kang i-click ang like button. Tinalikuran mo na rin ang mga naituro sayo ng teacher mo sa English at nagbulag-bulagan sa mga maling spelling at grammar niya. Basta ang sabi ng puso mo, “shit, ila-like ko to”.

2. Ikaw ang laging una sa thread ng mga comments tuwing naga-upload siya ng picture. Tipong “a few seconds ago” palang yung tinagal ng litrato sa wall niya, nakabuntot na agad ang pangalan mo sa ilalim kung saan wala ka naman talagang isinulat maliban sa isang smiley face.

3. Ikaw ang unang nagko-comment ng “LOL” at “Hehehe” sa mga joke niya. Kahit pa ito ay “Anong isda ang hindi nababasa.. E di tuyo!!!”. Di lang yan, ire-repost mo pa ito sa sarili mong wall nang naka-tag ang pangalan niya. Naks. Di mo na alintana na maaaring may makabasa nito sa page mo at sabihan ka na, tumalon na lang sa bangin dahil sa kakornihan.

4. Ini-interpret mo ang mga music videos na isine-share niya sa kanyang wall. At dito mo rin ibabase ang iyong comment. Halimbawa, kapag ipinost nya ang mtv ng kantang “Ulan” by Aegis, magkokomento ka ng “ok ka lang? are you sad?”. Kapag video naman ng awiting “If you’re happy and you know it, clap your hands” ang kanyang pinaskil, ang comment mo naman ay “nice”. Syempre, di mawawala ang imortal na pag – LIKE.

5. Ikaw ang unang nakakapansin at magpo-post sa wall niya tungkol sa kanyang bagong profile picture. “Naks, photogenic, ganda ng background view, sa Baguio ba yan? Astig din yung lay-out. Anong camera ginamit mo? Bagay sayo ang ganyang kulay ng damit”. Kahit na, ang gusto mo talagang sabihin sa kanya ay “Halos tumulo na ang laway ko ng makita ang larawan na to, pinigilan ko lang ang sarili kong i-print at dalhin sa isang marunong mang-gayuma, mahal kita, pakasal na tayo, ikaw ang magiging ina ng aking mga anak”.

6. Ikaw ang unang tagapagbigay ng medical tips kapag nagpahiwatig na may sakit siya. “Not feeling well, runny nose and headache, pls go away”. Comment ka naman agad ng “Are you okay? (malamang hindi, may sakit nga eh), drink lots of fluid like juices and tubig kanal. Kumain ka din ng dinikdik na apdo ng pawikan at pinatuyong hasang ng isang sirena. Get well soon 🙂 (dapat laging nagtatapos sa isang smiley face)”.

7. Nagmimistulang  si Kuya Kim ka tuwing may post siyang patanong. Tipong ikaw ang unang sumasagot sa mga inquiry nya tulad ng “Ano ba yung kanta ni Justine Bieber na may paulit ulit na *Baby* sa lyrics?”. Kahit pa alam mong pwede niyang i-search ito sa google. Na isang indikasyon ng pagiging sabaw ng kanyang common sense.

8. Nila-like mo ang mga FB page na ni-like niya. Wala ka nang pakialam kung anong product o organization yun. Basta nakita mo sa newsfeed mo ang pangalan niya, na sinusundan ng mga katagang “likes Blah-blah-blah”. Click agad sa page na yun sabay like. Para nga naman magmukhang compatible kayo. Mag-ingat lang, baka naman page yun ng isang brand ng sanitary napkin o ladies underwear.

9. Napilitan kang maglaro ng mga online games sa FB, dahil nag send siya sa’yo ng mga game requests. Kahit pa noon e, mas nanaisin mong kumain ng bulok na bayabas, kaysa sa maglaro ng farmville. Sa bagay, at least pag sabay kayong online sa larong ito, pwede mo siyang tanungin ng, “Pwede ko bang araruhin ang bukid mo?“, kasabay ng ubod tamis na smiley face.

10. Lahat ng kagaguhang ito ay itinigil mo bigla ng makita siyang nagpalit ng relationship status from “Single” to “In a relationship”. Pero hindi mo pangalan ang nakadugtong sa “with”.

Kaya, sa mga babae, kung may napansin kayong ganitong “friend” sa FB eh malamang, more than friends ang kanilang pakay. Di lang nila masabi. Idinadaan na lang sa pesteng “virtual thumb” ng Facebook. Kung gusto mo din naman siya, e tumulong ka na din sa proseso. Mag bigay motibo para magka-lakas loob na umamin. Oo, tama, landiin mo din siya. Wag nga lang full-force. Sakto lang. Tandaan, ang mga torpedo boys ay wagas at dalisay kung magmahal. Di gaya ng mga “smooth talker”, handa nilang ialay ang kanilang puso at kaluluwa para sa’yo. Isama mo na din ang mga comics at action figure collection.

Enhanced by Zemanta

  • Dota player

    ,wahahaha

  • beersiculo

    hahahaha me tao tlagang ganyan ?

  • kath

    astig.. now i know haha

  • dusk

    astig k talaga pre….

  • jayr

    panalo talga mga blogs mo! 🙂

  • ayumi hamasaki

    Pak!Ayos.,swabe ng pagkakapaliwanag..may ganyan akong sitwasyon eh.,dedma lng may mga jowa na rin kc kami…pero,inperness…tumutugma tlga..bwahahaha!

  • sethmefree

    cool!…more!more!more!

  • Gumer

    Bwahahaha, natuwa ako, good writing!

  • Kakatuwa! May naalala lang. Hindi nangyari sa akin pero sa kaibigan, OO! Kaya ganun din ang bagsak… Sa WALA din… 😀

  • richard

    hahahahah!!! you made my day! write more articles please

  • AbbYtot

    heheh magpakatotoo lang kasi..ganun lang un

  • poshang ina nman talga! naiyak ako ng konti sa kakatawa, pinagtitinginan na nga ako ngayon ng mga kawork ko ang ingay ko daw sa desk ko hahaha!

  • timbuktu

    kakatuwa. haha. nag enjoy ako sa post mo. ikaw na.

  • para exciting.. hehe

  • ardyey

    bagsak sa no. 10!pak!

  • anu b yan kakabtin nmn!!!!!!!!!!