by
on
under
tagged , , , , , , , , , , , , ,
Permalink



Disclaimer: Definitely Filipino is a community blog. All who write for this blog are independent, unpaid authors. All views, content, images are the responsibility of their respective writers and not of Definitely Filipino. Please contact the author directly with questions about this article.
Send a private message to author chikibambams

Driver’s License: For IDENTIFICATION Purposes Only

About chikibambams

isang guro na nangangarap maging manunulat..

see Stock Trading Clubs In Tulsa Ok Ako ay nagtungo sa LTO Office na malapit sa aming lugar at kung saan din naman nakarehistro ang aking sasakyan. Hindi bago at hindi din naman kagandahan ang modelo at itsura nito ngunit para sa isang tulad ko sapat na ito marahil ay labis pa. Ako ay isang simpleng mamamayan na nangangarap umangat ang buhay mula sa pagsisikap at pagtitiyaga. Dumating kami ng aking pinsan sa nasabing tanggapan ng maaga kung kaya’t kami ay naghanap ng pinakamalapit na karinderya at kumain ng almusal. Umuulan noon at sa di kalayuan nakakita naman kami. Kung sa bagay sa mga ganoong tanggapan na araw-araw ay hindi nauubusan ng kliyente talamak ang mga tindahan, kainan, at maliliit na puwesto na nagbebenta ng mga kung anu – ano. Nagbukas ang opisina alas otso impunto. Sa isip ko,  marahil maaga kaming makakauwi.
Karaniwang dumadaan ako sa fixer kapag ako ay nagpaparehistro ngunit hindi ko ba maintindihan sa aking sarili noong araw na iyon kung bakit ako ay nagdesisyong dumaan sa tamang proseso. Isang proseso na napakatagal at kakailanganin mo ng mahabang pasensya at isang drum na pangunawa. Nagsimula ako sa unang hakbang ng pagpaparehistro.
Ang aking pinsan, ay nagsimula na din sa kanyang pakay ng araw na iyon – – ang kumuha ng lisensya sa pagmamaneho. Tulad ko, siya din ay dumaan sa tamang proseso. Noong umaga, maayos pa ang pila, at walang masyadong tao. Lumipas ang dalawang oras, naghihintay pa din kami sa aming kinauupuan. Alas onse ng umaga ng tawagin ang pangalan ng aking pinsan sa isang window kung saan siya ay inabisuhang pumunta sa second floor after lunch upang kumuha ng written test. Naghanap muna kami ng makakainan, hindi pa naman gutom pero gusto ko nang lumabas sa tanggapan na iyon dahil nakakainip na. Talo ang maiinip sa mga ganong klaseng sistema.
Ala una ng hapon nang kami ay magbalik sa tanggapan, tinawag ng guwardiya ang mga pangalan na kukuha ng written test. Nang tinawag ang pangalan ng aking pinsan, agad siyang umakyat sa second floor. Ako naman ay inasikaso ang papel ng aking sasakyan. Alas dos ng hapon bumaba ang aking pinsan at sinabihan akong malapit na siyang magtest-drive. Lumapit kami sa lalakeng nasa maliit na kubo malapit sa gate ng nasabing tanggapan. Isa-isang tinatawag ang mga pangalan ng kukuha ng eksam. Nagtanong ang lalaki, sino sa inyo ang hindi talaga marunong magmaneho, walang tumaas ng kamay. Inulit ang tanong, ayun si ate nagtaas ng kamay, isang babaeng nasa edad pagitan ng 25 – 30. Nakangiti pa si ate na kinuha ang papel niya at lumapit sa lalake sa may kubo. “”Magbayad ka sa may pintuang iyon at hintayin mo na lang sa releasing window”. Ha? tama ba ang nadinig ko? Si ate magbabayad lang at PRESTO! may lisensya na siya. Ganun ba talaga kabilis?
Inaliw ko ang aking sarili, nakatapos ang aking pinsan sa test drive bandang alas tres y medya ng hapon. Umupo kami sa tapat ng cashier at naghintay tawagin ang kanyang pangalan. Bigo ang panalangin kong matatapos kami ng maaga. Nakita ko ang babaeng di marunong magmaneho sa tapat ng releasing window, sabi ko sa sarili ko naku, mukhang bibigyan nga si ate ng lisensya kahit hindi marunong magmaneho. Nagngitngit ako sa galit dahil sa aking karanasan kung ilang linggo din akong nagsanay para makapagmaneho, pero itong si ate, makakakuha ng lisensya ng hindi marunong?!
Lumipas ang isang oras nasa tapat pa din kami ng cashier, ilang minuto pa at sa di kalayuan andun pa din si ate. Maya-maya, tinawag ang kanyang pangalan, iniabot ng lalake sa releasing window ang kanyang lisensyang mainit-init pa. Gusto kong sumigaw sa loob ng ahensiyang iyon at pagbabatukan ang mga taong nasa loob. Paano kaya sila nagbibigay ng lisensya sa hindi marunong magmaneho? Ganito na ba talaga sa Pilipinas? Isa lang ba ito sa mga halimbawa na bulok ang sistema natin? Nagbibigay ang LTO ng lisensya kahit hindi marunong magmaneho, para saan ang lisensya? Para sa collection ng valid ID? Para sa identification purposes? Alam kong ang aking nasaksihan ay mali, kung kaya’t ganito na lamang aking damdamin .

http://unifiedpatriots.com/?p=Notowania-Forex Notowania Forex Natapos kaming magpinsan alas singko ng hapon, nauna pa si ate na makakuha ng lisensya, kahit hindi siya marunong magmaneho.

http://fromvalskitchen.com/?p=Binary-Option-Legal-In-Bahamas-Indicators Binary Option Legal In Bahamas Indicators

Course Of Lectures On Forex For Beginners

http://automotorblog.com/?option=How-To-Earn-And-Receive-Big-Money-Online How To Earn And Receive Big Money Online

Enhanced by Zemanta

  • Alex A

    Sa totoo, hindi naman ganyan katagal dapat ang proseso. Sadyang pinatatagal ang process ng mga nasa LTO para mapilitan ang mga nakapila na kumuha at magbayad sa fixers. May fixers dyan kasi mga pakawala sila ng mga nasa loob ng LTO para kumita sila. Ito ang dahilan kaya namamayagpag ang mga fixers doon, sa labas o sa loob ng LTO.

    • Frankie

      Correct. Anong akala nila sa tin, kahapon lang pinanganak para hindi maintindihan ang mga pinaggagagawa nila.

  • c mendoza

    nakakalungkot ang istoryang ito dahil totoo. na subuk mo na bang ipagbigay alam sa LTO main office o sa kahit anong ahensya ang complain mo?

    • Frankie

      alam naman ng lahat na ganyan talaga nangyayari dyan, dapat ang mga nasa loob ng ahansya na ang gumawa ng paraan para ayusin ang problema. kasama na doon ang pagpapalit ng lahat ng tauhan kasi mukhang sila ang unang problema.

  • rey

    bakit pa kasi maraming tutol sa National ID…..

  • Elvin

    ako ay katulad mo rin ate, dumaan ako sa tamang proseso, may kasabayan akong dumaan sa fixer at nagtanong ako sa kanya, sinabi niya na may sagot na ung binigay sa kanyang questionnaire dun sa written exam at dun nmn sa practical exam, magbabayad ka lang ng 100 sa motor at 400 sa kotse(not sure kung tama ang pagkaka-alala ko sa mga amounts) then maski di ka marunong mag drive basta magbayad ka lang sa cashier, “PRESTO” may license kna! BTW sa LTO Las Pinas ako kumuha ng license…

  • Rave

    only in the philippines!

  • Marami talagang mga ganyang pangyayari lalo na sa tanggapan ng LTO(NG)!!!

  • kukuha pa nmn ako etong nxt year,,

  • dapat yung goverment ng pinas mag bigay ng id sa bawat pilipino para naman yung iba hnd na gagatos ng malaki makakuha lang driver liscence kac pahirapan din kumuha ng sss at philhealth card. maganda kung bawat isang pinoy mayron gov. id yung nakalagay yung finger print nila cgurado yun na hnd magagaya ng mga fixer at sana yung passport ng pinas gawing 10 years yung expiration date.

  • kahit saan sangay ng gobyerno maraming empleyado na nakasanayan na ang katangahan at bulok na sistema.pera pera ika nga.

  • galo

    maling-mali nga po, ako po ay isa sa nagsisisi na may license pero walang alam sa rules sa daan at pagmaneho. I just go with the flow. yikes, kakahiya po kaya aral uli ako. takot kasi bumagsak sa written test. mali po yon dapat talagang bumagsak para matuto. ako ay product ng isang diploma mill system. sige-sige lang po. I learned the hard way.

  • vin

    nakakais nga yung ganun, ako hindi pa marunong magmaneho at wala akong balak kumuha ng lisensya hanggang hindi ako marunong magmaneho

  • gising mga gagong LTO…makarma sana kau…….

  • Just want to know po why my my IP address had been denied access to this site? I do not know of any reason why i will be denied access…thank you very much po…

  • I dont like the system in the Philippines kasi hanap ng hanap ng ID.I still remember na magkapassport ako if I have 2 valid ID at pasalamat ako yung Teacher’s license ko nagamit ko rin.Dito sa Belgium ,residence ID is enough for identification.

  • niro

    tumingin tayo sa sarili natin bilang pinoy at magtanong… may disiplina ba ako? gagayahin ko pa ba ang maling gawa ng iba?