OFW daw, mayabang!
Hmmm… narinig ko na ito. Di lang isang beses. Marami na. At marahil dahil kabilang din ako sa kategorya ng bagong bayani, madalas na rin akong sabihan ng ganito – pati ng kapwa ko OFW.
Pano nga ba naman di masasabihang mayabang? Tuwing uwi, merong bagong damit, bagong appliances, bagong sapatos, bagong cellphone, bagong laptop and take note, meron na rin Tab. Lahat ng latest gadgets meron si OFW… no wonder, mayabang!
Isipin muna natin, talaga nga bang mayabang? Eto ang mga scenario:
Pagdating sa airport, pusturang pustura na. Me hepatitis na sa lapad ng gintong kwintas na nakasabit sa leeg nila. Sa gate, isa isa ng nilalabas ang mga gadgets na dala – digicam (picture-aking muna syempre), laptop (macbook actually) kasi merong free wifi sa airport. Pero masyadong mabigat ang laptop, blackberry na lang o kaya iphone (or ipod touch) na lang para di bulky. Nagtatawagan na para ikumpirma na susunduin sila sa airport ng mga mahal nila sa buhay. Then, off to the plane.
Paglapag ng eroplano, malayo pa lang, di pa man nakakarating sa immigration, alam mo na ang mga OFW. Kasi, bago dumating sa immigration, daan muna ng duty free para bumili ng imported chocolates (each bag is worth US$33) at alak na worth US$100 (3 bottles lang ha) na talaga namang binili dahil me kasama itong trolley bag. Samahan mo pa ng sigarilyo. Di lang yun, ang pambayad syempre dollars din. No wonder madalas target ng mga airport employees.
Sa customs, kelangan i-declare mo lahat ng dala mo. Okay lang naman. Pero kung bago ang gamit na dala mo, kelangan me receipt at magbayad ng tax (custom tax). Kadalasan, ang mga inuuwing gamit or appliances puro gamit na. Syempre, kelangan i-check kung gumagana sabay gamit na rin di ba? heheheh!
Pagdating sa labas, nandyan yung mga di magkanda-hulog at nagkukumahog na magtutulak ng trolley para pagdating sa baba (waiting area), baka sakaling maambunan naman daw ng biyaya (pangkape man lang). Di kaya pinupulot ang pera sa ibang bansa?
Sabi nga ng nanay ko, “mahirap kayang mag-is-is ng kubeta ng bahay ng ibang tao.” Pero ginagawa yun ng isang OFW. Kelangan kumita ng pera eh.
Scenario sa baryo:
Eto na, nakarating din sa wakas sa bahay. Alam na ng buong baryo na dumating ka na. Araw-araw me bisita, nagpaparamdam kahit yung mga hindi mo naman masyadong ka-close para makahirit daw ng utang. Kesyo dumayo pa sila mula sa probinsya, nanghihingi ng pamasahe. Minsan pa nga, me nakapagsabi sa kaibigan naming “Ineng, baka meron kang pinaglumaang ginto?” Ano! Naluluma na pala ang ginto… hahahha!
Ang masama pag tumanggi ka sa mga hirit nila, sabihan ka nila “mayabang”… “akala mo kung sino. Nakarating lang ng ibang bansa…etc.”
Syempre di maiwasan ang family time – in the mall. Nandyan din yung halos araw-araw nasa mall, bili ng kung ano-ano. Hayyy! Nakakapagod kaya yun.
Bilang isang OFW, aminado ako, ngayon ko naranasan na makamit lahat ng materyal na bagay na dati hiling ko lang. Ngayon ako nakakabili ng sarili kong mga gadgets na kahit paiyak kong hinihingi sa mga magulang ko, eh di nila maibigay. Sabihin na nating ngayon ako bumabawi.
Pero lahat yun, pinagsikapan kong makamit. Nagtrabaho ako para mabigyan ang sarili kong kapritso. Di ako umasa sa iba na ibigay ito sa akin, dahil wala namang gagawa nun kundi ako lang. Di pinapala ang pera sa ibang bansa, pinaghihirapan din ito.
Gayunpaman, sinisikap ko na wag magdamot. Pero nawa maalis na sa mga nasa pinas na ang OFW mayaman. Mayabang man sila, yun ay dahil ngayon lang din sila nagkaroon. Pinagsikapan din nilang makuha iyon. By gives pa nga yung iba (utang na naman). Alam ko, mayabang pa rin ang dating.
Ganito na lang, isipin natin. “Wala tayong makukuha kung di natin pagsusumikapan”. Di tayo magkakaron kung di tayo magtatabi o maglalaan para sa pangangailangan o sa kapritso.
Ganun din si OFW. Kahit anong yabang nya pa. Lahat ng meron sya, dugo at pawis ang pinuhunan nya. Ilang puyat at sakripisyo din ang ginawa nya magkaron lang sya nun. I-guide na lang natin si OFW, sa mga tamang paraan ng paglustay nya ng pera.
It still depends on how you spend and what you spend. Do you really need that much gadget? If not, maybe an OFW should spend on something worthwhile. Minsan kasi, kung walang magsasabi ke OFW ng dapat pahalagahan, di nya ito pagtutuuan ng pansin.
©Copyright 2011, Filipino | Definitely Filipino™. All rights reserved. Copying of any article from this Definitely Filipino blog without permission, is strictly prohibited. DISCLAIMER: All articles are opinions of their respective authors and not necessarily of the site owner and Definitely Filipino.









Hahaha…..hndi nmn lahat,pro ung mga nkapag asawa ng ibang lahi un ang OMG,nkalimutan kung anung buhy myron cla s pinas kung mkaasta super mayamn sa pinas lahat ng kurso ntapos daw….hahaha…merry xmas
Mahirap sa mga kababayan natin ang intindihin kung anong klase ng buhay ang dinaranas ng mga OFW. Simula pa lang sa pag pirma ng kontrata sa agency – dulot ay kaba at panganib na ang bumabagabag sa ating mga OFW. Ano nga ba ang kahihinatnan nila pagdating sa ibang bansa lalong lalo na ang nabibilang sa bansa ng Saudi. Di alam ng ating kapwa pinoy kung anong hirap ang dinaranas ng ating mga OFW sa mga bansang ito. May maipadala lang sila sa ating mga mahal sa buhay ay uutangin pa nila kahit kapos ang kanilang kinikita. Di iniisip ng ating kababayan ang kalusugan at katayuan ng ating mga OFW. Nagpapakahirap sila para lang mairaos ang kabuhayan na sa katunayan nga ay kulang pa sa mga pagalipusta ng mga dayuhang katulad natin. Masarap lang sa isipan ng ating OFW na makaalis sa ating bansa sa kadahilanang sila’y kumikita ng mas higit pa sa kikitain sa sariling bansa. Di natin sila masisi na umalis dahil na rin sa hirap ng buhay sa atin – isa na itong oportunidad para makatikim ng masaganang buhay na di lang para sa sarili ay pati na rin sa naiwang pamilya. Malungkot na masaya ang pag alis nguni’t may kaakibat na pagaalala at pangamba sa paroroonang bansa. Mahirap ipaliwanag sa ating kababayan ang tunay na buhay na nararanasan ng ating OFW sa ibang bansa! Sana matuto silang magtanong: Ano ba talaga ang buhay sa labas ng bansa?
Maraming Pilipino kasi ang likhang MAYABANG AT INGGETERO !!! Para Bang mas alam nila kung paano gastusin ang pera ng ibang taong naghirap para makabili ng mga bagay na WALA sila !!!! Maganda itong paksang ito na para talaga sa mga Pilipinong iniwan ang mahirap na bansa upang makahanap ng magandang kinabukasan at sa pagdating ng panahon ng muling pagbabalik sa sariling bansa ay sasalubungin ng mga inggit na tingin ng kanyang mga kababayan at para bang responsibilidad pa ni OFW ang magbigay maski hindi man kakilala, galing nho !!!!!
Tralalalala accept d truth lahat mhrap ….myaman my kyabanganpra peace i live with u..
Kahit saan may mayabang,sa kanila nalang yun,maghusga kayo ng maghusga,hindi naman sila humingi sayo ng tulong,peace marry christmas nalang sa lahat
Cguro nag post nito ang mayabang
Merry Christmas po!! c”,)
yung mga ibang inggit jan, pwede lang ah… ung iba nag sasabing mayabnag kasi inggit… ung iba totoong mayabang… pero ayaan niyo na… imbis na kainisan… pwede ipagdasal niyo nalang? tst tst tst… HATE LESS LOVE MORE!
Mayabang tlga un tao.. un lng… at may down to earth din.. gets nyo.
di lahat gnun, pero pinaghirapan nman nila un they deserve to feel that way..bow ako sa mga OFW..like my hubby…thanks for all the sacrifice..
hindi lahat
bkit ano meron dto sa middle east at mayayabang ang mga tao?hehehe merry xmas..depende prin sa tao yan.may mga iba po tlga na wag ng maging showy kung ano meron na wala sa iba.mag pasalamat nalng sa blessings ni LORDgaung PASKO.Merry Christmas sating lahat ng malayo sa PAMILYA at minamahal.Saludo ako sa inyo!!
natural lang ciguro ng magyabang kc may ipagyayabang naman, kesa naman umuwi ng luhaan ano sa palagay nyo?
nd ibig sabihin mayabang n ang mga OFW. depende nalang s iisipin nang mga tao.ikaw b naman magpakakuba n magtrabaho s ibang bansa para lang maibigay ang pangangailangan nang mahal mo s buhay.anu b naman un bigyan mo din luho ang sarili mo which is pinaghirapan mo naman kitain ang ipangbibili mo. aminin nalang natin s mga sarili natin n tayong mga pilipino ay likas ang pagkamainggitin.ganun lang kasimple un, HINDI MAYABANG ang mga OFW.sadyang may mga tao lang talaga n mas gusto pang makitang bumabagsak ang kapwa nila.yan ang pinoy.CRAB MENTALITY!!!!!!!
sus kahit di naman OFW madami ren mayayabang dito….
Meron pero di naman lahat mayabang, meron lang talagang sadyang mayabang dahil nasilaw sila sa pera.
Di nman lahat ng OFW mayabang… may tao lang talagang mayabang porket nakarating nang ibang bansa
Hindi nman lahat cgro ung my ipagmayabang lang dn ang nagmamayabang ngaun. Try kya nla mag abroad ung mga naiinggit about ofw..
D nman lahat pero mas lamang ang mayabang, . .lalo n s gawing middle east daming gnyan. . .
OO..hhahaa..kala mo anung work dun..lol..mayabang na talaga..haha…wag ganun…hahai..
pasalamat ko na lang at kahit paano nakakaraos. Merry Christmas po, good vibes everyone.
Merry Christmas to everyone! Thanks for supporting us! By the way are now getting ready for New YEAR? I think we can have your NEW YEAR’S RESOLUTION here check our page! God bless you all! http://www.facebook.com/photo.php?fbid=297264170309353&set=a.145220878847017.22903.145214915514280&type=1&ref=nf
Hindi naman lahat,ang mga nagsasabi lang ng ganun mga naiinggit dahil ala sila,pero tayong nasa labas iwasan nating umasta na mayabang Merry Christmas to all,
LOl..tama nga naman…wag maging mayabang..kasi..dito sa pinas hindi lahat naghahangad nang pera from OFW! Anu kayu? Diyos? lol..at saka..iwasan nyo maging mayabang sa airport..kasi nagmumukha kayung ignorante poh pag ganun..ok na yung bagahi lng..basta healthy..wag yung puno ng alahas..anu kayu? Buddha? lol. Also, pinaghirapan nyo ang kapritso nyo? tama ba? Lol..i think dapat kayung maglaan para future..wag yung lustay nang lustay..walang mapapala nun. At saka, ang buhay ang bilog..lol..isipin nyo poh..nasa itaas kayu ngayun..bukas..ewan! See? kaya you should spend your hard earned money wisely… naglilinis ka nang kubita nang iba para pambili nang iphone? soo…lame! hahaha.
di lahat meron bago ,, baka ikaw lang …
ang ofw ay mga taong gustong mabigyan ng ginhawa ang kanilang pamilya, tinitiis ang lungkot at hirap para lamgng mabigyan ng kagihawahan ang mga mahal sa buhay. ‘yn ang d alm ng mga nakararami. ang alam nagpasarap ng buhay ung tao, d b nila alm n ang kapalit ay pangungulila at pagtitiis? mas maganda p nga ang buhay ng mga nnd2 lng s ating bansa- n buong mghapon nsa kalye nakikipagkwentuhan, naglalasingan, nagsusugal. pag-uwi s bahay kakain n at matutulog. d nmn sila napagod, d sila nagtrabaho pero kumakain ng tatlong beses isang araw. nasaan ung ginhawa ng ofw kung ihahalintulad sila s mga ito?
hay, ang mga pinoy nga naman.. kakarating mo pa nga lang sa ibang bansa, tinatanong ka na kung kelan ang uwi mo, rineremind ka na ng pasalubong.. kahit yung mga d mo talaga close, hinihingan ka ng pasalubong.
tulad na lng ng mga kapitbahay namin. noong bata pa ako, wala kaming tv kaya nangangapitbahay kami para makapanood ng tv. so, usually, nagsasara sila ng bintana at pintuan sa usual time na pumupunta kmi sa kanila. nung triny naming pumunta ng mas maaga, nung nakita nilang paparating na kmi, nagsira sila agad ng bahay at sabi, d daw sila manonod eh dinig namn sa labas yung sound. pero ngayung nandito na ko sa labas ng bansa, iilang araw pa lang ako dito, hiningan na ako kaagad ng pasalubong, kahit toblerone lng daw.yung iba nangungutang pa kahit ang layu2x mo na.
ang mas nakakainis, kapag nalaman nila na may boyfriend kang foreigner, akala nila mayaman ka kasi yung boyfriend mo mayaman. d namn lahat ng mga “non-filipinos” ay mga mayayaman. meron ding mga mahirap na ngpunta rin ng ibang bansa para magtrabaho. kunsabagay, bakit ka pa nga namn makikipagboyfriend ng hindi mayaman eh marami ka ring pwedeng masilong mapera sa labas ng pinas?? pero, para linawin ko lng po, lumabas po ako ng pinas para magtrabaho ng disente para may maipakain sa pamilya ko, kahit gaano pa kahirap ng trabaho, hindi upang maghanap ng boyfriend na susustento sa akin at sa pamilya ko.
sana naman ay magbago na ang pananaw ng karamihan sa mga OFW. katulad ng sinabi ni bebekoh, hindi kmi nagpapala ng pera dito, o namumulot ng ginto. naghihirap din kmi para lng umangat sa buhay, kahit kaunti…