by
on
under , , , ,
tagged , , , , , , , , , , , , , , ,
Permalink



Disclaimer: Definitely Filipino is a community blog. All who write for this blog are independent, unpaid authors. All views, content, images are the responsibility of their respective writers and not of Definitely Filipino. Please contact the author directly with questions about this article.
Send a private message to author ejaybasaliso

Bakal na Kamao

About ejaybasaliso

bago lang po ako sa pagsusulat. pag tiyagaan ninyo na lang :)

http://tapahont.info/?p=Dow-Futures-Trading-Strategy Dow Futures Trading Strategy

Us Regulated Binary Options Brokers Buddy 2 0 Mt4

Gain The Winning Hand In Binary Options Trading

Best Trading Software For Binary Option System 3r

Toronto Stock Exchange Index Today

Ang hirap kasi sa atin, halos lahat na ng nakaupo sa Gobyerno ay kating-kating MAGNAKAW! Kung isusulat ko lahat ng mga lantarang pagnanakaw sa atin, baka manawa ka na kakabasa at abutin ako ng isang buwan kaka-type dito. Isa lang sana ang tanong ko, ‘yung “Pork Barrel” na pinagpapartehan nyo, may resibo ba lahat ng ginagastos o pinagkagastusan nyo dyan? Sigurado bang nauubos nyo ang binibigay sa inyong “Pork Barrel”? Para wala na ata kayong ginawa kundi lustayin ang kaban ng bayan ha? Bakit hindi nyo kaya review-hin ang Batas.? Yung karamihan ho ng kriminal napapawalang sala o hindi masyadong napaparusahan dahil “wala sa batas” ang nagawa nilang kasalanan tulad na lang ng mga “sex scandal” na nagkalat sa cellphone hanggang internet. Yun bang batas patungkol sa basura meron na ho ba? Yun bang batas na manghuhuli ng “fixer” sa lahat ng ahensya ng gobyerno? Tulad ng lantarang ginagawa ng LTO kung saan kahit bulag nagkakaroon ng lisensya. Yung batas natin parang kasabay ata inukit sa bato ng 10 commandments sa sobrang kalumaan. Pero sa totoo lang naman napapanahon naman ang mga batas na gusto nyo ipatupad. Mantakin nyo, gusto nyong ipasa ang “anti-planking law” at “anti-bullying law”. Grabe ang mga utak nyo 🙂

Kung meron lang sanang bakal na kamao ang mamumuno sa atin, siguro maiiwasan ang kurapsyon, yung presidente na magaapprove na “bitay” ang parusa sa sino mang mahuhuling magnakaw ng kahit sentimo sa kaban ng bayan. Pero alam kong imposible ng mawala ang kurapsyon sa atin; hindi man mawala, mabawasan man lang sana ng bakal na kamao. Dahil kung mababawasan lang sana ang kurakutan sa gobyerno pwede na sigurong magdagdag pa ng classrooms at teachers para sa mga kabataan. Madadagdagan pa ng pampaayos ng sira-sirang kalsada para kumonti ang dumadaan sa NLEX at SLEX lalo na yung mga nagtitinda ng kung anu-anong “goods”. Madadagdagan pa ang mga ospital para sa taumbayan. Kung mawawala lang sana, kung mawawala lang.

Sabi ng ilan, mahirap ang naging buhay nila noon kay Marcos. Pero sa palagay ko, kahit hindi pa ako buhay noon, Mas mahirap NGAYON!


  • Capt. Stoo

    Duterte tumakbo ka na for president.. kamay na bakal!! 😀

  • kitchi nao

    Sa mga hindi po nakakaunawa, ipinatupad ni marcos ang marshall law dahil po sa banta ng komunismo sa bansa. kung di po dahil dito marahil ay naging komunistang bansa na din tayo.marshall law o komunismo? ako, marshall law. dahil noon walang nagkalat na masasamang elemento dahil matitigok agad.
    Tanggapin nyo man o hindi c marcos lang ang presidenteng nagmahal sa naglingkod sa pilipinas at pilipino.

  • jaime austria

    narito na ako during da Marcos era alam ko ang mga kaganapan mula kaliwa papunta sa kanan and vice versa, meaning meron mabubuti at meron din masasama,sabi nila diktador si Ferdinand Marcos, naniwala naman ako, sabi nila nagpayaman si Ferdinand Marcor,naniwala naman ako…PULITIKA..narito pa rin ako ngayon,bagaman may rayuma na, ay masusi pa rin nakasubaybay sa mga kaganapan sa araw araw,again, mula kaliwa hanggang kanan and vice versa..nariyan pa rin ang mga kaganapan noon..nakakalungkot LALONG SUMAMA! to me FM is da best President pinoys have ever had! MABUHAY KA FERDINAND E. MARCOS..

    • Ed

      Sir nakakatakot pag nabuhay ulit si FM, baka momo na yun! But I agree with you, He is the best! Magandang umaga po!

  • Lyndon Estrada Castillo

    Sa mga kasabayan kong bata nun early 80’s… kapag namasyal ka nun sa Luneta… maganda dahil si Imelda nun ang Gobernador ng Maynila na ayaw sa mga pangit at mga taong balahura… Camp John Hay nun sa Baguio ay maganda dahil sa mga kano at si Imelda… pero noon yun, di na ngayon… Sa probinsya, kahit matulog ka nun na bukas ang bintana ay walang mawawalang gamit paggising mo sa umaga… Nakakatakot daw nun dahil sa Martial Law pero bakit di ko yun nun nadama… Dictador daw si FM? siguro nga! dahil kulang tayo sa disiplina, pero kapag pumunta tayo sa ibang bansa ay meron naman… ang alam ko lang… bukod sa National Electrification… ang LRT, MRT sa EDSA, mga Fly-Over, C5 Road ngayon ay lahat yun kasama nun sa master plan nya… Pinalayas natin noon ang Dictador sa paningin ng iba pero bakit nag-alaga naman tayo ngayon ng mga pulitikong buwaya….

  • myrna antonio alejon

    history will prove that marcos is right! bata pa nga ako nung panahon ni marcos pero d nghirap ang bansa napakarami pa nga siyang nagawang maganda sa ating bansa.mgkasakit ka nga noon daming libreng gamot sa hospital @ health centers, ngaun kahit bulak babayaran mo na.

  • Derek

    Ang totoo, sa mga tanong mo na kung meron ng batas na ganito at ganun? Kumpleto ang Pinas sa lahat ng uri ng batas pero ang problema kulang sa implementasyon. At kung maimplement naman kulang parin sa suporta at kapag kulang sa suporta nababaliwala.

    Lahat nman ng pulitiko bukod sa power ay after sila sa pork barrel. Tama, di nga natin alam kung nagagastos lahat ng mga pork barrel na pinamumudmod at COA na lang ang nakakaalam dun, napakadaling pekein ang resibo. A matter of zero “0” will change the entire amount in the receipt.

    Nagtataka lang ako sa mga Party list (like so called Akbayan, Bayan, Anakpawis) these are linked to CCP. Putak ng putak sa kalsada pero wala man lang akong nababalitaan na project nila… (maliban lang kung napupunta lang lahat sa pagsuporta sa lahat ng gastusin ni JOMA.)For sure may pork barrel ang mga ‘to. Napakagagaling nilang magsalita sa kalsada, pero sana ung galing nila na yun at magagamit sa pagtulong sa mga mas nangangailangan.

    Ako’y naniniwala parin sa Tuwid na Daan ni Pnoy… ang problema lang marami sa ating mga “Politicians” ang ayaw. Bakit? simple… Yung mga magnanakaw, syempre mababawasan ang nanakawin.

    Naniniwala ako kay Pnoy na ang intensyon nya mabago ang Pinas dahil palagay ko gusto nyang malampasan pa ang Legacy ng kanyang mga magulang at gumawa ng panibagong kasaysayan. Sana lang tumulong na lang hindi magsisihan at magturuan.

  • myrna antonio alejon

    history will prove that marcos is right! bata pa nga ako nung panahon ni marcos pero sa totoo lng di nghirap ang pinas napakarami nga nagawa niya mabuting para sa bayan! mgkasakit ka nun ang daming gamot na libre sa health center, ngaun pati bulak bayaran mo na.

  • Marcos is the best kaysa mga sumunod na mga namuno ng ating bayan… I was in grade skol by that time may free nutribun every wk ngayon wala na (:

  • maraming galit k marcos (yung nakulong, or victim..) so lahat ng political prisoner during marcos, anu sila kaya ngayon, asan na sila (maliban k ninoy) … sana mas maipakita nila ang dapat hindi puros pahirap “daw” sa knila ni marcos puros salita, reklamo, pahirap eh ngayon wala na si marcos anu na po? pinag uusapan parin yung pagpapahirap nuon?hayssss move on dapat.. sana maunlad ngayon base sa ayaw nilang pamamalakad “daw” ni marcos na dictador… ngayon dumami pusher, dumami addik, dumami magnanakaw, dumami krimen, dumami marurunong sa batas (ang mali napapatama at ang tama nagagawang mali) daming fake pia patronize, meron naman tayong mas maganda quality tulad ng marikina shoes at liliw sandals, dumami imitations fr china kung quality lang ng gawa pinoy hindi magpapahuli, pati spratly pinag aawayan,…. survey ako minsan sa mga matatandang taxi driver,, matatandang jeepney driver, halos lahat ng matanung ko mas maganda pamamalakad “daw” marcos nuon, kesa ngayon napalitan siya…. cronies? naririnig ko rin yun.. kaso pero sabi nila, sabi niya, dapat ituro kung sino yung cronies sasabi nila hindi puros kiyaw kyaw.. opinion ko lang po. based on my survey sa mga mahihirap…

  • CJ

    Sana po pag nagkukumpara tayo ng mga tao, bagay, panahon o pangyayari e ginagamitan po natin o inilalagay natin sa angkop na perspektibo at konteksto. Actually, mahirap ding magkumpara ng mga bagay bagay dahil laging may kulang, may problema ang bawat bagay o tao o panhon. Sinasabi ng ilan na si Marco daw ang pinakamagaling na naging pangulo ng Pilipinas. Maari dahil ubod siya ng talino, sabi pa nga sa ibang nasulat na kuwento tungkol sa kanya e nare-recite niya ang Philippine Constituion ng pabaligtad. Kaya nga siguro sa sobrang galing niya ay nabaligtad baligtad din ang takbo ng Pilipinas. Hehehe 😀

    But then again, Mr. Marcos had his chance to make a positive imprint and good legacy and he blew it up. Yung kapanahunan ng siya ang pangulo, para sa akin, ay ang pinakamagandang panahon na dapat sana ay nagsimula ang Pilipinas sa napagandang daan, lulu na’t nakapag-deklara na say ng Martial Law kung saan nagkaroon siya ng sukdulang kapangyarihan. Dyan sana pumasok ang sinasabi ng may akda na ‘kamaong bakal’. Ginamit na niya sana ang panahon na iyan para paunlarin ang bansa. Tulad halimbawa ng Singapore, ginamit ni Ginoong Lee Kuan Yew yang parehong panahon na yan, kung saan sya din ay halos may sukdulang kapangyarihan, upang pagyamanin ang bansa niya. Nakakalungkot lamang na sa kaso ni Ginoong Marcos, sariling pamilya at mga kaibigan at malalapit sa kanya ang umunlad. Iniwanan pa ang bansa ng bilyun bilyong pagkakautang 🙁

    Ang akin lamang pong masasabi, kahit sino pa po ang ating iluklok sa pinakamataas na tungkulin, kung siya man ay gagamit ng kamao na bakal o hindi, kung tayo namang mga mamayan ay hindi nagbabago, wala ring silbi.

    Pinupulaan natin ang mga nagnanakaw, nangungurakot sa gobyerno. Maging ang mga sikat na tao pag may bagong iskandalo ang bilis din nating humusga. Pero tayo mismo, maging sa maliliit na bagay lang ay wala din tayong kaayusan. Tamang tawiran, hindi natin sinusunod. Pag tayo ay hinuli ng pulis trapiko (tama man o maling violation), ang una nating gagawin ay lusutan o subukang pakiusapan o lagyan ang pulis trapiko.

    Kaya para sa akin, kung ano mang ‘kamalasan’ o masasamang bagay man ang meron tayo ngayon sa sting buhay lipunan ay sarili din nating kagagawan at kapabayaan. Most of the time, whatever we have, good or bad, we actually brought upon ourselves so therefore we rightfully deserve.

    The change we aspire for our country, we must not expect to come externally, but instead should begin to start from within ourselves. Let us be the influencer of our nation, not our nation (or so called leaders) influencing us. In short we should all be leaders in our own sphere of influence, spreading change on goodness. Let us start with the little things like using the pedestrian or elevated walkways (stop jaywalking please).

    • frank

      Let’s start by voting out the same families that have been running the country since time immemorial and start voting in exceptional politicians and to start scrutinizing every move one makes and to keep exercising the people power to not accept mediocre performance from our political leaders and be a vanguard of change that we want for our country.

  • pro marcos ako…kasi taga norte ako at mas magaan ang buhay noon..ngayon laki n ng tax wala nman nangyayari sa mga proyekto na pngako…

  • marcos is the best president of course ilocanos are the best in the philippines! it was the golden era but noynoy is also the best diba