by
on
under
tagged , , , , , , , , , , ,
Permalink



Disclaimer: Definitely Filipino is a community blog. All who write for this blog are independent, unpaid authors. All views, content, images are the responsibility of their respective writers and not of Definitely Filipino. Please contact the author directly with questions about this article.
Send a private message to author kathleen.mesina


  • Latest Posts

DO YOU STILL LOVE YOUR EX?

Isang tanong na pumasok sa isip ko dahil sa isang malaking warning na sumulpot sa facebook account ko. Nung una ang lakas ng tawa ko nang bigla kong naitanong.. ” Mahal ko pa kaya siya?” 

Single ako ngayon, busy sa pag-aaral at syempre sa kakatingin sa facebook ko. Actually kakabreak ko lang sa Koreano kong jowa few weeks ago. Hindi naman siya yung pumasok sa isip ko dahil sa tanong na ito, nabanggit lang sya .. Haha. First time ko kasi magkajowa ng ibang lahi. Oh! let’s go back to the question. Grade 4 ako ng ma’meet ko si Renz, nasa Demo kasi sa Science nun, di ko naman siya pinansin kasi may crush akong iba nun. Hanggang naging grade 5 na ko, naging classmate ko sya, bestfriend pa nga at kakopyahan sa klase pero may gusto ako sa kaibigan nya si Reymil. Naging kami ni Reymil nung Grade 6 then he asked out another girl. Dun na nagtanong sakin si Renz kung pwede daw ba manligaw ung kaibigan nya. Sabi ko “Oo, eh ikaw hindi ka ba manliligaw?” ( anlandi ko noh! Haha) so sabi nya “Pwede ba?” . Magpapakipot pa ba ko? Hay naku! Hindi noh! Haha. Sinagad ko na ang kalandian ko. Hanggang sa naging kami.

Sa una laro lang kasi bata pa hanggang di ko namalayan , halos apat na taon na kaming nagsasama. May mga problema syempre, andyan yung sa magulang kasi bawal, mga mang-aagaw na ang sarap sapukin sa atay at balun-balunan ng matuluyan, mga kaibigan, pag-aaral na dapat unahin at kung sinu-sino pang impokrito na hadlang sa pag-ibig. Hanggang sa dumating ung pinakamalaking paghihiwalay namin, yung pagpunta ko sa New Zealand. Halos lumabas ang mata ko kakaiyak nang malaman kong dalawang linggo na lang ang natitira para samin pero sabi ko kaya namin to! Lumipas ang dalawang buwan ko dito sa New Zealand, everything is ok between us. Chat lang at puro i love you at i miss you tapos bigla syang nagbago. Bigla syang nakipaghiwalay ng hindi sinasabi kung anong dahilan. Nasa party ako nun pero para kong namatayan sa kakaiyak, infairness nakaubos ako ng dalawang rolyo ng tissue dahil dun at nakoronahan ng best actress.. Haha. May mga kasama kaming magulang nun kaya lahat sila nagsasabi na, ” Marami pang iba dyan na mas better para sayo” at “Nasa ibang bansa ka na, mas maraming gwapo dito at kawalan nya yun”. Halos gabi-gabi akong umiiyak dahil sa kanya hanggang sa naisip ko na, kung para talaga sya sakin, darating at darating ang panahon na ang tadhana ang maglalapit samin.

So para sa tanong na yun, isang malaking “OO” ang isasagot ko. Nangako din ako sa sarili ko na kung sakali mang ikakasal ako sa iba, gusto ko makausap ko muna sya para malaman ko kung mahal nya pa ko o hindi na. Kung hindi na magpapakasal na talaga ko at walang urungan pero (sana) ‘pag sinabi nyang mahal nya pa ko, kahit anong mangyari di ko na sya pakakawalan pa at di ko na hahayaang may maghiwalay pa sa amin dahil gaya ng sinabi ko sa kanya noon, “IKAW ANG PINAKAMAGANDANG NANGYARI SA BUHAY KO RENZ.”

Enhanced by Zemanta

About kathleen.mesina

Hilig kumain at magbasa ng pinoy blogs. Paulit-ulit na pinapanood ang "One More Chance" nila Popoy at Basha. Adik ako sa pagbabasa ng pocketbook at kadalasang makikitang nakahiga sa kwarto at nagpapatugtog
  • desay29

    Ahmmm..di ko rin masabi pero di na rin cguro at wag na rin:)..naiwan ako sa ere at dun ako nahirapan pero sa paglipas ng panahon sa awa ng Diyos nalagpasan din naman..Sa tulong NYA ay nagawa ko rin..yaan mo lang author, pasasaan ba at matatapos din yan..minsan sa buhay natin, may darating talagang isang tao na magpapamulat sa atin kung ano ba ang ibig sabihin ng “Pag-Ibig”:)..Kayanin mo, nakaya nga namin..ikaw pa kaya:)..God Bless!

  • akomunasiblanca

    sabi nga ng kaibigan ko sa akin kagabi ng sabihin kong namimiss ko pa rin ng sobra ang ex ko ay ” what has been felt will always be real than what has been chosen”..

    5 years kami ng ex ko at 4 months pa lang kami hiwalay..mahigit 1 year na kami hindi nagkikita dahil nagtatrabaho sya sa ibang bansa..at kahit anong mangyari sya pa din ang mahal ko 🙁

    pero kailangang ipagpatuloy ang buhay..pagbutihin ang pagtatrabaho at mabuhay ng masaya kahit wala na sila sa buhay natin..

  • i can’t feel the same l0ve i used to feel for him,so in my case i can say NO….

  • Danielle

    No as in NO. I lost all respect and LOVE (for that matter) sa ex-bf ko. My ex. for ten years na walang ginawa kundi imanipulate yung mura kong puso at isipan. He is a sociopath and a pyschopath. Mabuti na lang nagising ako sa katotohanan, and now I can truly say na masaya ako at kinalimutan ko yong taong yon. Now Im happily married with a son.

    Sa mga babae, sana iwasan nyo yung boyfriend na pinagpaparamdam kayong pangit kahit hindi. Beware sa mga lalaking umiiyak-iyak para makuha lang ang gusto. Yung akala nya eh pag-ari ka nya at pwede ka lang iwanan dyan sa tabi at dyan ka rin babalikan. Iwasan din yong walang respeto sa mga matatanda at sa kapwa. Mayabang, at akala nya ya ang pinakamagaling na tao sa mundo.

  • poiuytrewq

    nangyari din yan sakin..but the reason of our break up was different. Ang hirap magmove on lalo na pag first love mo. 1 year mahigit na kami hiwalay, pero mahal ko padin siya. Sana nga lang din life will give us another chance to continue what we have started, and hopefully by that time, both of us will become matured enough to handle such a relationship.

  • rev Maglinte

    I believe so coz I tie the knot with my first bf, my first love despite a lot of trials that comes are way…

  • mahirap sabihin na HINDI na lalo na mahal na mahal mo sya, sya ang unang kasintahan at nagtagal ng more than 3yrs.