Hindi ako dati nakisawsaw sa issue ni Mideo Cruz kasi busy ako ng mga panahong yun at hindi ko pa nakikita ang mga larawang ito.. ngayon lang.

Ayoko na sanang magkomento sa mga larawang iyan na nilikha ni Mideo Cruz,sining ito na supposedly e may mensahe daw na dapat iparating, Poleteismo.

Natuwa at namangha ang mga kapwa niya artist at ang mga artist wannabes, ito daw ay mapangahas at ibang level ng sining dahil sa mensahe at pagkakagawa nito. Uminit naman at na hayblad ng husto ang mga lider ng simbahang katoliko at ang mga catholic wannabes sa mga imaheng sa tingnin nila ay pambabastos sa kanilang Diyos na sinasamba. Malamang daw e maloka si Pope Benedict at baka bumangon sa Hukay si Pope John Paul pag nakita ang mga ito. Yung iba naman, “yaan niyo na, trip niya yan eh”

O.A daw ang mga reaction ng mga kristiyanong nabastos. Uber uber daw ang pag rereact sa imahe ni Kristo na may titi sa noo at may mickey mouse headgear at may naghuhumindig na hotdog sa Krus.
Kalmado naman ng unti ang mga artist. Ang art daw ay isang way ng expression at walang dapat makialam kasi nasa Pilipinas tayo na isang malayang bansa, kaya kahit nakakabastos sila, walang basagan ng trip. Wapakels.

Reaksyon ko naman, SHUTANGNABELLS. BADTRIP. Ayoko maging magmukhang bias, pero isa akong katoliko, may pananagutan akong ipagtangol ang relihiyong aking pinaniniwalaan. Para sa amin, si Jesus ang aming ama, Diyos at Panginoon. Eh kung lagyan ko ng titi sa noo ang mga tatay ng mga artist na yan at i display ko sa CCP, sabay palusot ng may mensahe ang ginawa ko, matutuwa ka? masasabihan niyo pa kaya kaming ang O.A naman?

Okay kakalma ako unti.

Ang sa akin lang naman, paano tayo magkakaintindihan, kung nagbabangaan tayo ng pinaniniwalaan. Try natin galangin at irespeto ang isa’t-isa, mahirap na ba yun sa panahong kasalukuyan? Pwede ka magpahayag ng sining sa napakaraming paraan na hindi mo na kailangan bastusin ang mga taong may sariling pinaniniwalaan. Kung hindi mo naiparating ang mensaheng gusto mo, bilang isang artist, hindi kaya may problema sa iyong ginawa? At sa mga supoporters mo, hindi kaya masyado lang kayong matalino para maintindihan ang pinagkaiba ng sining sa kabastusan? O feeling niyo e higit kayong may alam, o mga nagpapaka deep para lang maging astig?

Magandang araw sa inyong lahat.

Enhanced by Zemanta