Home » MISCELLANEOUS » “Sino ba Talaga ang Star ng Pasko?”

“Sino ba Talaga ang Star ng Pasko?”

Panahon na naman kung saan ang lahat ng tao sa buong mundo ay naghahanda para sa isang okasyon kung saan ang lahat ay nasasabik ng sumapit, eh ano pa e di ang PASKO. Pero teka lang, kapag narinig mo ba ang salitang “Pasko”, ano ang unang pumapasok sa utak mo?. Hulaan ko, siguro ay si Santa Claus na may dalang mga regalo o kaya naman ay mga Aguinaldo na galing kila ninong at ninang kung hindi naman kaya ay christmas tree, simbang gabi, puto bungbong, bibingka at iba pa.
Bago ko iparating sa inyo ang aking punto, kwentohan ko muna kayo.

(Si Santa at si Papa Jesus nag-uusap sa araw ng Pasko)

Papa Jesus: Alam mo Santa nalulungkot ako.

Santa: Bakit naman?

Papa Jesus: Dahil tuwing birthday ko, ikaw ang hinahanap at naaalala nila at hindi ako.

Santa: (Speechless)

Marahil pagkatapos nyo basahin ang maikling storyang iyon ay napagtanto nyo na kung ano ang aking punto. Nong tinanong ko kayo kung ano ang unang pumapasok sa utak nyo kapag sinabing “pasko”, marahil karamihan sa inyo ay hindi man lang sumagi sa isip nyo ang ating Panginoon Hesus Kristo. Hindi ako magmamalinis, at sasabihing “oo, ang unang pumasok sa utak ko ay ang ating Panginoon”, aaminin ko kapag tinanong mo sakin ang tanong na iyan ay iba rin ang papasok sa aking isipan. Walang masama don, dahil tao lang din tayo at nagkakamali, sa bawat pagkakamali natin ay may napupulot tayong aral, at ginagamit natin ito upang paghandaan ang hinaharap.

Pero bakit nga ba si Santa Claus o ibang bagay ang pumapasok sa ating isipan kapag sinabing “pasko” at hindi ang ating Panginoon?. Sa aking palagay ay dahil, noong nasa murang edad palamang tayo ay namulat na tayo o nakasanayan nating makita ang mga imahe ni Santa Claus at ang paniniwalang kapag naging “mabait tayo sa buong taon” ay may darating na isang malaking lalaki na may puting balbas at nakasuot ng pula na magbibigay sa atin ng bagay na ating pinaka aasam-asam na makamit. Sa murang edad ay namulat tayo sa ganitong sistema o paniniwala, kaya tayo ay nagsusumikap na maging mabait sa lahat upang makuha ang bagay na ating ninanais, at ang ganitong paniniwala ay bumaon na sa ating isipan hangang sa ating pagtandan kahit pa na meron na tayong kamalayan kung bakit natin pinagdiriwang ang pasko.

Ang mga larawan na nagpapakita kung saan ang pinaka espesyal na sanggol ay sinilang sa loob ng kulungan ng mga hayop at namamahinga sa isang kama na gawa sa dayami ay  hindi na natin masyadong makikita o napapapansin tuwing panahon kapaskohan, kaya kung sino-sino o ano-anong bagay nalang ang pumapasok sa ating isipan kapag sinabing mo “pasko”. Ang ganitong eksena sa isang larawan ay hindi na masyadong napaglalaanan ng pansin ng karamihan, kaya ito ay hindi masyadong tumatatak sa ating isipan hindi katulad ng larawan ni Santa Claus, na napaglalaanan ng pansin at ating tinatangkilik ang paniniwalang nakamulatan.

Yan lamang ay ang aking opinion o palagay, hindi ko sinabi na lahat ng tao ngayon ay ganyan pero sana pagkatapos nyo basahin ang artikolong ito ay, maalala nyo ang dahilan kung bakit natin pinagdiriwang ang espesyal na araw na ito, dahil ito ay ang araw ng kapanganakan ng ating Panginoong tagapaglistas na Si Hesus Kristo, at pinakita nya sa atin ang liwanag patungo sa kaharian ng kalangitan. At dahil dito para sakin, at sana para din sa inyo, si Jesus ang tunay na “Star ng Pasko”.

Enhanced by Zemanta


©Copyright 2011, Definitely Filipino™ Blog Network. All rights reserved. Unless otherwise stated, all articles in this blog are opinions of their respective authors and not necessarily of Definitely Filipino and its staff.


You may also like:

2 Responses to “Sino ba Talaga ang Star ng Pasko?”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*


*

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>