Ok.Maganda ka.Matalino.May career.Ika nga ni Vice Ganda “Ikaw na ‘Te!”

Pero bakit sa dalawang libong FB male friends mo,isama mo pa ‘yung sa dating Friendster account mo,wala ni isa. Uulitin ko: WALA NI ISANG LALAKI ang nagtangkang baguhin ang relationship status mo. Sumpa? Kulam? O baka dahil sa limang kadahilanan.

1) Closed-minded.
Pinanganak ka at nagaral para lamang sa doktor, abogado o engineer. Pwede na rin daw manager sa bangko o pulitiko sabi ng nanay mo. Naniniwala kang ang pag-aasawa ang magaahon sa everyday instant noodles na ulam mo. Hindi masama ang mangarap. Ang sabi nga, you deserve the best. Pero sa kakaantay mo sa doktor na pinapantasya mo, dumaan na pala ung nurse na prince charming mo. Ano ka? Single parin!

2) High Standards.
Kung hindi mo naman kamukha si Angelina Jolie, walang dahilan para dapat kamukha ni Brad Pitt ang maging boyfriend mo. Relationships that last a long time are not based on physical attraction. Dahil sa panahon ngayon, lahat pwede na. Maputlang bampira sa mortal halimbawa.Oo nga at normal na ung ‘ideal guy’, but DON’T use this as a basis for rejecting people. Give everyone a chance to know them well. Sa kakataas mo ng standard, ano ka? Single parin!

3) Bitter.
Ampalaya. Ilang beses mo mang ipagsigawan ang ‘I love me, who needs men?” status, wa epek! Hindi nito maitatago ang katotohanan. Lahat naman tayo dumaan na dyan. Breakups. Broken-hearted. Pagpapakulam ng ex. Planong pag pigil huminga. Nagcross my heart hope to die na hindi na talaga maiinlove. But remember, not all guys are out to break your heart. Hindi mo makikita ang para sa’yo kung  pilit mo pa ring sinisilip ang FB account ng ex mo. Let go. Sa kaka-unfriend, friend, unfriend..friend mo sa kanya..ano ka ngayon? Single parin!

4) Desperate.
Ano kayang bagay sa maroon fushia pink with lavander na shoes? Ilang anak ang gusto mo? Maganda siguro ang baby powder stardust yellow para tiles sa kusina noh? Maniwala ka man o sa hindi, lahat ng lalaki hindi yan ang nasa isip sa FIRST CHAT ninyo. Ano ngayon kung malapit ka ng mawala sa kalendaryo? Ubos na lahat ng single batch mo. Ninang ka sa lahat ng anak ng mga kaedad mong pinsan. Relax. Be cool. Desperate women are the last thing a guy wants. Dahil habang iniisip mo kung ilang abay ang kukunin sa “future” wedding nyo, sumisibat na ang potential manliligaw mo. Ano ka ngayon? Single parin!

5) Right Person.
Kung hindi ka sa apat na dahilan nabibilang, wag kang mabahala, eto ang para sayo: Sagot ng kaibigan mo at ng  suki mong manghuhula sa Quiapo….DESTINY. Bawat kaldero may nakalaang takip. Finding the right person daw just happens when you least expect it.  Bente ka man o kwarenta. ‘Yun ay kung ititigil mo ang kakaabang sa daily horoscope mo. Wala dyan ang sagot kung bakit single ka parin!

Ayon sa msnbc.com, “Single people may die younger, new study finds”
Bago mo inumin yang sampung tabletang paracetamol na hawak mo at ilagay sa sobre yang suicide note na ginawa mo habang nasa trabaho ka, think about it. Baka nga naman nasa maling road ka lang. Love moves in mysterious ways. If it can happen to a lot of people, mangyayari din sa’yo.