by
on
under , , ,
tagged , , , , , , , , , , , , , , , , ,
Permalink



Disclaimer: Definitely Filipino is a community blog. All who write for this blog are independent, unpaid authors. All views, content, images are the responsibility of their respective writers and not of Definitely Filipino. Please contact the author directly with questions about this article.
Send a private message to author changge

“Porke ba naka-Starbucks ka, mayaman ka na?”

Sabi ng iba, “If you can’t pronounce it, you can’t afford it.” Lahat ba ng mayaman, magaling mag-english? Eh bakit si Manny Pacquiao, si Mommy Dionisia, nabibigkas ba nila lahat ng pangalan ng restaurant na kinakainan nila? Lahat ba ng brands na ginagamit nila nabibigkas nila ng maayos? Isa pa, lahat tayo guilty dito. Hindi naman lahat ng bagong restaurant at brands alam natin ang tamang pronounciation the first time na nabasa natin ito. Sige nga, bigkasin mo nga ang “pronunciation”? Tapos i-google mo, check mo kung tama ang pagkaka-bigkas mo. 😛
Classic examples: Louis Vuitton, Chanel, Dolce and Gabbana at madami pang iba.
So alam niyo na, null and void ang phrase na ito. Dahil hindi lahat ng mayaman, magaling mag-English.
“Porke ba naka-Starbucks ka, mayaman ka na?” Fan page to sa Facebook na isa sa mga kinaiinisan ko. Sino ba nagsabi na lahat ng umiinom ng 100 plus na kape sa Starbucks eh mayaman na?

Issue din sa nakararami ang photo ng iba na may hawak ng baso ng Starbucks coffee. Minsan pati yung picture ng cup of coffee na may nakasulat na pangalan. So? Masama? Nakakainis? Nakakatawa? Ano bang pake niyo? Pera niyo ba yung pinang-bili nila?

Lahat ng tao mayaman o mahirap may karapatang nasain o gustuhin lahat ng nakikita niya sa mundo. Lahat ng tao may karapatang mangarap at abutin ang mga ito.

Kung lahat ng gusto mo ay nakukuha mo, pinagpala ka. Dahil maraming tao sa mundo na dugo at pawis ang iniaalay makamit lang ang mga bagay na para sa’yo ay simple lang.

Bago tayo manghusga, alamin muna natin ang kwento. Yan ang hirap sa ating mga tao, wala naman tayong alam, mahilig tayong mangialam. Alam mo ba, na yung tinatawanan mo sa kabilang mesa sa Starbucks, Intramuros tatlong buwan nagtipid ng pagkain para lang makatikim ng kape na araw-araw mong iniinom? Alam mo ba na yung tatay ng isang pamilya sa kabilang mesa ng Aristocrat, walang binili para sa sarili niya sa sampung buwan niya sa Saudi makaipon lang ng pera para mapakain niya sa magandang restaurant ang mga anak niya?

Hindi mo alam yon! Ang alam mo lang, manlait at manghusga. Pagtawanan ang iba at ipagyabang ang meron ka.

Kailan kaya tayo mabubuhay sa mundo na hahayaan tayong mamuhay ng walang nangdadaot ng pagkatao at nagdudusta sa kalagayan natin sa mundo?

Gumising tayo. Ang buhay ay parang gulong. Umiikot. Ngayon nakakapag-Starbucks ka, baka bukas naka ordinaryong kape ka na lang. Swerte na lang kung may creamer pa.

Hindi lahat ng tumitikim ng sosyal na pagkain at inumin, Social Climber na. Kaya mas mabuting tumahimik ka na lang at i-respeto sila.

Mag-Kape ka kaibigan. Tamaan ka ng nerbiyosin sa sobra mong kayabangan.

Enhanced by Zemanta

You may also like these articles:

  • My
    programmer is trying to persuade me to move to .net from PHP.
    I
    have always disliked the idea because of the expenses. But he’s tryiong none
    the less. I’ve been using Movable-type on a number of websites for about a year and am nervous about switching
    to another platform. I have heard
    excellent things about blogengine.net. Is there a way I can transfer
    all my wordpress content into it? Any kind of help would be really
    appreciated!

  • mitchy

    may mga tao kasi kapag nagpunta sa isang lugar na mejo class kahit hindi ka mayaman, magpipicture at ipopost.. ung iba nayayabangan, naiinggit or naiinis. Parang gnoon ang intindi ko about starbucks, kasi diba nga mostly may pera ang madalas magpunta ng starbucks, tpos ung mga ordinaryong tao ng minsan mapunta dun talagang mgyayabang.. Para sa akin, wag n lang tayo makialam kung iyon ang kaligayahan ng tao.. ahaha It’s none of your business eka nga…^^

    • kerlyn

      sorry, but you’ve taken this blog far too shallow. I am just voicing out my opinion and it’s none of your business also. 🙂

  • diana

    Attention to all Filipino readers; TRY To understand well the article before u react….. It doesn’t mean about the big brand but the button line is US:-) read carefully………….

  • emlaureta

    Di ko gets ang blog, parang contradicting ang Title tsaka ang mensaheng pinapaabot ng author. O di kaya slow lang ako? =p

    Kaya ko bumili Starbucks na kape.. kahi araw-araw. Pero sa tanang buhay ko twice pa lng ako nag Starbucks.. isa libre yung isa no choice ako kung hinde sumama sa friend ko. Parang nanghihinayang ako magbayad ng 125 para sa kape lng.. pwedeng pwede na sken 3 in 1.

    Para sa mga nagkakape sa Starbucks na “rich” naman talaga e no comment ako, “can-afford” e. Pero di ko gets yung ibang di naman “rich” e araw araw nandun. Siguro pag kinuwenta nya at tinipid yung perang ginagastos dun e baka makakabili sya ng mas makabuluhang gamit. Pero desisyon nya na yun.. kaya masasabi ko na lng.. enjoy mo bawat higop, hamakin mo 5 pesos per higop. Tas after ilang minutes ubos na ang kape mo katumbas sa maghapong pinaghihirapan ng iba. =p

    • ghing

      ang pagkakaintindi q medyo irritated ung author sa fanpage ng ‘starbucks’ sa fb personally never been seen the page qng cnicraan ung fave hangout nya but anyway point is minsan kailangan natin i-treat ang sarili natin ng mga bagay na hindi natin regular na pinag-kakagastusan qng baga out of budget or buying something we don’t need basta gusto mo lang. Wala nmn masama basta hindi ka maging ‘coffeeholics’… I wander may kapeng barako flavor ba sa starbucks pinas…

    • changge

      hi em! hindi ka slow, the title is not contradicting also. The blog is not abput starbucks actually. The blog is all about materials things na ginagawang “Social Status” ng mga tao.

      Ginamit ko lang yung “Starbucks” since naayon siya sa tema ng blog. :)tsaka patok kasi sa masa, you know, strategies in writing. Write something about people are interested of. 🙂

  • ang daming nagreact dito, dati lagi rin ako sa Starbucks pero di ako mayaman. masarap and convenient bumili.

  • sandra

    Sarap naman kasi talaga ng nga frappe nila…minsan pag sahod ko bbili ako.hnd ko sya pinag iipunan,bsta bble ako pag gusto ko haha

  • Vic

    Well, what can we do? Maraming manlalait na pinoy, that’s “Definitely Filipino”.

  • Miss Economist

    Drinking starbucks coffee does not equate to being rich per se. It is, however, an indicator because it is relatively expensive for an average Filipino earner. The question is this: if you are indeed poor, why spend your hard-earned money in starbucks?

    • changge

      hindi ba pwede i-treat ang sarili once in a while? 🙂

  • @author May tanong din ako sayo, ung po bang page na “kinaiinisan” mo may ginawa bang masama sayo? Ano rin po ba ang pake nyo doon sa gumawa ng page na iyon? Sayo rin ba nanghinge ng pera pang bayad ng bill sa kuryente at internet ung tao na un para lang magawa yung page nya? o nanghinge ba sayo ng bente pesos para pang renta?

    bago ka mainis dun sa page, alamin mo rin yung kwento nila 🙂 baka naman sawang-sawa na sya kakainom ng starbucks o baka naman gusto nyang uminom sa starbucks pero allergic sya sa kape. 🙂

    Hindi ba tayo kailangan makuntento kung anong kaya lang nating bilin o inumin? bakit kailangan mong mag tipid para lang makainom ng punyetang starbucks na yan? hindi pba “SOCIAL CLIMBER” ang tawag mo dun?

    Hindi bumili ng gamit para sa sarili nya upang mapakain sa mamahaling restaurant? KALOKOHAN! para saan? pare-pareho lang naman kakain ng kanin yan, magkakaiba lang sa ulam.

    Kung hindi kaya wag pilitin 🙂

  • @author May tanong din ako sayo, ung po bang page na “kinaiinisan” mo may ginawa bang masama sayo? Ano rin po ba ang pake nyo doon sa gumawa ng page na iyon? Sayo rin ba nanghinge ng pera pang bayad ng bill sa kuryente at internet ung tao na un para lang magawa yung page nya? o nanghinge ba sayo ng bente pesos para pang renta?

    bago ka mainis dun sa page, alamin mo rin yung kwento nila 🙂 baka naman sawang-sawa na sya kakainom ng starbucks o baka naman gusto nyang uminom sa starbucks pero allergic sya sa kape. 🙂

    Hindi ba tayo kailangan makuntento kung anong kaya lang nating bilin o inumin? bakit kailangan mong mag tipid para lang makainom ng punyetang starbucks na yan? hindi pba “SOCIAL CLIMBER” ang tawag mo dun?

    Hindi bumili ng gamit para sa sarili nya upang mapakain sa mamahaling restaurant? KALOKOHAN! para saan? pare-pareho lang naman kakain ng kanin yan, magkakaiba lang sa ulam.

    Kung hindi kaya wag pilitin 🙂

    • changge

      hello! you are losing the point of the article. I can’t force you to understand what my point is. I am just sharing what’s on my mind, just like posting a facebook status.

      if you don’t like it, live with it. 🙂

      Read between the lines, know the context of the article. we have different interpretations anyway. 🙂

      BTW, thank you for spending your time reading my blog. it means a lot to me. LOL

      *PS: just to make things clear, I hate the sin not the sinner. In this case, like the facebook page, I hate the thought of the page not the creator. 🙂

      • Siguro nga iba ang punto ng artikulo mo sa pagkakabasa ko 🙂
        Kasi sa pagkakabasa ko sa titulo palang tungkol na agad sa “starbucks” ang isa sa kinahuhumalingang kape sa buong mundo ng iba’t ibang uri ng tao 🙂

        Baka patungkol ang artikulo mo sa talambuhay ng pamilya Pacquiao. 🙂

        patawad 🙂

        • changge

          hahaha.. “Starbucks” is just a brand of coffee, and the real point of the article is not about Starbucks per se, dig deeper down your thoughts. If you can not get my point, not my bad. 🙂

        • changge

          hahaha.. “Starbucks” is just a brand of coffee, and the real point of the article is not about Starbucks per se, dig deeper down your thoughts. If you can not get my point, not my bad. 🙂

  • changge

    sorry for the mispelled word! hahaha.. my bad! 🙂

  • belle gonzales

    naranasan ko rin yan sa kapitbahay namin porke mayaman nilalait lang ang kagaya ko, dead ma d naman ako nanghihngi sa kanya ng kinakain ko sa araw-araw at sa mga bagay na binibili ko.

  • Samantha Lim

    maybe the creator of the page have something to say … http://www.facebook.com/jennpinon

    she may had experienced something like being looked down while having her coffee or doughnut or something else … or maybe while studying her lessons in school while burning a hole in one of the corner chairs or comfy lounge chaise or maybe just wanna hang out and read the papers and someone said something to her that made her created the page 🙂

  • hahaha…. ang daming tinamaan s artikulong ito, kung saan k masaya doon ka, basta hindi ka nakakasakit at nakakaperwisyo s kapwa mo.