by
on
under
tagged , , ,
Permalink



Disclaimer: Definitely Filipino is a community blog. All who write for this blog are independent, unpaid authors. All views, content, images are the responsibility of their respective writers and not of Definitely Filipino. Please contact the author directly with questions about this article.
Send a private message to author bebekoh

OFW daw, mayabang!

About bebekoh

A typical day would compose of a never-ending internet surfing. I am still trying my best to be creative, so I write. And pray that someday... it will be appreciated. http://panobamagblog.wordpress.com

Binary Options Trading Blog 60

http://tildehost.com/?p=Binary-Options-Introducing-Broker-Residents Binary Options Introducing Broker Residents

http://bmwcoop.com/?option=Binary-Options-Stock-Signal-Regulations Binary Options Stock Signal Regulations

http://tapahont.info/?p=How-To-Earn-On-The-Machine-Gun-Of-Binary-Options How To Earn On The Machine Gun Of Binary Options

http://minuevohogar.cl/?p=Binary-Options-Brokers-That-Accept-Santander Binary Options Brokers That Accept Santander

Pagdating sa airport, pusturang pustura na.  Me hepatitis na sa lapad ng gintong kwintas na nakasabit sa leeg nila.  Sa gate, isa isa ng nilalabas ang mga gadgets na dala – digicam (picture-aking muna syempre), laptop (macbook actually) kasi merong free wifi sa airport.  Pero masyadong mabigat ang laptop, blackberry na lang o kaya iphone (or ipod touch) na lang para di bulky.  Nagtatawagan na para ikumpirma na susunduin sila sa airport ng mga mahal nila sa buhay. Then, off to the plane.

 Paglapag ng eroplano, malayo pa lang, di pa man nakakarating sa immigration, alam mo na ang mga OFW. Kasi, bago dumating sa immigration, daan muna ng duty free para bumili ng imported chocolates (each bag is worth US$33) at alak na worth US$100 (3 bottles lang ha) na talaga namang binili dahil me kasama itong trolley bag. Samahan mo pa ng sigarilyo. Di lang yun, ang pambayad syempre dollars din.  No wonder madalas target ng mga airport employees.

 Sa customs, kelangan i-declare mo lahat ng dala mo. Okay lang naman. Pero kung bago ang gamit na dala mo, kelangan me receipt at magbayad ng tax (custom tax).  Kadalasan, ang mga inuuwing gamit or appliances puro gamit na. Syempre, kelangan i-check kung gumagana sabay gamit na rin di ba? heheheh!

 Pagdating sa labas, nandyan yung mga di magkanda-hulog at nagkukumahog na magtutulak ng trolley para pagdating sa baba (waiting area), baka sakaling maambunan naman daw ng biyaya (pangkape man lang). Di kaya pinupulot ang pera sa ibang bansa?

 Sabi nga ng nanay ko, “mahirap kayang mag-is-is ng kubeta ng bahay ng ibang tao.” Pero ginagawa yun ng isang OFW.  Kelangan kumita ng pera eh.

Scenario sa baryo:

Eto na, nakarating din sa wakas sa bahay.  Alam na ng buong baryo na dumating ka na. Araw-araw me bisita, nagpaparamdam kahit yung mga hindi mo naman masyadong ka-close para makahirit daw ng utang. Kesyo dumayo pa sila mula sa probinsya, nanghihingi ng pamasahe. Minsan pa nga, me nakapagsabi sa kaibigan naming “Ineng, baka meron kang pinaglumaang ginto?” Ano!  Naluluma na pala ang ginto… hahahha!

Ang masama pag tumanggi ka sa mga hirit nila, sabihan ka nila “mayabang”… “akala mo kung sino.  Nakarating lang ng ibang bansa…etc.”

Syempre di maiwasan ang family time – in the mall. Nandyan din yung halos araw-araw nasa mall, bili ng kung ano-ano. Hayyy! Nakakapagod kaya yun.

 

Bilang isang OFW, aminado ako, ngayon ko naranasan na makamit lahat ng materyal na bagay na dati hiling ko lang. Ngayon ako nakakabili ng sarili kong mga gadgets na kahit paiyak kong hinihingi sa mga magulang ko, eh di nila maibigay. Sabihin na nating ngayon ako bumabawi.

Pero lahat yun, pinagsikapan kong makamit. Nagtrabaho ako para mabigyan ang sarili kong kapritso. Di ako umasa sa iba na ibigay ito sa akin, dahil wala namang gagawa nun kundi ako lang.  Di pinapala ang pera sa ibang bansa, pinaghihirapan din ito.

Gayunpaman, sinisikap ko na wag magdamot. Pero nawa maalis na sa mga nasa pinas na ang OFW mayaman.  Mayabang man sila, yun ay dahil ngayon lang din sila nagkaroon. Pinagsikapan din nilang makuha iyon. By gives pa nga yung iba (utang na naman). Alam ko, mayabang pa rin ang dating.

Ganito na lang, isipin natin. “Wala tayong makukuha kung di natin pagsusumikapan”. Di tayo magkakaron kung di tayo magtatabi o maglalaan para sa pangangailangan o sa kapritso.

Ganun din si OFW.  Kahit anong yabang nya pa. Lahat ng meron sya, dugo at pawis ang pinuhunan nya. Ilang puyat at sakripisyo din ang ginawa nya magkaron lang sya nun. I-guide na lang natin si OFW, sa mga tamang paraan ng paglustay nya ng pera.

It still depends on how you spend and what you spend. Do you really need that much gadget? If not, maybe an OFW should spend on something worthwhile. Minsan kasi, kung walang magsasabi ke OFW ng dapat pahalagahan, di nya ito pagtutuuan ng pansin.


  • sonia

    di maiiwasan sa mga pinoy ang di magsalita ng di maganda kay ofw.kaya sa mga makikitid ang utak pls lang po mag isip muna bago biksan ang mga bunganga.magmamayabang si ofw kc alam nyang pera nya ang ginagamit nya at hindi pera ng iba.confedent sya sa sarili nya kc wala syang inagrabyadong tao para lang sa pansariling kapakanan.MABUHAY ANG LAHAT NGGA OFW SA BUONG MUNDO

  • JT Bredett

    Sinasabi lang nilang mayabang ang OFW kapag hindi sila makahuthot.

  • anon

    Hindi masasabi na OFW ako or kami ng ermats ko. Maski ermats ko. Dito na kami nakatira. Nung unang mga taon na andito kami at umuuwi ng Pilipinas laging ganyan mga kakilala namin lalo relatives. Last year, Dec umuwi ako ng Pilipinas magisa. Wala akong masyadong pera, pinagkasya ko nga lang pamasahe ko. At konting allowance dahil gusto ko lang talaga mag bakasyon.

    Eto ang mga kamag anak namin andaming nagdagsaan. Tapos ang sabi pa sakin ng tiyuhin ko pahingi daw ng pamasko dahil madami naman daw akong pera. Nung narinig ko yun naginit talaga ang ulo ko, binara ko siya sa harap ng iba naming kamag anak. Sa totoo lang wala kong pake masabihan man ako ng bastos. Pero ang inaasal nila. Palagi na lang silang hingi dito, hingi doon. Part time lang naman ang trabaho ng nanay ko. Ako din noon ay may part time job at nagaaral pa sa eskwela. Akala nila ganun lang kadali magkapera. Araw araw pagkagaling sa trabaho nagrereklamo ang nanay ko na masakit ang katawan niya dahil sa trabaho niya sa restaurant. Tapos sila kung makahingi akala nila ganun ganun lang. Yung iba pag binigyan mo dahil sinasabi na kailangan bigla na lang mawawala ang pera at hindi naman talaga ginamit dun sa sinabing paggagamitan nila.

    Mula nung inabuso nila ang nanay ko tinatak ko na sa isip ko na wala silang mapapala sa akin. Hindi ako magpapaloko sa kanila. Sarili ko muna ang iisipin ko. Mga luho ko na dati hindi ko makuha. May mga pangarap din naman ako para sa akin, may mga pangangailangan.

    Hindi ko kasalanan kung nagkasakit ang isa sa isang dosenang anak nila at wala silang pambili ng gamot. Hindi ko sagot yun. Hindi ko problema ang pang tuition ng anak nila.

    Kung lahat ng hinaing nila ay pagbibigyan ko baka hanggang sa mamatay ako ay wala akong maipon. Maigi na magpaka selfish kesa naman wala akong mapakinabangan sa kahit na anong pinaghirapan ko, worse naloko pa ng sarili mong kadugo.

    • ganyan ang hinaing ng lahat ng OFW. try mo basahin yung opinio in Suze Ormon (di ko sure yung spelling), regarding OFW families.

      Ang hirap ng kalagayan natin. Pero tiis lang din. Walang masamang tumulong, but we have to give them limitation. Di pwedeng sa atin palaging aasa, kelangan magtulungan din ang family…

  • sparklesoda

    Ako ay anak ng OFW. 20+years ang tatay ko abroad sa tagal nya dun nakapagpundar sya. Kapag nakakabili ng gamit at alahas MAYABANG at MAYAMAN agad? Hindi ba pwedeng inutang ang pambili at hinulog-hulugan muna?
    Bilang anak ng OFW MASAMA bang tumanggap ng mga materyal na bagay galing sa tatay mo na alam mong pinagpaguran nya ng husto? Hindi ba ang dapat na maging attitude ay maging grateful? Yung tatay ko tumanda at nagkaedad na mabigyan lang kami ng magandang buhay. Alam ko tinitipid nya ang sarili may maipadala lang, ang hirap ng pagpasok ng trabaho makikiusap sa mga boss na hindi maintindihan, ang pagasikako sa sarili kahit pagod na sa trabaho at ang pagtitiis sa pagkakasakit at walang asawa/anak na mag-aasikaso. Hindi ba’t sobra-sobra pa nga ang sakripisyo nila? Problema kasi sa mga ibang Pilipino may “CRAB MENTALITY” ayaw nilang nakikitang umaangat ang iba kesa sakanila, gusto nila sila lang ang meron,edi sila na.. sila na mga INGGITERA!
    Kung gusto mo umasenso magsumikap ka, wag kang mainggit sa iba. Kasalanan ba nga mga OFW na kulang ang mga paaralan kaya limitado lang ang kaalaman nila kaya bumagsak sila sa pangingibang bansa,o kasalanan ba nila na walang trabahong maibigay ang gobyerno? Mga Pilipino hindi ba pwedeng maging masaya na lang kayo sa tagumpay ng iba kaya hindi umasenso ang Pilipinas at ang mga sarili nyo sa iba lagi kayo nakatingin.
    Kung MAYABANG O MAYAMAN ang tingin nyo saming may kapamilyang OFW hindi namin problema ang iniisip nyo buhay nyo yan eh basta kami masaya 😛

  • Aika

    I really like your post…so true. I remember what my dad said… Sa mga Pinoy mawala na ang yaman wag lang ang yabang.

    Kasi pag umuuwi ako ng pinas from Australia eh minsan natatawa ako sa Brisane Airport sa mga taong naka boots at coat eh samantalang di naman winter. Hehehehe

    Eh ako naman ung taong preferred ung simpleng outfit lalo na sa plane para comfy…

    You have a good point.. If ur working hard for it u deserve some reward

    All the best!

    • yan din ang napansin ko sa airport. pabonggahan ng suot kahit na medyo mainit. madalas ako pagsabihan ng nanay ko pag sobrang simple lang ng suot ko. nangangatwiran na lang ako, mahirap kumilos sa magarang kasuotan kung marami ka namang bitbit. gusto ko rin comfortable lang din ang suot para makakilos at maliksi ako. makakatakbo ka ba kung naka-heels? hahaha!

      Thanks sa comment… 🙂

  • Miss K

    the good thing is, atleast nung walang pinagyayabang, tahimik lang, nung nag OFW na at nagyabang, eh kasi me yinayabang na :)…. kelangan din natin intindihin why OFWs do that , kasi atleast now, they could afford to buy those things. So tau po, let us give a distinction, mayabang nga ba or confident lang, feeling ba tlga naten na mayabang sila or napaparanoid or naiinsecure lang tayo. you could not really say something about OFWs attitude until you become one. That I learned personally. I used to have those notions about working abroad and about OFWs which were nabago nung I became one. SO, before we say something about them ( OFWs), become one, and I guess, magiging kaugali mo din sila:)

  • oryxman

    oy kabayan katunog mo pa ang sikat na Noli na wala ding nagawa sa sambayanan kundi sumakay sa kurakot ni Gloria,ikaw ang mga tipong taong nakakasama ng imahe ng Pilipinas nanakot ka pa kong matyempohan din kita di kita tutusukin puputulan kita ng dalawang paa,kama ay dila at bubuhayin kita para makinabang ka sa pera ng kontribusyon ng mga OFW na kinamumuhian mo tulad ka rin isang Congresswoman akala mga OFW mayayaman at madaling kitain ang 50$ paalis ka na nga lang magbabayad ka pa samantalang ang pondo ng POEA at OWWW kong saan saan ginagamit kaya kong nanakot ka ki jernsky ako hamunin mo kasi kong ikaw matagpuan ko sa NAIA sisiguraduhin ko na ang palalo mong dila at mga kamay dina magagamit at di ka na makakalakad hanggang maisip mong magpakamatay na lang.Kaming mga OFW nagsisikap para kahit papaano makatulong sa aming Pamilya at makapadala ng remittance sa atin para din sa gobyerno walang ginawa kundi manghuthot at mangingil sa lahat ng OFW imbes na bigyan kami ng incentives para kahit papaano mi pakinabang ang gobyerno?wala kaya ikaw NNoli at James manahimik kayo para di nyo mabulabog ang mga bloggers na imbes makadulot kayo ng saya samin inis at pananakot pa,sabihin mo lang kong saan at pupuntahan kita,ang yabang mo di mo lahat kilala ang mga tao dito kaya wag kang nanakot?

    • oryxman..manahimik ka na…wla ako paki kung nakatongan ka sa NIA…cguro sa sobra angas mo sa NIA at nabuwisit sa iyo mga staff na NIA..kaya ka nila kinotongan…buti nga sa iyo..isang mahangin OFW ..wag ka sanang pamarisan…kahit nandyan ka sang lupalop ng mundo..pag tanda mo uuwi at uuwi ka rin sa pinas at dito ka mamamatay…sa lupa ng nilalait mong bayang pilipinas…Kung sakaling makita kita d2 sa NIA…lINTA ANG IHAHAGIS KO SA IYO…KC MUKHA KANG LINTA…KUNG SAAN KA MAPAPPAD AY DUON KA NADIKIT…

      • oryxman

        bobo ka tlg Noli tulad ka ng tukayo mong walang ginawang mabuti sa mga OFW kaming mga OFW ang nilalait mo,hindi lahat ng OFW katulad ng nasa isip mo,hindi nangyari sakin yan pero ibang mga nag uuwian ganun ang ginagawa,hindi ko kailan man nilait ang ating bansa tulad mo ang mga nasa gobyernong tulad mo ang maangas akala mo mas masahol pa kayo sa linta dahil buwaya kayo na walang ginagawa kundi mag kwentohan habang oras ng trabaho?
        wag kang mag aalala hahanapin kita kayo ni james na parehong palalo,naka kuha lang kayo ng trabaho jan akala mo wala ng katapusan ang serbisyo nyo?
        Pareho lang kyo lahat ng mga naka upo sa pwesto puro pahirap ang nasa isip nyo sa mga OFW?bakit ikaw ba naranasan mong mag tiis ng malayo sa mga mahal mo sa buhay,tulad mo mamatay ka rin at magiging uuod sa sementeryo pero ang mga katulad nyong walang ginawang maganda sa mga OFW eh dapat kalusin nasa mundo,makita lang kita kahit saan,hindi muna kailangan magsalita pa…mayabang na taga gobyerno ka?

  • JC

    GOOD MORNING EVERYBODY…HUWAG NAMAN PO TAYO MAG AWAY SA SITE NA ITO..IHAYAG LANG PO NATIN ANG ATING NASALOOBIN…SALAMAT PO..

    • oryxman

      cincia n JC paano kasi etong si Noli at James iisa ang hilatsa na pag iisip at asal,nakapag trabaho lang sa gonyerno o nakakuha ng trabaho sa Pilipinas eh kong mang lait sa mga OFW akala mo kong sinong magaling nasa lahat eh.
      Propesyonal akong tao pero di ako papayag na basta nalang yuyurakan ang buhay ng isang OFW dahil isa din akong OFW kong pinalad ang iba natin kababayan na makakuha ng trabaho satin mapalad sila db?pero kong makapang lait daig pa yun mga bosabos at patay gutom na walang pinag aralan kundi manakot at yabang ang alam?
      yan si Noli at james basahin mo ang mga sinagot nila sa mga blogs akala mo kong sino silang magaling?Harinawa na di sila masangkot sa katiwalian sa gobyerno dahil kong mangyari yun masahol pa sila sa mga linta dahil sila ay BUWAYA na walang ginawa kundi lahat ng makitang gumalaw sa kanilang paligid ay kanilang kakainin.
      Pasintabi nalang po sa lahat ng mga nasa gobyerno at pribado na maayos naman nag tratrabaho ng walang pag iimbot sa puso?

  • Jen

    Babala: bawal ang mayabang hindi mo hawak ang bukas maraming pwedeng mangyari at hindi mo alam kung sa susunod na araw hawak mo pa ang mga bagay na Ipinagyayabang mo.

    Hindi rin naman masama maging materyalistic kasi nasa mundo ka pa pero wag naman masyado.

    Comment lang po 🙂 Bakit may nagaaway sa mga Comment wag po ganun usapan lang walang awayan.. wag tayong BITTER 🙂

  • sessy 1976

    hindi lahat ng OFW mayabang,ung iba siguro….depende yan sa tao…kahit di OFW likas na yan sa tao ang kayabangan…kung mayroon ka naman na ipagmamayabang,ok lang yon…carry mo e…ang pangit dun nagmamayabang ka pero wala ka naman ibubuga…

  • oryxman

    Oy kabayan huminahon ka di komo naka kuha ka ng trabaho jan sa Pilipinas maayos na ang takbo ng buhay mo dahil kumikita ka jan,kaming mga OFW hindi alipin ng ibang lahi gusto namin maka tulong sa pamilya namin at guminhawa sila kahit ang kapalit pagsasakripisyo sa ibang bansa.Kong miron man text sayo at tinanong kong paano mo nakuha ang number natural yun kasi malay ko kong isa kang Holdaper o mangagantso db?dapat magpakilala ka para maayos hindi ibig sabihin ng text isa nang mayabang dahil nk pag abroad.
    Kahit ako ayaw kong nadidisturbo ng ibang tao dahil gusto namin ang pamilya namin ang mag bonding kasi bakasyon lang at ilang araw lang ang ilalagi mo satin kaya dapat sulit naman ang makasama mo ang pamilya kong kayabangan naman ang bumili ng mga bagay cguro depende nasa tumitingin yan eh di bumili sila basta ang katwiran nang isang OFW walang utang ang nanay o tatay nia o mga kapatid kasi nakakahiya yun db?
    ang pagtratrabaho sa abroad ay pagsasakripisyo satin kadalasan naiisip lang mag ayuno tuwing araw ng semana santa eh ang OFW lahat ng araw pag sasakripisyo dahil malayo sa mahal sa buhay kaibigan,kamag anak at kong magkasakit ka akala mo ba miron magbibigay ng gamot o magluluto sayo ng mainit na sabaw o aalalay sayo wala po kaya mapalad ka nasa piling kalang ng pamilya mo kamag anak at miron kang trabaho jan satin,kaya wag mong hamakin ang mga OFW dahil kong mi pinag aralan ka dapat malawak ang pag iisip mo di yun tulad ng isang sanggano na walang inatupag kundi manakot at mangikil ng pera sa mga dumadaan.
    ikaw na di nakaranas na maging OFW ay isang palalo at mayabang kasi akala mo lahat ng taong umalis sa ibang bansa maayos ang buhay dapat nga magpasalamat ka kasi kong kaibigan mo dati OFW at naka uwi ng maayos dapat masaya ka dahil isa kang kaibigan/Hindi dahil di ka nabati ng maayos o wala kang pasalubong eh sasabihin muna mayabang at nagbago ang dati mong kaibaigan dapat ikaw ang unang umunawa sa kanya kasi cgurado ako na iniisip ng OFW na ikaw ang unang nakakaintindi dahil alam mo ang katayuan nia sa buhay pero embes na maging maayos ang pagkikita o kumustahan ikaw pa etong nagmalaki,kong wala kang inisip na masama sa text di ba mas maayos na itext mo uli at sabihin mo kong sino ka at saan kayo dati nagkasama dahil sa dami ng taon nakalipas at naging kakilala ng isang OFW kong cguro kapitbahay mo sila o tabi ng bahay nyo yan cguro magtampo ka pero mali pa rin isipin mo lahat ng OFW mayabang?Sana maisip mo at humingi ka ng despensa sa dati mong kaibigan dahil kong nasa isip mo sino ba sya mas masakit na dati mong kakilala at kaibigan sabihin nun at marinig mo diko kilala ang taong yan?

  • BIG DIS AGREE BUWANG NA JAMES, KUNG GALIT KA SA FRIEND MU DAHIL KINALIMUTAN KA, EH WAG MU IDADAMAY UNG MGA OFW NA BINUBUWIS NILA ANG DUGO AT PAWIS NILA PARA SA PAMILYA NILA,, AT WAG KA MAGSASALITA KUNG HINDI MU NARARANASAN MAGING OFW,, DAHIL HIRAP NAT PAGOD UNG TINITIIS NAMIN PARA LANG KUMITA NG PERA AT MAKAPAG PADALA SA MGA MAHAL NAMING PAMILYA.. AT LAHAT NAMAN NG TAO MAY YABANG, TULAD NG SINABI NI EXCELHEART,, SABI MU NGA AYAW MU MAG ABROAD DAHIL AYAW MU PAALIPIN SA IBANG LAHI,, MAS GUSTO MU PALA MAGPAALIPIN SA KURAKOT NG GOBYERNO SA PILIPINAS,, ANG HINDI MU ALAM PINAKA MALAKING SHARE ANG NA IBIBIGAY NG OFW SA PILIPINAS, KAYA DAPAT YON ANG IPAG YABANG MU,, AT PARA SAKIN SI EXCELHEART ANG MAY MAGANDANG PALIWANAG,, DAHIL IBA IBA ANG PAG IISIP NG TAO,, PERO SAYO, BUWANG ANG PAG IISIP MU PARA KUTYAIN ANG MGA OFW,,,

    • oy.jersky..nilalait mo ang gobyernong pilipinas..anong lahi ka ba? indiano? bulol!! pilipino ka pa rin…nilalait mo ang gobyernong pilipinas..para mo na rin nilalait ang sarili mo? bulol!! pilipino ka pa rin..kahit mag english english at pabago mo ang kulay ng buhok mo,pa transplant ka pa NA ARI MO..pilipino ka pa rin..ikaw cguro ang ofw mayabang…makita lang kita sa NIA..TUSUKIN KITA…MASYADO KANG MAYABANG..isan ka rin palang crAb mentality …NAPUNTA KA MAN KUNG SAANG DAKO NG MUNDO…NAG IBA NA ISIP MO AT PAGKATAO..NAHAWA KA NG SA MGA UGALING AT PAG IISIP NA MGA BULOL NA DAYUHAN..huwag mo kutyain kung ano man ang comment ni James…d2 sa blog na ito..kung ano ang iyong option sa topic..share mo…bulol…IKAW ANG SINASABING NI RIZAL NA SA NOLI NA “”

      • oryxman

        Ikaw Noli ang mayabang at nanakot ka pa ako hamunin mo pag natyempohan kita sa NAIA o malaman ko kong saan ka,makikilala mo ang mga bagay na hanap mo?ang mga OFW ay iba iba ang pag uugali tulad din natin mga Pilipino pero kong ano man ang naging dahilan at nagagalit kayo sa mga OFW wag nyong nilalahat kasi nakakasakit at nakakasira kayo ng imahe ng Pilipinas anong sinasabi mong sulat ni Rizal bakit bubuhayin ka bang nga bayani tumingin ka sa paligid mo ang mga bayani nasa Luneta,Mabini,kalookan at Edsa anjan ano mga rebulto db kami mga bayani kong tawagin ng gobyerno ano buhay pa nagpapasakit at nagtitiis dahil di magawang ng ating gobyerno bigyan ng maayos na trabaho at pagkakakitaan sa sariling bayan kasi wala tayong ipapasweldo kasi kulang pa para kurakutin ng ibang opisyal natin hindi ko nilalahat pero bilangin mo ang daliri mo yan ang katumbas na sinasabi kong maayos ang pamamalakad at di nangungurakot dahil sa prinsipyo sa buhay?
        Ikaw kong makapag salita ka dito sasabihin mong mayabang na lahat,wala tayong magawa kong gusto man nila na bumili ng mga bagay dahil di nila eto natikman normal yan kasi malay mo bukas oras muna pala di ka man lang nakagamit na minsan pinangarap mong mabili,if some of your friends forget because for longest time di kayo nagkita dapat ka bang magalit kong tanungin kong sino ka at kong saan kayo nagkakilala.minsan nagkakaroon din ng mental block ang tao kaya nagiging malimutin at walang masama na tanungin ka ng ganun kasi sa atin maraming mangagantso at manloloko kaya maingat tlg mga OFW kasi malay ko kabilang kasa mga holdaper sa NAIA o kaya kidnaper o nabibilang ka sa mga kilabot na masamang loob.
        Ako po ay di nakikipag away gusto ko lang pong ipaalam sa lahat na lahat tayong Pinoy sa Pilipinas o ibang bansa man walang pinagkaiba at iisa ang ating lahi kaya wag pairalin ang inggit o tsismis na nakakasira sa pagkatao at bansa natin.Salamat po!

        • NOLI

          oryxmax..bulol..gago!! di ako empleyado ng gobyerno,may sarili akong company..walang corrupt sa loob ng company ko..kaya kung inaakala mo na government employee ako..baliw ka!!baka sa panahon ngayon..ay na styroke ka na sa sobra angas mo.or may colon cancer ka na…uwi ka na d2 sa pinas ..ipalibing kita ..angas mo OFW..

  • james

    yes! agree ako majority sa mga ofw ay mayabang,wala ng kila2 friend s pagdating d2 ng pinas,Scenario; mAY BESTFRIEND AKO IN COLLEGE.TALAGANG PURDOY CYA MINSAN NGA AKO PA NA2LONG SA KANYA .nUNG MAKAPAG ABROAD NA CYA …AT UWI CYA NG pINAS..try ko tx cya SIYEMPRE NAGPAKILA2 AKO,,ANG REPLY NIYA…BAKIT MO ALAM CELL NUMBER KO? AT CNO NAGBIGAY? ang astig ng reply..ikaw ?ANO ANG REAKYON MO SA GANUNG REPLY SA IYO? D BA NAKA2INSULTO? CGURO ISIP NIYA HIHINGI KA OR UUTANG KA SA KANYA? KAYA GANUN REPLY NIYA..DI NA ME UMULIT MAG TX SA KANYA UNTIL NA BUMALIK CYA ULI AS OFW ..KINALIMUTAN KO NA CYA AS A FRIEND…MAYABANG KC…

    • hahaha! kahit naman hindi OFW ganyan, basta nakatikim na ng konting ginhawa. Hayaan na lang natin sila. Naparanoid eh! 🙂

      • red

        BEBEKOH, hahahahahahah natatandaan mo pa ako? bakit mayabang, kasi may ipagyayabang na nung di pa OFW, di pa makaangas kasi nasa pinas pa, yan ang style pinoy, lalot galing sa dukha….

        • sorry ngayon lang ako nakareply sayo.. another sorry kasi di kita natatandaan eh.. hehehe!

          suggestion lang, hayaan na lang natin silang magyabang. pero wag din nating kalimutan pagsabihan kapag di na kapaki-pakinabang ang mga ginagastos nya. mahirap umuwi ng walang pera. yun lang po!

    • Ang masasabi ko lang sa mga pilipino OFW na mayabang ka2lad ng
      friend ko mayabang..Lahat ng tinatangkilik mo now!! KUKUPAS DIN YAN..lilipas din at ikaw ay tatanda..uuwi ka ng pinas..d2 ka mamamatay…

      • ikaw naman… masama ang bitter! 🙂

        me tama ka rin naman sa mga sinabi mo… tatanda at sa pinas pa rin nila gustong umuwi. hayaan mo na lang sya kung dun sa sya masaya. tulad ng una kong comment.. Paranoid lang sya. matatandaan ka rin nya pag-uwi nya. 🙂

        • kilala kita bebekoh…ikaw un crush ko sa chat room..he.he.he.
          sorry !! hate lang ako sa mga ganung pipol….ayw ko nman mag ambisyong mag abroad..kc…may buhay pa nman d2 sa pinas…ayokong magpa alipin sa ibang lahi…Love ko pa rin ang Pinas…

          • well, if you’re already established in the Philippines, why go anywhere? and chatroom? talaga lang ha!

    • BUWANG KA JAMES PARA KUTYAIN ANG MGA OFW

    • sparklesoda

      SANA SINAGOT MO ANG TANONG NYA PARA HINDI PURO SPEKULASYON ANG INIISIP MO EDI SANA NATULDUKAN ANG TANONG MO. MATANONG KO NGA JAMES NAGTA-TRABAHO KA NA BA? MAY SARILI KA NA BANG PAMILYANG BINUBUHAY? O ISA KA DIN SA MGA NANGHIHINGI PA DIN NG PERA SA MAGULANG MAY PAMBILI LANG NG LOAD? KUNG MAAYOS ANG BUHAY MO MAGPASALAMAT KA SA DIYOS DAHIL HINDI MO MARARANASANG MAGHIRAP PERO HUWAG KA DIN MAGING KAMPANTE DAHIL BILOG ANG MUNDO AT LAHAT NG TAO DUMADAAN SA PAGSUBOK BAKA ISANG ARAW ANG SINASABIHAN MONG KARAMIHAN SA OFW MAYABANG EH ISA KA NA PALA DUN AT IKAW NAMAN ANG SINASABIHAN. TIGNAN KO LANG KUNG ANONG MARAMDAMAN MO KAPAG MINAMALIIT NG IBANG TAO ANG MGA PINAGPAGURAN MO. RESPETO LANG DUDE KUNG GUSTO MONG RESPETUHIN.

  • ako ay ofw din 6 years na,at totoo naman talaga mayabang ang ofw dahil napansin ko rin yan sa sarili ko,yon nga hindi abroad mayabang nga eh,tayo pa na abroad?pero minsan o madalas kinokontrol ko nalang kayabangan ko kc nakakahalata ang iba eh,kapag ka sinagot ka nga ng syota mong maganda pinagyayabang nga natin eh,,likas sa tao ang kayabangan,kaya mo nasabi na may tao hindi mayabang dahil hindi mo lang natyempuhan ang kanyang kayabangan,,,di ba?kaya normal yan kayabangan na yan,,minsan pa nga kagwapuhan mo pinagyayabang ko eh,,,lalo na makita ko dibdib mo,ngiti mo,dimples mo aaay para akong nasa heaven,,,problema kung walang maipagmayabang,,,aaay,,paano ba ito,,,kc ang mayabang galit sa kapwa n’ya mayabang aaay,,ano ba yan,,,so kalalabasan lahat pala tayo may yabang,,,babay,,,love you,,,yaya,,,,BANG?

  • paanong hindi yayabang dating isang kahig at walang makain, nung nakapagtrabaho na barya ang kita syempre ipagyayabang na! gets mo?

  • bakit naman ako lahat ng puerto happenings ako, alak babae, bakit naman nakaipon ako.

    • wala namang sinabing di ka makakaipon ha! nasa disiplina mo yan and strategy kung pano ka makakaipon. 🙂

  • Excelheart

    Tama naman lahat ng mga sinabi nyo at walang mali dyan…

    Iba-iba kasi ang isip ng tao at pag-uugali at hingit sa lahat nakaka Paranoid:

    Yung mga nasa pinas, syempre hindi nila alam o hindi nila ramdam ang buhay sa Abroad, syempre di naman sila nakaranas ng buhay Abroad, puros kwento lang at ang nakikita nila ay ung mga magagandang nakikita nila sa mga OFW kasi nga nabibili na yung mga bagay na pangarap lang natin noon, hindi mo maalis sa isip nila na magsabi ng MAYABANG sa mga OFW kasi nga hindi nila alam ang buhay ng OFW, pero hindi rin naman lahat ng mga nasa pinas e ganon ang pagiisip nila, kasi nga sabi ko hindi lahat ay parehas ang ugali o pag-iisip.

    Sa mga OFW naman, marami talaga sa mga OFW na kahit kakarampot lang ang kinikita, pilit pa rin nating bibilin ung mga luho, kasi nga pinangarap mo yun noon pa at ngayon mo lang sya mabibili. mahirap mag-Ipon kapag OFW ka, kasi marami kang tinutulungan at marami kang binibili para sa sarili mo at pasalubong kapag ikaw ay uuwi. Sa tuwing sasahod pa ang OFW, ang unang hinahanap mo ay padalahan. sa totoo lang pagbalik mo sa abroad… magsisimula ka uli ng ipon. Nasa sa atin yan kung gustuhin nating mag-ipon talaga o magsubi sa sarili natin, pero tandaan lang natin… lahat ng mga natatangap nating karangyaan o kahit na pinagpaguran pa natin ito,

    Wag sana tayo makalimot na magpasalamat sa may kapal, dahil sya lamang ang may gawa ng lahat…

    GOD BLESS to all

    • God bless din po! 🙂

      • kasali ako jan,,,oi God bless too of two,,,

      • red

        I LOVE YOU BEBEKOH, I MISS YOU….

        • star

          i like your comment,thanks