by
on
under
tagged , , , , , , , , , , , , , , , ,
Permalink



Disclaimer: Definitely Filipino is a community blog. All who write for this blog are independent, unpaid authors. All views, content, images are the responsibility of their respective writers and not of Definitely Filipino. Please contact the author directly with questions about this article.
Send a private message to author iamEdgevasquez

Ayun may JEEP!

About iamEdgevasquez

isang tao na PASSIVE. nakaranas ng diskriminasyon ng mga kaklase. umibig, nasaktan at ngayon ay naglalakbay sa isang daang may Tiyak na Patutunguhan. isang estudyante na handang tumulong sa lahat. Madami akong kaibigan. Pero mas madami ang gustong kumalaban. isang taong gustong maging bokalista at mag drums. dating Dancer ng isang sikat na hiphop group ngunit tumiwalag at tinahak ang bagong landas ng buhay. :)

Ang JEEPNEY ang isa sa pinakasikat na transportasyon ng bansa. Mayaman ka man o mahirap , pagkasakay ng jeep eh pantay-pantay lahat. Walang pakialam ang katabi mo kung anak ka man ng senador, presidente, o ni HENRY SY. Ang alam lang nila, SUMAKAY ka ng jeep at magbabayad ka din katulad nila.

Teka muna, ikaw ba may karanasan sa jeep ?

Tayong mga JUAN ay hindi maitatangi na mahilig tayo sumakay ng JEEP.  BAKIT? Dahil mura ito at mabilis.
Pero may mga panahon na mapapamura ka talaga, hindi dahil sa jeep kundi dahil sa katabi mo o sa driver na lasing na nagmamaneho ng sinasakyan mo.

Galing akong paaralan at gusto ko ng umuwi. Syempre bilang estudyante mas makakatipid kapag nag-jeep ako.

Ewan ko ba kung bakit may mga taong sumasakay ng jeep pero daig niya pa ang sumasakay ng TAXI.
Alam ko na may nakaengkwentro ka nang ganito, pero syempre, entry ko to kaya iisa-isahin ko ang mga JUAN at JUANA na mala-reyna sa loob ng jeep.

UNA sa listahan ang JUAN at JUANA na AYAW MAG-ABOT NG BAYAD.
– Ohh ha ! Sino ang hindi naka engkwentro ng ganyang JUAN at JUANA na kahit anong pakisuyo mo ay ayaw mag-abot ng bayad?
Pero ‘pag ang bayad niya ang ipapaabot, daig pa niya ang mayordoma na makapag-utos . Galing noh ?
Kunwari walang narinig at tumitingin sa cellphone kahit walang LOAD ‘wag lang makapag-abot ng bayad ng kapwa pasahero. Bakit alam ko? Dahil gawain ko din ‘yun minsan , at pati ikaw din 🙂
Buti na lang sana kung lahat ng jeep ay may konduktor, pero hindi eh . Kaya simulan niyo na mag abot ng bayad .

PANGALAWA, mga JUAN at JUANA na HALOS SAKUPIN na ang BUONG UPUAN NG JEEP.
– Excuse me ! pwede paki urong ? Yan ang sinasambit kung magpapausog ka ng tao para makaupo ka ng tama . Eh anak ng #$%@! Bakit may mga taong ayaw umusog ?! Bakit? Sa kanila ba ang jeep ? Dalawa ba binayaran nila at ayaw nila umusog ? MABIGAT BA MGA TOOOOT nila at mahirap iangat? ANO BA ?!
– Minsan sumakay ako ng jeep at syempre rush hour yun, mejo masikip , pero tong isang babae, grabe makabukaka ng mga HITA niya at naka side view pa, ano akala niya sa jeep ? MERCEDEZ BENZ niya? syempre pinakiusapan ko na umusog ng konti kasi pareho lang kami nagbabayad . Eh ayaw kaya sabi ko sa konduktor, hindi ako ang magbabayad dahil hindi ako nakaupo, yung isa ang singilin mo. AYON ! naka LIBRE ako at naturuan ko pa siya ng leksyon.

IKATLO at medyo madami ang matataman, ANG MGA MAGKASINTAHANG NAGLALAMBINGAN .
-Weeet ! Pasintabi po. ETO AY OBSERBASYON KO AT TOTOO ITO< AMININ MO MAN O HINDI ALAM KONG NATAMAAN KA .. 🙂
– Eto yun , alam naman namin na inlove na inlove kayo sa isa’t – isa  at alam naman namin yun . OO . OO . OO !
– Ang point, hindi masama na maglampungan kayo at maghalikan at mag-ano pa man .. PERO naman ,gawin ba namang motel ANG JEEEEEEPPP!!!
Sabi nga ng teacher ko sa PDPR4 .. “SAVE YOUR PASSION LATER.” Hindi kasi magandang tingnan yun. JEEPNEY is a public vehicle, since it is PUBLIC you should act properly . HINDI SIYA SWEET TINGAN O NAKAKAKILIG . Magmumukha ka lang CHEAP dahil pumapayag ka sa na JEEP ka lambingin ng BF/GF mo.

PANG-APAT .. MGA JUAN at JUANA na may PUTOOKKKK !
– Ilang beses mo na ba nakatabi ang mga juan at juanang may BOMBA ..
Ano ang gagawin mo kung ang katabi mo ay may BO ?! Bahala na si batman basta makapagtakip lang ng ilong at makalanghap ng sariwa at UNPOLLUTED na hangin mula sa jeeeeep !

‘Yun ang mga MAJOR MAJOR na napansin ko sa loob ng jeep at masasabi kong  ang jeep ay isang transportasyon at hindi MOTEL, BAHAY,o MERCEDEZ BENZ . Igalang naman natin ang mga sakay nito at pati ang sarili mo . Ang jeep ay pampublikong transportasyon .. TRANSPORTASYON ng mga ibat-ibang klaseng tao . Kung natamaan ka , natamaan din ako. Kung hindi ka natamaan .. BAHALA KA SA BUHAY mo . 🙂

pero walang halong biro .. seryoso ako ..

paki-abot naman ng bayad ko . 🙂


You may also like these articles:

  • Christian

    kanerbiyos din sa jeep ung mga nagmemake up. pano kung biglang preno,masundot ka pa ng eyeliner o mascara. haha! at maglu loose powder yan. bago sumayad sa mukha, ipapagpag muna. pano naman, te, kundi ko brand gamit mo? hehe.

  • Why, did our President rode a jeepney? It’s a big no coz jeepney is for the poor people only.

  • Tomo

    grabe, super badtrip yung mga hindi nagaabot ng bayad na yan.
    minsan gumanti ako tinisod ko nung pababa yung ayaw magabot ng bayad hihihihi.

    pag konti lang kami sa jeep, ako na lumalapit sa driver,
    or may mga tao lang talagang palmuks, mostly BABAE.

    hindi ako sumasakay sa masikip na jeep kahit isang oras pa ko mag-antay, ganun din naman
    mangangawit din naman ako di ba?

    minsan naman yung mga taong nakaslant yung legs,
    no choice slant din ang paa mo. kaya mahirap umupo.

    may mga tao lang talagang badtrip at taong mababait.
    🙂

  • Pao

    Meron pa.

    If dalawa lang kayo sa jeep. Yung isang tao nasa malapit sa pintuan ng jeep, at ikaw naman eh nasa tabi lang niya. Tapos ipapaabot sayo yung bayad. Kapal muks ha, ikaw mageffort lumapit sa driver. Ako pa papalapitin mo.

  • redscarlet

    Agree ako sayo on points 1 and 2. Dapat naman talaga ang mga tao na sumasakay ng jeep ay marunong makisama at mag-abot ng bayad. Pati din ang pag-upo, pantay pantay lahat, at dapat hindi sakupin ang halos dalawa (2) upuan.

    Meron pa ako sana gustong idagdag sa blog na ‘to, at eto ay hindi para sa mga pasahero kung hindi para sa mga operator / drayber / barker ng mga jeep. Marahil naranasan nyo na rin ‘to — ang paupuin ng sapilitan na alam naman ng drayber at barker na ang jeep nila ay 18 seater lang, pero ginagawa nilang 20 seater — kaya ang dalawang (2) kawawang pasahero ay kapiranggot lang ang upuan at minsan ay naka-skwat na.

    Oo, meron naman tayong option na bumaba nalang. Pero napansin ko, ang mga drayber ay sadyang umaandar agad at umaalis ng terminal para hindi ka na makababa ng jeep, o kung bumaba ka man, malayo ka na sa sakayan at alanganin na ang bababaan mo.

    Para sa akin, lahat tayo ay may karapatan makabyahe ng maayos, matiwasay at na aayon sa ating binayad. Maaring maliit lang ang halaga na walong (8) piso na ibinabayad natin sa jeep; pero bakit sa lahat ng mga nakaupong pasahero, ikaw lang ang naka-skwat at hindi nakaupo ng komportable? Ito ay isang bagay na hindi dapat natin palagpasin. Para sa akin, nilalabag nito ang karapatan mo bilang consumer / byahero pati na rin ang anti-overloading na batas sa kalsada.

  • JAMES RAMOS

    Walang hindi sapul sa Blog mo igan! yari talaga…

  • TUMPAK..!

  • Rosei

    Matagal na din akong hindi nakakasakay ng jeep at miss ko na uling sumakay non..ilang beses na nga akong naka.encounter ng mga taong akala mo kung sinong donya na di ka man lang pwedeng makisuyong iabot ang bayad mo at yong mga taong di man lang marunong magpasalamat sa pag-abot mo ng bayad nila..pero mas ok pa yon sakin..ang hindi ko talaga carry ay yong may katabi ako na grabe ang putok,..wheeewwww,di pwede skin yon kasi mahiluhin pa naman ako…nakakainis din yong may mga taong naglalampungan sa loob ng dyip,bahala na ba kung magalit sila,nagpaparinig talaga ako..para sakin ang baba ng tingin ko sa mga ganong klaseng tao…

    • Simply Amazing

      So ano ginagwa mo sa may BOMBA kung mahiluhin ka hahaaa… kakamiss talaga sumkay sa dyip.. Almost 2 years na akong nd nkkasaky sa jeep… heheee….

      • Rosei

        “ano ba yan,may dala pala akong deodorant at pabango dito,sinong may gusto?,at biglang takip ng ilong”..yon lang naman ang ginagawa ko eh..hehehehe…..pero minsan may mga tao talagang sadyang walang pakialam,kaya nong minsan na di ko na talaga nakayanan,syempre bumaba na lang ako kaysa mahilo pa sa loob ang mabahong dyip…1year na akong di nakaskay ng dyip,at sobrang nakakamis din nman..ilang beses ko na bang naranasan na prang naka-skwat lang sa pag-upo para lang hindi mahuli s trabaho,habang yong iba nakabuka pa ang paa habang naka-upo at nagpapakita ng hindi naman kakinisang mga binti..hahahaha

  • aaminin ko..natamaan ako.!

  • hehe…natamaa ako…

  • Fyi, d ngjejeep ang mga mayayaman, ngtataxi cla so don’t ever talk about equality,. Ang tunay na equality eto: ang mayaman ay pntay sa kapwa mayaman at ang mahirap ay sa kapwa mahirap

    • nonoy

      yan ang akala mo. may ilang mayayaman ang nakakaranas ng “peer pressure” minsan pag may pupuntahan ang magbabarkada at jeep lang ang paraan, sumasakay sila kasama yung mayaman.

      • Miss Economist

        Tama si Wewe. Mayaman naka-jeep? Kelan pa? I’m sure mayroon namang nakaranas na, pero I’m sure this is far from your regular occurrence. Naka-kotse pag mayaman, syempre. Tapos, syempre friends nila mga mayayaman din. Like attracts like kaya?

        • nonoy

          ang sabi ni wewe hindi sumasakay ng jeep ang mayaman which is untrue. may ilan talaga though not always, sumasakay ng jeep.

          may mga mayaman din na low profile.

          • ritz

            tama..

  • Aminado akong tinamaan ako 🙂 Lalo na sa pinaka una :))

  • PROUD TO BE A FILIPINO….